Ehra Tunay na paraiso nga ang pinuntahan naming isla ni Leon. Nagpatayo sya ng isang malapalasyong mansyon sa gitna ng islang ito. Hindi ka makakarating sa lugar na ito kung hindi ka sasakay sa isang malaking bangka o yate. Maaari ka ring maglakbay dito sakay ng isang chopper dahil may malaking helipad naman ang islang ito. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng dalawang matanda na siguro’y mga katiwala sa palasyong ito. “Welcome back Leon!” Wika ng matandang lalaki “Kamusta na Tatang Mencio?” magandang bungad naman ni Leon Naunang naglakad si Leon upang salubungin din ang matanda. Sa tingin ko ay malapit sa puso nya ang mga matandang ito dahil iba ang kanyang pakikitungo sa mga ito. Niyakap nya ang dalawang matanda. “Maayos naman kami rito hijo. Salamat naman at dumala

