bc

Objection Overruled: She's Trouble, Your HonorHindi alam ni Leahkim kung paano nangyari nw ang planong pahirapan si Judge Franco

book_age18+
209
FOLLOW
2.4K
READ
HE
age gap
opposites attract
dominant
heir/heiress
bxg
judge
like
intro-logo
Blurb

Hindi alam ni Leahkim kung paano nangyari nw ang planong pahirapan si Judge Franco Santuri ay biglang nauwi sa kanya bilang paboritong sakit sa ulo ng lalaki.Sa halip na pagsabihan, ini-spoil pa siya ni Franco, na lalo lang ikinainis ni Leahkim… at nagpapasiklab sa hindi niya maipaliwanag na kiliti sa dibdib.Kung may award sa pagiging pasaway at paborito ng kalaban ay tiyak na panalo si Leahkim… at si Franco ay ang walang kamalay-malay na hurado at tagapagbigay ng premyo.Love story? Medyo, pero mas lamang ang pagsakit ng ulo ni Franco… hindi lang iyong ulo sa itaas kundi maging iyong isang nananahimik sa baba.

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Leah, please take care of yourself..." Panay ang tulo ng luha ko habang binalik-balikan ang huling sinabi sa'kin ni Ate Riza no'ng makausap ko ito. Wala sa hinagap ko na iyon na huling pagkakataon na makakausap ko siya at makikita nang buhay kahit sa video call lang. Isang araw lang ang lumipas ay biglang pinadala sa'min ang malamig na bangkay ni Ate. Ang kawawa kong kapatid na nag-iisang bumubuhay sa'kin at nagmamahal ay ngayon isa nang malamig na bangkay! Walang puso ang mga taong naging dahilan nang maaga nitong pagkamatay! Pero mas walang puso ang lalaking buong buhay niyang minahal at nakatakdang pakasalan pero ni hindi man lang siya nagawang ihatid sa huling hantungan. Ang magaling na si Judge Franco Santuri na parang haring inilagay ng ate ko sa pedestal ay wala ngayon sa araw ng libing niya at maging sa lamay ay hindi ito nagpakita. Dapat ay siya iyong namatay at hindi ang ate ko! Ito dapat ang sakay ng sasakyang tinambangan ng mga armadong kalalakihan dahil sigurado akong siya ang pakay ng mga ito at nagkataon lang na si Ate ang gumamit ng sasakyan nito. Walang kaaway o nakaalitan ang ate ko dahil mabait ito kaya siguradong ang mga taong nasasagasaan nang pagiging judge ni Franco Santuri ang may pakana ng pananambang na ikinasawi ng kawawa kong kapatid. At sa halip na ipagluksa ang pagkawala ni Ate at samahan man lang ito sa mga huling sandali ay mas pinili pa ng magaling na lalaki ang trabaho nito. Hindi nga nito personal na naihatid dito sa probinsya ang mga labi ni Ate, sa halip ay nag-utos lang ito ng ibang taong gumawa niyon. Naaawa ako kay Ate dahil nagmahal siya ng isang lalaking hindi man lang siya pinapahalagaahn kahit na sa huling mga araw niya rito sa lupa. "Leah, umalis na tayo... papaulan na oh." Hindi ko tinapunan ng tingin nag-iisang kaibigan ko na dumamay sa pagluluksa ko at hindi ako iniwan. Nanatili akong walang kagalaw-galaw habang nakatayo sa harapan ng puntod ng kapatid ko. "Ayokong maiwang mag-isa si Ate rito," mahina kong usal. Pansin kong tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko. Kani-kanina lang ay pakiramdam ko mauubos na ang tubig ko sa katawan at dugo na yata ang sunod kong mailalabas. "Wala na naman diyan ang ate mo. Nasa langit na siya kasama ni God." Wala sa sariling napatingala ako sa makulimlim na kalangitan. Naninikip ang dibdib ko na hinanap sa madilim na ulap ang senyales na tama nga ang sinabi ni Marcy na naroon na nga si Ate sa langit at payapa na. "Marcy, masaya kaya siya roon?" malungkot kong tanong. Parang may mga kamay na pumiga sa puso ko. "Magiging masaya siya roon kapag makikita niyang magiging okay ang kalagayan mo," malumanay na tugon ni Marcy. "Paano ako magiging okay ngayong wala na siya?" pumiyok ang boses kong tanong. Lalong sumidhi ang nararamdaman kong sakit. Parang gusto kong magwala dahil sa pagiging unfair nang nangyari. Marami naman kasi riyang masasamang tao, pero bakit ang ate ko pa? "Nandito pa naman ako, Leah. Hindi kita iiwan." Kasabay nang pagbuhos ng ulan ay ang pag-uunahan ulit ng mga luha ko habang nararamdaman ko ang pagyakap sa'kin ni Marcy. Mali pala ako, may natitira pa pala akong mailalabas na luha. Wala sa sariling napahigpit ang kapit ko sa braso ni Marcy habang hinayaang bumuhos ang mga kinikimkim kong emosyon. Kung kanina ay nagawa ko pang magpakatatag sa harapan ng mga nakikiramay, ngayon ay tila biglang naglaho ang lakas ko. "Sana... hindi na lang siya lumuwas ng siyudad! Sana nanatili na lang siya rito sa probinsya," humahagulhol kong sabi. "Tama na... hindi gugustuhin ng ate mo na patuloy kang malulungkot." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Marcy sa likod ki habang yumuyugyog na ang balikat ko dahil sa matinding pag-iyak. Balewala na rin ang lumalakas na patak ng ulan na mabilis bumasa sa aming dalawa. Iyong lamig na hatid nito ay hindi man lang pumantay sa panlalamig ng puso ko na sanhi ng kahugkangan hatid doon nang pagkawala ng kapatid ko. "Sana hindi na lang niya nakilala ang lalaking iyon!" pumiyok ang boses kong usal. Kung hindi kasi umibig si ate ay matagal na sana siyang namalagi rito sa probinsya kasama ko pero dahil nandoon sa siyudad ang buhay ng lalaking minahal ay mas pinili nitong manatili roon. Masakit man ay parang mas pinili ni Ate Riza ang Franco Santuri na iyon kaysa akin na kaisa-isa niyang pamilya. Hindi man niya ako nakalimutang sustentuhan pero nakalimutan naman niyang gusto ko rin siyang makasama at hindi sapat ang pagdalaw-dalaw niya sa'kin buwan-buwan. Mas pinili niya ang taong hindi siya kayang pahalagahan. Ang taong sa bandang huli ay para lang siyang basahang itinabi. "Umuwi na tayo, Leah," pangungumbinsi sa'kin ni Marcy. "Saan? Saan ako uuwi?", garalgal ang boses kong sagot. Bahagya ko pa akong kumawala mula sa yakap niya upang makita ang kanyang mukha habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko. Alam kasi niya na nang mabalitaang namatay si Ate ay dumating ang tiyahin namin at bigla ay gustong kunin ang tinitirhan naming bahay dahil may utang daw sa kanya si Ate. May dala-dala itong mga resibo na noon pang nabubuhay ang Nanay namin. Kapani-paniwala naman dahil bago mamatay ang ina namin ay napuno kami ng utang dahil sa sakit nito. Binigyan lang ako ni Tiyang nang hanggang libing ni Ate para umalis ng bahay. Hindi sapat ang ipon namin ni Ate para sa gastos ng pagpapalibing kaya pati iyong para sa pag-aaral ko ay ginamit ko na. Ngayon ko lang napagtantong wala talaga akong alam tungkol sa buhay ni Ate sa siyudad. Hindi ko nga alam kung may sarili ba siyang bahay roon o nangungupahan lang siya. Wala rin akong ideya kung ano ba talaga ang trabaho niya roon. Ni minsan ay hindi ko man lang naitanong sa kanya dahil iniisip ko na maganda ang trabaho niya roon dahil regular siyang nagpapadala ng pera at ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo o naghinaing. "Hindi ba sabi ko naman sa'yo ay pwede ka sa bahay namin," patuloy na pang-aalo ng kaibigan ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang awang dumaan sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ko naman siya masisisi, dahil talagang kaawa-awa ang sitwasyon ko. Alam kong bukas-palad akong tatanggapin ng pamilya ni Marcy pero alam ko ring gipit sila ngayon lalo na at natanggal sa trabaho ang tatay niya. Ayokong dumagdag sa alalahanin nila. Masyadong mabait ang pamilya niya sa'kin upang bigyan ko pa sila ng karagdagang alalahanin. "Marcy, salamat sa'yo huh," lumuluha kong usal. "Ang swerte-swerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang katulad mo." Pinilit ko pang ngumiti sa gitna nang patuloy na pagluha. Sumasabay ang bawat patak ng luha ko sa patak ng ulan sa mukha ko. "Ano ka ba? Sino ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang," nakangiti niyang wika. Totoong maswerte nga ako at may kaibigan akong katulad niya na sinasamahan akong magpapaulan habang umiiyak. "Pero hindi ko matatanggap ang alok mong tulong sa ngayon," nagpapahid ng luha kong sabi. "Luluwas kasi ako ng siyudad. Pupuntahan ko iyong dating pinagtatrabahuan ni Ate," pagsisinungaling ko. Nag-iwas ako nang tingin upang hindi niya mapansin ang pagsisinungaling ko. Itinuon ko ang tingin sa puntod ni Ate. Unti-unti nang tumitila ang ulan kaya kumawala na rin ako sa kayap ni Marcy. "Teka, bakit ngayon ko lang nalaman 'to?" tanong ni Marcy na nagpabalik ng atensiyon ko sa kasalukuyan naming pinag-uusapa. "Akala ko ba ay hindi mo alam kung saan nagtatrabaho ang ate mo?" Totoong luluwas ako ng siyudad pero hindi para sa sinabi kong dahilan kundi ay para makaganti roon sa lalaking minahal ng ate ko pero hindi man lang siya pinahalagahan. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko man lang magantihan ang taong iyon sa kahit na anong paraan. Tutal ay wala na rin namang kapupuntahan itong buhay ko ay mas gugustuhin kong maiganti man lang si Ate Riza kahit na hindi niya ito magugustuhan. "Nalala ko kagabi na minsan ay nabanggit niya sa'kin iyong address," tugon ko. Nagyuko ako ng ulo kasabay nang lihim na paghingi ng kapatawaran dahil sa muli kong pagsisinungaling. "Nakita ko rin sa mga gamit ni Ate iyong address ng tinitirhan niya roon," dugtong ko pa. Puro kasinungalingan na ang mga sinasabi ko at kung may nakita man akong address ay address iyon ng bahay ni Judge Franco Santuri. Ni hindi nga ako sigurado kung doon ba talaga nakatira ang judge na iyon dahil wala ang address sa isang eksklusibong subdivision pero nasisiguro kong pag-aari niya iyong bahay na nakatirik doon. Nandoon man siya o wala ay sisiguraduhin kong makakaganti ako sa kanya. Hindi man kasing sakit ng pagkawala ni Ate ang maiparamdam ko kay Judge Franco Santuri, at least mababawasan ang nararamdaman kong bigat kapag may nagawa ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
310.4K
bc

Too Late for Regret

read
287.7K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
137.8K
bc

The Lost Pack

read
399.2K
bc

Revenge, served in a black dress

read
147.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook