SENIA’S POV
Nakataas ang isang kilay ko habang nakaharap kay Brent na may hawak na boquet.
“Anong gagawin ko siyan? Nakakain ba yan?” tanong ko sa kaniya. Nakita kong napakamot siya sa ulo niya. Ganiyan nga Brent. Maghirap kang makuha ako. Manloloko kang hinayupak ka!
“Ano ba ang gusto mo?” tanong niya pa at halatang naiinis na dahil kanina ko pa siya nirereject sa mga binibigay niya.
“Ano ba sa tingin mo ang kailangan ko? Kung talagang interesado kang mapasagot ako alamin mo kung ano ang kailangan ko,” mataray na sambit ko sa kaniya.
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago tumalikod at pumasok sa klotse niya.
“Bakit mo naman ginaganon si Brent? Nakakaawa siya,” sabi ni Hazel.
“Hayaan mo siya! Magloloko siya tapos hindi niya kayang manuyo ng babae? Ang galing lang niyang mangbabae!” naiinis na sambit ko bago pumasok sa loob ng bahay.
“Hersenia! Ano bang pinaplano mo talaga sa ex mo? Balak mo lang ba siyang pahirapan o sasagutin mo rin naman siya hindi ba?” sabi niya. Hindi ako kumibo.
Wala akong planong sagutin siya. Nakakaumay ang mga babaerong kagaya niya.
“So wala ka ngang balak bigyan siya ng second chance? Senia naman! Huwag mo na lang siyang paasahin,” sabi niya pa bago ako pumasok sa kwarto ko.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya nabalik. Siguro napagod na siya. Ang weak naman niya ang bilis niyang sumuko. Napailing na lang ako at akmang hihiga na ulit para matulog pero biglang may nag-doorbell. Napatingin ako sa may bintana at nakita ko siya.
May dala siyang paperbag. Binuksan naman ni Yaya ang gate at pinapasok siya. Pero maya-maya ay bumalik siya sa kotse at nakita ko na may hinahakot siya sa kotse niya na ikinagulat ko.
Seryoso ba siya?
Ilang minuto rin ang tinagal ng paglabas pasok niya sa kotse niya. Ilang minuto ay biglang may malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko.
“Hersenia! Yung manliligaw mo nasa labas!” sigaw ni Hazel. Nanatili akong nakatayo bago ako humiga sa kama ko at nagkunyaring tulog.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at niyugyog ako ni Hazel. Nagpatuloy ako sa pagpapanggap na nagising dahil sa pagyugyog niya sa akin.
“What?!” mataray na tanong ko at napikit-pikit pa. Kailangan kong galingan sa pag-arte para naman may sense ang pagpapahirap ko sa kaniya.,
“Yung papa Brent mo, nasa labas!” sabi niya pa kaya nagkunyari akong nagulat kahit na alam ko naman kung asan na siya.
“Anong gagawin ko?” tanong ko sa kaniya.
“Gaga ka talaga! Anong anong gagawin mo? Malamang bumaba ka at harapin mo siya!” sabi niya pa. Kaya naman nagkunyari akong naaasar na tumayo. Bumaba ako habang naksimangot kahit deep inside ay na-excite ako. Ano na naman kaya ang dinala niya? Bakit parang ang dami niyang bitbit kanina?
Pagkababa ko nakita ko siyang nakaupo sa sofa namin. Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo.
“Senia,” sambit niya. Nakataas ang isang kilay ko habang naka-cross arm akong bumaba at pumunta sa harap niya. Tinignan ko naman ang mga dala niya. Mas lalong napataas ang kilay ko.
“Ano yan?” tanong ko sa kaniya.
“Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ibigay sa iyo kaya binili ko na ang lahat ng makita ko sa department store,” nakakamot ang ulo na sabi niya.
“Grocery? Anong tingin mo sa akin? Magtatayo ng sari-sari store?” mataray na tanong ko pa sa kaniya.
“Pasensiya na hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong ibigay sa iyo. Para sigurado ay binili ko na lahat,” sabi niya pa. Hindi lang grocery iyon. May iba’t-ibang pagkain pa galing sa mga restaurant. Kaya ba siya natagalan dahil dito?
“Busog ako,” sagot ko na ikinagulat niya.
“Ano?” tanong niya sa akin.
“Busog ako, kaya ipamigay mo na lang yang mga pinamili mo,” sagot ko kahit na nagugutom ako.
Nakita ko ang paghinga niya ng malalim.
“Insan naman! Kung ayw mo, akin na lang,” sabi ni Hazel kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Nagugutom na ako, hindi pa nakakapagluto si manang,” sabi niya kaya mas lalo ko siyang tinginan sa mata.
“Tama, puro main courses itong in-order ko,” sabi niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang pumayag dahil nakita ko rin na napagod siya ginawa niya. Kumain kami bago ko siya niyaya na dito na kumain. Tumanggi pa siya pero hindi na siya nakatanggi nang bigyan ko siya ng masamang tingin.
KRESHA’S POV
“Ma’am, may problema po tayo. Marami na po ang nagrereklamo sa delivery ng cafe. Kulang na po kasi tayo sa tao ngayon,” sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“Bukas na bukas ay mag-hire ka ng mga delivery riders,” sabi ko bago tumayo.
“Pero, Ma’am may problema pa po. Yung isang costumer po ay nagsuggest na ang gusto raw niyang magdeliver po ay kayo mismo.
Napatingin naman ako ulit sa kaniya.
“Ano?’ naguguluhang tanong ko.
“Sinabi ko po kasi na bawal po. Pero ang sabi niya ay sabihin ko raw sa inyo,” sabi niya pa kaya bigla akong naguluhan. Sino naman ang magtatangkang sabihin iyon? Lalo na alam niya na ako ang may-ari at hindi ako nag-dedeliver.
“Ma’am, ang sabi kasi po niya ay yung about po sa video,” sabi niya na ikinatigil ko. Doon pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Si Vince.
Hindi ko alam pero natakot ako kaya naman ay ako na ang nagpresintang mag-deliver sa office niya.
Ano na naman ba ang kailangan niya at naisipan na naman niya akong guluhin?
Hinanda ko na ang sarili ko at pati na rin ang order ko. Palabas na ako ng cafe nang tawagin ako ni Jaylie.
“Ma’am, hindi niyo na po ba hihingiin ang address?” tanong niya kaya naman don ko lang naalala na hindi ko pa pala dala ang address.
Kinuha ko iyon bago pumasok sa kotse. Kinakabahn man ako ay hindi na ako nagpahalata pa.
Ilang minuto ang lumipas nang makarating ako sa building nila Vince. Doble ang naramdaman kong kaba nang pumasok ako habang bitbit ko ang coffee with pie ni Vince.
Papasok na sana ako ng elevator nang biglang pumasok si Kyle na sobrang ikinagulat ko. Natigilan rin ako dahil hindi ko inaasahan na andito siya.
“El? What are you doing here?” tanong niya na mas lalong nagpalakas ng pintig ng puso ko. Feeling ko tuloy ay aatakihin ako sa puso sa sobrang kaba ko.
“Ah, wala kasing magde-deliver ng order. Kaya ako muna ang magde-deliver,” sabi ko sa kaniya. Agad niyang kinuha ang coffee pero mabilis ko naman inagaw.
“Ako na ang magdadala,” sabi niya kaya naman umiling ako.
“Ako na, nakakahiya. Isa pa ano ang ginagawa mo dito?” tanong ko naman sa kaniya.
“Pinapunta ako ni Dad,” sagot naman niya kaya biglang nanginig ang tuhod o.
“Kanino mo ba dadalhin yan?” tanong niya pa sa akin.
“Kay Mr. White,” sagot ko habang kinakabahan.
“Doon ang punta ko, gusto mong ako na ang magdala?” tanong niya sa akin. Kaya naman napag-isipan ko na mas mabuti siyang na ang magdala para naman hindi na kami magkita pa ni Vince.
“Pwede ba?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya at kinuha ang mga dala ko.
“Thank you,” sabi ko pa at ngumiti sa kaniya. Ngumiti naman siya at nagsalita.
“I love you,” sabi niya kaya naman napangiti ako ng wala sa oras.
“I love you too,” sabi ko sa kaniya. Bago siya lumabas. Pinindot ko na ang button bago ako bumaba ng floor.