CHAPTER 16

1446 Words
KRESHA’S POV “Ma’am Faith, nai-send ko na po ang inventory ng august,” sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango sa kaniya bago ako pumasok sa office ko. Na-stress ako dahil hanggang ngayon ay niloloko ko pa rin silang dalawa. Kung pwede nga lang ay lumayo muna ako sa kanila. Ayoko nang ma-stress ng ganito. Dahil feeling ko mababaliw ako kakaisip sa problema ko. Maya-maya pa ay may kumatok mula sa pintuan. Pumasok rin naman siya. Bumungad sa akin si Senia na may dalang pandesal at coco jam. Napataas naman ang kilay ko at tinignan siya. “Galing yan sa manliligaw mo, pinapaabot,” sabi niya pa kaya naman agad akong nagataka. “Paano?” nagtataka pa ring tanong ko. “We’re close! Kinuha niya ang number ko sa f*******:. Nakakakilig hindi ba? Malay mo kapag nagising siya sa akin ang bagsak niya,” sabi niya pa kaya naman napatigil ako. Hindi ko alam pero kahit na biro lang iyon ay nasaktan ako. Paano nga kung ganoon? Paano kung malaman niyang ako ang kabit ng Daddy niya? Babalik ba siya kay Alison? “Hoy, Mars! Joke lang naman. Huwag mo sabihing sineryoso mo talaga ang sinabi ko? Nakakaloka ka!” sabi niya at tumawa pa. “Naisip ko kasi, paano kung magkatotoo ang sinabi mo na magising siya at iba ng piliin niya?” malungkot na sabi ko sa kaniya. “Alam mo, Mars. Hindi malabo ang sinasabi mo. Lalo na kung hindi mo agad sasabihin sa kaniya ang lahat. What if sa iba niya malaman? Mas mahirap iyon,” sabi niya pa. Bigla na namang nadagdagan ang nasa isip ko. “Mars, kung ano man ang maging desisyon nilang mag-ama ay kailangan mong tanggapin. Andito naman kaming mga magmamahal sa iyo,” sabi niya pa. “Pero pano kung tuluyang lumayo si Kyle? Paano kung hindi niya ako matanggap? Makakaya ko bang makita siya na bumalik kay Alison?” tanong ko pa. “Mars, wake up! Hindi siya kawalan. Kung sakaling mangyari ang bagay na yon. Tandaan mo sia ang nawalan hindi ikaw. Kung babalik man siya sa babaeng yon it’s his choice,” sabi niya pa kaya naman napatango ako. Hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Ayoko pa isipin na mangyayari iyon. “Hindi mo pwedeng idinikta sa isang tao ang dapat niyang gawin. Ang mahalag lang ay magpakatotoo ka kahit na alam mong masasaktan ka ng sobra,” sabi niya pa kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi ko pwedeng sabihin kay Kyle na ako ang piliin niya. Kahit na anong mangyari. Siya pa rin ang mag-dedecide. “Nga pala, Mars. Kumusta na si Tito? Balita ko Gusto niyang dumalaw rito sa Manila?” sabi ni Senia na nagtatakang nakatingin sa akin. “Gusto nga niya. Pero hindi ako pumayag. Ayokong ma-stress rin siya dito gaya ko. Hayaan ko munang magpagaling siya ng maayos sa Cebu. Isa pa dadalaw na rin naman ako sa kaniya dahil bibisita ako sa Cafe doon,” maghabang sabi ko sa kaniya. “Parang bet kong sumama. Pwede ba akong sumama, Mars? Para naman makalanghap ako ng ibang hangn. Hindi puro pulusyon na lang laman ng baga ko,” sabi niya kaya naman natawa ako sa sinabi niya. “Loka ka, Mars. Iba ba ang hangin nila doon kompare sa atin?” natatawang tanong ko pa. Parehas lang kaming tumawa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko naman si Vince ang natawag. Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Senia habang nakatingin sa cellphone ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin. Ayoko kasi siyang makausap ngayon dahil andito si Senia. “Sige na, sagutin mo na aalis na lang ako,” sabi niya kaya naman agad kong kinuha ang cellphone at pinatay ang tawag na ikinagulat niya. “OMG, Mars! May lagnat ka ba? Bakit mo pinatay ang tawag?” gulat na tanong niya sa akin. Bihira ko kasing patayin ang tawag kapag hindi ko bet na may kausap. Kaya naman hindi na ako magtataka kung nagulat si Senia na pinatay ko ang tawag ni Vince. Noon kasi kapag dating kay Vince ay atat na ata ako. Para bang excited akong makausap at makita siya. Sabik ako sa yakap niya at pagmamahal niya. Kaya naman sobra talaga siyang nagulat ngayong pinatay ko ang tawag. “Seryoso ka ba, Mars? Wala ka namang lagnat pero bakit ka ganiyan?” nagtatakang tanong niya. “Dahil minsan na lang tayo magkita at makapag-usap. Gusto lang kitang makausap ngayon. Hindi yung puro ako lang, ikaw? Kumusta naman ang buhay mo?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at halatang kinikilig. “May goodnews ako! Break na sila ng Ex ni Brent,” parang nanalo sa lotong sambit niya. Natawa naman ako dahil tuwang-tuwa at kilig na kilig siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil ganito rin ako kabaliw kay Vince noon. “Nakakakilig lang nang makitang naka-view siya sa myday ko,” kinikilig na dagdag niya pa. “Loka ka, bakit tuwang-tuwa ka? Umaasa ka pa rin ba na babalikan ka niya?” tanong ko sa kaniya. Nagbago naman ang timpla niya at sinamaan ako ng tingin. “Ang sakit mo naman magsalita, Mars. Parang sinabi mong para akong aso na naka-abang kung bibigyan ba ako ng buto. Syempre naman, Mars. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang taong iyon,” sabi niya pa kaya natawa naman ako. “Isa pa, marami pa siyang utang sa akin. Hindi pa nga nya bayad ang mga inutang niya sa akin noong kami pa. Aba! Maniningil na ako,” sabi niya pa at halatang naiinis. “Yung totoo? Akala ko ba happy ka? Bakit bigla kang nagalit diyan?” natatwang tanong ko muli sa kaniya. “Paano ba naman kasi, Mars? Ako noong kami ni Brent. Ako ang madalas mag-regalo. Tapos malalalaman kong pinagpalit niya lang ako kay Paula na iyon! Ang matindi pa si Paula pa ang nililibre niya!” galit na galit na sabi niya kaya naman napataas ang kilay ko. “Teka nga, Mars. Mahal mo pa talaga ang lalaking yun o gusto mo lang makaganti sa ginawa niya sa iyo?” tanong o sa kaniya. Natigilan naman siya sa tanong ko. “Wow! Ang galing mo talaga, Mars. Biruin mo iyon? Nahulaaan mo agad ang totoong pakaya ko?” sabi niya at nakipag-appear pa sa akin. “Kahit martir ka alam ko namang hindi ka tanga para mabaliw pa sa lalaking minsanka nang sinaktan,” sabi ko sa kaniya na ikinagulat niya. “Ikaw na talaga, Mars! Paano mo nalaman yon? Infairness ah? Ang hirap mag-pretend na baliw na baliw ako sa kaniya kahit na kinasusuklaman ko siya,” sabi niya pa at umarte pa na nandidiri. “Kung gusto niya pagbuhulin ko pa sila ni Paula. Pero hindi na mangyayari iyon dahil break na sila,” nakangiting sabi nia pa. Minsan ang weird niya dahil ganito siya. “Oras na para maningil ako sa kaniya,” sabi niya at ngumisi pa. “Ano namang pinaplano mo?” tanong ko pa sa akniya. “Edi lalandiin ko siya. Tapos kapag nabaliw na siya sa akin ay iiwanan ko siya,” sabi niya at nag-flip hair pa. “Baka naman sa paghihiganti mong yan ay ikaw ang masaktan at mahulog?” alma ko pa sa kaniya. “Mars, naman. Wala bang support diyan?” tanong niya habang nagtataka. “Oo na, susuportahan naman kita. Ayoko lang na bumalik sa iyo yung plano mo,” sabi ko pa sa kaniya. “Change topic. Nakakaumay. How about your karibal? Yung Alison ba yon? Patingin nga ng mukha niya!” sabi niya pa kaya naman binuksan ko ang laptop ko bago pinakita ang picture ni Alison. Nagulat naman siya nang mag-scroll siya. “What?” nagtatakang tanong ko nang manlaki ang mata niya. “Paanong nangyari na friend sila ng impaktang si Paula?” tanong niya pa kaya naman nagulat ako at tumingin sa laptop ko. Nakita ko doon ang isang babae na may name na Paula Estrada. “Hindi naman ako na-inform na basta kapwa ahas ay magkakaibigan,” sabi niya pa. Napatingin akong muli sa timeline ni Alison. Anddon pa rin ang name ni Kyle. Kaya naman nagtaka ako. Hindi ba break na sila? “Infairness, bagay silang magkaibigan. Mukha pa lang halatang takot mawalan ng lalaki,” sabi niya pa at tumingin sa akin., “Mars? Okay ka lang?” tanong niya at nagtatakang tumingin sa akin. “Yeah,” sabi ko at agad na kinuha ang laptop. Alam kong nagtataka naman si Senia pero hindi na siya nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD