Nagsimula ang araw nila sa pag-aasikaso ng gamit at makakain nilang tatlo. Si Crow sa mga pagkaing bibilhin, si Chrys naman sa pagluluto ng pagkain. Habang si Harriet naman ay nagsimula ng harapin ang kaniyang trabaho sa kabila ng mga batikos ukol sa insidente na naganap ilang gabi na ang nakakalipas.
Unti-unti ng hinaharap ni Harriet ang lahat, mapapositibong komento man, o mapanegatibo't masasakit na salita. Hindi na rin siya nakapasok sa trabaho sa hiya na nadarama sa mga katrabaho dahil sa pagiging kakaiba na niya, na hindi naman pinansin ng mga katrabaho niya. Datapwat, gusto nilang makabalik ng muli si Harriet na kaibigan nila.
Sa kabila ng pagtutol ni Chrys na bumalik si Harriet sa pagpasok sa eskwelahan, nagpumilit pa din ito sa dahilang "huling taon na ito". Nagboluntaryo ang kaklase nito at kapitbahay na si Dark para bantayan siya't protektahan habang nasa eskwelahan.
Walang nagawa si Chrys sa mga gusto ni Harriet. Bumalik siya sa pagsisilbi sa templo at binibisita na lamang tuwing gabi ang anak-anakan para masiguro ang temperatura ng kwarto nito.
"Look! Is she the nerd Oxford you are saying?" Tanong ni Valerie kay Bernice habang nakatayo sila sa may parking lot ng paaralan.
Pinanuod ng lahat ang pagdating ng dating nerd na palagi nilang tinutukso. Napatanga sila sa lubusang pagbabago ni Harriet na ni hindi na maaninag pa ang dati nitong itsura.
She is wearing a black tank top with high waist black pencil skirt. Her shoulders were covered with white coat placed as a cape. Her red hair is flowing through the air. And her eyes are full of coldness from her sapphire blue eyes.
Walking beside her is an all black attire guy with black-red long hair. He walks with elegance like the woman beside him. He holds her hand like he doesn't even care about the other's reaction to his tactic. All he wants to do is to secure her with an unknown reason that is pestering his head.
Everyone takes a pic and posting it in their social media accounts with the caption of 'perfect campus couple'. The pictures spread like a wildfire.
Some loved the pair. Some are angry with it due to jealousy, most especially with Crow who is ready to swallow Dark whole. He wishes to be with Harriet. But because of his work, he can't attend his class anymore.
Timothy smiled while looking at the beautiful woman in the picture. He gave it to Hera to show off. But instead of feeling happiness, all she did was...
"That's not my daughter! Hindi iyan ang anak ko!" Sigaw nito matapos ipalig ang kaniyang ulo para maiwasang tingnan ang litrato sa telepono ng lalaki.
"She is our Henrietta. Our—"
"Hindi iyan ang anak ko! Alam ko ang itsura ng anak ko! At hindi iyan ang anak ko!" Pagpupumilit ni Hera.
Napailing na lang si Timothy at saka nagsimulang maglakad palabas ng silid ng...
"Hindi mo maitatanggi ang katotohanan, Timothy. Walang lihim ang hindi nabubunyag." Sabi ni Hera habang nakatingin kay Timothy sa sulok ng kaniyang mga mata.
"She is my daughter. She is mine." Huling salita na binitiwan ni Timothy bago siya lumabas ng silid.
Alam ni Hera na wala na talagang pag-asa si Timothy. Natatakot siya ngayon para sa kalagayab ni Harriet. Dahil kung hindi mapipigilan ang pag-uugali ni Timothy, tiyak na ang masaklap na kinabukasan ni Harriet sa mga kamay nito.
Sa pagpasok ng guro na dating examiner nila Dark at Harriet, nangunot ang noo nito ng lumapag sa bagong mukha ang kaniyang mga mata.
"Excuse me, Miss. Are you new here?" Tanong niya kay Harriet.
Umiling lang si Harriet at saka tumingin sa kapaligiran. Nakatingin rin sila sa dalaga. Ang mga lalaki ay namumula dahil sa magandang tanawin na kaharap nila. Ang mga babae naman ay halo-halo ang emosyon sa kanilang mga mukha. May selos, inggit at pagkamangha. Pero wala sa kanila ang pinag-aksayahan ng atensyon ni Harriet.
Tumingin sa labas ng bintana si Harriet. Hindi na bago sa paningin niya ang bulung-bulungan ng mga kaklase. Hindi na rin bago sa kaniya na pinagchichismisan siya ng buong eskwelahan. Ang tingin ng lahat sa kaniya ay isang demi-human na pinag-eksperimentuhan ng sariling ama. Pero para sa kaniya, ang lahat ng iyon ay hindi karapat-dapat na pansinin niya.
"Don't you recognize him, Sir? She is the last year's examination rank one. Henrietta Oxford." Sagot ni Valerie sa tanong ng guro.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Mr. Wesley si Harriet. Hindi siya makapaniwalang ang pinakapaborito niyang estudyante ay nagbago matapos ang huli nilang pagkikita.
"She was introduced as the long lost child of President Top." Dagdag ni Bernice.
"How come that this woman is she?" Naguguluhang tanong ni Mr. Wesley.
"She just popped up like that at the recognition day for her. She is with her adoptive father, the Deity. And Dark who is her rumored boyfriend." Sagot naman ni Valerie.
"Dark? Who is Dark?" Tanong ni Bernice.
"This Dark." Pinakita ni Valerie ang litrato na nagtetrending na sa internet. Ang litrato na kinuha nang umaga.
"That Dark?" Tinuro ni Bernice si Dark na nakaupo sa likurang bahagi ni Harriet.
"Yeah. So don't worry about Crow. I heard that they are just friends and workmates." Hindi maiwasang kabahan ni Bernice sa mga nalaman.
"But—"
"Can't you see the bigger picture, Bernice? She may know Crow's girlfriend. And if you can be on her good side, she can help you to pursue Crow." Putol ni Valerie sa kaniyang sasabihin.
Kilala sina Valerie at Bernice sa buong eskwelahan. Magaganda sila at mayayaman. Isa rin silang mga demi-humans. Si Valerie bilang isang kalahating kuneho, at si Bernice naman ay isang kalahating paro-paro. Kaya nilang kontrolin ang pagiging demi-humans nila na lalong ikinasikat nila.
Pero sa mga demi-humans na nasa eskwelahan, ang itsura lamang ni Harriet ang ikinaiba sa lahat. Hindi siya nagbabago ng anyo dahil...
"Are you really Henrietta?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mr. Wesley.
"Yes, I am. Why?" Malamig na tanong ni Harriet.
"Why is it hard for you to believe that my girlfriend is Harriet? Is she so gorgeous that you can't even recognize her radiant? She didn't changed at all except for her appearance." Tanong ni Dark mula sa likuran.
Matalim na tinapunan ni Harriet ng tingin si Dark. Pero ngumisi lang ang huli sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lamang siya at nanahimik. Wala rin naman siyang magagawa. May kasunduan silang ginawa.
"If you want me to cooperate with you and also protect you, we can play a role of boyfriend and girlfriend in front of others." Sabi ni Dark habang nasa kotse pa sila kaninang umaga.
"What if I refuse?"
"Those girls who are head over heels toward that friend of yours will grill you and even kill you despite of your 'background'." Binigyang diin ni Dark ang huling salita na ikinakunot ng noo ni Harriet.
"What do you mean by emphasizing that?" Kuryosong tanong ni Harriet.
"Secret." Nakangiting sagot ni Dark. "If you want to live in peace and be safe, just agree to my condition. I will protect you at all cost." Pagtatapos ni Dark sa usapan nila bago lumabas ng sasakyan.
"No, please don't misunderstood my words. I am just a bit surprised to see her sudden change." Alanganing nakangiti si Mr. Wesley habang nakatingin sa mala-bangin sa lalim na mga mata ni Dark.
Pakiramdam ni Mr. Wesley, pag hindi pa siya umiwas ng tingin mula sa itim nitong mata'y hindi na siya makakaahon pa. May pakiramdam siya na hindi basta-basta ang katauhan ni Dark, at lalo na ang katauhan ni Harriet.
Pero, hindi basta-basta mauupos ang pagnanasa niya sa paborito niyang estudyante. Dahil kung makukuha man niya ang dalaga sa anumang paraan, maganda ang kaniyang magiging kinabukasan dahil kay President Top.