Sonata
Matapos mailuto ni Hammer at Kei ang meryenda ay nilapag ko na ito sa table. Naupo ako at napatingin kay Kei na nakaupo na rin. Habang si Hammer ay nagpalit ng damit.
Hindi ko alam bakit bigla akong nainis kay Kei kanina pero hindi ko nalang pinahalata dahil baka maling akala lamang ang iniisip ko.
"Kei, kumain ka na." sabi ko.
Napaangat sya ng tingin at ngumiti.
"Sige, mamaya na, nakakahiya naman kung kakain agad ako. Hintayin na natin si Hammer."
Tumango ako at lihim na napabuntong-hininga. Napatingin ako sa pinto ng kusina at nakita ko na si Hammer na nakapagpalit na ng t-shirt na walang manggas na kulay itim kaya kita ang ma-muscle nyang braso.
"Bakit hindi ka pa kumakain, babe?" tanong nya at naupo sa tabi ko.
"Hinihintay ka pa namin para sabay-sabay na tayo."
Tumango sya.
"Okay. Let's eat."
Kaya umayos ako ng upo at kinuha ang fork ko para makain ang salad pasta.
"Hmm, Sonata, kamusta na nga pala ang Mama mo?"
Napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong ni Kei. Umiling ako habang nakatingin sa pasta na pinapaikot ko sa tinidor.
"Wala na si Mama."
"Ano? Paanong wala?"
Nag-angat ako ng tingin kay Kei at malungkot akong tumingin sa kanya.
"Patay na sya."
Napamaang sya at binigyan ako ng simpatyang tingin.
"I'm sorry dahil wala ako nung time na mawala ang Mama mo."
Umiling ako, "Ayos lang, hindi mo naman kailangan na mag sorry, matagal na rin iyon."
"Pero yung Papa mo? Bakit hindi mo kasama?"
"Mahabang kwento, Kei. Tsaka ayoko nang pag-usapan si Papa."
Tumango sya kaya tumingin muli ako sa pasta ko habang natulala at naisip muli si Mama.
"Sonata, don't worry, I'm always here for you." sabi pa ni Kei.
"Thank you."
Tumingin ako sa kanya at tipid na ngumiti. Ngumiti sya at nagpatuloy na sa pagkain nya.
"Hindi mo ba gusto ng lasa?"
Napatingin ako kay Hammer nang magtanong sya.
"Ayos lang, medyo nawalan ako ng gana at parang hindi ko type ang amoy."
Napakuno't noo sya, "I see. Kung gano'n ay hetong burger nalang."
Napabuntong-hininga ako dahil bigla akong nawalan ng gana. Tumango ako sa kanya at kinuha ang burger ko.
"Hammer, meron kang.."
Napatingin kami kay Kei at may tinuturo sya kay Hammer habang nakatingin kay Hammer. Napatingin ako kay Hammer pero bago ko pa makita ang sauce sa labi ni Hammer ay dumukwang si Kei at pinunasan ang gilid ng labi ni Hammer.
Natigilan ako at napatingin kay Kei na umayos ng upo matapos mapunasan ang labi ni Hammer.
Napadiin ang hawak ko sa burger at napatingin nalang dito bago kumagat ng malaki.
"Don't do that again. You're not my girlfriend." sabi ni Hammer.
"I'm sorry, concern lang ako." sabi ni Kei, "Sonata, pasensya na, nasanay lang kasi ako sa dati kong boyfriend."
Tinignan ko si Kei. Binaba ko ang kinagatan kong burger sa platito at uminom ako ng tubig.
"Nagkaboyfriend ka na pala.. Anong nangyari at naghiwalay kayo?"
Ngumiti sya at tila naging masigla ang mukha nya nang magtanong ako about sa dati nyang nobyo.
"Sabihin natin na hindi ko sya totally naging boyfriend pero f**k body ko sya. One girl, one f**k lang ang gusto nya. At popular doctor sya."
Napakuno't noo ako, "Doctor? Sino?"
"It's confidential, Sonata. But I think I have a chance to be with him again. Lalo pa't may panghahawakan ako."
"Baka naman masaktan ka lang sa tinutukoy mong lalake. Bakit hindi ka maghanap ng iba?"
"Ayoko, sya lang ang gusto ko.. Tsaka kahit sino naman ay kaya nyang saktan. Lalo't binansagan syang heartless doctor."
Bigla akong napatigil sa sinabi nya. Napatingin ako kay Hammer na walang reaksyon sa pinagsasabi ni Kei. Tumingin muli ako kay Kei at nakatingin na rin sya kay Hammer.
"Si Hammer ba ang tinutukoy mo?"
Bago pa nya ako masagot ay nag-ring ang phone nya. Ngumiti si Kei at nag-excuse. Naiwan kami ni Hammer sa kusina ng lumabas si Kei.
"Ikaw ba ang tinutukoy nya?" tanong ko kay Hammer.
"I don't remember her but I think she's right." aniya na parang balewala lang.
Natawa ako ng pagak pero sinapak ko sya bago ako tumayo.
"Wag mo akong lalapitan." malamig kong sabi kay Hammer at umalis ako sa kusina.
"Sonata--" si Kei na nakasalubong ko.
"Makakaalis ka na." malamig kong sabi sa kanya.
"Huh?"
Hindi ko na sya pinansin at nilagpasan ko sya bago ako nagtungo sa kwarto. Ni-lock ko ang pinto at napasandal ako sa pinto. Napahawak ako sa dibdib ko at biglang bumigat ang hininga ko.
Alam ko na dati nang may ibang kinakama si Hammer pero masakit lang dahil isa ang kaibigan ko ang nakama nya. Nag-kunwari pa si Kei na hindi nya kilala si Hammer, yun pala ay matagal na.
Napaluha ako at napahawak sa tiyan ko.
-
Hammer
"Sinabi mo na sa kanya?" sabi nitong b***h.
"Yeah.." ngumisi ako habang nakapamulsa sa short ko at nakatingin sa kanya. Tinatakot pa ako ng babaeng ito ng makasalubong ko ito sa c.r ng orphanage. Kung hindi lang dahil kay Soul ay hindi naman makakalapit sa akin ang babaeng ito. Pero dahil ngayong nakahalata at nagtanong na si Soul ay sinabi ko na dahil wala namang dahilan para ilihim pa, "Akala mo matatakot mo ako sa banta mo? Hindi lang naman ikaw tiyak sa mga babaeng nakama ko ang susulpot dito para ipanakot ang katulad ng ginawa mo. Sorry nalang pero isang babae lang ang kinakatakutan ko...at iyon ang mawala sya sa akin. Kaya bago pa kita ipakamot sa mga tauhan ko ay tumakbo ka na dahil baka magsisisi ka."
Ngumisi muli ako ng sampalin ako nito habang masamang nakatingin sa akin. Pero bigla syang nakonsensya sa ginawa nya.
"I'm sorry, kaya ko lang naman nagawa iyon ay dahil buntis ako sa'yo, Hammer."
Natawa ako ng pagak sa sinabi nya. Ito na ata ang biggest joke na narinig ko.
"Anong nakakatawa?" inis nyang tanong.
"Really? You're pregnant and it's my child?" tinuro ko ang tiyan nya na kinatango nya.
"Oo, alangan naman sa iba ito!" inis nyang sabi kaya natawa muli ako.
"b***h, kung nakama nga kita, edi sana alam mo ang rules ko."
Napaiwas sya ng tingin kaya ngumisi ako.
"Leave my house now, bitch." maawtoridad kong sabi na may diin.
"H-Hammer.."
"Leave. My. House. Now." mariin kong ulit sa sinabi ko.
Napakuyom sya ng kamay at tumalikod. Tinignan ko ito hanggang sa makalabas na ito. Napailing ako dahil uutakan pa ako ng babaeng iyon.
Napahawak ako sa pisngi ko at napatingin sa kwarto. Napangiti ako dahil sa lakas ng sapak ni Soul. Lumapit ako sa kwarto at hinawakan ang seradura. Nang pihitin ko at hindi mabuksan ay kinuha ko ang duplicate ng susi na nakasabit lang sa pader. Binuksan ko ang pinto ng maalis ang lock. Pumasok ako at napatingin kay Soul na nakatayo sa harap ng glass wall at tila malalim ang iniisip.
Lumapit ako at huminto sa likod nya. Yumakap ako pero agad akong napabitaw ng ambang sisikuhin nya ang mukha ko.
"Babe, what's wrong?"
"Don't touch me.." humarap sya sa akin at ambang sasapakin nya ako muli ng mapahinto sya at mapahawak sa bibig.
"Why?" nagtaka ako ng para syang maduduwal. Hinawi nya ako at agad syang tumakbo patungong banyo.
Agad na sumunod ako at pumasok din sa banyo. Napahinto ako ng makita syang nagsusuka sa lababo. Agad na lumapit ako sa kanya at hinagod ang likod nya.
"Bakit ka nagsusuka?"
"Don't touch me." hinawi nya ang kamay ko at nagpunas sya ng bibig pagkatapos nyang magmumog. Pinatay nya ang gripo at umalis sya kaya sumunod ako.
"Babe.."
"Wag mo akong kakausapin, fuckboy ka. Naiirita ako sa pagmumukha mo."
Natawa ako, "Ano? Anong nakakairita sa mukha ko? Kung alam ko lang ay ang swerte mo dahil pinakagwapo ang boyfriend mo."
Masama nya akong tinignan bago sya nahiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Lumapit ako sa kama at sumampa bago naupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang bewang nya at hinaplos.
"Babe, nagseselos ka ba?"
"No!" galit nyang sabi at hinawi ang kamay ko kaya ngumisi ako. Jealous eh.
"Babe, wag kang mag-alala, hindi ko naman mabubuntis ang mga bitches na nakama ko noon dahil may proteksyon. Ikaw lang ang hindi ko ginamitan no'n."
Natigilan sya kaya napangiti ako. Humawak muli ako sa bewang nya at hinaplos. Nahiga ako at hinalikan ang likod nya.
"Matagal na iyon at pinapangako ko sa'yo na ikaw lang ang huling babae ko."
Napatigil ako sa paghalik sa likod nya at napatingin ako sa kanya ng alisin nya ang kumot sa ulo nya. Lumingon sya at tumihaya ng higa kaya umusog pa ako palapit sa kanya at hinaplos ko ang tiyan bago ko halikan ang balikat nya.
"I'm pregnant."
Bigla akong nanigas at natigilan sa biglang pagkakasabi nya.
"W-What?"
Tumingin sya sa akin at kita ko ang pagbagsak ng luha nya.
"Buntis ako.."
Nang mag sink-in na sa akin ang lahat ay bigla akong napangiti.
"Yes!"
Agad na niyakap ko sya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya bago ko sakupin ang labi nya. Napabitaw ako sa labi nya ng itulak nya ako sa dibdib. Tinignan ko sya na nagtataka.
"Hammer, hindi ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko."
Bigla ay nagsalubong ang kilay ko.
"What do you mean."
Naupo sya at napahagod ng buhok. Inunan ko ang isang braso ko at napakuyom ako ng kamay.
"May iba akong nakatalik bago may nangyari sa atin sa villa nyo."
Ngumiti ako ng lihim at bumangon mula sa pagkakahiga. Yumakap ako sa kanya at hinalikan ko ang leeg nya.
"Ako ang ama n'yan, Soul.."
"Hammer, may nang rape sa akin sa condo ko noong umuwi tayo mula sa rockwell."
"Babe, listen, I'm the father of this child, okay?" hinaplos ko ang tiyan nya.
"Bakit mo ba inaako? Hindi ka ba magagalit na may nakauna sa'yo?"
Lihim na napangiti ako sa tanong nya. Bumitaw ako ng yakap at hinubad ko ang t-shirt ko bago ko sya ihiga sa kama. Agad na kinubabawan ko sya at tinitigan sa mata.
"Akin. Ang. Pinagbubuntis. Mo. Naiintindihan mo?" mariin kong sabi.
Hindi sya makasagot at napapikit sya. Kaya hinalikan ko ang panga nya.
"Help me to find the rapist, Hammer. I want to kill him." aniya.
"Sure." bulong ko.
Hinalikan ko sya sa labi at lihim na napangiti ako dahil hindi ko akalain na mabubuntis ko agad sya sa unang beses na makuha ko sya. Kaya ayokong walang proteksyon sa ibang babae dahil baka marami akong mabuntis kapag nagkataon. Pero kay Soul ay sinadya kong wala dahil gusto ko talaga syang buntisin para wala nang kawala.
Mas lalo akong nananabik na sinasamba ngayon ang kanyang katawan sa kaalamang pinagbubuntis na nya ang aming anak.
"Kelan ka nagpacheck-up?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Kahapon." aniya at yumakap sa leeg ko. Ngumiti ako at niyakap sya habang dahan-dahan na umuulos.
"Kaya ka nawala kahapon ng umaga?"
"O-Oohh!"
Napangisi ako ng marinig rin sa wakas ang ungol nya. Mas lalo akong nagliyab sa init at hinalikan ko muli sya sa labi habang puno ng diin ko syang pinapasok.
Shit! Habang iniisip na buntis sya ay lalo akong nababaliw sa tuwa. Wala akong hilig sa bata pero ngayon ay baka kahihiligin ko na dahil si Soul ang ina at dugo't laman ko iyon.
Binitawan ko ang labi nya at tinignan ko sya habang nanggigil ako sa pag-ulos. Hinawi ko ang buhok nya at hinalikan ko sya sa noo.
"Ohhh Hammer!"
"Just right. Moan for me, babe." bulong ko at pinisil ang isang dibdib nya habang bumibilis na lalo ang paggalaw ko sa ibabaw nya. Napakapit ako sa unan habang hindi ko sya tinatantanan hanggang hindi kami parehong makarating rurok ng sarap.
Hingal na hingal sya ng muli kong sakupin ang labi nya. Gusto kong malaman nya na inaangkin ko sya at walang ibang lalakeng makakahawak sa kanya kundi ako lang. Akin lang sya dahil hindi ko sya balak pang pakawalan.
Umalis ako sa ibabaw nya at napangiti ako habang nakatingin sa kanya na bumangon sa kama. Pumasok sya ng banyo at narinig ko muli ang pagsusuka nya. Inabot ko ang phone at tinawagan sila Theo.
(Boss?)
"Dalhin nyo rito si Doctora Karina."
(Copy, Boss.)
"Good."
Binaba ko na ang tawag at bumangon ako at bumaba ng kama. Kinuha ko ang roba at tumungo sa banyo. Pagpasok ko ay nakita ko si Soul na nanghihina.
Kaya agad na lumapit ako sa kanya at humawak sa bewang nya.
"May gusto ka bang kainin, Babe?" tanong ko at hinaplos ang tiyan nya.
"Wala."
"Tara, mahiga ka nalang."
Pinangko ko sya at dinala ko muli sya sa kama. Kinumutan ko sya at hinaplos ko ang tiyan nya.
"Suotin mo ulit itong mga damit mo. Dadating si Doctora Karina para tignan ka."
"Ayos lang ako, bakit nagpatawag ka pa?" inis nyang sabi.
"Para tignan ka nga. Wag kang masyadong gumalaw at baka mapano ang anak natin."
Inis na tinignan nya ako.
"Alangan naman na wag akong gumalaw habang nagbibihis?"
Ngumisi nalang ako kaya umirap sya at sinuot ang hinubad kong damit nya. Nang makapagbihis sya ay pinahiga ko muli sya.
Nagbihis din ako at sakto ay may nag-doorbell na.
"Sila na iyan. Mahiga ka lang d'yan." sabi ko at lumabas na ako ng kwarto para pagbuksan sila Theo.
"Boss, heto na si Doctora."
"Come in.."
Tumango itong medyo maedad na ring ob-gyne na doctora na taga-Esteban Hospital. Pumasok kami sa kwarto at naupo si Soul ng makita kami.
Tumayo ako habang nakahalukipkip at pinapanood na tinitignan ang ginagawa ni Doctora kay Soul. May dala syang gamit kaya madali na makita ngayon ang dinadala ni Soul.
"Buntis sya at maayos naman ang lagay ng pinagbubuntis nya. Bibigyan kita ng vitamins para mas gumanda ang pagbubuntis mo."
Tumango si Soul at tila nakahinga ng maluwag.
"Doctora Karina, thanks. Ihahatid ka nila Theo pabalik."
"Walang anuman, Director."
Tumango ako at pinaalis na sila. Nang kami nalang ang naiwan ni Soul ay napangiti ako at naupo sa tabi nya.
"Babe.."
"Ano?" iritang tanong nya.
"Bakit ka kinakabahan habang tinitignan ni Doctora?"
"Wala. Bakit naman ako kakabahan?" aniya at umiwas ng tingin.
"Wala ka bang tinatago sa akin?"
"Wala."
"Sure ka?"
Hinawi nito ang mukha ko at tinalikuran ako. Napangisi ako dahil ang sarap nyang pikunin lalo't buntis sya.
"Tigilan mo ako kung ayaw mong layasan kita."
Napatigil ako at napahinga ng malalim dahil sa sinabi nya.
"Okay, titigil na.."
-
Sonata
Napapikit ako ng tumigil na rin sa wakas si Hammer. Ngayon ay ang dami kong iniisip. Hindi dahil sa ayaw ko nitong pinagbubuntis ko pero alam ko na hindi si Hammer ang ama nito dahil ang nanghalay sa akin na unang nakakuha ng virginity ko ang nakabuntis sa akin. Pero kahit sinabi ko na sa kanya ay pinangangatawan parin nya na anak nya ito.
At isa pa ay ang sakit ko. Ayokong sabihin kay Hammer lalo't buntis ako. Mas ayos na manatili na lamang itong sekreto at hindi ko nalang hahayaan na umatake ito.
Tumingin ako kay Hammer na umalis sa tabi ko. Pansin ko ang pagkuha nya sa sigarilyo pero napahinto sya at napatingin sya sa basurahan sa tabi ng table at lumapit sya doon. Tinapon nya ang sigarilyo at lumabas sya ng kwarto.
Napangiti ako dahil tila pinipilit nyang alisin ang bisyo nya para sa akin. Hindi naman ako naiinis sa kanya, kundi sa sarili ko. Dahil alam ko na selfish para ilihim sa kanya ang sakit ko. Inaamin ko na gusto ko ay sa akin nalang si Hammer. Ayokong mawala sya sa akin dahil pakiramdam ko ay sya lamang ang nagpapakita sa akin ng pagmamahal at importansya ko rito sa mundo.
Tumihaya ako at napatitig sa kisame. Inaamin ko na nagseselos ako kanina dahil merong nangyari sa kanila ni Kei bago pa ako dumating sa buhay nya. Kahit na nakaraan nya iyon ay parang ang sakit na merong naunang ibang babae syang hinalikan at inaangkin kagaya ng ginagawa nya sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nya na ako lang daw ang hindi nya ginamitan ng proteksyon. Ngayon ay nauunawaan ko na ang 'condom' at iyon ang tinutukoy ni Hammer noong nasa villa kami.
Pero kung sya ay hindi nagalit na may nakauna sa akin, dapat ay ganun din ako. Baka nasasaktan ko sya ngayon at ayaw nya lang ipakita. Nakonsensya naman ako dahil baka nasaktan pa sya dahil sa sinabi ko na lalayasan ko sya.
Bumangon ako ng higa at napatingin sa pinto ng kwarto. Umalis ako ng kama at naglakad palabas ng kwarto. Hinanap ko sya at nakita ko sya na nakaupo sa sofa habang nakapatong ang ulo sa sofa at nakatingala tila may iniisip.
Marahan akong lumapit sa kanya na hindi lumilikha ng ingay. Nang makarating sa harap nya ay naupo ako sa hita nya kaya napatingin sya sa akin at napaayos ng upo bago ako hawakan.
"Tinatanong mo 'di ba kung anong gusto kong kainin?" ani ko habang hawak ang mukha nya at hinaplos.
Ngumiti sya at hinaplos ang bewang kong hawak nya.
"Yeah.. Meron ba?"
Tumango ako at binitawan ang mukha nya bago ako sumandal sa kanya.
"Meron kaso mahirap mahanap iyon dahil baka wala nang mabibilhan no'n ngayon lalo't gabi na."
"Ano ba 'yon? Kahit saang sulok pa ng mundo iyan ay ibibili kita."
Napangiti ako dahil lakas din ng confident nya.
"May pinapakain kasi sa akin noon si Mama. Yung ginataang bilo-bilo."
Tinignan ko sya at nakita kong napaisip sya.
"Yun lang ba?"
Tumango ako.
"Alright. Igagawa kita no'n."
"Huh? Paano ka gagawa, e, wala ka namang ingredients? Tsaka matagal ang paggawa no'n."
Ngumiti sya at nilabas nya ang phone nya bago iwagayway sa harap ko.
"Don't worry, isang tawag ko lang ay may mauutusan na agad akong bumili ng mga ingredient na kailangan ko."
Napatango ako kaya ngumiti pa sya at may tinawagan. Lihim na napangiti ako habang tinitignan sya habang nakikipag-usap. Inuutasan nya ang dalawa nyang loyal na tao para bumili.
At hindi na rin ako nagtataka kung bakit nagkagusto si Kei sa kanya kahit na ang trato nya sa iba ay para syang walang puso. Merong katangian si Hammer na mabibighanin ka. Isa na ang looks. Inaamin ko na kapag titignan pala ako ng maganda nyang mata ay nakakaramdam ako ng hiya. Pangalawa, kapag nagsasalita sya. Ang lakas mapang-akit ng boses nya na kahit minsan kapag nagseryoso at nagalit sya nagpapatigil sa akin at nakakapagpakaba. At ang huli ay ang katawan nya. Moreno ang balat pero may nakakaakit na katawan na kahit nakatago sa saplot ay halata parin ang ganda ng katawan nya. Sya na rin siguro ang tinatawag na tall, dark, and handsome.
"Babe.."
Napakurap ako ng magsalita si Hammer. Nag-init ang pisngi ko ng mahuli nya akong nakatitig sa kanya.
"Hmm." umiwas ako ng tingin ng ngumisi sya ng pang-asar..
"Alin ba ang gusto mong kainin, ginataang bilo-bilo o ako?"
Umalis ako sa pagkakaupo sa kanya at kunwari ay inis.
"Ayoko nang kumain ng bilo-bilo. Matutulog na ako."
"Don't worry, Babe! Igagawa parin kita na may kasamang ako."
Narinig ko ang tawa nya kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at napasandal sa pinto. Sinampal ko ang pisngi ko dahil bakit ba ako natulala sa mukha nya. Tsk. Nakakainis. Tila meron na naman syang panukso.
Lumapit ako sa kama at naupo. Napangiti naman ako dahil igagawa nya ako ng bilo-bilo. Napatingin ako sa side table at naisipan kong buksan ang drawer. Pagbukas ko ay nakita ko ang iba't ibang klase ng gamot.
Kinuha ko ang vitamin na bigay ni Doctora at nilagay doon para dito ko nalang kukunin kapag iinom ako. Sinara ko na ang drawer at umayos ako ng upo sa kama at sumandal sa head board ng kama. Napahawak ako sa tiyan ko at hinaplos.
Habang hinahaplos ko ang tiyan ko ay nalulungkot ako. Dahil hindi ko rin sya maalagaan kapag naipanganak ko sya. Ngayong tagilid ang lahat sa akin dahil sa sakit ko ay naisip kong gawin ay sulitin ang bawat araw habang kasama si Hammer na nagpaparamdam sa akin ngayon ng saya. At least alam ko na kapag nawala ako ay mamahalin at aalagaan nya ang magiging anak namin. Kahit pa hindi ko siguro na sya ang ama nito.
Napaiyak ako dahil kahit lokohin ko ang sarili ko na ayos lang ay inaamin ko na ayokong mawala sa mundong ito. Gusto kong makasama pa si Hammer. Gustong-gusto ko.
Napapunas ako ng luha ng marinig ang pagpihit ng seradura ng pinto. Huminga ako ng maayos at tumingin kay Hammer na pumasok.
"Babe, nariyan na ang mga ingredients. Gusto mong panoorin akong magluto?"
Ngumiti ako at tumango. Hinawi ko ang kumot at bumaba ng kama. Lumapit ako sa kanya at napangiti sya bago ako akayin.
Nakita ko ang dalawa nyang tauhan na si Theo at Frank. Mga hingal na hingal ang mga ito habang nasa harap nila ang mga supot na pinamili sa isang sikat na grocery.
"Dalhin nyo na sa kusina ang lahat ng iyan." utos nya sa dalawa.
"Tulungan ko na kayo." offer ko pero agad akong pinigil ni Hammer.
"What do you think you doing? Gusto mong mapano ka at ang baby natin." aniya.
"Eh, hindi naman siguro masyadong mabigat. Tsaka tignan mo, pagod na pagod sila. Ikaw nalang kaya ang magdala ng pinamili nila."
"Tsk. Bakit may iniisip mo sila, ha?" tanong nya kaya napairap ako at napailing dahil inaatake na naman sya.
"Oo na, wala akong pakialam sa kanila, basta tulungan mo nalang sila nang madali. Nagugutom na ako." humalukipkip ako kaya wala syang nagawa kundi ang sundin ako.
Lihim na napangiti ako dahil nautusan ko rin sya. Ang sarap pala sa feeling na utusan sya. Grabe din ang takot ng iba sa kanya kapag hindi sinusunod. Siguro kapag may ibang nakakakita ay mamangha sila at napasunod ko si Hammer.
Sa kusina na kami nagtungo habang ang dalawa ay umiinom ng tubig. Nakaupo lang ako sa high chair habang pinapanood syang nagluluto na.
"Hoy, kayong dalawa, hindi nyo ba ako babatiin?" sita nya sa dalawa.
"Bakit, boss, birthday nyo? 'Di ba sa susunod na araw pa ang kaarawan nyo."
Susunod na araw? Aist. Oo nga pala. Birthday na nya sa susunod na araw. Hindi ko man lang naalala.
"Tsk. Hindi iyon..."
"Eh, ano, boss?" tanong nang dalawa.
"Magkakaanak na kami." masaya nyang anunsyo na kinatinginan ng dalawa habang gulat.
Tumawa si Hammer at napailing habang nagbibilog ng puting hari para gawing bilo-bilo.
"Talaga?" parang namutla ang dalawa.
"Oo. Bakit para kayong namumutla?" Sabi at tanong ko.
Lumapit sa akin ang dalawa at pasimpleng bumulong.
"Patay na kapag kagaya pa nya. Kami din ang pahihirapan."
"Anong binubulong nyo?" tanong ni Hammer habang nakatingin sa amin at nakakuno't noo.
"Wala, Boss." sabi ng dalawa.
"Sige na nga, umalis na kayo at masyado kayong dumidikit kay Soul. Baka makatikim pa kayo sa akin." aniya.
Agad na umalis naman ang dalawa kaya napailing ako. Tinignan ko si Hammer nang matapos mag bilog ay hinalo naman nya ang nakasalang sa apoy.
Sa susunod na araw na pala ang kaarawan nya. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Dahil nang simulang ikulong ako ni Papa sa mundong madilim ay hindi ko na naranasan ang magdiwang ng kaarawan. Pero naalala ko naman nung bata ako kung paano ako pinapasaya ni Mama kahit wala akong bisita at kaunti lamang ang handa.
Pero dahil kay Hammer kaya nakakatawa na muli ako at nagagawa ang gusto ko ay dapat na ibalik ko iyon.
"Saan ka pupunta?" tanong nya ng ambang bababa ako sa high chair. Napakalakas naman ng pakiramdam nya.
"Sa kwarto.."
"D'yan ka lang at baka kung anong mangyari sa'yo kapag hindi kita natitignan. Sandali nalang ito."
Hindi ko alam na ganito sya ka-Oa. Para namang mapapano ako sa bahay nya. Bumaba parin ako ng high chair at naglakad para sana umalis pero nabigla ako ng dumulas ang suot kong tsinelas. Napatingin ako kay Hammer na agad akong naalalayan.
"Tsk. Sinabi nang wag kang aalis sa kinauupuan mo. Hindi mo ba maintindihan iyon.."
Napalunok naman ako ng makita ko ang galit sa mata nya. Pinangko nya ako at muling pinaupo sa high chair.
"Wag kang aalis d'yan, maliwanag." mariin nyang bilin habang nakatingin sa akin ng seryoso.
"Oo na."
Umiwas ako ng tingin dahil bumilis ang t***k ng puso ko. Bumalik na sya sa niluluto nya kaya tumingin ako sa kanya na seryoso sa pagluluto.
Tsk. Gagawa lang sana ako ng letter para sa kanya habang hindi sya nakatingin. Yun lang ang naisip kong iregalo sa kanya.
© MinieMendz