"Grayson, dito ka na lang sa tabi ko, please." Pagmamakaawa ni Rebecca.
"Oo nga, dito ka na lang sa gitna namin at ayokong makita ang pagmumukha niya!" Sang-ayon din ni Phoebe.
Kung kaya imbes na uupo na sana si Grayson sa tabi ng driver ay napilitan 'tong umupo sa pagitan ng dalawang babae.
Doon ay agad na sumandal si Rebecca sa braso ni Grayson.
"Napagod ako sa byahe at inaantok na ako." Ani pa ni Rebecca.
"Sige, pahinga ka na." Ani rin ni Grayson na hinayaang sumandal sa kanya ang dalaga.
Agad naman na kumunot ang noo ni Phoebe nang makita ang ginawa ni Rebecca.
"Ay gano'n! Maka kapit siya kay Grayson wagas! Parang akala mo kung pag-aari niya! Sino ba 'tong babae na 'to?" Naiinis na tanong ni Phoebe sa kanyang isipan.
Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na sila.
Agad na ibinaba ng driver ang maleta. Pagkatapos ay kinuha nito ang susi mula kay Grayson at binuksan ang bahay pati na rin ang isang silid na naka kandado.
Habang si Grayson naman ay binuhat si Rebecca ng pa-bridal style.
Nakita naman 'yon ni Pheobe. At hindi nito maintindihan ang kanyang mararamdaman. Kung kaya hindi na lamang niya 'to pinansin at binaliwala.
Nang mailagay ni Grayson ang bisita sa silid nito ay saka na lang niya binalikan si Pheobe.
"Tayo na." Malamig na boses na saad ni Grayson kay Phoebe.
"Hindi ako tatakas. Kaya hindi mo na kailangan pang lagyan ng posas ang kamay ko. Iyong bisita mo na lang ang intindihin mo!" Inis na saad ng dalaga at nauna 'tong pumasok sa silid nila.
"Ano'ng problema niya?" Takang tanong naman ng binata sa kanyang sarili. At sumunod na rin 'to.
Agad na nagtungo si Phoebe sa comfort room at doon nga ay nag-shower siya.
Sa paglabas niya ay nadatnan nito si Grayson na nakaupo sa sofa.
"Oh! Bakit andito ka? Dapat andoon ka sa bisita mo. Hindi rito. Saka huwag kang mag-alala. Dahil hinding-hindi ako tatakas at magpapakabait na ako. Para wala ka ng problema at nagsasawa na akong makita 'yang pagmumukha mo!" Wika pa nito at diri-diretsong nagtungo sa kama saka nagkumot ng kanyang ulo.
"Ano bang problema ng babae na 'to? May sapi yata!"
Kinabukasan ay maagang nagising si Phoebe nagwalis, nag-mop, nagkuskus ng banyo pati sa labas ay nagwalis na rin siya at nagdilig ng halaman. At dahil hindi siya marunong magluto ay kumuin na lang siya ng tinapay. Habang nakaharap sa TV.
"Hay! Buhay! Ang tagal naman ng araw." Aniya pa nito sa kanyang sarili na nababagot na naman at napatingin siya sa dalawa na sabay na naglalakad pababa ng hagdan.
Kapit na kapit si Rebecca sa braso ni Grayson. Habang naglalakad ang mga 'to na nagtatawanan pa.
Hindi naman maintindihan ni Phoebe ang kanyang sarili kung bakit naiinis siya sa tuwing nakikita niya ang mga ito.
"Hey, Kid. Nakapagluto ka na ba?" Tanong ni Rebecca kay Phoebe.
Nakasimangot si Phoebe na tumingin kay Rebecca.
"Hindi pa, gurang! At wala akong balak na ipagluto ka ng pagkain." Matabil naman na saad ng dalaga.
"Rebecca, hindi siya marunong magluto. Pero don't worry dahil ipagluluto kita." Nakangiting saad ng binata.
"Awwwww, ang sweet mo talaga. Kahit noon pa man ganyan na ganyan na ka na sa akin. Kaya nga kapag umu-uwi ako rito gustong-gusto ko talagang mag-stay sa 'yo." Aniya pa ni Rebecca.
"Ahhh, ang arte mo!" Inis naman na saad ni Phoebe at iniwan nito ang dalawa. Hanggang sa makita niya ang driver.
"Kuya, saan ang punta mo?" Tanong nito sa driver.
"Sa palayan, Ma'am." Sagot nito.
"Puwede ba akong sumama? Huwag kang mag-alala. Dahil dala ko 'tong posas. Kahit iposas mo pa sa kamay mo. Para sure ka na hindi ako tatakas." Saad pa ni Phoebe na bitbit ang posas.
"Paalam po muna tayo kay Sir Grayson."
"Ako ng magsasabi." Muling pumasok sa loob ng bahay si Pheobe.
Doon nga ay nadatnan niya ang dalawa na nakatayo sa kusina at nakayakap si Rebecca mula sa likuran ni Grayson.
Hindi niya mawari kung bakit para bang tinutusok ng maliliit na karayom ang kanyang puso. Ngunit hindi niya 'to pinahalata.
"Pasinya na kung mai-istorbo ko ang paglalampungan ninyo! Gusto ko lang sabihin na aalis kami ni Kuya Driver at mauuna na sa palayan. Huwag kang mag-alala. Dahil hindi ako tatakas, para pari-parihas na tayong makaalis sa imbyernang yugto na 'to." Mabilis na saad ni Phoebe.
Pagkatapos sabihin ng dalaga 'yon ay hindi na nito hinintay pa ang sasabihin ni Grayson at bigla na lang siyang umalis at agad na sumakay ng sasakyan. Pinosasan din nito ang kanyang isang kamay saka pinosasan din ang isang kamay ng driver at isinurender ang susi sa driver.
"Hinding-hindi ako tatakas kuya, pangko 'yan. Para makauwi na ako sa amin." ani pa nito.
Nagtakang napatingin ang driver sa dalaga at hindi 'to makapaniwala sa ginawa ni Phoebe.
"Tayo na, kuya," nagmamadaling saad pa ng dalaga.
"May sinabi na ba akong puwede na kayong umalis?" Kunot noong tanong ni Grayson at binuksan nito ang pintuan ng sasakyan.
"Baba!" Dugtong pa nito at nakita nga niya ang posas sa kamay ni Phoebe at gano'n din sa isang kamay ng driver.
"Asaan ang susi niyan?" agad pa na tanong nito.
"Andito po, Sir. Hindi ako ang may gawa niyan si Ma'am Phoebe po." Agad na saad ng driver at inilabas ang susi.
Kung kaya walang ano-anong sumiksi si Grayson sa loob ng sasakyan at siya mismo ang nagkalas ng posas.
"Sa susunod huwag mong kukunin 'to ng hindi nagpaalam sa akin! At huwag na huwag mong ipo-posas sa ibang kamay. Dahil sa kin lang dapat. Baba!" Sermon pa ng binata.
Wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang bumaba ng sasakyan.
"Kainis!" Inis na inis ni Phoebe. Dahil hindi siya sanay na hindi nasusunod at pinapakialaman.
"Ano'ng tinatayo-tayo mo dyan? Pumasok ka sa loob at kakain na." Utos pa ni Grayson sa dalaga.
"Hindi ako gutom at dito na lang ako." Pagmamatigas ni Phoebe.
"Nag-iinarte ka na naman. Hindi ba't sinabi ko. Bawal ang maarte dito. Pumasok ka sa loob!" Muli na namang saad ni Grayson.
"Kainis talaga!"
"Mabuti pa 'y kumain na tayo." Nakangiting wika ni Rebecca nang makita ang dalawa.
"Umupo ka rito sa tabi ko." Utos pa ni Grayson na hinila ang isang upuan sa tabi nito at sumunod naman si Phoebe.
Kitang-kita ni Pheobe na nilalagyan ni Rebecca ng pagkain ang plato ni Grayson samantalang siya ay walang kagana-gana at nakasimangot ang mukha.
"Hay, nagmumukha lang akong chaperone rito at na O-OP pa." Ani pa nito sa kanyang isipan.
"Kumain ka na, Phoebe. At baka gutumin ka." Ani ni Rebecca na sumusubo ng pagkain.
"Kumain ka na." Utos naman ni Grayson at nilagyan nito ng ulam at kanin ang plato ni Phoebe.
"Kumain ka at walang boyfriend na mag-aalaga sa 'yo." Aniya pa ni Rebecca kay Phoebe.
"Sinong may sabing wala akong boyfriend. Marami, marami akong boyfriend!" Pagmamayabang naman ni Phoebe.
"Gano'n ba? Okay pero wala nga lang dito. Kaya kapag nagkasakit ka walang mag-aalalaga sa 'yo. Kaya kung ako sa 'yo. Kumain ka ng husto at magpakabait. Para naman hindi mo na kami istorbohin pa ni Grayson." Saad ni Rebecca.
"Ka ireta." Inis na saad ni Phoebe mabilis nitong kinain ang pagkain sa kanyang plato. Pagkatapos ay nagtungo siya banyo."
"Iyong ang yabang kong magsabi. Pero wala naman talaga akong boyfriend." Saad pa ni Phoebe sa kanyang sarili na malungkot at nakaharap sa salamin.
Ngunit inayos nito ang kanyang sarili at lumabas sa silid. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina at doon ay kanyang hinugasan ang mga plato sa lababo. Nakita rin niyang muling pumasok sa loob ng silid sila Rebecca at Grayson.
"Siguro nga magkasintahan sila." Aniya pa ni Phoebe sa kanyang sarili. Kung kaya lumabas na lamang siya.
"Ma'am, bakit andyan ka sa labas. Sakay na lang po kayo sa loob ng sasakyan tutal malamig na sa loob." Wika naman ng driver.
"Dito na muna ako. Baka hanapin ako ni Grayson saka tyaka na ako papasok sa loob kapag nakapasok na sila ng girlfriend niya."
"Nagseselos ka ba, Ma'am?" Agad na tanong ng driver.
"Naku, kuya. Hindi, ah!" Mabilis na sagot ni Phoebe.
"Bakit namumula 'yang pisngi mo?" Pang-aasar pa ng driver.
"Namumula ka dyan. Hindi, ah! Saka naglagay lang ako ng blush on. Mag-CR lang ako tawagin niyo ako kapag aalis na." Dahilan na lang ng dalaga.
Napangiti sa isipan ang driver dahil sa ikinilos ng dalaga.
"Dito na lang ako uupo sa tabi ng driver. Huwag kang mag-aalala. Mag behave ako." Agad na saad ni Phoebe nang makasakay na ang dalawa.
"No! Dito ka sa tabi ko. Wala akong tiwala sa 'yo. Baka bigla kang tumakas." Mabilis na saad ni Grayson at umusod ito sa tabi ni Rebecca kung kaya pinagitnaan siya ng dalawang babae.
Habang nasa byahe sila ay nakasandal si Rebecca kay Grayson. Si Phoebe naman ay nakatingin na lang sa labas ng bintana at pilit na inaaliw ang sarili.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila.
"Sir, nasa likod na po ng sasakyan 'yong baon natin na pinaluto ninyo at mga inumin po." Saad ng driver.
Nagningning ang mga ni Phoebe nang marinig ang inumin.
"Dapat magpakabait ako ng husto ngayon. Para makainom ako ng alak." Nasasabik na saad ni Phoebe sa kanyang isipan.
"Kuya, driver. Samahan na kitang magbuhat ng gamit." Agad na saad ni Phoebe at inaagaw nito ang dalang malaking box ng driver.
"Ako na, kuya. Please. Kayang-kaya ko 'to." Ani pa ni Phoebe at hinawakan ang box na bitbit ng Driver at halos magdikit ang kanilang mukha.
Agad na nilapitan ni Grayson ang dalawa, bahagyan niyang itinulak si Phoebe at tinanggal pa nito ang pagkaka-kapit sa box.
"Lumayo ka! Bawal kang magbuhat ng kahit na ano rito at lalong huwag mong subukang dumikit sa mga lalaki ang sagwang tingnan na nagmamakaawa ka. Pati driver gusto mo na ring patusin!" hindi napigilan na saad ni Grayson.
Naghahalong inis at galit ang nararamdaman ni Phoebe. Dahil sa sinabi ni Grayson sa kanya at pakiramdam rin niya ay napahiya siya sa driver. Kung kaya umatras na lamang siya at bahagyang lumayo. Nakita pa niyang nakangiti si Rebecca na mukhang masaya na pinahiya siya.
Dahan-dahan na lang siyang naglalakad na nakasunod sa kanila ngunit tahimik 'to at may pagitan sa mga kasama niyang naglalakad sa unahan.
Iba ang kanilang dinaanan at mukhang hindi 'yon patungo sa palayan na pinuntahan nila. Ngunit walang imik si Phoebe na naglalakad. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay sa lugar na 'yon at pilit na tinatago ang nararamdamang kirot sa dib dib. Wala rin 'tong reklamo.
"Ma'am, okay ka lang? Wala kang imik dyan. Baka mapanis 'yang laway mo. Pasinsya ka na." Paumanhin ng driver.
"Okay lang ako, kuya. Sanay na ako sa kanya at pasinsya ka na. Saka huwag kang lumalapit sa akin. Baka mamaya mapagalitan ka rin." wika naman ni Phoebe.