Chapter 3

2579 Words
Ehra Lumipas ang ilang buwan at lalong sumisidhi ang nararamdaman kong inggit para sa pinsan ko. Ipinaayos ni Uncle Jaime ang isa sa mga guest room ng mansyon para maging kwarto ko ngunit hindi ito kasing ganda at kasing laki ng kwarto ni Charmaine, kaya ganun na lang ang inis na nararamdaman ko. Inenroll din ako ni Uncle Jaime sa St. Mary's University kung saan nag-aaral ang pinsan ko. Ngunit naging mistulang anino lamang ako ng inggit, dahil lahat ng aming mga kaklase at iba pang estudyante ng Universidad na pinapasukan namin ay sya lang ang pinapansin! Si Charmaine lagi ang bida at ang lagi nilang bukambibig. Naiinis ako sa aking sitwasyon dito! Sikat sya sa Universidad na pinag-aaralan namin dahil sa taglay nyang ganda, katalinuhan at kayamanan. Kaya lagi na lamang akong nasa likuran nya habang pinagmamasdan ko kung paano sya purihin ng lahat ng mga estudyante dito! Kahit pa ba magkapareho ang brand ng mga bag at sapatos namin ay sya pa rin ang tinitingala ng lahat. "Hey, we are invited at Nathan's birthday later. Sunduin kita mamaya?" Tanong ni Prince kay Charmaine. Si Prince ang isa sa mga hearthrob ng University. Napayakap ako sa librong hawak ko. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na masugid na manliligaw ng pinsan ko si Prince. Naging sikat si Prince sa Universidad dahil  sa taglay na kagwapuhan nito at dahil na rin anak sya ng isang bigating politician. "I'm sorry I can't attend to his party. Pakisabi na lang na happy birthday!" Sabi ng pinsan ko Agad na tinalikuran ng pinsan ko ang gwapong si Prince Montes. Ang pinsan ko lang ang nakakagawa nito kay Prince, kung talikuran nya ito ay mistulang hindi sya nasasabik kausapin ang binata. Dahil halos lahat ng babae dito ay si Prince ang pinapangarap! Hinabol ng binata ang pinsan ko. Nakasunod pa rin ako na parang aso sa pinsan kong si Charmaine habang nagmamakaawa sa kanya si Prince. "Please naman Charmaine. Sumama ka naman sa amin. I will ask your parent's permission if you want." Pangungulit pa ni Prince. Muli syang hinarap ng pinsan ko. Ngunit sa pagkakataong ito ay may masungit na awra na si Charmaine. Mukhang naiirita na sya sa kakulitan ni Prince. "Hindi rin ako papayagan nila Mommy at Daddy." Sabi ng pinsan ko. Nakita ko ang pagkadismaya ni Prince nang marinig ang sinabi sa kanya ng pinsan ko. Nakaramdam ako ng matinding awa para sa binata. Humakbang akong paabante at pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Couz, baka naman payagan ka ni Uncle Jaime kapag kasama mo ako." Wika ko Nakita ko ang pananabik ng lalaki mula sa kanyang mga mata. Hinawakan nya ang mga kamay ko. "Yes! You can join with us, Ehra thank you!  Ipaalam mo si Charmaine sa mga magulang nya at tama ka, papayag ang mga iyon kapag alam na kasama ka!" Sabi sa akin ni Prince. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mga kamay nya sa braso ko. Tinignan ko pa ang kanyang kamay kung paano nya hawakan ang aking braso. Para akong nakuryente! Ngayon lang kasi ako hinawakan ng isang lalaki. At gwapong lalaki pa! Ngunit agad ko namang inalis ang pagkakahawak nya sa akin, sa paraang hindi sya madidismaya. "O-Okay, ipagpapaalam ko ang pinsan ko." Sambit ko "Couz? Gagawin mo talaga yon para sa akin?" Tanong ni Charmaine Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Ofcourse, basta para sayo." Sagot ko Mas higit na naging maligaya si Prince. Ramdam na ramdam ko ang pagkagusto nyang makasama ang pinsan ko sa birthday party na iyon. Gusto ko ding makadalo sa napakagarbong birthday party kaya nagpresinta ako na ipaalam ang pinsan ko sa mga magulang nya. May tiwala sa akin sila Uncle Jaime kaya naniniwala ako na papayagan nya kaming makadalo sa party na iyon. "Just make sure na makauwe agad kayo dito at exactly 12 am. Ipapahatid at ipapasundo ko kayo sa driver." Wika ni Uncle Jaime "Thank you Daddy!" Masayang banggit ng pinsan ko Pareho kami ng pinsan ko na may ngiti sa mga labi nang payagan kami ni Uncle Jaime na dumalo sa nasabing party. Nang araw ding iyon ay lumipad sila Uncle Jaime at Aunt Hilary sa Canada para sa isang business trip. Nag-ayos na kami para sa gaganaping birthday party ni Nathan. Isinuot ko ang dress na kabibili ko lang nung isang linggo. Isa itong  white na elegant casual dress. Agad ding inayusan ni Ate Kaye ang buhok ko na babagay sa suot kong damit. Sinuri ko pa ang aking sarili sa salamin at alam kong napakaganda ko ngayong gabi. Alam kong mas mahihigitan ko ang aking pinsan sa ayos ko ngayon. "Ang ganda ganda nyo po Ma'am Ehra!" Banggit ni ate Kaye Lalo akong natuwa sa mga narinig ko at nagkaroon ako ng kumpiyansa sa aking sarili. Bitbit ko ang isang eleganteng sling bag at saka ako lumabas ng aking kwarto. Ngunit laking gulat ko nang makita ko si Charmaine doon na nakaupo. Tumayo sya at ngumiti sa akin. Napalunok ako sa taglay nyang ganda. Suot nya ang isang mini black dress na nagpalabas ng kurba ng kanyang katawan. Nakamake up din sya at angat na angat ang mapupula nyang labi. Bumagay pa sa kanyang damit ang kulot nyang mga buhok. Kung titignan, ay napakasexy ng awra nya kaysa sa akin na balot na balot ang aking katawan. Hindi ko kayang magsuot ng ganung ka-sexy na dress dahil wala akong lakas ng loob. Napakapit ako ng mahigpit sa sling bag na nakasukbit sa akin. Naiinis ako dahil sa  itsura naming dalawa ay sya ang mas kapansin pansin. "Let's go couz!" Pagyaya nya Matipid lang akong ngumiti at napatango lang sa kanyang pagyaya sa akin. Hinawakan nya ang mga kamay ko at nagmamadali sya ng hatakin nya ako sa loob ng kanyang magarang sasakyan. Habang nasa loob kami ng kotse ay panay ang sulyap ko kay Charmaine. Naiinis ako sa tuwing makikita ko ang kanyang ayos. Isinara ko ang aking mga kamao dahil sa tindi ng galit sa puso ko. Pagdating sa hotel... Pagpasok pa lang namin sa venue ay agad na napansin ng mga bisita ang napakagandang awra ni Charmaine. "Very beautiful girl! She is the  daughter of Jaime Dela Torre, right?" Narinig kong pinag-uusapan ng ilang mga bisita. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko dahil si Charmaine na naman ang bida sa mga mata ng lahat! Sya na naman ang maganda! Sya na lang parati ang napapansin! Agad kaming nakita ni Prince at ng may birthday na si Nathan. "Oh finally you're here." Masayang bati ni Prince Agad nilang pinasadahan ng tingin ang aking pinsan mula ulo hanggang paa. "Wow! You are the most beautiful girl tonight Charmaine." Wika ni Prince "Yes, I agree!" Dagdag naman ni Nathan Pareho silang nakatulala sa kagandahan ng pinsan ko. Nakakainis! Nakakaasar! "Thank you! By the way happy birthday Nathan." Sabi ng pinsan ko Inabot nya din ang isang paper bag na kanyang regalo para sa binata. "Thanks, Charmaine. Your presence is more important than any birthday present." Sabi ni Nathan sabay kindat Halata kong nairita si Prince sa mga sinabi ni Nathan. Tila ba pinag-aagawan na nila ngayon ang pinsan ko. Napalunok ako. Inabot ko din kay Nathan ang regalo ko para sa kanya. "H-Happy Birthday Nathan.." wika ko na may halong kaba. Hindi kasi ako sanay humarap sa mga lalaki. Lalo na at alam kong nakakaangat sila sa buhay. Napatingin sila sa akin at ako naman ang pinasadahan nila ng tingin. Biglang nag-init ang aking mga pisngi dahil titig na titig din sila sa akin. Marahil ay nagagandahan din sila sa isang tulad ko. Napangiti ako at inipit ko ang aking buhok sa gilid ng aking tenga. "Thank you. So, saan naman ang binyagan Ehra!" Wika ni Nathan Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Nasaktan din ang puso ko, lalo na nang pagtawanan nila akong dalawa. Umalingawngaw sa aking tenga ang malulutong nilang mga tawanan. Lalo pa akong nakaramdam ng galit sa pinsan ko nang makita kong pati sya ay ngumingisi dahil sa mga sinabi ni Nathan. "Oh my God! Your right Nathan. Ehra looks like Ninang sa suot nya." Dagdag pa ni Prince Kinuyom ko ang mga palad ko sa mga narinig ko. Parang gusto ko na lang biglang maglaho sa lugar na iyon. Ang sakit ng mga sinasabi nila sa akin. "By the way, maupo na kayo sa table na nakareserve para sa inyo." Wika ni Nathan Agad na kinabig ni Prince ang beywang ng aking pinsan at inalalayan nya ito sa table na tinutukoy ni Nathan. Nagalakad na silang patungo doon habang naiwan akong nakatulala sa kinatatayuan ko. Sunod sunod akong huminga dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdamang galit ng puso ko. Pagbabayaran ng pinsan ko ang lahat ng ito! Hinding hindi ako papayag na sya na lang palagi ang bida! Hindi ako papayag na sya palagi ang nagugustuhan ng mga lalaki! Pinalibutan ng iba pa naming mga classmates si Charmaine na syang naging dahilan ng labis na inggit ko sa kanya. “Wow, gorgeous as always!” pagpupuri pa na narinig ko sa kanila. Napunta ako sa sulok ng table habang nanlilisik ang mga mata ko para sa pinsan ko. Pakiramdam ko ay nagmistula akong palamuti lamang dito na hindi man lang nila pinapansin. Dumaan ang mga oras na tila nakalimutan na ako ng pinsan ko. Masyado syang naging abala sa pagkausap sa iba’t ibang lalaki na nakapalibot sa kanya. Masyado syang tuwang tuwa habang tinatanggap ang mga papuri ng mga tao sa kanya. Tumayo muna ako saglit para magtungo sa comfort room. Hindi ko na kaya ang trato nila sa akin. Sobrang sakit, dahil wala man lang ni isa ang pumapansin sa akin. Lahat ng atensyon ay nasa magaling kong pinsan na naman! Bago pa ako makapasok sa banyo ng mga babae ay narinig ko ang boses nila Prince at Nathan. Nag-uusap sila sa labas ng pintuan ng banyo ng mga lalaki. “Kailangan ko syang makuha ngayong gabi. I am desperate to get her virginity!” Gigil na gigil na banggit ni Prince Napahawak ako sa aking bibig. Nagulat ako sa maitim na balak ni Prince. Hindi ko akalain na may ibang balak sya sa pinsan ko. “It’s my birthday. Ako dapat ang makauna sa kanya. Pagbigyan mo na ako.” Wika naman ni Nathan “Okay, okay. Mabait naman akong kaibigan. Pauunahin na kita.” Halos natatawang wika ni Prince Maya maya pa ay bigla na lang akong nagpakita sa kanilang dalawa. Nilingon nila ako na tila ba gulat na gulat sila sa pagdating ko. Halos bumilog ang kanilang mga mata nang titigan nila ako. “E-Ehra—“ tanging nasambit ni Prince Humakbang naman palapit sa akin si Nathan. “W-Wait, kung ano man ang narinig mo, it’s not like that—“ hindi na natapos ni Nathan ang sinasabi nya dahil pinigilan ko sya gamit ang palad ko. Inilagay ko ang magkabila kong mga braso sa aking dibdib at tinaasan ko sila ng kilay. Tinitigan ko sila mata sa mata. Kitang kita ko kung paano sila natakot sa akin. At bigla ko na lamang silang pinagtawanan! Nagkatinginan ang dalawa ng marinig nila ang mga halakhak ko. Kunot noo nila akong pinagmasdan muli. “Masyado naman kayong takot na takot. Tutulungan ko nga kayo para maisakatuparan nyo ang balak nyo sa pinsan ko.” wika ko sa kanila Alam kong ikinagulat nila ang mga sinabi ko. Marahil ay ipinagtataka nila ang kanilang mga narinig mula sa akin. At nagsimulang magbago ang kanilang mga awra. Tila nagkaroon sila ng pag-asa na matikman ang pinsan ko ngayong gabi. “I’m starting to like you Ehra, lagi mo na lang kaming tinutulungan.” Wika ni Prince na may mapang-akit na mga mata. Gumilid ang mga ngiti ko at kasabay nito ay ang pag-angat pa lalo ng aking kilay. “So, ano bang gusto nyong gawin ko?” tanong ko sa kanila Lalong lumawak ang mga ngiti nila sa kanilang labi at lumapit sa akin si Prince. “Simple lang, lalasingin natin si Charmaine. At kapag lasing na sya ay ihahatid mo sya sa amin sa itaas ng hotel. Sa Room 706.” Nakangising wika ni Prince Ginalaw galaw ko ang aking ulo, paitaas at pababa. Sinasang-ayunan ko ang lahat ng kanilang mga plano. Alam kong maliligayahan din naman ang pinsan ko sa gagawin ng dalawang naggwapuhang lalaki na ito. “Okay, iyon lang pala!” sabi ko Nakita kong napahigh five ang dalawa sa sobrang galak. Ngayong gabi ay tutulungan ko sila upang maangkin ang pinsan kong si Charmaine. Ngayong gabi ay dalawang lalaki ang magpapakasawa sa katawan ng pinsan ko. Bumalik ako sa table kung saan naroroon pa rin si Charmaine at nakikipag-usap sa isa sa mga gwapo naming classmate na si Bryan. Nakangisi ako habang nakamasid sa pinsan ko. Tignan ko lang kung tingalain pa sya ng lahat kapag nalaman ng iba na hindi na sya birhen at napagsawaan na ng iba ang kanyang katawan! Pag-upo ko sa silya... “Oh, Ehra! Hindi mo ako sinabihan na magbabanyo ka pala. Sana pala ay sumama ako sayo.” wika ng pinsan ko Inirapan ko sya dahil sa totoo lang ay naiirita na ako sa kaartehan nya! “Busy ka kasi masyado sa mga lalaki mo!” Mataas ang tono ng pagkakabigkas ko nito. Biglang nagsalubong ang dalawa nyang kilay sa akin. “Excuse me?” mataas na din ang tono ng pananalita ng pinsan ko. Ngumiti ako sa kanya at saka ko sya tinignan sa mata. “Joke lang, eto naman napakaserious. Tara inom tayo.” Sabi ko sa kanya Kinuha ko ang dalawang baso na may lamang  wine na bitbit ng waiter nang mapadaan ito sa amin. “Hindi pa tayo pwedeng uminom Ehra, we are only seventeen.” Sabi ng pinsan kong nagmamagaling na naman. Tinakpan ko ang bibig nya. “Ssshhh.” Sabi ko Tinignan kami ng waiter. Tila inuusisa nya kung ilang taon na ba talaga kami. “Ma’am, ilang taon na po kayo?” tanong ng waiter Umigting ang mga panga ko sa tanong ng waiter. Mukhang sisirain pa nya ang mga plano namin. “Kuya, we are already twenty one.” Pagsusungit ko sa waiter Napalunok ang waiter sa mga sinabi ko, tila natakot din sya dahil nagtataray na rin ako. “O-Okay po Ma’am!” sabi nito at tinalikuran na nya kami. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong umalis na sa aming harapan ang usiserong waiter. Kinindatan ko ang pinsan ko. “Ehra, what are you doing?” nagtatakang tanong nito “We are just enjoying the night. Tikman mo na! Wag ka nang mag-inarte couz.” Sabi ko Napabuntong hininga ang pinsan ko. Alam kong curious din sya sa alak. Kaya nga naririto ako para ipakilala sa kanya ang alak na ngayon nya pa lang matitikman! Alam kong bibigay din sya sa malaki naming patibong para sa kanya. Kinuha ko ang kanyang mga kamay at pinahawak ko sa kanya ang glass wine. “Go!” pagbubuyo ko sa kanya Nakatitig lang si Charmaine sa wine glass na hawak nya. Tila ba tinatantiya pa nya ang maaaring maging resulta nito sa kanya. “Hindi ako magsusumbong couz.” Sabi ko pa Maya maya lang ay inangat nya ang baso. Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko lalo na nang tuluyan na nyang nilasahan ang alak na nakalagay sa wine glass. Mas tumalim  ang mga ngiti ko. Nasiyahan ako sa ginawa ng pinsan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD