Chapter 5

1719 Words
10.   “We’re almost there guys! Anong plans ninyo once we get there?” masayang tanong ni Eunice sa aming magkakaklase habang nakasakay kami sa bus.   “Mag volleyball!” masayang sabi ni Berna sabay apir kay Bea.   “Ako gusto ko gumawa ng sand castle!” sabi naman ni Marieta na nakasuot ng cute na Sunday hat.   Tumingin si Eunice sa grupo ng mga lalaki, “Eh kayo boys? Ano balak ninyo?”   “Swimming syempre at baka mangolekta ako ng seashells,” sagot ni Iggy.   Winagayway ni Rigel ang hawak nitong pamaypay, “Mag barbeque! Yum yum!”   Nagtawanan kami at si Elyon naman ay nagsabi na magbabasa siya ng bible while enjoying the sound of the sea.   Sila Lyshta naman at Ezekiel ay balak mangisda. May dala nga silang lambat actually at rerenta daw sila ng bangka.   Tutulog naman daw si Ambo sa ilalim ng umbrella pagkakain ng barbeque ni Rigel.   “Me, I’m going to swim and sunbathe syempre!” announce ni Eunice at nagtawanan kaming lahat.   We are so exited. Ito yung summer outing kahit hindi summer.   Hindi kasi natuloy last summer ang outing nila dati. I’ll never know. Transferee ako ngayon taon sa kanila kaya madami pa akong hindi alam.   Biglang tumigil ang bus at nag-iritan ang mga girls ng tumayo na si Ms. Merlinda na nakaupo sa unahan ng bus para kausapin kami.   “Ok students we’re here. Remember the rules and of course have fun!” magiliw nyang sabi sa amin bago niya buksan ang pinto ng bus at magpulasan ang mga kaklase ko na magmamadali nang mag-saya.   Natatawa na lang akong sumunod sa kanila sakbit ang punong-puno kong backpack na ang laman ay napakadaming pagkain na lalapangin ko mamaya under the sun. -0- This time hindi ako nag-standout.   Pero atleast hindi ako napag-iwanan.   Sexy ako in my two piece bathing suit pero hindi nagpadaig ang katawan nila Lyshta, Eunice, Berna, Bea at Eunice. Mga fit and slim din sila like me. Well sa aming anim ako ang pinakamataba.   I’ve been gaining weight lately kakakain ko. Mas mabagal sa inaasahan ko. Pero a girl can still dream diba? (and eat of course)   Ayos din ang katawan ng mga boys. Maliban kay Ambo na very chubby at kay Iggy na pangbata ang katawan. Sila Rigel, Elyon at Ezekiel ay mga pang Bench Body na. No wonder madami ang nakatitig sa kanilang mga taga ibang section na babae.   After na ma-enjoy ko ang view ng blue, blue sea ay naglatag na ako ng mat sa ilalim ng dambuhalang beach umbrella ni Ambo na ngayon ay matutulog na after kumain. Napagusapan na namin na makikisukob ako sa kanya kaya heto ako, naglalabas na ng snacks and drinks.   Tapos na din ako mag-swimming kaya mamamahinga na lang ako habang pinapanuod sila Eunice at Berna na maingat na tinatabunan si Ambo ng buhangin.   Elyon is... Elyon   Nagbabasa ng bible habang nakaupo sa isang malaking bato under the sun. Napailing na lang ako sa mga babae from other sections and year na pinipicturan siya. He is only wearing a gold swimming trunk while unconciously showing off his impressive body.   Madaming magkakasala pag nagpari na ito.   Napalingon naman ako sa magkapatid na si Iggy at Rigel na nagluto na naman ng isa pang batch ng barbeque katulong sila Bea at Marieta samantalang kitang kita sa laot ang bangka nila Lyshta at Ezekiel.   Students from other sections and years are enjoying themselves. Some are dancing. Ang iba naglalaro ng volleyball at nagkakantahan sa videoke. May nagsasayaw at nag gegames.   I’m so glad na nakasama ako sa ganitong field trip.   Buti na lang pinayagan ako. -0- Lumipas ang maghapon at papalubog na ang araw.   Tulog pa din si Ambo samantalang hindi na makatayo sila Marieta, Bea, Iggy at Rigel sa dami ng kinain nila.   Isang banyera naman ng assorted fish ang dala nila Ezekiel at ni Lyshta samantalang sila Eunice at Berna ay nang gagawa naman ng sand castle.   Nakita ko sila Dikto at Rosa na dumaan sa tapat ko. Magkaholding hands na namamasyal sa tabing dagat.   Mga fourth year students na pala sila incase na hindi ko pa nasabi. Nakilala ko sila dahil Mr. and Ms. High School sila this year at mabait pa.   Tumayo na ako sa aking kinauupuan at pakiramdam ko ay sasabog ang tiyan ko sa dami ng kinain ko.   Lumakad ako papunta sa dalampasigan para mamasyal.   May nakita akong isang patpat na naanod sa aking paanan at dinampot ko iyon. Bigla ko na lang naisipang gamitin ang patpat para magsulat sa buhangin.   Mommy   Daddy   Wala pang ilang segundo pagkasulat ko ng mga katagang iyon ay dumating ang alon at sa isang iglap ay naglaho ang sinulat ko.   “They’re gone?”   Pamilyar na sa aking ang boses na iyon kaya hindi na ako nagtaka ng makita ko si Lorcan na nakatayo sa tabi ko at nakatingin din sa buhangin na kanina lang ay pinagsulatan ko.   Same outfit pa din maliban na lang sa slippers na suot niya instead of the usual sneakers.   “Oo,” matipid kong sagot sa kanya pagkatapos ay sinulat ko ang katagang Future.   Ngumiti siya sa akin at nag-abot ng isang green apple, “At least you can remember them.”   Iyon lang at lumakad na siya palayo sa akin papunta sa mga classmates niya.   Tumingin ulit ako sa huling sinulat ko sa buhangin pero wala na ito.   Nabura na ng alon. Walang bakas na natira. -0- 11.   Ang ganda ng mood ng klase. Kahit kakagaling lang namin sa beach at deretso pasok din kami kinabukasan ay puno ng energy ang mga classmates ko.   Nakatambay ako ngayon sa canteen as usual. Eating my heart out while watching movies and after a while, maglalaro sa tablet ko ng games.   Lunch break at masaya akong naginginain. I’ve taken a liking to rice kaya todo kanin din ako today.   Pagkatapos kong mag-lunch ay umupo naman ako sa bench para mag-relax.   Kaso hindi relaxation ang natagpuan ko kundi stress.   Sumulpot agad si Paul at kinausap agad ako.   “Hi Tabitha! Kamusta ka naman? Parang lagi kang nagmamadali lately ah!” nakangising bati niya sa akin.   Umikot ang mga mata ko sa irita. Hindi ako nagmamadali, tumatakas lang ako sa kanila ni Harold. Sinuswerte ako lately sa pag-iwas pero mukhang tapos na ang happy days ko.   “Oo busy kasi ako. So if you can kindly move. You are invading my private space,” galit na taboy ko sa kanya dahil lumapit siya sa akin na almost magkadikit na ang aming mukha.   Umiling ito at ngumisi na naman, “No babe. Wag ka na pakipot pa.”   Bago pa ako makasagot ay dumating ang isa pang bwisit sa buhay ko.   Si Harold.   Masamang masama ang tingin nito kay Paul.   “Leave her alone Paul,” utos nito in a tone na hindi ko nagustuhan.   Maangas na nilapitan ni Paul si Harold. Talo sa tangkad si Paul pero daig naman sa bulk si Harold.   “Ayoko nga, bakit kayo na ba ni Tabitha?”   Makahulugang tumitig sa akin si Harold na parang takam na takam at kinalibutan ako ng sobra, “Soon. Malapit na niya akong sagutin.”   Ok. Enough. I’m out of here!   “Ok guys, bahala na kayo diyan. Aalis na ako,” pasimple kong sabi sa dalawang lalaki sa harap ko at akmang lalayas na ako ng nakita kong nakaharang si Lorcan sa dadaanan ko.   Mukhang masama din ang mood nito dahil nakasimangot ito at nakakuyom ang mga kamao.   Nakasunod naman agad sila Paul at Harold sa akin at nakita din nila si Lorcan sa tapat ko.   “Akala ko may class kang babae Tabitha. Sa kanya ka lang pala babagsak,” natatawang sabi ni Paul.   Kumunot ang noo ni Lorcan at sinipat si Paul, “Is there a problem with that?”   This time si Harold naman ang umimik, “Yes, you’re one weird freak. Ilang pares ng damit at jacket meron ka? O nilalabhan mo ba iyan?” nakakalokong tanong niya kay Lorcan bago lumingon sa akin, “Pagsisisihan mong pumatol ka sa weirdo na iyan Tabitha. Ang tangang si Rigel lang ang kaibigan niyan,” pangungutya nitong sabi sa akin sabay tingin kay Rigel na nasa hindi kalayuan ni Lorcan na busy na kumakain ng panutsa.   Doon nagpantig ang tenga ko.   Oo weird si Rigel. Mahilig manghilamos at mahina sa klase. Half-day lang siya pinapapasok kasi special student siya. Wala naman siyang problema sa isip talagang ugali lang niya ang katamaran.   Pero all in all, he is very kind. Wala kang makikinig na angal sa kanya at kaibigan siya ng lahat sa klase namin.   If there is someone na wag mong kakantiin sa klase namin, si Rigel iyon. Makakalaban mo kaming lahat.   “Look Donald, wala akong pake kung laiitin mo ako pero wag na wag mong matatanga-tanga si Rigel sa harap dahil hindi lang ako kundi ang buong 2-B ang makakalaban mo!” malakas kong sigaw.   Wala akong pake kung madaming nakakakinig sa akin. Talagang napuno lang ako. Never akong namakialam pag may nalalait na iba pero this case is different. It’s time for me to stand up and do something for someone for a change.   “Mas tanga ka Tony kasi simpleng HINDI ay hindi mo ma-gets. Ilang beses na akong humindi sa iyo paulit-ulit ka padin na nalapit sa akin!” bumaling ako kay Paul na tameme ngayon at takot na takot na nakatitig sa akin, “At ikaw naman. Wala kang pake kung sinong lalaki man ang makasama ko. It’s none of your freaking business so please LEAVE ME ALONE!” hiyaw ko sa kaniya at mabilis naman itong umalis at natira na lang si Harold na namumula na sa galit sa akin.   “Ikaw ang tanga Tabitha dahil simpleng pangalan ko hindi mo maitama. Magsama-sama kayo,” inis na sumbat niya sa akin.   Umikot lang ang mga mata ko at itinikwas ko ang aking buhok, “Whatever Thomas.”   Umalis na ito at huminga ako ng malalim at nameywang bago humarap kay Lorcan na ngayon ay nakangisi na sa akin at initsahan ako ng green apple.   “You really are something Tabitha,” may halong paghanga nitong sabi sa akin bago tumalikod at nilapitan si Rigel na nakatitig sa akin at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.   Inakbayan niya ito at naiwan na ulit akong solo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD