CHAPTER 35

1464 Words
KRESHA’S POV “Mars!” niyakap ako ng mahigpit ni Senia. Natatawa na lang ako sa kaniya dahil para siyang iiyak. “Bakit ba sa tuwig nasasaktan ang isang tao kailangan niyang lumayo?” tanong niya kaya tumawa ako. “Loka, hindi ako lalayo. Bibisitahin ko lang ang cafe ko sa Cebu. Uuwi rin ako kaagad,” natatawang sambit ko sa kaniya. “Pero okay ka na?” tanog niya kaya ngumiti lang ako bilang sagot. “I will,” natatawang sambit ko. Seryoso naman siyang napatingin sa akin bago ako niyakap ulit. “Hindi mo sila kailangaan. Baka talagang hindi kayo para sa isa’t-isa, Mars. Malay mo si Mr. right pala ay nasa Cebu?” sabi niya pa at umarte na kinikilig. Natawa naman ako sa sinabi niya. “Ikaw talaga, Mars. Sa tingin mo maghahanap ako ngayong ganito pa ang sitwasyon ko?” sabi ko sa kaniya. “Pa? So may chance pa na maghahanap ka ng kapalit ni Kyle?” sabi niya na ikinatigil ko. “Sorry,” parang nahihiyang sambit niya kaya ngumiti ako sa kaniya. “No, it’s okay. And of course. Hindi naman ako pwedeng umasa lang habang buhay kay Kyle. May panahon para mahanap ko ang lalaking para sa akin,” sabi ko sa kaniya at ngumiti. Pero nakita ko naman na natigilan siya. “Bakit ganiyan ka makatingin?” tanong ko sa kaniya. “Wala lang, nakaka-proud ka lang dahil after all ganiyan ka pa rin, matatag,” sabi niya pa kaya napangiti ako. “Hindi tayo pwedeng huminto sa buhay dahil lang sa nasaktan tayo,” sabi ko sa kaniya kaya niyakap na naman niya ako. Kahit na masakit ay pinakawalan ko na siya. Pero walang araw na hindi ko siya naiisip. Walang araw na hindi siya sumagi sa isip ko. Pero gaya ng sinabi ko ay susubukan kong makalimot. Oras at panahon lang ang kailangan ko para maghilom ang sugat namin. Matapos naming mag-usap ay hinayaan ko na lang muna ang sarili ko. Ikakasal na rin naman siya. Kaya mas mabuti nang putulin ko ang lahat ng koneksyon ko sa kaniya. Matapos naming mag-kwentuhan ni Senia ay pumunta na rin ako sa cafe. Inayos ko na lang ang Cafe ko at mga negosyo ko. Puputulin ko na rin ang koneksyon ko sa Farm ni Kyle o sa kahit na anong nagkokonekta sa amin. Naghanap na rin ako ng bagong supplier. Mabuti na lang at agad na nakahanap kami ng supplier. Puno ang cafe kaya naman nagpahinga na rin ako at inasikaso na lang ang mga dapat kong asikasuhin. Maya-maya lang ay may kumatok mula sa pinto. Nakita ko namang si Jaylie iyon. Agad siyang pumasok at inilapag ang mga documents. “Ma’am, nakapag-set na po ng appointment si Mr. Alba. Yung owner ng farm,” sabi niya sa akin kaya naman ngumiti lang ako bago siya lumabas. Isnandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan bago ipinikit ang mata ko. Napagod ako ngayong araw. Ilang sandali lang ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Kailangan kong matapos ito para maasikaso ko na ang ibang branches ko gaya sa Cebu. *** TWO WEEKS LATER Preskong hangin at dama ko ang malamig na hangin na iyon na dumampi sa mga balat ko. Ang sarap talagaa sa pakiramdam ng ganito. Nakakagaan ng pakiramdam kahit na ano man ang pinagdadaanan ng isang tao ay mare-relax kapag nalanghap ang ganito. Maaga pa lang ay lumabas na ako ng hotel para maglibot sa labas. Hindi man katulad ng sa Palawan pero maganda rin dito. Kahit papaano ay nakaka-relax. Bukas pa naman ang bisita ko kay Papa. Bukas ba ako pupunta sa kaniya dahil ayokong maramdaman niya na problemado ako kaya ako umuwi. Nag-ikot ako sa buong paligid. Palabas na ako nang hotel nang may mabangga ako. Agad niyang kinuha ang gamit ko bago nag-sorry. “It’s okay,” sabi ko at ngumiti bago kinuha ang wallet ko. Nagkatinginan pa kami at ngumiti rin siya. “Pasensya ka na talaga, Miss,” sabi niya pa at napakamot ng ulo. “No problem,” sabi ko pa at ngumiti bago ako naglakad palayo. Medyo awkward lang dahil sa mga ngiti niya. Ganoon rin ngumiti si Kyle noong nasa airport kami. “Miss, sandali!” sigaw niya at hinabol ako. Napataas ang kilay ko sa inabot niya. “I hope makapunta ka,” sabi niya at iniabot ang isang papel. Umalis na siya kaya hindi ko na naitanong kung ano pa iyon. Tiningnan ko na lamang iyon. Medyo nakakapagtaka lang na inaya niya ako sa ganitong klaseng event. Hindi ko na lang iyon pinansin dahil wala akong hilig doon. Naglakad na ako papuntang restaurant na katabi lang rin nitong hotel na. Medyo nagugutom na ako kaya naman naisipan ko na lang na pumunta rito para kumain. Matapos kong omorder ay binuksan ko na ang cellphone ko at nakita ko naman na may message si Senia para sa akin. Binuksan ko naman agad iyon. Napangiti na lang ako dahil puro name ko lang ang binabanggit niya at nangangamusta. Hindi na ako nagreply nang bigla na naman siyang nagt-text. Kaya wala rin akong nagawa kundi ang mag-reply sa kaniya. Baka na-miss lang niya ako. Matapos ko siyang reply-han ay dumating na rin ang pagkain kaya naman nagsimula na rin akong kumain. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagkain ko nang biglang may dumungaw sa tabi ko sa labas ng salamin. Isa siyang matanda na nanghihingi ng pagkain. Hindi ko alam pero bigla kong tinawag ang waiter at omorder ng isang putahe ng pagkain. Pina-take out ko iyon. Ilang minuto ang lumipas ay umalis ang matanda at sa ibang tao naman siya humingi. Ilang minuto pa ang lumipas nang dumating na ang order ko naka-plastic na iyon kaya naman agad akong lumabas nang makuha ko ang pagkain. Hinanap ko ang matanda pero wala na siya. Hindi ko na siya makita kung asan. Muli akong lumingon-lingon at napangiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng fountain. Mabilis akong pumunta sa kaniya at agad na iniabot ang pagkain na inorder ko. Nakita kong nagulat naman siya at nagpasalamat. Pabalik na ako ng restaurant nang biglang may nagsalita mula sa likod ko. Natigilan ako at napalingon kung sino ang nagsalitang iyon. Nakita ko yung lalaking nabangga ko kanina. “Hi,” nakangiting sambit niya sa akin kaya naman nagtataka akong tumingin sa kaniya. Bakit lagi ko siyang nakikita? “I saw you, you give her a food,” sabi niya pa habang nakangiti. “Yes, naawa lang ako sa kaniya,” sabi ko pa at ngumiti. “You have a golden heart,” sabi niya pa sa akin. Ngapasalamat naman ako bago ako nag-excuse at lumakad papasok ng restaurant. Hindi ko alam bakit ang awkward na lagi niya akong kinakausap habang nakangiti. Dahil ba nakikita ko si Kyle sa kaniya? Ganiyan rin si Kyle noon sa akin. Ayoko nang maulit ang pagkakamaling iyon. Hindi na ako gagawa ng bagay na ako rin ang masasaktan sa huli. Wala na rin kasi akong balita pa kay Kyle. Si Vince naman umalis na siya two months ago pa. Nalaman ko lang kay Jaylie na pauwi raw ng Pinas si Vince. Hindi ko na hinyaan na ma-involve pa ako sa kahit na anong bagay na magkokonekta sa amin ni Kyle. Masakit pa rin pero kinakaya ko naman. Masasanay rin akong wala siya. Nagpapaka-busy ako sa trabaho para makalimot ako kahit papaano. Natapos kong ubusin ang pagkain bago ako nagpasyang bumalik sa hotel. Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit ko. Nangako ako na babalik rin ako agad sa Manila kaya kailangan kong ayu8sin agad ang mga dapat na ayusin dito. Pumunta akong Cafe. Agad naman akong sinalubong ng manager ng cafe. Binigyan iya ako ng hot cappucino. Pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. May naglapag ng pandesal sa mesa ko na may kasamang coco jam. Kaya naman napatigil ako. Hindi imposible! Bakit ko naman iisipin na andito siya? Unti-unti akong lumingon kung sino ang nagbigay noon. Hindi ko alam pero nadismaya ako nang makita ang isang waiter na dala iyon. “Ma’am, good morning,” nakangiting sambit niya kaya agad akong nagtaka kung bakit may pandesal. “Bakit may ganito? Saan galing ito?” tanong ko sa kaniya kaya naman ngumiti siya sa akin. “Ma’am, pasensya na po. Yun po kasi ang bilin ni Mr. White,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong nagulat. Hindi na ako kumibo pa at kinain ko na lang iyon. Bakit ba nakalimutan kong si Vince nga pala ang unang nagpatikim sa akin nito? Bakit si Kyle agad ang unang pumasok sa isip ko? Napangiti na lang ako. Pati ba naman dito? Imposible talagang puntahan niya ako o magkita kaming dalawa. Kaya ngumiti na lang ako kinain ang pandesal na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD