I BADLY need help! Kailangang tawagan ko si Arkin para sabihin sa kanya ang nangyari sa akin. Hindi ko na rin kasi alam kung makakapaglakad pa ako dahil sa mga tusok ng sea urchin sa aking talampakan. Natatakot kasi akong tanggalin ang mga iyon dahil sa totoo lang ay takot ako sa dugo. What if, pagtanggal ko ng spikes ay umagos ang maraming dugo? Baka doon na ako mamatay! Ayoko pa, `no!
Akmang ida-dial ko na ang number ni Arkin nang bigla siyang tumawag. Sinagot ko naman agad iyon.
“Hey, Ella! Tapos na akong mag-set up. Kapag ready ka na, bumalik ka na lang dito--”
“Arkin, I need your help!” Helpless na sabi ko.
“What?! Anong nangyari sa’yo?!” Ramdam ko ang pagbangon ng pag-aalala sa boses niya.
“N-nakatapak kasi ako ng sea urchin tapos--”
“Where are you?”
Luminga ako. “Alam mo naman siguro kung saan akong side ng baybayin pumunta, `di ba?”
“Yes! Yes!”
“Diretsuhin mo lang iyon tapos makikita mo na ako.”
“Naglalakad na ako. May nararamdaman ka bang kakaiba o ano?”
“Wala naman p-pero h-hindi ko matanggal iyong spikes, e. T-takot ako sa dugo.”
“Yeah, I know. I remembered no’ng high school tayo, nakatapak ka naman ng bubog tapos you passed out kasi ang daming dugo. Ako ang nagdala sa iyo noon sa clinic, `di ba?”
Sandali akong natigilan sa sinabing iyon ni Arkin. “N-naaalala mo pa `yon?” Hindi lang kasi ako makapaniwala na naaalala pa niya ang pangyayaring iyon. Ibig sabihin ba noon ay hindi niya ako nakalimutan pati na ang memories namin?
“Of course naman. Nakikita na kita!” Naputol na ang linya.
Nakita ko na rin si Arkin na tumatakbo palapit sa akin. Para akong isang babaeng nalulunod na ni-rescue ng isang lifeguard nang makalapit na siya sa akin. Pumwesto agad siya sa may paanan ko para i-check ang aking talampakan.
Tumingin siya sa akin habang ako naman ay takot na takot.
“You have to relax, okay? Kailangan kong tanggalin ang spikes,” aniya.
“B-baka dumugo kapag tinanggal mo…” Mangiyak-ngiyak na turan ko.
“Hindi dudugo. Trust me. Pero after kong tanggalin ang spikes, I’m sorry pero kailangan nating paduguin nang konti. Konti lang naman.”
“Pero…”
“Trust me, Ella.”
Nagtama ang aming mga mata.
“Okay.” sagot ko.
“Just look away…” aniya.
Sinunod ko naman ang utos niya. Tumingin ako sa malayo. Naramdaman ko ang pagtanggal niya ng mga spikes sa talampakan ko at medyo mahapdi siya. Pero kaya ko naman. At nang paduguin niya ang sugat ko doon sa pamamagitan nang pagpisil sa aking talampakan ay napapikit na lang ako. Inisip ko na walang dugo. Kung meron man ay konti lang, just like Arkin said.
“T-tapos na ba?” tanong ko nang tumigil na siya.
Umiling siya. “May final step pa para mamatay ang lason.”
“Ano `yon?”
“Kailangang ihian ang sugat mo.”
“P-parang ang hirap naman yatang gawin iyon. Hindi ko maiihian ang talampakan ko.”
“Ako ang gagawa.”
“What?!” gulat na turan ko.
Napatayo tuloy ako pero muntik na akong mabuwal kung hindi lang ako nasalo ni Arkin. Naiilang na inilayo ko ang mukha ko sa kanya dahil muntik nang magdikit ang aming mga pisngi. Wala akong nagawa kundi ang umupo na lang ulit sa buhangin dahil nang itapak ko ang aking nasugatang paa ay talagang masakit siya.
Naisuklay ko ang aking mga daliri sa sarili kong buhok. “Bakit ba kailangang ihian pa?” Tensed na tanong ko.
Sino ba naman kasi ang hindi mate-tensed sa sinabi ni Arkin? Iihian niya ang talampakan ko?! Medyo eww at medyo bastos din kasi. Babae ako, lalaki siya. Paano `yon?
“Kailangan iyon dahil last summer ay nabiktima rin ng sea urchin ang pinsan ko. Nilagnat siya nang sobrang taas. No’ng ihian `yong sugat niya, doon lang nawala. Kaya bago ka lagnatin, iihian ko na iyang sugat mo.”
Natahimik ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Sa hitsura naman kasi ni Arkin ay mukhang hindi siya nagbibiro at ang kapakanan ko lang ang iniisip niya. Siguro ayaw din niyang magkaroon ako ng sakit o lagnat dahil ako ang model niya. Mauunsiyami pa ang photo shoot na gagawin namin.
“`Wag ka na lang tumingin. Pumikit ka para hindi mo makita.” Pangungumbinse pa niya. “Walang malisya. This is for your own good, Ella. Malayo ang hospital dito.”
“Okay. Sige. Payag na akong ihian mo ang sugat ko. H-hindi na lang ako titingin…” Sa wakas ay pumayag na ako pero medyo naiilang na nahihiya talaga ako.
Ang awkward lang kasi, `di ba?
I mean, ilalabas ni Arkin ang kanyang ano tapos… s**t! `Di ko ma-imagine talaga! Ayokong i-imagine. Ayoko, ayoko!
“Ready ka na ba?”
Tumango na lang ako bilang pagtugon.
Ini-stretch ko ang aking binti at lumuhod na si Arkin sa tapat ng aking paa. Tumingin naman ulit ako sa malayo habang nakapikit ako.
“Hindi ako naiihi pero I’ll try my best…” Narinig kong sabi niya.
“Just do it. Okay?” Naiinip na sagot ko.
Maya maya ay naramdaman ko na ang mainit-init na ihi ni Arkin sa talampakan ko. Mas lalo akong napapikit dahil doon.
Ito na yata ang pinaka awkward moment ko sa buong buhay ko!
Siguro ay mga five seconds din na naramdaman ko ang ihi niya sa talampakan ko. Limang seconds pa at mukhang tapos na siya kaya naman ibinukas ko na ang mata ko at lumingon sa kanya.
“Mabuti naman at natapos na--”
“Oh, s**t!”
Agad na ipinasok ni Arkin ang kanyang p*********i sa loob ng kanyang shorts nang makita niyang nakatingin ako doon.
“s**t! Sorry!” Natatarantang sabi ko. “Akala ko tapos ka na!”
Ako naman ay pumikit ulit at sinamahan ko pa ng patakip ng palad sa mata ko. Hindi ko naman sinasadya! Hindi ko naman nakita na medyo pinkish ang kanyang ano, e. Promise, hindi ko talaga nakita. Wala akong nakita!
“Sinabi ko naman sa’yo, `di ba? Hindi ako naiihi. Nag-concentrate lang ako kaya ako tumigil.”
“Okay, okay! My fault! Pwede na ba akong tumingin? Siguro, pwede na iyon. Medyo nabawasan na naman ang sakit, e.”
“I think, okay na `yon. Pwede ka nang tumingin,” aniya.
Marahan kong inalis ang aking palad sa aking mata. Nakaupo na si Arkin sa aking harapan at natatawa.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong nakakatawa, Mr. Arkin Andres?”
“Ikaw! Look at you! Ang pula-pula ng mukha mo. Nakita mo, ano?” pilyong sabi niya.
“Ha? H-hindi, ah!” Pagsisinungaling ko sabay tayo. Medyo nawala na nga ang sakit. Effective ang ihi ni Arkin.
“Is that your first time na makakita ng--”
“Arkin, stop!” pigil ko sa sasabihin niya.
“Sa reaksyon mo, mukhang first time mo nga,” patuloy na panunudyo niya.
“Kung gusto mong matuloy ang photo shoot na ito, tigilan mo ako!” Pagtataray ko naman sa kanya.
“Okay!” Nakataas ang kamay na sabi niya habang pigil ang pagtawa.
“POSE! Okay… Smile. Smile… Smi--” Inalis ni Arkin ang mata niya mula sa pagkakasilip sa eyepiece lens ng camera niya. “Naka-smile ka na ba niyan, Ella?”
Okay. Alam ko na hindi ako makangiti nang maayos dahil hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa nangyari kanina. Imagine, nakita ko ang hindi ko dapat makita kay Arkin. Hindi na maalis sa utak ko ang parteng iyon ng katawan niya. Diyos ko! Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pag-pose sa harap ng mokong na `to.
Huminga ako nang malalim sabay ngiti.
Yellow na two-piece swim suit ang suot ko. Very confident naman ako dahil maganda at sexy ako. Pero kung nasa katauhan ako ni Jelay, never kong susuotin ito.
Nakatayo ako sa baybayin habang manaka-nakang humahalik ang mahinang alon sa aking paa. Hawak ko ang isang tall glass na may lamang iced tea.
“`Yong natural na ngiti naman, Ella.”
“Hindi ako makapag-concentrate!” Pag-amin ko.
“Ah… Siguro kaya hindi ka makapag-concentrate kasi iniisip mo pa rin `yong--”
“I am warning you, Arkin. `Wag mo nang ipaalala!”
Ngunit kahit naman hindi niya iyon ipaalala ay naaaala ko pa rin.
Tatawa-tawa siyang kumibit-balikat. “Okay, ma’am. Gusto mo bang magpahinga muna?”
“Good idea!” sang-ayon ko at ininom ko ang iced tea.
Nilapitan ako ni Arkin upang ipakita ang mga shots niya. “Magaganda naman lahat ng shots kaya lang `yong smile mo lang talaga ang problema. Ipapadala ko na ito sa Iced Teh Company, sa advertising nila para makapili na sila. I am sure magugustuhan nila. Ang ganda mo, e. Close to perfect…” Pagkasabi niya no’n ay simpatiko siyang tumingin sa akin sabay ngiti.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko kasabay ng pagbilis ng t***k ng aking puso. Naubos ko tuloy iyong laman ng baso kasama na ang yelo. Wala akong choice kundi ang nguyain ang mga yelong nasa bibig ko.
“Ang hot mong kumain ng yelo…” Paanas na sabi ni Arkin.
Naningkit ang mga mata ko. “Are you flirting with me?” tanong ko after maubos ng yelo sa bibig ko.
“Magpapa-flirt ka ba?”
Tumaas ang kilay ko. “It’s for you to find out!” Kinindatan ko siya at naglakad palayo.
Nang lingunin ko siya ay nakita kong sinusundan niya ako ng tingin.
Sige lang, Arkin, landiin mo lang ako. Lalandiin din kita hanggang sa ma-fall ka nang tuluyan sa akin. At kapag na-fall ka na, hindi kita sasaluhin para lumagapak ka at maramdaman mo ang naramdaman ko noon!
HINDI na ulit kami nakapag-shoot ng araw na iyon dahil lumubog na ang araw. Kalat na ang dilim sa buong isla pero may mga poste naman ng ilaw. Pero sabi sa amin no’ng matanda ay hanggang twelve midnight lang ang kuryente. Six ng gabi hanggang twelve lang daw talaga ang kuryente nila kaya mag-charge na daw kami ng mga gadget namin.
Inihaw na tilapya, kamatis at toyo tapos kanin ang dinner namin ni Arkin. Nakaupo kami sa buhangin habang nakaharap sa bonfire. Ang sarap ng kain ko dahil ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito. Tapos nakakamay pa kami. Heaven!
Madalas kasi ay baboy ang kinakain ko o kaya ay cake at mga sweets. Kaya naman never akong pumayat. Thanks to magic red lipstick talaga!
At isa pa pala, kailangang maging in character na ako sa pagiging sexy at maganda ko. Hindi na dapat ako kain nang kain dahil baka magtaka na si Arkin. Kahit naman sabihin ko na malakas akong mag-gym baka magtaka pa rin siya kung bakit hindi ako tumataba.
“Ayoko na…” Pinagpag ko na ang kamay ko para maalis ang mga kanin doon.
“Ha? Nakakaisang rice ka pa lang, ah.”
“B-baka kasi tumaba ako.”
“Binabawi mo naman sa gym, `di ba?”
“Kahit na. Gutom lang talaga ako kanina kaya ako malakas kumain.”
Tumango-tango na lang si Arkin at tinapos nito ang pagkain.
“Oo nga pala, na-send ko na sa Ice Teh Company `yong pictures mo. Baka mamaya ay may reply na sila.”
“Sana naman ay may nagustuhan na sila…”
“Sana. Pero hindi pa tapos ang shoot natin, ha. Maaga kang gigising bukas dahil hahabulin natin ang sunrise para sa shoot.”
“Walang problema. Morning person naman ako, e…”
Pagkasabi ko no’n ay isang mahabang katahimikan na ang namagitan sa aming dalawa ni Arkin. Nakatingin lang ako sa dagat pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin. Naiilang na naman tuloy ako.
Tinignan ko siya saglit. “O, baka naman matunaw na ako niyan!” Biro ko.
Umusog siya palapit sa akin. “Wala lang. Hindi ko lang akalain na magiging ganiyan ka kaganda. I mean, maganda ka na naman noong high school pa lang tayo pero lalo kang gumanda ngayon.”
Binobola ka lang niya, Ella. `Wag kang magpapadala! Sabi ko sa aking sarili.
Pagak akong tumawa. “`Wag mo nga akong lokohin. Kung maganda na ako noon, why did you rejected me?” Leche! Bakit ko ba biglang natanong pa iyon?! Pesteng dila `to!
“Aaminin ko, nakikipaglapit lang ako sa iyo noon dahil nakakakopya ako sa’yo. Pero bata pa kasi tayo noon, Ella. Ang gusto ko lang ay makapasa sa school… And I am so sorry kung nagawa ko man iyon. Isa pa, kung naging tayo ba noon sigurado ka ba na tayo pa rin ngayon? I know, isa ako sa naging motivation mo para baguhin ang sarili mo. Admit it, Ella.” Mahina siyang tumawa habang ako ay tinitignan kung sincere ba siya o hindi. “But I am matured now. Nagbago na ako. Alam mo bang hindi ka nawala sa isip ko after ng graduation? Wala na akong iniisip na ipapasang exams. Kung nakikipaglapit man ako sa’yo ngayon hindi dahil may kailangan ako sa’yo kundi dahil--”
“I guess, tama ka! Past is past!” Putol ko sa pagsasalita niya. Isang pekeng hikab ang pinakawalan ko. “Inaantok na ako. Tutulog na ako, ha. Good night, Arkin.”
“Good night…” tugon niya.
Tumayo na ako at pumasok sa tent. Pagkahiga ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaluha. Aaminin ko, medyo tinamaan ako sa sinabi ni Arkin kanina. May point naman siya, bata pa kami noon. Hindi nga lang ba ako maka-move on kaya naisip kong gantihan siya? Pero paano pa at nakuha ko ang magic red lipstick kung hindi ako gaganti sa kanya, `di ba?
Ang purpose ng magic red lipstick ay ang maging masaya ako… Magiging masaya nga ba ako oras na masaktan ko ang damdamin ni Arkin?
Nalilito na napailing ako sa aking sarili.
Itutuloy ko pa ba ang pagganti ko?
O hindi na?
`Wag mo nang ituloy, Ella. Just move on… Mukhang sincere naman si Arkin sa pakikipaglapit sa iyo ngayon. Give him a second chance. Forget the past and move on for you to move foreward… Iyon ang sabi ng angel side ko.
Anong move on and move foreward ka diyan?! Singit naman ng aking devil side. Tandaan mo na sinaktan ka niya, Ella! Muntik ka pang magpakamatay dahil sa ginawa niya! Ganoon na lang ba iyon?! Kakalimutan mo na lang ba `yon?! Ituloy mo ang pagganti mo! Push!!!
Naguguluhan na bumalikwas ako ng bangon. Nakakalito na. Bakit kasi kailangan pang sabihin ni Arkin ang mga ganoong bagay? Nagulo na ang plano at utak ko! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Teka, nasaan ba si Matandang Hukluban? Kung kailan kailangan ko ng kausap hindi siya biglang sumulpot! Kainis!