CHAPTER 08

2795 Words
“WOW! Ella! You look beautiful!” Puri sa akin ni Arkin pagkalabas ko ng bahay. Nakasandal siya sa kanyang kotse. Isang simpleng floral dress lang ang suot ko pero kung purihin naman niya ako ay ganoon na lang, `di ba? What more pa kaya kung sexy dress na talaga. Baka hindi na siya makapagpigil at kung ano pang gawin niya sa akin. Char lang! Naglakad ako palapit sa kanya. Gwapong-gwapo siya sa suot niyang simpleng plain white shirt at shorts na itinupi niya hanggang sa taas ng kanyang tuhod. Yes, pumayag na ako sa offer niya na maging model para sa kanyang shoot. Para daw sa isang print ad ng isang iced tea company. Kailangan ko itong gawin para mapalapit ako sa kanya. Para sa ganoon ay magawa ko na ang aking plano na paibigin siya at saktan sa huli! Bwahaha! Maipaparamdam ko na rin sa mokong na ito kung gaano kasakit ang masaktan nang dahil sa pag-ibig. Well, maganda na rin na tinanggap ko ang raket na ito dahil bukod sa mapapalapit ako kay Arkin ay kikita pa ako. Aminado naman ako na nahihirapan akong kumita ngayon lalo na at bumitaw ako sa pagiging ghost writer. Hindi ko pa rin naman napu-push ang balak kong pagse-self publish dahil ang gusto ko ay makatapos muna ako ng tatlong novels bago ko siya simulan. O, `di ba? I’m hitting two birds with one stone! Taray! Pumitik ako sa hangin gaya ng ginagawa ng mga it-girls nang mapansin kong nakanganga at nakatitig pa rin sa akin si Arkin. “Hey! Hindi pa ba tayo aalis? Ang init-init na!” Kunwari ay reklamong sabi ko. Doon lang gumalaw si Arkin. “I’m sorry. Na-mesmerize lang talaga ako sa ganda mo, Ella! Hinahanap ko kasi sa’yo iyong matabang Ella Panti noon pero wala na siyang bakas sa’yo.” Natatawang sabi niya. Anong wala? Burahin ko lang `tong lipstick ko at makikita mo na naman ang matabang Ella Panti na sinasabi mo! Sabi ko sa aking isip lang. “Well, talagang wala na ang Ella na sinasabi mo. This is Ella Panti version two point ow! Ano na? Tara na?” “Okay!” Umikot siya sa kabilang side ng kotse para pagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya ang dala kong bag kung saan nakalagay ang mga damit at gamit ko. Inilagay niya iyon sa may compartment sa likod ng kotse. Sabi niya kasi ay pang-summer ang mga damit na dalhin ko dahil sa isang island somewhere in Quezon Province gagawin ang shoot. At dahil island iyon, for sure may dagat, may tubig. Kailangan kong mag-extra ingat na huwag mabura ang magic red lipstick. Hindi pa naman ito water-proof. Diyos ko, help me na lang po… Dasal ko pa. “Once pa lang ako nakapunta sa Kwebang Lampas Island at okay siya. Maganda kahit hindi pa masyadong developed `yong isla. White sand, clear water… Saka kapag ganitong buwan, walang masyadong nagpupunta. We’ll be lucky kong masosolo natin ang isla.” Pagkukwento ni Arking habang nagda-drive na siya. “So, Kwebang Lampas pala ang name ng islang pupuntahan natin. Never heard pero mukhang maganda nga base sa mga sinabi mo.” “Mahaba ang biyahe natin. Mabilis na ang five hours kaya kung ako sa’yo, tutulog muna ako. May travel neck pillow ako sa likod, kunin mo na lang.” Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na lang sa backseat ang sinasabi niyang travel neck pillow at inilagay iyon sa leeg ko. Pumikit na ako. Masyadong maaga itong pagbyahe namin. Four in the morning ay gising na ako para magprepare tapos six pa lang ngayon. Kailangan ko talaga munang matulog. Hindi naman ako naglalaway kapag natutulog kaya malabong mabura ang magic red lipstick. PAGBUKAS ko ng aking mata ay nagulat ako nang sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Arkin. Naka-smile siya at may pakiramdam ako na matagal na niya akong pinapanood habang natutulog. Bigla tuloy akong nailang at nag-iwas agad ako ng tingin. Nakahinto ang kotse sa isang parking lot. “Nasa’n na tayo?” tanong ko sabay hikab. Doon lang lumayo sa akin si Arkin at umayos ng upo. “Pagbilao, Quezon. Kakalampas lang natin ng Lucena.” Tinignan ko ang oras sa aking wristwatch. Quarter to twelve na pala kaya pala kumakalam na ang sikmura ko. Wala pa naman kaming breakfast. At grabe lang, halos anim na oras pala akong nakatulog. Ako pa rin pala talaga si Ella na mataba kahit nasa katauhan ako ng Ella na sexy! Matakaw pa rin matulog. “Actually, hinihintay lang kitang magising para kumain…” Sa pamamagitan ng kanyang ulo ay itinuro niya ang isang pizza parlor na nasa harapan namin. “Dapat ginising mo na lang ako para nakakain na tayo. Gutom na talaga ako.” “Ayokong istorbohin ang pagtulog mo. Mahaba pa ang biyahe natin. Three hours pa, I guess. And besides, I love watching you sleep. Para kang dyosa… So beautiful!” Kung hindi ko lang kilala si Arkin ay iisipin kong may gusto na siya sa akin. Pero alam kong binobola lang niya ako. Ganiyan na ganiyan siya sa akin noong high school pa lang kami. Pa-fall. Tapos ako naman na-fall. Kaya nang umamin ako sa kanya, ayon, nilaglag niya ako. Sweet lang pala siya sa akin kasi nakakakopya siya. Ang user lang `di ba? Humikab lang ako para ipakita sa kanya na walang epekto sa akin ang sinabi niya. Siya dapat ang ma-fall sa akin this time at hindi ako ang ma-fall ulit. “Okay. Tara na? Gising na ako, `di ba?” Nauna na akong bumaba sa kanya sa sasakyan at sumunod na siya. Walang masyadong kumakain sa pizza parlor na iyon kaya madali kaming nakakuha ng magandang pwesto. Tatlong whole pizza ang inorder ko tapos pinadagdagan ko pa ng isang platter ng carbonara at chicken wings. Gutom na gutom talaga ako kaya kailangan kong kumain ng marami. Kumuha agad ako ng dalawang slice ng pizza at pinagpatong iyon sabay kagat. Siyempre, doble-ingat ako na huwag mabura ang magic red lipstick. Hindi ko talaga nakakalimutan! Nginuya ko iyon nang walang arte at natigilan na naman ako nang makita kong tila aliw na aliw na pinapanood ako ni Arkin. “Kumain ka na. Hindi ka mabubusog kung papanoorin mo lang ako,” untag ko sa kanya. Ipinatong ni Arkin ang kanyang baba sa dalawang kamay habang nakatuon ang mga siko sa table. “Naaaliw lang ako sa’yo, Ella. Ang physical appearance mo lang ang nagbago pero `yong ugali mo ang hindi. You’re still the old Ella I know… Walang arte. Medyo tumaray ka nga lang ngayon unlike when we were young na sweet ka at sobrang bait.” “Arkin, people change. Lalo na’t nasaktan sila!” Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko dahil uma-ampalaya na naman ako pero wala na, nasabi ko na, e. Hindi ko na mababawi iyon. “Wow! Speaking from experience? Is that about--” “Here!” Para hindi na mapag-usapan ang nakaraan ay mabilis akong kumuha ng isang chicken wings at sinaksak iyon sa bunganga ni Arkin. “Kumain ka na. Ikaw na rin ang may sabi na mahaba pa ang biyahe natin, right?” Iiling-iling na lang na kumagat si Arkin sa manok at nginuya iyon. Ako naman, bilang taong gutom ay walang pakialam na inubos ang dalawang slice ng pizza. Ang sunod na tinira ko naman ay ang carbonara at chicken wings. “Hindi ka ba natatakot na tumaba ulit niyan?” tanong ni Arkin. Sumagot ako pero hindi niya naintindihan dahil sa puno ng carbonara ang bibig ko. Nilunok ko muna iyon sabay inom ng iced tea. “I eat a lot tapos binabawi ko na lang sa work out. Masyadong masarap kumain para hindi ako maing matakaw,” sagot ko. “Okay. If you want, sabay tayong mag-work out minsan. We can be gym buddies. Lately kasi ay parang tinatamad akong mag-work out dahil wala akong kasama.” Tumango ako. “Sure!” sagot ko sabay subo ng carbonara. Naramdaman ko ang sauce na naiwan sa aking bibig kaya naman agad akong kumuha ng tissue at pinunasan ang aking labi. Itatabi ko na sana ang tissue nang nanlaki ang mata ko nang makita ko ang bahid ng lipstick doon. Pinagpawisan ako ng malamig at parang saabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. “Hey, namumutla ka. May problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Arkin habang ako naman ay hindi alam ang isasagot sa kanya at hindi rin alam ang gagawin. Nabura ko ang magic red lipstick!!! tili ng utak ko. Para akong nakakita ng multo nang makita kong biglang tumaba ang kamay ko. Agad ko namang itinago iyon sa ilalim ng table para hindi makita ni Arkin. Pinagpapawisan na ako ng malapot at malamig. Nanginginig na rin ang buong katawan ko sa sobrang tense. Parang may intensity seven na lindol na nangyayari sa aking body! Feeling ko rin ay kakawala na ang puso ko sa lakas ng kabog niyon. Hinawakan ni Arkin ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa. “Hey, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya. Shit! Mabubuking na ba niya ako? Hindi pwede! Binawi ko agad ang aking kamay sabay tayo. “Ah… R-restroom! I need to go to the r-restroom!” Bitbit ang bag ay tumakbo ako sa restroom. Pumasok agad ako sa isang cubicle at doon na nga ako bumalik sa tunay kong anyo. Malas lang dahil napunit ang dress na suot ko sa may likuran dahil bigla akong tumaba. Nandoon pa naman sa compartment ng sasakyan ni Arkin ang mga damit ko. “Malas! Dapat talaga super duper ingat ako!” himutok ko habang nakaupo sa toilet bowl at hinahanap ang magic red lipstick sa aking bag. Nakita ko naman agad iyon at in-apply na sa aking lips. “Ang dating majubis, ngayon ay ninipis… Sa aking alindog, ika’y mahuhulog!” After kong sabihin niyon ay nagtatalon na naman ako at nagpaikot-ikot hanggang sa maging sexy na naman ako. Lumabas na ak ng cubicle at inayos ang aking sarili sa harap ng malaking salamin doon. Tinignan ko iyong sira sa likod ng dress ko. Hmm… Okay lang naman pala pero for sure magtataka si Arking kung bakit iyon napunit. Bahala na. Atleast, hindi niya ako nabuko. Iyon naman ang importante. Hindi naman napansin ni Arkin ang nasira kong dress no’ng bumalik ako sa table hanggang sa matapos kaming kumain. Napansin niya lang iyon nang pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Sinabi ko na lang na sumabit sa pinto ng cubicle kaya nasira. “Magpalit ka kaya?” aniya. “`Wag na. Isa pa, saan ako magpapalit dito? Pagdating na lang natin siguro sa isla. May scarf naman akong dala. Iyon na lang ang gagamitin kong cover up kapag lumabas ako ng kotse mamaya,” sabi ko. “Okay. Sabi mo, e…” Tugon niya at sumakay na kami sa sasakyan niya at umibis na iyon. AFTER two hours of driving ay narating na namin ang maliit na pier sa Padre Burgos, Quezon. Ipi-nark na ni Arkin ang sasakyan niya at magkatulong naming binitbit ang aming mga gamit. Sabi ni Arkin ay sasakay na sila ng bangka na magdadala sa kanila sa Kwebang Lampas Islang. May kausap na raw itong bangkero kaya wala na silang problema. “Sir Arkin!” isang payat na matandang lalaki ang lumapit sa amin. “Mang Domeng! Ang taba niyo ngayon, a!” Niyakap ni Arkin ang matanda at tinapik sa likod. “Nasa’n po bangka niyo?” tanong niya matapos niyang yakapin ito. “`Ando’n, sir!” Itinuro nito ang isang kulay yellow na bangka. “Aba, sir, napakaganda naman ng gelpren niyo!” Ang laki ng ngiti ni Arkin sa sinabi ni Mang Domeng. “Ah, hindi niya po ako girlfriend, Mang Domeng.” Magalang kong singit. Tila walang balak si Arkin na itama ang maling akala ni Mang Domeng kaya ako na ang gumawa. “Ah, e… tara na?” Aalalayan sana ako ni Arkin sa pagsakay sa bangka pero hindi ako pumayag. Nakiusap ako kay Mang Domeng na siya ang umalalay sa akin. Alam ko naman na gusto lang niyang mahawakan ang kamay ko. As if naman papayag ako na mangyari iyon. Gusto ko siyang takamin muna. Kaunting pakipot muna dapat, `di ba? “WOW! s**t! Ang ganda!” Hindi ko na napigilan ang mapamura nang sa wakas ay huminto na ang bangka ni Mang Domeng sa baybayin ng Kwebang Lampas Island. Muntik pa ngang sumala ang paa ko sa paglalakad sa nilalakaran kong malapad na kahoy pababa ng bangka dahil mas nakatuon ang pansin ko sa buong isla. Hindi ganoon kalaki ang islang iyon. Puti ang pinong buhangin at crystal clear ang tubig. May isang maliit na tindahan sa `di kalayuan at ang tanging tao na nakikita ko ay iyong matandang babae sa tindahan. Sa kaliwa namin ay merong isang malaking kweba pero butas o lamapasan. Now I know kung saan nakuha ang pangalan ng islang ito. May rock formation din na kalapit lang ng kweba na humahalik sa dagat kaya pwede doong mag-cliff diving, I guess. “I told you, you will love it!” Tila nagmamayabang na turan ni Arkin sa akin pagkababa namin sa bangka. Tinaasan ko siya ng kilay. “Kung makapagsalita ka naman, parang ikaw `tong gumawa ng isla,” sabi ko sabay ngiti. “Joke lang!” At nag-peace sign ako sa kanya. Ibinaba na rin ni Mang Domeng ang lahat ng gamit namin at iniwan na niya kami doon. Aniya, i-text na lang daw namin siya kapag aalis na kami para masundo niya kami. Itinayo na rin ni Arkin ang dalawang tent na dala niya. Aba nga naman at gentleman din pala ang kumag na ito. Dalawang tent talaga, e. Sinabi niya na tig-isa kami. Tumulong na rin ako sa pag-aayos ng mga gamit namin. May dala rin siyang foldable na dressing area kung saan doon ako magpapalit ng damit. Wow! Very boy scout naman this guy! “Gusto mo bang kumain muna tayo bago tayo mag-shoot? Maaga pa naman. Ang gusto kasi ng Iced Teh Company ay may picture ang model sa sunset, sunrise tapos sa dagat at sa taas ng rocks.” tanong niya nang matapos na kami. “Busog pa ako, e. Pwede bang maglakad-lakad na lang muna ako?” Tumango si Arkin. “Sure. Magsi-set up lang ako. Tapos, I’ll text or call you na lang kapag okay na. `Wag ka lang lalayo and be careful…” Medyo kinilig naman ako ng very very light sa concerned na ipinakita niya. Slight lang, ha. Hindi `yong kilig na mai-inlove na ako. “Okay!” Nagpalit na rin ako ng isang summer dress at nagsuot ng buri hat. Feel na feel ko talaga ang islang ito dahil walang ibang tao kundi kami lang ni Arkin. Naglakad-lakad ako sa baybayin. Hindi naman ganoon kainit kaya hindi na ako nagsuot ng sunglasses. Isa pa, gusto kong pagmasdan ang kalikasan with my bare eyes. Nang medyo mapagod sa paglalakad ay hinubad ko ang aking tsinelas at ginawa iyong upuan. Umupo ako paharap sa kalmang dagat. Parang ang sarap magsulat dito. Sayang at hindi ko nadala ang laptop ko. Sobrang nakaka-relax dito at baka makatapos ako ng limang nobela sa dalawang araw lang. Oo nga pala, kailangan ko nang tapusin iyong novels na sinusulat ko. Masyado ko nang napapabayaan ang writing career ko dahil sa pag-iisip na makaganti kay Arkin. Iba-balance ko na lang ang pagganti at pagsusulat. Baka naman kasi mamulubi na ako nito, `no. Maya maya ay may napansin akong starfish sa may hindi kalaliman. Tumayo ako at kinuha ang aking cellphone. Gusto kong kunan ng photo ang starfish na iyon. Pang-i********: din. Hindi na ako nag-abalang isuot ang aking tsinelas nang lumusong ako sa tubig. Naglakad ako hanggang sa malapit na ako sa naturang starfish. Medyo brown siya na may yellow spots. Hanggang ibaba ng tuhod ko lang naman ang tubig kaya keri lang. Kinunan ko ng ilang pictures ang starfish at nang ma-satisfied ay tumalikod na ako para bumalik sa buhangin. “Aray!” sigaw ko nang may maramdaman akong tumusok sa aking talampakan. Pagtingin ko sa nilalakaran ko ay may nakita akong isang sea urchin at mukhang iyon ag natapakan ko. Nakangiwi at paika-ika akong bumalik sa buhangin at umupo doon. Tinignan ko ang aking talampakan at may nakita ako doon na limang spikes ng sea urchin na nakatusok. Bigla akong kinabahan dahil sa pagkakaalam ko ay may lason ang sea urchin lalo na kapag natusok ka nito. Diyos ko! Mamamatay na ba ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD