HARRIET'S POINT OF VIEW
Sa pagpasok ko sa loob ng bahay, agad na sumalubong sa akin ang magagandang gamit na nakaayos na. Tila ba hindi ito nabakante man lang ni isang araw.
Napakalinis nito at may amoy ng mabangong insenso na alam kong si Master ang naglagay. May telebisyon, refrigerator, lutuan at kung anu-ano pa. Umupo ako sa sofa at doon namahinga.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko na iniwan ko ang Master ko ng nag-iisa. Pero hindi ko rin maatim na suwayin siya, dahil naging ama ko na siya at pamilya. Ayokong magalit siya sa katigasan ng ulo ko, dahil alam kong baka mas umiksi pa ang buhay niya pag nagalit pa siya sa akin.
Hindi ko napigilan ang luha ko ng makita ko ang larawan naming dalawa sa loob ng maleta ko.
Kahit kailan, hindi ako iniwan ni Master kahit pa karamihan sa mga alaala ko tungkol sa mga magulang ko at sa pinanggalingan ko ay bigla ko na lamang nalimutan. Pilit niyang pinaaalala sa akin ang mga bagay tungkol doon, pero wala pa din itong naitulong. Sa hindi malamang dahilan, lahat ng pilit na pinapaalala sa akin ni Master, sa panahon na may mumunti akong naaalala, bigla iyong naglalaho at napapalitan ng iba't-ibang senaryo na hindi ko alam na nangyari ngang talaga.
Inilagay ko ang aming litrato sa may side table ng sala. Inakyat ko ang mga maleta kong dala-dala paakyat ng kwarto ko.
Ikalawang beses ko man itong nakita, hindi pa din ako makapaniwala na may sarili na akong tahanan. Para pa ring bago ang lahat para sa akin.
Inayos ko ang mga damit ko sa lagayan kasama ang mga damit na nailagay ko na noon pa mang una akong makarating dito. Dumiretso ako sa loob ng banyo at saka ako naghilamos at nagpalit ng pantulog.
Bumaba ako para magluto ng makakain ko ng biglang tumunog ang doorbell.
Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang bisita.
Binuksan ko ang pintuan at bumulaga sa akin ang isang basket ng prutas sa may pintuan. Nagpalinga-linga ako para hanapin sinuman ang nag-iwan nu'n sa akin, pero wala akong nakita ni anino.
Nagkibit-balikat na lamang ako at saka nakangiting kinuha ang basket. Pagkasara ng pintuan, inilapag ko ang basket sa ibabaw ng table counter ng kusina. Kumuha ako ng tinapay at palaman mula sa ref at saka bumalik sa sala para kumain.
Sa mga pagkakataong ito, hindi ko maiwasang ma-miss ang Master ko.
Kumain na ba siya? Ano kayang ginagawa niya?
I am really worried about him but I can't do anything about it. I looked at my phone, I want to call him now. But I hesitated and continued to eat my breakfast.
Instead of drowning myself from this loneliness, I started to open my laptop to write my new series.
It was about a kid with special talent of seeing death and ghosts around. He was named... Aquilla.
While writing, I wore my headphone and listen to an instrumental. It helps me to calm myself that can help me to write at ease and no distraction.
The location of my house makes it more even relaxing than being frightened. Because my neighbor is not that dangerous as the real estate agent told me.
The agent told me the last time I visited here, that the man in that gray house is so mysterious. No one knows what kind of creature he is. He only come out when its dark— that I really doubt.
Actually, it creeps me once. But logically speaking, I know that the agent is just making it up to scare me away. What may be his reason, I doubt it ia because of my neighbor. It is more. More than meets the eye.
My attention turned to my cellphone when it started to ring. I picked it up and read who is the caller. It's Crow!
"Hello, Crow? What's up?" I asked in more casual way, unlike the first time we have a discussion in the publishing house.
"I heard that you already move out from Chrys'. Do you mind if I visit you there? Let us catch up. I'll be the responsible with our dinner."
I petitioned a month leave because the finals is coming. I need to get this over with so that I can continue for my fourth year course in Journalism. Crow gave me an option that he will pay me if I worked at home, that I didn't dare to reject.
I am very grateful for how he treat me and my workmates. He is so kind and also he encourages us to make our works and manuscripts done. Unlike our previous editor who is so stingy and arrogant.
"Sure! Why not? I will make some salad for us later. What do you think?" I offered.
"Walang problema. Masarap ka namang gumawa ng salad eh. My guards really misses your salads." I frowned then grin with his last statement.
"Your guards only? Hmm. Okay." I made my voice sound normal like I don't care at all.
"Come on! I'm just kidding. I missed your salads and... Kidding aside, I'll visit you there because I have a surprise for yah!"
"See you then." Paalam ko bago ko tapusin ang tawag.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang sasabihin sana ni Crow na bigla na lang naputol kanina. Pero kung anuman iyon... Basta! Wala na akong pakialam!
Tumayo ako mula sa upuan at saka naglakad papunta sa likod-bahay para lumanghap ng sariwang hangin. Nag-unat-unat ako at ng pabalik na ako sa loob ng bahay ko, nahagip ng paningin ko ang isang bulto ng tao sa may bintana sa kabilang bahay. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko, at ng sa pagmulat muli ng mga mata ko, nawala ang bulto na nagpatayo sa mga balahibo ko.
'Creepy.'
Sinawalang bahala ko na lamang ang nakita ko at saka nagsimula na sa paggawa ng ice cream cake at fruit salad para sa okasyon mamaya.
Nang patapos na ako, wala sa sariling gumawa ako ng panibagong salad at itinabi iyon, hiwalay sa iba pa. Dahil kung tama ang kutob ko, ang nag-iwan ng mga prutas sa may pintuan ko... Ay ang lalaki sa kabilang bahay.