"Miss Caraballe, mas maiging ipagpatuloy natin ang pag-uusap sa disciplinary office..." mahinahong kausap sa'kin ni Prof. Fernandez na pumutol sa pakikipagtagisan ko ng tingin kay Miss Roja. "You know her, Prof. Fernandez?" tanong ni Miss Roja sa head ng Business Department kung saan ako nabibilang. "Siya ang pinakabago nating transfer student—" "Transfer student?" maang na bulalas ni Miss Roja bago pa makatapos sa pagsasalita si Prof. Fernandez. "Wala akong maalala na may inaprobahan akong makapag-transfer sa gitna ng semester," dugtong pa nito. Sumulyap pa sa'kin si Miss Roja na tila ba kasalanan ko kung bakit nakapag-transfer ako sa kalagitnaan ng semester. "As the University Administrator ay under ng office ko ang processing ng papers nito," saad pa ni Miss Roja. "Paanong nakapag

