Chapter 3

2407 Words
5. “Ahhh! Yung lalaki? Naka hoody na black at grey pants? Yung sa 2-A?” Tumango ako kay Marieta at kinuhit niya sila Bea, Eunice at Berna na busy sa pag-aaway sa pagkain. “Teh, si Lorcan diba yun?” “Hah? Sino ba? Ah oo! Si Lorcan nga yun,” sang-ayon ni Eunice sa kapatid tapos ay bumalik din agad ito sa pakikipagdebate sa dalawa pa niyang kaibigan. “Marieta, sino ba siya? Foreigner diba yun?” usisa ko sa pinakamadaling makausap sa apat. If you want to know something in the campus, isang kumpol lang ng mga tsismosa ang kailangan mong lapitan. Ang grupo nila Eunice. They seem to know everything from the love lives of the teacher sa kung anong suot na brief ng varsity player ng basketball. Kaya nga lumapit ako sa kanila ngayon dahil ayokong magtanong ng magtanong sa kung kani-kanino. Dun na nga naman ako sa sure na may isasagot sa akin. Tumango-tango si Marieta at napatingin sa bakanteng classroom ng 2-A. Labasan na kasi ngayon at tambay na lang silang apat na naghihintay ng kanikanilang mga sundo. A perfect time para pagtanungan sila. “Oo beh. Ang alam ko exchange student siya from somewhere in Europe. Medyo kulang kami sa info sa kanya kasi mukhang bigatin or something kaya secured ang background niya. Kakalipat lang niya at ayon sa mga butterflies ko sa 2-A, medyo eccentric siya pero matalino. They decided na hayaan na lang siya mag-isa. Ang alam ko si Rigel lang ang nakakausap niyan dito,” kwento niya sa akin thoughtfully habang nakita naming dumaan si Rigel sa hindi kalayuan dala ang turon sa bibig at patalon-talon habang naglalakad. Biglang tumayo sila Bea, Berna at Eunice at lumakad na papunta sa kinauupuan namin ni Marieta. “Teh, sama ka sa ‘min! Mag-aarcade kami sa mall!” announce ni Berna habang naikot-ikot pa. Inayos ni Bea ang kanyang salamin at tumango sa akin, “Yes. Minsan ka lang naman namin makasama Tabitha.” “Yes! So girls pumayag na si Tabitha! Let’s hit the arcade! Literally!” nakakalokong hiyaw ni Eunice sabay hatak sa aking braso at sa kamay ni Marieta. “Teka hindi pa ako pumapa----“ napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang masamang titig ni Eunice. Isa pang fact. Eunice is the leader of the group for a reason. Isang reason na hindi na dapat binubulatlat pa. -0- I have to admit masayang kasama sila Eunice sa arcade. Well, until nung napalayas sila dahil sobra nang daming panalo ni Marieta, mauubusan na daw ng stock ng tickets ang arcade. Nauna na silang umuwi sa akin bitbit ang mga prizes nila. Samantalang ako ay nakikipanuod lang sa mga taong naglalaro. Maya-maya pa ay napatapat ako sa game kung saan sasayaw ka at susundin mo yung steps para magkapoints. Napatingin ako sa price at medyo pricey siya kasi five tokens to play. Well for experience na din ay pagka-alis na pagka-alis ng last na nagsayaw ay ako agad ang sumabak. Pinili ko yung “Worth It” song at nagsimula na akong umindak. Uh-huh I’m worth it! Kembot-kembot syempre ako. Ang titulo ko bilang Dancer of the Year last last year ay nakataya. Hala sige ako sa pagindayog at pagwasiwas ng aking mga kamay kahit medyo wala na akong practice. Patapos na yung tugtog ng mapansin ko na madami na palang nanunuod sa akin. Binigyan ko ng finishing step ang sayaw at nagpalakpakan sila. Napangiti naman ako dahil after two years ngayon na lang ulit ako nakapagsayaw ng ganito. Medyo nahiya lang ako ng konti ng makita ko na may nagvideo sa akin pero at least kampante ako na maganda naman ang galawan ko. As I walked out of the arcade center, nakita ko si Lorcan. Somehow ang ngiti niya ngayon ay talagang masaya dahil kita ang perfect set ng white teeth at ang dimples niya na bottomless ata. Minabuti kong deadmahin siya pero tinawag niya ako bigla. “Catch!” Pagtingala ko ay isang green apple ang nalipad papunta sa akin. Thankfully nasalo ko iyon. Nakatalikod na siya sa akin at naglalakad na palayo pero kinig na kinig ko ang sinabi niyang “nice moves”. -0- 6. Time has been passing slowly today. Naiisip ko iyon bigla habang nanginginain sa canteen. Hindi na bago sa akin ang ilang cups ng kanin at ilang order ng ulam na tinitira ko lately. Hindi na rin bago ang ilang gallon ng soda na iniinom ko at ang junkfoods na nilalamon ko. Actually pakiramdam ko parang nabigat ako or something. Pero wala naman major difference... yet. Patuloy pa rin ang mga manliligaw ko pero this time binubuyo ko sila papunta sa ibang girls. Much to the delight ng mga may crush sa kanila. Well at least hindi na sila galit sa akin. Pagkatapos kong kumain ay nakita ko ang sarili ko sa salamin na nadaanan ko. Matangkad ako na payat well s***h that, medyo nananaba na ata ako. Almost five nine or something. Mahaba ang aking itim na buhok at may kung anong lalim ang itim na itim kong mga mata. May pagkaputla ako pero nevertheless, a beauty at the tender age of sixteen. Still no boyfriend yet pero I’m more of the standalone types. Yung tipong kayang tumindig sa sariling paa. Pero... I still want to do something daring, adventurous and totally bitchy. For kicks lang ba. Nakita ko ang isang kumpol ng mga fourth year students na babae. Ang kakapal ng make-up nila at ang iiksi ng suot na damit. Well isa sa mga privileges ng pag-aaral sa isang napakaluwag sa rules na public school. “Yeah! It was like, so lame!” “Totally!” “Uh-huh!” Napangiti ako at napatingin sa aking relo. One thirty pa lang at may maganda akong gagawin. -0- I love this feeling. Ipokrita ako kung hindi ko aaminin that I’m enjoying this kind of attention. Well, sino nga naman ang hindi lilingon sa akin ngayon. Kahit ang mga bakla kong schoolmates ay parang gusto nang magbalik-loob dahil lang sa akin. Wearing my full-blast sagala edition make-up and short-shorts with matching sleeveless revealing blouse with matching stilettos, I feel like I am the most beautiful student here (there’s a good chance na ako nga). I’m walking flawlessly with poise and class while holding my pouch like it was nobody’s business. Naglakad ako papunta sa labas ng gymnasium namin para sana pumasok at manuod ng event (cancelled ang klase para sa isang school event). Pero ang daming tao sa labas (nakatingin sila lahat sa akin) kaya minabuti ko na tumambay na lang sa favorite bench ko sa ilalim ng punong mangga. Nabitawan ng isang lalaking first year student ang hawak niyang mga libro ng makasalubong niya ako. I helped him kaso pulang-pula ang mukha niya ng iabot ko ang mga librong nahulog niya. Tumungo kasi ako at I’m sure nakita niya ang dibdib ko. I don’t mind cause this is a special day (at kaya nga nagsuot ako ng revealing dahil nga gusto kong ma-reveal diba). “Hi sexy!” nakakalokong tawag ng isang fourth year student sa akin. Sa halip na mabastos kahit nakakabastos ang pagkakatawag at tingin niya sa akin, I decided to play too. “Hello!” balik kong sagot in a sexy way sabay lakad palayo. Lahat ng madaanan ko ay napapatitig sa aking mukha dibdib at hita. Girl, Boy, Bakla at Tomboy. Bentang-benta akong bastusin ngayon. Well, kabastos-bastos naman talaga ang suot ko so wala akong karapatang magreklamo. You are what you wear ika nga. So wag kang magtataka kung binabastos ka ng iba kung kabastos-bastos naman ang suot mo. Magtaka ka kung desente ang suot mo pero binabastos ka pa rin. Pwede ka nang magwala. Humangin ng malakas at napalad nito ang mahaba kong buhok. Napasinghap ang mga nakakakita sa akin. Gosh, I’m so pretty talaga! Savor this moment Tabitha! For today lang iyan! Ang feeling na hangaan ng iba! “You look ridiculous” Bumagsak sa putikan ang aking ilusyon ng makinig ko iyon. Paglingon ko sa aking tagiliran ay nakita ko si Lorcan na nakasimangot at naka-fold ang mga braso sa dibdib. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang may kung anong kumibot sa mukha niya. Nagpaskil ako ng mapang-akit na ngiti sa aking mga labi at tinikwas ko ang aking buhok sa hangin. “Why Lorcan? Don’t you find me beautiful at all?” malamyos kong tanong sa kanya. Sa halip na sumagot ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at lumapit na siya sa akin. To my surprise hinubad niya ang suot niyang hoody at mabilis na ibinalabal sa akin iyon. “You’re beautiful, it’s true. No need to flaunt it,” tahimik niyang sabi habang itinaas niya ang hood ng jacket para matakluban ang aking ulo. Bago pa ako makasagot ay nakalakad na siya palayo sa akin. Napahiya ako bigla sa sarili ko. Pero bago pa man mag sink-in ang nararamdaman ko ay may nakapa ako sa bulsa ng jacket na ibinalabal sa akin ni Lorcan. To no surprise, pagdukot ko sa bulsa ay isang fresh green apple ang nahawakan ko. -0- 7. “Push! Push kayo!” sigaw ni Iggy sa amin ni Ambo, Rigel, Ezekiel at Elyon. Todo click ako sa skill ni Dryadess para matalo ang hero na kalaban ko pero heto si Elyon gamit si Dragon Knight at namatay siya dramatically sa harap ng hero ko. “Patay na naman si Elyon!” announce ni Rigel habang gigil siya sa pagpipindot sa mouse niya at biglang sumulpot sa harap ko si Jakiro at nag Dual Breath. Thankfully namatay ang kanina pa natodas sa aking kalaban. “Thanks Rigel!” masaya kong hiyaw at inattack ko na ulit yung tower pero may isang sumulpot na Hero. Si Venomancer sa tagliran ko at tinira ako ng tinira ng walang habas. Bago pa man ako makatakas ay namatay na ako sa poison. Rereact na sana ako kaso biglang nagdabog si Ambo at napapailing na tumitig sa monitor ng computer niya. Napatingin na din ako and to my remorse natalo kami. Nasira ang world tree namin ng scourge! Pagtingin ko sa score pang fourth lang ako! “Well guys at least 3 to 1 tayo today! Panalo tayo!” announce ni Ezekiel sa amin. Napabuntong hininga ako at tumayo na. Patapos na ang lunch break at kailangan ko na umuna sa classroom. Aayusin ko pa ang project ko kay Ms. Merlinda. “Una na ako boys! Salamat sa game!” masaya kong paalam sa mga classmate kong lalaki. Nag-thumbs up sila sa akin at ngumiti si Iggy, “Sali ka ulit Tabitha! Ang galing mo pala!” “Sure! Basta may time! See you in class!” Lumabas na ako ng computer shop na nasa tapat lang ng school namin at nagmadali nang pumasok sa gate. “Tabitha pasabay!” Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Elyon na as usual, tangan ang bible niya. Tumango ako at binagalan ko ang aking lakad para makahabol siya sa akin. “Naglalaro ka din pala Elyon. Ikaw ha? Akala ko sa bible ka lang magaling” nanunudyo kong sabi sa kasabay ko. Napatawa ito at napailing, “Nakita mo naman na bulok ako sa ganun pero I do enjoy playing games once in a while. Nakakatanggal ng stress. Pero you also caught me by surprise. I don’t really imagine you knowing how to play DOTA” “Oh well. Pinag-aralan ko lang at nakalibangan,” nakangiti kong sagot sa kanya. Naputol ang pagkwekwentuhan namin ng makarating na kami sa classroom at nagsiupuan na kami sa aming designated seats. Siya sumubsob agad ang ulo sa bible niya. Ako naman, isinubsob ko ang ulo ko sa bag ko para hanapin ang project ko. Thankfully nakita ko ito agad at kinonsult ko ang listahan. Hmmm... Nakaka seven pa lang ako. Twenty three more to go. Well, makakaisip ulit ako para bukas. I happily returned the list in my bag and just in time ay dumating na sila Iggy and almost a minute after them ay si Ms. Merlinda. Time to start the class! -0- “s**t! Hindi ko matalo!” inis kong bulyaw sa hawak kong P.S Vita na hiniram ko kay Eunice. Nilalaro ko ang Final Fantasy X Remastered at hindi ko matalo si Yunalesca! Nakakainis siya! Isasacrifice ko daw si Tidus para matahimik si Sin! Ayoko nga! Yuna and Tidus must be together forever! Die Yunalesca! Busy ako sa paglalaro habang recess namin. As usual katabi ko ang gabundok na junk foods na I swear mauubos ko ten minutes bago matapos ang breaktime namin. Katabi ko sila Rosa at Dikto na nagsusubuan. They know na masyado akong busy sa paglalaro kaya they don’t really care kung maglambingan sila besides me. And I really don’t mind. They are such a cute mature couple. Grabe namatay na si Riku. Si Yuna na lang ang natitira! Grabs pang ilang ulit ko na ito. “Why not try a summon rush?” Muntik ko nang mabitwan ang P.S Vita sa gulat ko sa biglang pag-imik at pagsulpot ni Lorcan sa tabi ko. He is wearing a black hoody again and shades na tumataklob sa mukha at katawan nya. I know from yesterday na pale goldish ang balat niya after niyang ibalabal sa akin ang jacket niya. Speaking of jacket, madami siguro siyang extra at may naisuot agad siya. Note to myself. Isoli ang hoody ni Lorcan tomorrow pagkapalaundry ko. Nagblush ako bigla sa naalala ko. Ngayon lang ako tinatablan ng hiya sa kagagahang ginawa ko kahapon. Napaka assertive at bitchy ko. Hindi ko ba alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nagawa ko yun. I blame adrenaline rush. “You look better today. Better than yesterday, in fact,” nakangising sabi niya sa akin na parang nanunudyo pa. Naramdaman ko na nag-init ang mukha ko sa hiya. Normal na ulit ang suot ko ngayon. T-shirt, jeans at sneakers. Powder and lip gloss lang ang nakalagay sa mukha ko. Unlike kahapon... Grabe Tabitha! Ano ba ang naisipan mo?! “Ma-manahimik ka! Lumayas ka na nga! Bwisit ka sa paglalaro ko!” inis na taboy ko kay Lorcan na nakangiti pa din sa tabi ko showcasing his perfect set of white teeth and bottomless dimples. Nagkibit-balikat lang ito at tumayo na but not before pulling out a green apple from his pocket at inilagay ito sa table sa aking harapan. Lumakad siya palayo sa akin pero I can still see his smile as he walked fast following his classmates who is now starting to go back to their classroom. Naiinis na kinagatan ko ang green apple bago bumalik sa nilalaro ko “Summon Rush” Naalala ko ang sinabi ni Lorcan. Well wala namang mawawala kung ita-try ko diba? After a few minutes, lo and behold! Natalo ko si Yunalesca! Effective ang strategy ni Lorcan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD