Ehra Wala akong nagawa sa mga sinabi ni Manang Lorna. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin at bakit tila hindi ko sila kaya. Matapang ako eh. Hindi ko hinahayaang apihin ako ng iba. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging mahina ako. Wala akong kakampi. Hinayaan kong apihin nila ako. Hindi ako makakakain kung hindi ko sila susundin. Kung tatakas man ako ay napakaimposible rin dahil malayo sa kabihasnan ang islang ito. Kailangan ko pang sumakay ng yate, bangka o kahit anong sasakyang pandagat para lang makaalis dito. Wala na rin akong naging balita kay Leon. Hindi na sya nagpaparamdam sa akin at tila kinalimutan na nya ako rito. Napapaisip tuloy ako kung maniniwala ba ako sa pangako nyang babalikan nya ako. "Ehra!" Sigaw ni Manang Lorna isang umaga. Napatakbo ako sa kusi

