Ehra Namangha ako sa suot kong off shoulder white dress na may katamtamang haba lamang. Humubog ang katawan ko sa suot kong ito. Matagal na raw na naririto sa mansyong ito ang puting damit na ito at matagal na ring napaghandaan ni Leon ang magaganap na kasalan ngayon. Hindi ko pa sya kilala ay naiisip na nya ang araw na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasagi sa isip ko kung totoo ba ang lahat ng mga nangyayari ngayon? Ikakasal na ako? Ikakasal ako sa taong hindi ko pa naman lubos na kilala? Ang alam ko lang ay kung ano ang ipinapakita nya sa akin ngayon. Malambing at mabait sya sa akin. Ramdam ko rin ang pagmamahal at pag-alaga nya para sa akin. Ngunit hindi ko alam kung paano sya magalit. Paano kung mapatid ko ang pisi ng kanyang pasensya? Hindi ko alam kung hanggang ka

