8.
“I really hate them!” inis na sabi ni Lyshta sa akin habang magkatabi kami na nagre-retouch sa comfort room.
Nakatayo kami sa harap ng salamin at busy sa pagpupulbo at pagsusuklay ng buhok.
Napakunot ang noo ko at tiningnan ang bwisit ni reflection ni Lyshta sa salamin, “Them? Sinong them?”
“Yung mga lip syncers! Yung mga feel na feel kumanta pero hindi naman marunong kumanta! Grabe huh?! Porke sikat at maganda ang hitsura pwede nang magmayabang na naka-platinum or something ang kanta nila! Teh at Toy, mukha ninyo ang dahilan bakit bumenta kayo hindi ang boses ninyong robot!” inis na sagot niya sa akin.
Napatango naman ako, “Agreed Lyshta. Ang daming magagaling kumanta out there, kulang sa kasikatan at face value pero grabe ang boses! Pang international!”
“Correct Tabitha! Well, I’m just voicing out my opinion,” kibit balikat niyang sangayon sa akin, “Now that the Dubsmash Day is today. Madami tiyak ang maglilipsync.”
“Do you have something against it?” takang tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang mahaba kong buhok.
She put her blush-on before answering me with a vigourous shaking of her head, “No, no! Actually natutuwa nga ako sa ganun eh! It’s just for fun lang hindi sa pagyayabangan. Sasali ka ba?” nakangiting tanong niya sa akin.
“Actually, you gave me an idea Lyshta.” Napapangiti kong sabi sa kanya and she smiled slowly as if getting what I mean.
Umangkla siya sa aking braso at sabay kaming lumakad palabas ng banyo to find Ezikiel waiting patiently for us.
I asked for their help for a plan of mine later today...
-0-
“Ambo, explain mo nga kay Tabitha ang rules,” utos ni Lyshta sa malaki naming classmate na nakaupo sa likod ng registration desk.
Humikab ito at ngumiti bago kinusot-kusot ang mga mata, “Okay.” Mahina nyang sagot sa kasama ko bago nagsimulang magpaliwanag, “Actually it’s a Live Dubsmash Contest with a Twist.”
“Twist? Anong twist?” tanong ko sa kanya. Pero mukhang makakatulog na naman ito, “Ambo! Ambo! Huy! Maya ka na matulog!”
Sumilip si Bea sa pinto sa likod ni Ambo at nagtaas ng kilay bago tinawag si Eunice na dumating na may hawak ng pangtaboy ng langaw at walang habas na pinaghahampas sa mukha ang pobreng classmate ko hanggang sa magising ito at hindi na makakatulog pa sa sakit ng pulang-pula nitong mukha.
“Wag ka ngang bastos! Maayos na nagtanong si Tabitha kaya sagutin mo siya ng maayos!” inis na sigaw nito kay Ambo bago matamis na ngumiti sa amin ni Lyshta na napapailing, “Please excuse me girls, busy sa backstage!” iyon lang at pumasok na ulit ito but not before giving Ambo another smack at the back of his head.
Mukhang nabuhayan ng dugo si Ambo sa takot kaya nagsimula itong magpaliwanag. This time clear na ang boses niya, “Mag dudubsmash ka for the first part ng kanta then pag nasa bridge na ay biglang titigil ang kanta and you have to sing with your own voice,” paliwanag niya sa amin.
“Ay nakakahiya naman!” inis na sabi ni Lyshta, “Sasali sana ako pero wag na lang. Ikaw na lang Tabitha! Go girl!” sabi niya sa akin at mabilis na finilupan ang form for me bago pa ako makatanggi.
“Hoy Lyshta!” puna ko sa kanya pero kinindatan lang niya ako bago lumakad pabalik kay Ezekiel na nakaupo sa bench sa hindi kalayuan.
Kumaway pa ito sa akin, “I will cheer for you Tabitha! Galingan mo! Aja!”
Naiwan ako sa harap ni Ambo na nakangiti at masayang inaayos ang mga application form na naipon niya. “Buti nakaabot ka Tabitha. Last ka na sa contestants. Punta ka na sa backstage magstart na ang contest any minute now!”
“Agad-agad?!” panic kong tanong sa kausap ko na papasok na ng pinto.
Tumango lang ito sa akin at iniwan na ako.
-0-
“Ayos lang ba sa iyo Eunice?”
Tumango-tango si Eunice sa akin at ngumiti ng matamis, “Sureness teh! This will be perfect! I swear!” pangako nya sa akin sabay kindat.
“TABITHA ABANILLA!”
Malakas na palakpakan ang nakinig ko at naramdaman ko na lang na pinagtutulakan na ako nila Berna, Bea at Marieta papunta sa stage.
Nilunok ko ang aking laway at buong tapang na lumakad sa gitna ng stage at nakita ko ang napakaraming schoolmates ko na nakatingin sa akin.
Buti na lang sanay ako sa mga dance competition dati so I don’t have stage fright anymore. Pero medyo kinakabahan pa rin ako.
Tumunog na ang music at nagfocus na ang spotlight sa akin at nagsimula na akong mag lip-sync.
Madali lang mag dubsmash. Memoryado ko ang lyrics kaya choreography na lang ang ginawan ko ng paraan at facial expression.
Losing friends and I’m chasing sleep
Everybody’s worried about me
In too deep, Say I’m in too deep
And it’s been two years and I miss my home
And there’s a fire in my bones
And I still believe, I still believe
And all of those things I didn’t say
Wrecking balls inside my brain
I would scream all out tonight
Can you hear my voice?
This time this is my fight song
Take back my life song
Prove I’m allright song
My power’s turned on
Starting right now I’ll be strong
I’ll play my fight song
And I don’t really care if nobody else believes
Cause I still got a lot of fight in me
A lot of fight in me
Feel na feel ko ang pag lip-sync at natuwa naman ako na nasabay ang mga nanunuod sa akin sa pagkanta.
Hindi ko alam kung bakit pero inclined ako sa kantang ito. Relate na relate ako kahit sumuko na ako. Pero who cares?! It’s almost time for them to hear “the voice”.
Huminga ako ng malalim at fineel ko yung kanta ng buong puso.
Like a small boat on the ocean
Sending big waves into motion
Like how a single word can make a heart open
I might only have one match but I can make an explosion
After ng kaunting katahimikan ay cue ko na para kumanta pero biglang may bumabang disco ball sa ulunan ko at tumugtog ang nakakaindak na tunog na favorite ko.
UH-HUH I’M WORTH IT!
Napairit ang mga tao ng biglang sumayaw na ako with full force at sa isang iglap lang ay nasa unahan ko na si Eunice at todo na sa pag lip-sync at pagsayaw.
That girl sure can dance! Much better than me!
GIVE IT TO ME I’M WORTH IT!
Hiyawan ang mga tao ng sumama na din sila Bea, Berna at Marieta at sabay kaming apat na nag-back up sa pagsayaw ni Eunice.
UH-HUH I’M WORTH IT!
Dahan dahan akong umatras sa dilim ng likuran at patungo akong tumakbo papunta sa backstage.
Success! Tatawatawa pa ako at nakatakas ako sa pagkanta using my voice. Hindi ko kaya! Dancing ang forte ko so I let Eunice take the spotlight.
Pangiti-ngiti pa ako habang naglalakad papunta sa backdoor at paglabas na paglabas ko ay nakita ko na nakaabang si Lorcan. Mukhang inis at nakasimangot.
Bago pa ako makaiwas ay nakalapit agad ito sa akin at inabot ang isang green apple.
“You owe me a song Tabitha,” galit na ungol nito bago tumalikod at mabilis na naiwan niya akong mag-isa.
-0-
9.
Heroe’s welcome ang sumalubong kay Eunice the next day. As expected hindi na ako napansin ng mga classmates ko dahil nakatuon ang attention nila sa Grand Winner ng contest kahapon.
I can’t blame them. Eunice’s voice is really.... well, revolutionary.
Nang mapansin ni Eunice na napalakpak din ako ay mabilis niya akong kinindatan bago kumaway-kaway ulit sa mga classmates namin na dinudumog siya.
Napailing na lang ako at kinonsult ulit ang project ko.
Nakaka-nine pa lang ako. I wonder. Medyo madami pa akong dapat isulat dito. Pero mahirap pala talaga mag-isip.
I guess yun yung challenge ng project na ito. It looks easy at first pero if you started filling it up, malalaman mo na mahirap din pala mag-isip ng gagawin mo kung may limit na ang buhay mo.
Parang nakaka-depress naman.
Napailing ako at ibinalik ko sa aking bag ang listahan at tumingin sa blue, blue skies sa labas ng bintana at ngumiti.
The day is beautiful and I want it to stay that way.
SAYANG NA SAYANG TALAGA!!!!!!!!!!
Napangiwi ako ng nagsimula nang kumanta si Eunice dahil sa mga requests ng mga classmates ko. I looked at Elyon and Rigel na may mga pasak nang bulak sa tenga habang todo palakpak naman si Iggy kay Eunice na nakatayo na ngayon sa teacher’s desk at todo birit.
Ok, forget the beautiful day.
-0-
OK... calm down Tabitha, abot ka pa! Medyo mataas pa ang araw.
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang naakyat ako ng burol sa likod ng school yard. Kailangan maabutan ko siya!
Sayang naman kung hindi.
Todo effort ako sa pag-takbo at pag-akyat kaya dapat worth it!
Hingal na hingal akong huminto sa tuktok ng burol. Buti na lang may puno ng mangga kaya medyo malilom at may masasandalan ako.
Pumwesto ako sa west side at umupo habang yakap ang aking mga binti at ipinatong ko ang aking ulo sa aking tuhod at tinitigan ko ang muntik ko nang hindi maabutan.
Ang paglubog ng araw...
Sa buong buhay ko hindi ko pa ginagawa ito. I always take it for granted kasi lagi naman siyang nangyayari pero just this once, I will let myself appreciate its’ beauty and grandeur.
Napasinghap ako ng makita ko ang bilog na bilog na araw. Kulay bloody-orange siya and it’s breathtakingly beautiful.
Kitang-kita sa burol na ito ang dagat at hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang view dito.
Hinayaan ko lang ang mga mata ko na i-savor ang view. Bawat detalye at kulay. Gusto kong tandaan kasi hindi ko naman araw-araw magagawa ito.
Malayo pa ang inuuwian ko. Actually apat na sakay ako bago makarating sa amin.
Napangiti ako nang palarin ng hanging malamig ang aking mahabang buhok.
Ilang minuto pang katahimikan at naramdaman ko na may nakatayo sa likod ko.
Pagtingala ko ay nakita ko si Lorcan in his usual get-up.
Pero sa halip na mag-react ako ay huminga na lang ako ng malalim at ibinalik ko ang aking paningin sa araw na ngayon ay unti-unti nang lumulubog sa dagat.
Naramdaman ko na umalis na si Lorcan sa likod ko. Hindi ko na siya nilingon dahil busy pa din ako sa pagkukumahog na ipunin sa utak ko ang memorya ng palubog na araw hanggang sa tuluyan na itong mawala sa aking paningin.
Tumayo na ako sa aking kinauupuan at naghanda nang bumaba ng burol at umuwi. May field trip bukas at ayaw kong maiwan!
Pero napansin ako ang isang green apple na nakabalot sa clear plastic bag na nakasabit sa sanga ng puno.