CHAPTER 34

1671 Words
KRESHA’S POV “Ma’am, andito po si Sir Kyle,” sabi ni Jaylie kaya naman nagulat ako nang sabihin niya iyon. Nasa cafe ngayon si Kyle. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi niya. Bigla akong nabuhayan. Nakangiti akong nag-asikaso kahit na hindi ko alam kung ano nga ba ang ginagawa ni Kyle sa cafe. Kahit na kinakabahan ako ay hindi ko na lang inintindi iyon. Baka handa na siyang kausapin ako. Mas lalo akong na-excite sa naisip ko kaya naman nagmadali na akong makapunta ng cafe. Ilang minuto lang ang itinagal ko bago ako umalis ng condo. Mabilis akong nag-drive papuntang Cafe. Nang mag-park ako ay patakbo akong pumasok ng cafe. Sinalubong naman ako si Jaylie. Tiningnan ko siya ng nagtataka. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin bago nagsalita. “Nasa Vip seats po siya. May kausap po siya,” sabi niya naman bago umalis. Dahan-dahan akong lumapit papunta sa VIP seat. Kinabahan ako ng sobra dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito. Kaya nakakapagtaka lang. Nanang sumilip ako, nakita ko siyang nakaupo habang nakaharap sa laptop niya. Busy siya sa pagsasalita habang in-explain sa lalaki ang nasa laptop. Napangiti na lang ako nang makita ko siya na nakangiti. I miss him. Ganito na lang ba talaga kami? Ilang sandali akong nakatingin sa kaniya nang bigla siyang mapalingon sa gawi ko kaya agad akong nagtago. Gustong-gusto ko siyang kausapin at yakapin. Pero natatakot na ako at nagka-trauma sa nangyari noon sa parking. Muli akong sumilip at nakatingin sa siya sa lalaking kausap niya. Napangiti na lang ako dahil nakita ko na siya. Ilang saglit pa ay nakita kong tumayo ang lalaki kaya naman agad akong nagtago. Nakita ko namang dumaan siya sa gilid ko bago siya lumabas g cafe. Napangiti ako dahil magkakaroon na ako ng chance na makausap siya. Pupuntahan ko na sana siya nang hindi ko mapansin na nasa harap ko na pala siya dala ang laptop niya. “Kyle,” sabi ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso. Seryoso rin siyang nakatingin sa akin. “Excuse me,” sabi niya bago niya ako nilagpasan pero agad ko siyang hinabol hanggang sa makarating kami sa parking. “Kyle sandali!” sigaw ko at hinawakan ang kamay iya. “What?” walang ganang tanong niya at lumingon sa akin a parang walang gana. “Kyle, please. Let’s talk. Kahit na limang minuto lang,” sabi ko sa kaniya. Hindi nagbago ang itsura niya at nanatili pa rin iyong nakatingin sa akin. “Hindi ba nag-usap na tayo?” sabi niya sa akin kaya hinawakan ko ang kamay niya at nagsalita. “Please. Hayaan mo muna akong magpaliwanag. Kyle, kailangan kita. Mahal na mahal kita, Kyle. Kaya please, hayaan mo akong magpaliwanag,” sabi ko sa kaniya at pilit na kinukumbinsi siya. “I told you before that I don’t want to hear anything from you, so what’s the purpose of doing this s**t?” seryosong tanong niya. “Don’t do this, please. Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako? Gusto mo bang lumuhod ako?” sabi ko sa kaniya at hindi na ako nagdalawang isip na lumuhod sa harap niya na ikinagulat niya. “Please, forgive me. Kailangan kong masabi ang lahat, Kyle. Hindi ako papayag na basta-basta lang tayong masisira,” sabi ko sa kaniya habang nakaluhod pa rin. “Get up,” sabi niya kaya naman tumayo na ako at pinunasan ang luha ko. “Hindi ba matagal na tayong tapos dahil ikaw mismo ang nakipaghiwalay hindi ako,” sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. Sa mga tingin niya mas lalo akong nasasaktan. “Dahil kailangan kong makapag-isip. Sasabihin ko ang lahat hinahnada ko lang ang sarili ko na masabi ko sa iyo ang lahat pero huli na ako,” sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya. “Matagal na kaming tapos ni Vince. Mula nang sagutin kita noon ay hiniwalayan ko na siya. Dahil ayoko nang nagtatago, Kyle. Ayokong patuloy ka pang nasasaktan,” sabi ko pa sa kaniya. “That’s not a valid reason to keep everything from me,” malamig na sagot niya kaya naman nagsalita ako muli. “Mahal na mahal kita, Kyle. At handa kong iwanan si Vince para sa iyo.” Lumapit naman siya sa akin bago tumawa. “Ganiyan ka ba ka-selfish? Handa kang manira at saktan ang lahat para sa sarili mo? Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ako nahulog sa iyo. Kung bakit kita minahal. Para kang ahas na ang bilis magpalit ng balat,” sabi niya bagay na sobrang nakasakit sa akin. “Hindi ka lang pala dapat ikumpara dahil kalahi ka nila. Nagsisisi ako kung bakit ba ako nahulog sa katulad mo, El. Ang galing mo magpaikot ng tao,” sabi niya. Bumigat ang bawat paghinga ko dahil sobra akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. “Kalimutan mo na ako. Dahil sa akin, para ka na lang alikabok na masakit sa mata sa tuwing makikita kita. Ayaw na kitang makita, kaya pakiusap lubayan mo na ako,” sabi niya at akmang aalis na pero agad ko siyang hinabol at niyakap. “Sabihin mong may chance pa namapatawad mo ako, Kyle. Hindi ako susuko at ipaglalaban kita kahit na anong mangyari,” sabi ko at patuloy ang pagpatak ng luha ko. “Alam kong galit ka lang pero alam ko ring mahal mo pa ako. Kyle, umaasa pa rin ako,” naiyak na sambit ko habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. Inalis naman niya ang kamay ko sa katawan niya. Tumawa pa siya bago tumingin muli sa akin. “Ganiyan ba kakapal ang mukha mo para sabihing mahal pa kita?” sabi niya kahit na nasasaktan ako sa mga sinasabi niya at hindi pa rin iyon naging rason para sukuan ko siya. “Gusto mong gumanti dahil nasaktan kita, Kyle. Alam kong mahal mo ako dahil hindi mo gagawin ang bagay na ito kung wala ka nang nararamdaman pa para sa akin,” sabi ko sa kaniya. Iyon ang nakita kong dahialan kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito. Ang masaktan ako dahil iyon ang ginawa ko sa kaniya. Nakita kong ngumiti siya muli at nagsalita. “Huwag kang umasa, masasaktan ka lang. I already engaged,” sabi niya pa sa akin na ikinagulat ko. Napatingin pa ako sa kamay niya at nakita ko nga doon ang singsing. Napailing ako at tumawa. “No way. Kyle, tama na. Dahil kahit na anong sabihin mo ipaglalaban pa rin kita,” sambit ko at umiling-imiling pa. “Kaya please, stay away from my sight. Ayokong nag-seselos ang fiance ko,” sabi niya sa akin kaya agad akong sumagot. “Si Alison ba? Siya ang babaeng tinutukoy mo?” tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya sa sinabi ko. So, siya nga? “That imposible. You already hate her,” sabi ko pa at ngumiti ng mapait. “You don’t have a right to insult her in my front. Kung may mas nakakainsulto man sa inyong dalawa, ikaw yon at hindi siya,” sabi niya sa akin. Inaamin ko na sobra akong nasaktan sa sinabi niya. Ganon na nga ba kababa ang tingin niya sa akin? Napangiti ako ng mapait bago tumango. “Tell me kung paano mo ako mapapatawad? Gagawin ko ang lahat, Kyle mapatawad mo lang ako at bumalik ka lang sa akin,” sabi ko sa kaniya. Nakita kong naging seryoso siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko bago nagsalita. “Stay away from me. Iyon ang gusto ko. Tigilan mo na ako,” sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Unti-unti akong nanghina. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko rin siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman at pumatol ako sa may asawa at may anak na. Napangiti ako dahil ramdam ko na seryoso talaga ang sinabi niya. “Ganon ba talaga ang gusto mo? Sige,” sabi ko habang pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. “Hindi ako mangangako, Kyle. Pero susubukan ko. Hindi ako magpapakita sa iyo kahit na anong mangyari,” sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya. Hinawakan ko pa ang mukha niya bago nagsalita. “Pero hindi ko rin maipapangako na kakalimutan ko ang lahat. Na titigil na akong mahalin ka. Hindi ko maipapangako pero susubukan ko, Kyle,” dagdag ko pa. Huminga ako ng malalim bago hinawakan muli ang mukha niya. “Forgive me, Kyle. Sana dumating ang araw na mapatawad mo ako. Gusto kong malaman mo na susuportahan kita kahit na anong mangyari. At pipilitin kong maging masaya sa mga desisyon mo. Kung masaya ka, masaya na rin ako,” sabi ko sa kaniya habang seryosong nakatingin sa kaniya. “How dare you! Nilalandi mo na naman ba si Tristan?!” sigaw ng isang babae kaya naman napabitaw ako sa kaniya nang hilahin niya ang buhok ko palayo kay Kyle. “Alison!” saway ni Kyle kaya naman napangiti ako. “What? Inuuto ka na naman niya, Tristan! Binibilog lang niya ang ulo mo para may makapitan siya!” sabi niya at masamang tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago nagsalita. “Huwag kang mag-alala. Wala na akong balak agawin siya sa iyo. Sapat na ang lahat. Nag-usap na kami. Kaya huwag ka nang matakot pa,” sabi ko sa kaniya na ikinagulat naman niya. Tumingin ako kay Kyle bago ngumiti sa kaniya. “Patawad,” sabi ko sa kaniya. Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko at isang malalim na paghinga. Nagsimula na akong maglakad papasok ng kotse ko at nag-drive pauwi. Hinintay ko siyang habulin niya ako pero hindi. Kaya napangiti na lang ako. Hindi ko siya pwedeng sisihin sa desisyon niya. Dahil kasalanan ko rin ang lahat. Hindi matigil sa pagtulo ang luha ko habang nag-drive ako pauwi. Tama si Senia. Binigay ko na ang pagmamahal na alam ko pati na rin ang pagmamahal na para sa sarili ko. Nilunok ko ang pride ko para lang sa iba. Pero hindi iyon naging sapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD