chapter 10

1519 Words
Nang medyo umayos na ang paghinga ko ay tsaka ko pa binalingan ang taong nagligtas sa'kin para lang matigilan nang bumungad sa paningin ko ang seryosong ekspresyon nang basam-basang si Judge Franco. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito habang matalim na nakatingin sa'kin. Siguro kung ibang tao ang kaharap nito ngayon at nakatanggap ng matalim na tingin ay tiyak nanginginig na sa takot. Kahit ako nga ay medyo kinabahan din. Unang beses ko siyang nakitang galit. Gano'n pa man ay matapang kong sinalubong ang tingin niya. May atraso pa siya sa'kin kaya hindi ako dapat magpasindak. Bahagya akong nawala sa konsentrasyon nang mapansing suot pa rin nito ang three-piece suit nito na sinusuot sa trabaho. Mukhang nagmamadali siyang tumalon sa swimming pool at hindi na naisipang hubarin kahit ang sapatos na suot. Hindi ko alam kung kailan siya dumating mula sa trabaho, hindi ko siya nakasabay kaninang hapunan. Parang nahipnotismo akong napatitig sa butil ng tubig na tumutulo mula sa basa niyang buhok. Sumagi sa isip ko ang seryoso niyang ekspresyon no'ng una ko siyang nakita sa personal, hindi ko alam kung bakit bigla ko naipagkumpara ang hitsura niya ngayon. At lalong hindi ko maintindihan kung bakit bigla ay tila nag-iiba ang t***k ng lintik kong puso. "Akala ko ba ay balak mong guluhin ang buhay ko?" matigas na untag ni Judge Franco sa saglit kong pagkatanga. Agad akong natauhan at binalik ang atensiyon sa kasalukuyan. Hinamig ko ang sarili at isinantabi ang kakaiba kong napapansin tungkol sa reaksiyon ng puso ko. "Hindi ba gusto mong makita akong nahihirapan?" dugtong pa ni Judge Franco sa naunang pahayag na may kasamang yugyog sa'kin. Hindi ko man lang napansing nakahawak pala sa magkabilaan kong balikat ang dalawa niyang kamay. Ramdam ko man ang tensiyon sa kamay niya ay hindi nakaligtas sa'kin na alalay pa rin ang ginawa niyang pagyugyog na para bang kahit nanggigigil na siya ay may pag-iingat pa rin sa kanyang kilos. Tikom ang bibig na sinalubong ko ang galit niyang tingin. Mukhang hindi naman nangangailangan ng tugon ang tanong niya kaya pinili kong huwag sagutin lalo na at pareho naming alam ang sagot doon. "So, what's this?" paasik niyang tanong bago ako binitiwan. Pinanood ko ang marahas niyang paghampas sa tubig gamit ang isa niyang kamay na lihim kong ikinapiksi nang inabot ako nang tilamsik na nilikha niyon. May kalakasan ang pagkakahampas niya na para bang doon niya nilabas ang nararamdamang frustration. Dapat ay makaramdam ako ng takot pero nakakapagtaka na tila ba sinasabi ng instinct ko na wala akong dapat na kakatakutan pagdating kay Judge Franco. Nanatili pa ring nakasunod ang tingin ko sa kanya kaya nasaksihan kung paanong puno ng frustration siyang napahilamos sa sariling mukha. Nanatili akong walang kagalaw-galaw sa kinatatayuan ko at kunwari ay hindi apektado nang marahas siyang pumihit paharap ulit sa'kin at sinibat ako ng malamig niyang tingin na tila nanunuot ang lamig sa balat ko. Hindi rin nakatulong na balot na balot akong tumalon kanina kaya ngayon ay parang basang-sisiw ako na basam-basa mula ulo hanggang sa bahagi ng katawan kong nakalublob sa tubig. "You're better than this stupidity, Leahkim Caraballe!" pasinghal na pahayag ni Judge Franco nang muli siyang magsalita. Bakas pa rin sa mukha niya ang matinding galit habang umiigting ang pangang sinisibat ako ng matatalim na tingin. Mabuti na lang at hindi na niya ako hawak-hawak dahil kung sakali ay baka niyugyog na naman niya ako hanggang sa maalog ang utak ko. "Go ahead and give me all the trouble you want, Leah. I can take that," matigas niyang pagpapatuloy niya na para bang hinahamon ako. "But don't you ever put yourself in danger again. That's the only line I won't let you cross." May napansin akong kislap ng panganib na dumaan sa mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Wala sa sariling napalunok ako habang inaanalisa ang nakikita kong emosyon sa kanyang mukha. May parte sa'kin ang gustong magrebelde at magpahiwatig nang pagkontra, pero mas nanaig ang matinong bahaging na tila nagpapahiwatig ng babala na hindi ito ang tamang oras upang sagarin ang pasensya ng taong kaharap ko. Para naman akong nahipnotismong hindi maalis-alis ang paningin sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit pero tila nag-iiba ang t***k ng puso ko habang titig na titig sa galit niyang mukha. Sa halip na matakot ako ay tila nawiwili pa akong panoorin iyon habang nakikita ko kung paano siya nagpipigil. Natutukso akong alamin kung ano ang mangyayari kapag bigla ay maputol ang pagtitimpi niya. "Manang Maria, pakialalayan si Leah pabalik sa silid niya," maya-maya ay utos ni Judge Franco bago ito tumalikod mula sa'kin. "Halika na, Leah..." mahinahon pero may pagmanadaling agaw ni Manang Maria sa atensiyon ko mula kay Judge Franco. Naramdaman ko ang magaang pagpatong ng kamay nito sa balikat ko, pero hindi ako kumilos. Ilang sandali pa munang nanatili ang tingin ko sa nakatalikod na bulto ni Judge Franco bago ako nagpaubaya sa pag-alalay ni Manang Maria at ng ilang mga kasambahay upang tuluyan akong makaahon mula sa swimming pool. May nararamdaman akong pamimigat ng loob habang iniisip ang galit at dismayadong ekspresyon ni Judge Franco. Siguro ay nakainom ako ng tubig mula sa pool kaya bigla ay hindi maganda ang pakiramdam ko. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili upang maibsan ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko masabi kung dahil ba sa lamig ng tubig o dahil sa muntikan nang nangyari dulot ng saglit kong kahinaan ang panginginig kong ito. Isang malaking tuwalya ang maingat na ibinalot sa akin ng isang katulong na malugod kong tinanggap. Tsaka lag nabawasan ang nararamdaman kong panlalamig. Awtomatiko akong napakapit sa dulo ng tuwalya habang hinayaan si Manang Maria na igiya ako patungo sa malaking bahay. Malapit na kami sa pintuan nang huminto ako at nilingon ang pinanggalingan namin. Katulad kanina ay wala pa ring kagalaw-galaw sa kinatatayuan nito sa gitna ng swimming pool si Judge Franco. Nakakaintimida ang presensya niya sa gitna ng pool. Nagmistula siyang isang diyos ng katubigan sa modernong panahon. Nakatalikod siya sa direksiyon ko kaya hindi ko makita kung ano ang ekspresyong nakalarawan sa kanyang mukha. Pero batay sa tensiyunado niyang mga balikat at malamig na awra ay masasabi kong hindi pa humuhupa ang galit nito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang nakaramdam ako ng konsensya dahil alam kong ako ang dahilan niyon. Ito naman ang gusto ko, ang galitin at pahirapan siya, pero bakit wala akong nararamdamang tuwa? "Okay ka lang ba?" Isang kamay ang humawak sa kamay ko upang agawin ang atensiyon ko. Nagbawi ako ng tingin mula sa direksiyon ni Judge Franco at ibinaling ito sa harapan ko. Bumungad sa'kin ang nag-alalang mukha ni Irene na siyang nagtanong, hawak-hawak na nito ang isa kong kamay. Wala sa sariling napatitig ako sa kamay ko. Sa kabila nang maikling pagkakababad ko sa malamig na tubig ay nangungulubot na iyon dahil sa lamig. Masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa kamay ni Irene sa malamig kong kamay. "Bakit ka naman kasi tumalon?" mangiyak-ngiyak nitong dagdag sa naunang tanong at niyugyog pa ang braso ko. "Tinakot mo ako, grabe ka sa'kin! Huwag mo na ulitin iyon." sisinghot-singhot nitong dugtong. Tsaka ko lang napansin ang pamumula ng mga mata niya na tila ba galing sa pag-iyak. May kung anong pumitlag sa loob ko habang unti-unti kong napagtanto na totoo ang nakikita kong pag-alala niya para sa'kin. Wala sa sariling pinasadahan ko ng tingin iyong ibang nasa paligid namin. Karamihan sa kanila ay hindi ko na matandaan ang pangalan, pero naaalala ko ang mga mukha. Bagong kakilala pa lang nila ako pero katulad ni Irene ay ramdam ko ang malasakit nila para sa'kin. "Okay ka na ba talaga?" muli ay untag sa'kin ni Irene kaya bumalik dito ang atensiyon ko. "S-sorry," paos ang boses kong usal. May kung anong bumikig sa lalamunan ko kaya napalunok ako habang pinipigil ang pamilya na emosyong nag-aambang kumawala mula sa loob ko. Kahit sa sarili kong mga kamag-anak ay hindi ko naramdaman ang ganitong malasakit. Parang gusto kong ma- overwhelmed bigla. Nasa estado pa ako ngayon kung saan ay ang bilis kong maging emosyonal kaya hindi na nakakagulat na biglang nag-iinit ang sulok ng mga mata ko matapos makarinig ng simpleng pag-alala mula sa ibang tao. "Kailangan mo nang magpalit ng damit at baka magkasakit ka." Narinig kong wika ni Manang Maria na kumuha sa atensiyon ko. Magkasunod agad na nagpresenta ang ibang mga kasambahay upang samahan ako. "Ako na ang sasama." "Sasamahan ko na rin kayo." "Kami rin..." "K-kaya ko na po," tumikhim kong usal na pumutol sa pag-uusap nila. Agad namang natahimik ang mga ito at nakatinginan bago magkasunod na napatango-tango bilang pagsang-ayon sa gusto kong mangyari. Napansin ko ang mapanuring tingin ni Manang Maria na tila sinusukat ang katotohanan sa pahayag ko. Hindi kumukurap na sinalubong ko ang tingin niya upang ipakitang seryoso ako sa kahilingan ko. "Sasamahan ka ni Irene," mahinahong wika ni Manang Maria. Puno ng pinalidad ang pagsasalita nito at malinaw na hindi ako pwedeng tumanggi. Alerto naman agad si Irene na inilalayan ako na talo ko pa ang matandang uugod-ugod. Hindi ko tuloy mapigilang lihim na mapangiti sa kabila ng sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD