Chapter 4

2126 Words
Ehra Noong una ay aayaw-ayaw pa ang pinsan kong si Charmaine na makatikim ng alak. Ngayon naman ay halos hanap-hanapin nya ito at nakaubos na sya ng ilang basong wine. Kakaiba na rin ang ikinikilos nya. Halatang nasayaran na ang inosente nyang utak ng espiritu ng alak. Nakakatawa sya dahil ang buong akala nya ay umiinom din ako. Ang hindi nya alam ay nililinlang ko lang sya. Kung hindi ba naman sya kalahating tanga dahil ang alam nya ay sinasamahan ko syang uminom. Talagang malaking tanga ang pinsan ko. Ang daling bilugin ng ulo nya. Ni hindi ko nga gusto ang lasa ng alak at ayokong masayaran nito ang buong pagkatao ko. Nang pinatugtog ang isang nakakaindak na musika ay bigla syang tumayo sa gitna at nagsasayaw sya roon. Wala na syang pakialam sa mga bisita na nakamasid sa kanyang mga ginagawa. "Couz! Halika dito! Let' enjoy the night! Wohooo!" Sigaw nya sa akin Ikinagulat ko ang ginagawa nyang pag-giling sa gitna ng stage. Pinagtitinginan na sya ng mga bisita. Lahat ng kanilang atensyon ay nasa pinsan kong si Charmaine. Nakakahiya sya! Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay dahil talagang kahiya-hiya ang mga ginagawa nya. Ayokong malaman nila na kakilala ko ang babaeng nagwawala sa stage na iyon. Ngunit nakakita ng pagkakataon sina Prince at Nathan para malapitan ang nagwawala kong pinsan. Ngumiti sila sa akin dahil nagustuhan nila ang ginawa kong paglasing sa pinsan kong si Charmaine. Sinayawan din nila ang pinsan ko na ngayon nga ay lulong na sa alak. Hindi natigil ang paggiling ng pinsan ko sa dalawang lalaking nakapalibot sa kanya. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhaan ko ng video ang nawawala na sa kanyang sarili na si Charmaine. Malaking eskandalo ito kapag kumalat ito sa buong University. Ang Charmaine Dela Torre na hinahangaan nila ay gumigiling na parang bayarang babae ngayong gabi. Nakangisi ako habang kumukuha ako ng video. Hanggang sa napuno ng mga bisitang gustong umindak ang buong stage. Ang iba ay may hawak pa na glass wine habang sumasayaw. Lahat sila ay natamaan na ng espiritu ng alak at ayokong mangyari iyon sa akin. Ayokong mawala rin ako sa sarili kagaya ng nangyari kay Charmaine. Napapailing na lang ako sa ginagawa ng pinsan ko. Hindi na nga nya namamalayan na panay ang himas ni Prince sa maselang parte ng katawan  nya. Ngunit dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na nya ito alintana. Ang mahalaga sa kanya ay ang magpakasaya sya ngayong gabi. Habang umiindak sila ay binibigyan pa nina Nathan at Prince si Charmaine ng alak. Ngunit napansin kong may inilagay sila sa baso ng  pinsan ko na kung ano. Wala akong ideya kung ano iyon. Basta ang mahalaga sa akin ay natulungan ko na silang mabihag ang pinsan ko. Kailangan nilang maisagawa ang balak nila kay Charmaine. Gusto kong sirain nila ang buhay ng pinsan ko at malugmok sa kalungkutan. Gusto kong laspagin nila ang katawan ng pinsan ko upang wala na itong maipagmamalaki pa. Mahihirapan na syang humanap ng tunay na magmamahal sa kanya dahil wala na nag iniingatan nyang yaman. Isa-isa nang umaalis ang mga tao sa stage. Akay-akay na nina Nathan at Prince ang walang malay kong pinsan. Kaagad akong lumapit sa kanila. Nakaarko ang kilay ko habang nakamasid ako sa kaawa-awa kong pinsan. Nakakatawa rin ang kanyang itsura dahil hindi na nya naayos ang kanyang sarili dahil sa pagwawala nya sa stage na iyon. "Kayo na ang bahala sa pinsan ko. Pagsawaan nyo ang katawan nya hangga't gusto nyo. Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap mo ngayon, Nathan." Nakangisi kong wika Kitang- kitang ko sa mga mata nila ang kasabikang maangkin ang pinsan ko. "Thank you so much Ehra. Hindi ko akalain na tutulungan mo kami. Don't worry papaligayahin namin ang pinsan mo." Sambit ni Nathan Umalingawngaw ang halakhakan nilang dalawa. Bakas ko sa kanilang mga mata ang matinding pagnanais na maangkin ang katawan ng pinsan ko ngayong gabi. Binigyan ko sila ng isang magandang ngiti pagkatapos ay saka ko sila tinalikuran. Ipinauubaya ko na sa kanila ang pinsan kong pariwara na ang buhay. May patagilid akong ngiti habang nililisan ko ang lugar na iyon. Naliligayahan ang utak ko sa ideyang ngayong gabi ay mawawala ang iniingatang yaman ng pinsan ko. Paniguradong masisira ang buhay nya dahil dito. Sa malayo pa lang ay namataan ko na ang driver na maghahatid sa akin pauwe. Nagmamadali akong sumakay sa loob ng kotse. Ngunit may pagtataka sa kanyang mukha. "Ma'am Ehra, nasaan po si Ma'am Charmaine?" Tanong nito Napailing lamang ako sa mga tanong nya. Ang sarap sabihin sa kanya na yung mistulang anghel nilang amo ay nagpapakasaya ngayon sa piling ng dalawang lalaki. Nagpanggap akong nag-aalala sa harapan ng driver. "Kuya, hindi ko na nga sya makita kanina eh. Ang sabi sa akin ng isang bisita ay sumama sya sa isa naming kaibigan. Nakakainis nga dahil iniwanan nya ako. Umuwi na tayo. Ako na ang magpapaliwanag kay Uncle Jaime. Tatawagan ko na lang sya bukas." Wika ko Tila ikinagulat iyon ng driver ni Uncle Jaime. Wala naman syang magagawa dahil hindi ko na nga makita ang pinsan ko. Hindi namin alam kung saan ito hahagilapin. "Sana ay nasa maayos na lagay si Ma'am Charmaine." Sambit nito Bigla akong nairita sa mga sinasabi nya. Maging sya ay malaki ang pag-aalala para sa pinsan ko. Umarko ang kilay ko sa kanya. "Let's go na Kuya! Ayoko nang magtagal pa dito." Utos ko Kaagad na nyang binuhay ang makina ng sasakyan at tuluyan na rin kaming umalis. Bigla na naman akong napangiti habang nakamasid sa napakagandang hotel na iyon. Sana naman ay mag-enjoy din ang pinsan ko sa masarap na ihahain sa kanya ng dalawang lalaking kasama nya. --- "What?? Hindi mo alam kung saan nagpunta si Charmaine?" Galit na galit na wika ni Uncle Jaime Nagulat ako sa presensya nya sa mansyon. Ang buong alam ko ay ngayon ang flight nila ni Aunt Hilary papunta sa Canada. Pero hindi sya tumuloy dahil may mahalaga syang aayusin sa Dela Torre Group of Companies. Biglang may emergency na nangyari sa kumpanya nila dito sa Pilipinas. Nakailang lakad pabalik-balik si Uncle sa may sala at halata sa kanya ang labis na pag-aalala. Huminga ako ng malalim. Magsisimula na naman ako sa matindi kong kasinungalingan sa harapan ni Uncle Jaime. "Uncle, ilang beses ko po sya pinigilan na huwag pong uminom dahil bawal pa po sa edad namin.. pero mapilit po sya. Hindi ko na sya kinaya dahil may impluwensya na ng alak ang katawan nya." Nasaksihan ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Uncle Jaime. Galit na galit sya ngayon. Halos gustong sumabog ng puso nya sa tindi ng galit na lumalabas sa kanya. Kinuha ko ang cellphone. Ipinakita ko sa kanya ang video kung saan  gumigiling si Charmaine sa gitna ng stage kasama ang dalawang lalaki. Mabuti na lang at malabo ang mga mukha nina Nathan at Prince at madali ko silang mapagtatakpan. "My God! Anong nangyayari sa anak ko? Sino ang dalawang lalaking yan? Bakit hindi mo siya pinigilan?" Galit na wika nya "Hindi ko po sila kilala. Bigla na lang lumapit sa table namin ang mga lalaking yan at sumama naman po si Charmaine kaagad sa kanila. Kung alam nyo lang Uncle na ilang beses ko syang pinilit na huwag sumama sa mga yan. Pero wala pong nangyari." Sambit ko Napaupo na lang sa sofa ang kaawa-awa kong Uncle. Hindi na nya siguro alam ang gagawin kung saan nya hahagilapin ngayon ang malandi nyang anak. "Sige na hija, magpahinga ka na sa kwarto mo. Ako nang bahalang maghanap sa kanya." Wika ni Uncle na bakas ang malaking problema sa kanya. Tumango ako sa kanya at saka ko na sya tinalikuran. "Ehra.." muli nyang pagtawag Lumingon ulit ako kay Uncle Jaime. "Huwag mong tularan ang pinsan mo. Hindi ko alam kung anu ang nangyayari sa kanya. Basta hija, ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait na bata. Huwag kang basta magpapadala sa mga tukso." Wika nya Lumawak ang mga ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Uncle Jaime. "Opo Uncle. Magiging mabait po ako sa inyo palagi. Susunod po ako sa lahat ng mga gusto nyo para po hindi sumakit ang ulo nyo sa akin." Wika ko May kakaibang ngiti ang namuo sa labi ko. Ito talaga ang nasa plano ko. Dapat ay palaging mabuti ang tingin sa akin ni Uncle Jaime. At dapat na maging negatibo ang tingin  nya sa kanyang anak na si Charmaine. Kaagad  na akong nagtungo sa aking kwarto. Matutulog ako ng mahimbing ngayon dahil nagawa ko ang planong nais ko. -- Kinaumagahan ay narinig ko ang mga sigaw ng aking Uncle Jaime. Napabalikwas ako sa aking kama. Bigla kong naalala ang pinsan kong nagpakaligaya sa piling ng dalawang lalaki kagabi. Nakauwi na kaya sya? Kaagad akong bumaba sa may sala kung saan ko naririnig ang matinding kumusyon. Kitang-kita ko si Charmaine na nakayakap sa kanyang sarili at puno ng luha nag kanyang mga mata. "Tell me the truth. Anong nangyari sayo? Saan ka galing?" Galit na tanong ni Uncle Jaime. Ngunit hindi kumikibo ang pinsan ko at panay lang ang daloy ng luha sa mga mata nya. Mahigpit syang hinawakan ni Uncle Jaime sa braso at pilit na kumukuha ng kasagutan. "Charmaine! Magsalita ka! What happened to you??" Galit pa ring tanong ni Uncle. Umiling lamang si Charmaine sa kanyang ama. Pumagitna na ako sa kanila. "Uncle, ako na po ang bahala kay Charmaine. Baka kailangan nya lang magpahinga." Wika ko. Inalalayan ko ang pinsan ko patungo sa kanyang kwarto. "Mabuti pa nga at ikaw na ang bahala sa pinsan mo!" Galit pa ring tinig ni Uncle Jaime Kaagad ko nang dinala ang pinsan ko sa kwarto nya. Pagpasok namin sa loob ay doon sya napahagulgol ng iyak sa akin. Tumalim ang mga ngiti sa labi ko. Mukhang nagtagumpay sina Nathan at Prince  na makuha ang pagka babae nya. Niyakap ko ang aking pinsan at himimas ko ang kanyang likuran upang pakalmahin sya. "Pinagsamantalahan nila ako..." iyak nya sa akin Lalong tumalim ang mga ngiti sa labi ko. Ito talaga ang gusto kong mangyari sa buhay nya. "Anong gusto mo couz? Isumbong natin sila kay Uncle?" Wika ko Biglang kumalas mula sa pagkakayakap ang pinsan ko sa akin at sunod-sunod syang umiling. "Ayoko na ng gulo Ehra. Papalagpasin ko na lang ang lahat ng ito. Ayokong mag-alala si Daddy sa akin." Wika nya Sumang-ayon ako sa kanyang mga sinabi. "Siguro nga mas mabuting ilihim na lang natin ang lahat ng ito. Wag ka ng umiyak... Kasama mo ako..." sambit ko Niyakap nya ako ng mahigpit. Kahit naiirita ako sa pinsan ko ay bumalik din ako ng yakap sa kanya. Nagpanggap ako na nag-aalala para sa kanya. Wala syang ideya na gusto kong sirain ang buhay nya at gusto kong makuha ang lahat ng mayroon sya. -- Nang makabalik kami sa Universidad... Pagpasok pa lamang namin sa gate ay lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa amin. Tila nagbubulungan sila. Tila may pinag-uusapan sila na hindi namin alam. Maraming mga matang nakamasid sa amin. Maraming tao na tila hinuhusgahan kami? Ngunit kay Charmaine sila nakatingin kaya hindi ko mawari kung ano ang nangyayari. Maya-maya pa ay tumatakbong palapit sa amin si Lyka. "Guys, nakita nyo na ba ang scandal na kumakalat sa buong University?" Wika nya Kunot noo kong tinignan si Lyka. Nang magawi ang tingin ko kay Charmaine ay tila nanginginig ang buo nyang katawan. Iniabot ni Lyka ang kanyang cellphone at sabay-sabay naming pinanood ang sinasabi nyang video. Kitang-kita namin ang pinsan kong si Charmaine na hubo't hubad at pinagsasawaan ng dalawang lalaki ang kanyang katawan. Kitang-kita sa video na naliligayahan din ang pinsan ko sa ginagawa ng mga ito. Biglang lumuha sa harapan namin si Charmaine ng makita ang video na iyon. Napatingin sya sa paligid at lahat ng estudyante ay nakatingin sa kanya. Lahat ng mata ng mga tao ay tila hinuhusgahan sya. Bigla na lamang tumakbo palayo ang pinsan kong si Charmaine. Tumakbo sya dahil hindi nya kinaya ang labis na kahihiyan na natatamo nya ngayon. Ngumisi ako nang makita kong tumatakbo syang palayo. Ano kayang pakiramdam nya na may isang malaking scandal sya ngayon na kalat sa buong University? Gusto kong humalakhak sa tuwa dahil sa mga nangyayari sa kanya. Siguro naman ay hindi na sya hahangaan ng mga estudyante ngayon. Siguro naman ay pinagtatawanan na sya ng lahat dahil sa mga nangyaring ito sa kanya. Ang babaeng lubos nilang hinahangaan na akala nila ay isang Santa ay isa pa lang pakawala at malanding babae. Ngayon ay sirang-sira na ang kanyang imahe sa buong University. Gagawin ko ang lahat upang ako naman ang mapansin nila. Ako naman ang hahangaan nila. Ako naman ang titingalain nila. Matalim akong ngumiti at lihim na naligayahan ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD