Sapang Bato

1390 Words
Bahagyang lumayo ang driver at hindi nagtagal ay nakarating na nga sila. Bumungad sa kanila ang isang sapa na may napaka linaw na tubig may malalaking bato. At umaagos na tubig. Ngunit mas na amazed si Phoebe nang makita ang napaka-cute na bahay sa tabi nito. Agad siyang nagtungo roon at nakita niyang may terrace pa 'to, maliit na kusina at dalawang kuwarto. Na natili siya sa labas at dumistansya pa rin sa mga kasama nito. Pakiramdam niya ay naiiba siya, walang nagmamahal, walang kalayaan at puro sakit ng ulo ang binibigay. Hindi rin niya tinitingnan si Grayson at hindi rin siya pinapansin nito. Kung kaya umupo siya sa isang bato sa sapa at ibinabad na lang ang paa sa umaagos na tubig. "Sana mabilis lang ang araw para makaalis na ako rito. Pangako magpapakabait na ako at aayusin ko na ang buhay ko. Hindi na rin ako magpapasaway," aniya nito sa kanyang isipan at nahagip ng kanyang mga mata si Grayson na nakatingin sa kanya. Kung kaya agad niyang iniiwas ang tingin. “Ikaw talaga, Grayson. Kahit kailan alam mo talaga kung ano ang gusto ko. Naalala ko pa na dito rin tayo noong last kong uwi sa Pilipinas at naghahabulan tayo roon,” narinig ni Phoebe na saad ni Rebecca sinasadya pa nitong iparinig sa kanya. Tuluyan ng nabagot si Phoebe dahil sa harutan nila Grayson at Rebecca na animo'y wala itong mga kasama at hindi siya nakikita. Mas lalo siyang naiinis nang makita niya kung paano hilahin ni Rebecca ang laylayan sa suot nitong crop top para makita ni Grayson ang cleavage nito. Kaagad na tumayo si Phoebe at tinungo ang kinaroroonan nang driver. Para may pagkaabalahan siyang iba. “Kuya, ano 'ng ginagawa mo? May maitutulong ba ako?” tanong ni Phoebe sa driver. Nakita niya itong nagdidingas ng apoy. “Mag-iihaw po kasi sabi ni Sir Grayson, Ma'am Phoebe. Paborito kasi ni Ma'am Rebecca ang inahaw na pusit,” tugon ng driver. Tila may kung ano 'ng kumurot sa puso ni Phoebe. "Kaya ba sila nandito dahil kay Rebecca? Ibig sabihin sabit lang ako rito?" Ani pa ng dalaga sa kanyang isipan. Tuluyan nang nawala ng gana si Phoebe dahil sa sinabi ng driver. “Buwiset! Na Grayson 'to! Ginawa pa akong taga-witness ng kanilang love story! Kung paano sila maglampungan!” bulong niya sa kanyang sarili. “Ano po ang sinasabi mo, Ma'am?” tanong naman ng driver na parang may narinig sa sinaad ni Phoebe. “Ah, wala. Tulungan na lang kita sa ginagawa mo.” Sagot nito. Unti-unti namang nakalimutan ni Phoebe ang kanyang pagka bagot dahil masaya rin palang kausap ang driver. At napapangiti siya nito kahit paano. ”Kuya, tagasan ka? May asawa at anak ka na ba?” tanong pa ni Phoebe. “Naku, Ma'am. Taga-rito lang ako. Matagal na akong tauhan ni sir Grayson at sa awa nang Dios hindi ko pa rin nakatagpo ang babaeng ihaharap ko sa altar." “Ay, bakit naman Kuya? Hindi naman kayo pangit. Ang totoo nga ang gwapo ng hitsura mo. Kaysa sa ibang mga lalaking nandito sa probinsiya." “Umalis ka nga riyan! Huwag mong istorbohin ang driver ko. Ang mabuti pa maligo ka na!” Basta-basta na lang sumulpot na saad ni Grayson. ‘Tapos na ba kayo sa paglalampungan? Kaya pinakialaman mo naman ang buhay ko!’ sa isip ni Phoebe. Ngunit hindi niya masabi at Padabog na lumayo sa tatlo. Hindi pa rin humiwalay si Rebecca sa gilid ni Grayson. Kaya may nabuong kalokohan si Phoebe. Walang babalang hinubad ni Phoebe ang kanyang suot na t-shirt at short tanging underwear na lang ang natitira. At akmang maglalakad na siya palayo sa tatlo nang pinigilan naman ito ni Grayson at galit na tumingin sa kanya. Maging si Rebecca ay nanlaki ang mga mata at kapag kuwan nakasimangot. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mong babae ka! Isuot mo itong damit mo!” sigaw ni Grayson ngunit matamis na ngiti ang pinakawalan ni Phoebe sabay sabing. “Ayoko nga! At ano bang pakialam mo, ha? E–sagusto kong maligo nang nakahubad,” Nakangiting tugon ni Phoebe kay Grayson at buong lakas na inalis ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanyang mala-pulsuhan. “Huwag kang titingin!” bulyaw ni Grayson sa driver nang mapansin nito na nakatingin ito sa katawan nang dalaga. Kaya mas lalong napasimangot si Rebecca. Mas napaismid si Phoebe nang makitang naghubad rin ng suot na dress si Rebecca. Makinis at maputi naman ang balat nito ngunit hindi nga lang ganoon kaganda ang hugis ng katawan nito hindi katulad ng kay Phoebe Wala namang nakitang reaksyon ang dalaga sa mukha ni Grayson nang makita ang katawan ni Rebecca sa isip ni Phoebe marahil nagsawa na ito sa katawan ng kasama. ‘Tsk. . . ano ba 'yan parang may apat na anak na,' sa isip Phoebe. Sabay talikod at lumusong na sa tubig. Ramdam ni Phoebe ang lamig ng tubig at sarap nito sa balat. Kaya mas lalo siyang nag-eenjoy pero hindi masyadong lumayo dahil hindi naman niya alam kung paano lumangoy. Pero na buwiset nga lang siya nang makitang lumusong din sa tubig si Grayson at Rebecca ng magkahawak kamay. "Ang lamig ng tubig, Grayson. Sarap sa balat," rinig pa ni Phoebe na saad ni Rebecca. "Oo nga, eh. Parang walang pinagkaiba ang tubig nito sa dati kapag pumupunta tayo rito." Ani pa ni Grayson. "Mukhang mapapadalas ako rito." Ani pa ni Rebecca. "Why not! Basta tawagan mo lang ako at susunduin kita agad." Nakangiti namang saad ni Grayson. Kung kaya naglakad pa si Phoebe paatras at palayo sa dalawa. Dahil Ayaw nitong marinig pa ang mga matatamis na salita ng usapang nang dalawa sa isa't isa. Hanggang sa hindi niya namamalayang palalim na pala ng palalim ang tubig at na natatapakan niya at nakatapak siya ng biglaang lalim ng tubig na parang patibobg dahil hindi pantay ang bato-bato na kanyang tinatapakan. Kung kaya biglang napataas ang kanyang mga kamay at mas malalim ang kanyang natapakan na hindi na abot ng kanyang mga paa. "Help! He-Help," saad niya. At sa isang iglap lang ay tuluyan na ngang lumubog ang kanyang ulo. "Lo, lolo. Patawad po. Patawarin niyo ako. Siguro ngay hanggang dito na lang ako. Salamat, Lo. At mahal na mahal ko po kayo." Pamamaalam ni Phoebe at tuluyan na ngang lumubog ang kanyang katawan sa tubig. Saka siya nakainom ng tubig pailalim. Hindi naman nagtagal si Phoebe sa tubig dahil maya maya ay sinisid siya ni Grayson sa kailaliman ng tubig. Agad din silang umahon. "Oh, no! No, Phoebe! Hindi ka puweding mawala mananagot ako sa lolo mo! Hindi ka puweding mawala!" Paulit-ulitb na saad ni Grayson at punong-puno ng takot, at pag-aalala ang binata. Dahil wala ng malay si Phoebe. Ilang beses niyang pin-ump ang dib dib ni Phoebe gamit ang kanyang dalawang palad at CPR ang dalaga. "Bumali ka, Phoebe! Huwag mo akong iwan!" Paulit-ulit na bulong nito sa kanyang isipan na hindi napapagod at wala ng pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ilang sigundo o minutong paulit-ulit sa ginawa gawa si Grayson at hindi nga nagtagal ay nagkamalay na ang dalaga at inubo ito na tumalsik ang tubig sa kanyang bibig. "Thank God! Are you okay?" hingal na hingal na tanong ni Grayson at mabilis na niyakap ang dalaga. Maya maya naman ay iniabot ni Rebecca ang tuwalya. "I think kailangan niya ito." Ani pa ni Rebecca. Agad na ibinalabal ni Grayson ang tuwalya sa katawan ni Phoebe. "I'm fine. Thank you." Sagot naman ni Phoebe at mabilis na tumayo na parang walang nangyari at nagtungo sa maliit na bahay na parang cottage nila. "Ma'am, Phoebe? Okay ka lang?" Agad naman na tanong ng driver na nag-aalala rin. "Okay lang ako, kuya. Pakuha na lang ng tubig." Sagot naman nito. Mabilis na kumuha ng tubig ang driver at iniabot kay Phoebe. "Papasok muna ako sa loob." Ani pa ni Phoebe at nagtungo nga ito sa silid at doon ay umupo siya sa kama na gawa sa kawayan. Samantalang habang magkasama si Grayson at Rebecca ay nakatanaw lang si Grayson sa bahay kung nasaan naroon ang dalaga. "Hey, are you okay? Sa palagay ko'y okay naman na si Phoebe. Kaya relax ka lang," ani naman ni Rebecca kay Grayson. "Yup," tipid lang na saad ni Grayson at huminga ito ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD