Narrator Isang napakalungkot na pangyayari ang nangyari kay Hammer at Sonata. Mula sa labas ng operating room ay nakatayo si Hammer sa labas habang nakaharap sa pader. Hindi n'ya kayang ipakita sa mga taong nasa paligid n'ya ang emosyon n'ya. Napahawak s'ya sa kuyom n'yang kamao na nanginginig pa habang kinakabahan sa bawat paglipas ng oras ng operasyon. Gusto n'yang magwala dahil bilang isang doctor ay wala man lang s'yang magawa. Parang napakaduwag din n'ya dahil hindi man lang n'ya kayang operahan si Sonata.. Napasabunot s'ya ng buhok at napapikit sa sobrang pagkamunhi sa sarili. Kita naman nila Leon kung gaano ka-miserable ngayon si Hammer. Naiintindihan n'ya ito ngayon lalo't kung s'ya rin ang nasa posisyon ni Hammer ay baka panghinaan din s'ya ng loob. Akala n'ya noon na walang

