Sonata
Napahawak ako sa dibdib ko habang nakahawak sa lababo at nakatingin sa salamin ng banyo. Hindi ko alam ang dapat gawin sa nalaman ko. Pero iniisip ko na baka nagkakamali lamang si Doctor Pariñas.
Tumingin ako sa pinto ng banyo bago ko gamitin ang cellphone ni Hammer upang tawagan si Abe. Sya lamang ang makakatulong sa akin. Dahil alam ni Abe kung paano sumuri ng may sakit sa puso.
(Hello? Who's this?)
"Abe.."
(Soul! Sa wakas ay nagparamdam ka. Nabalitaan ko--)
Agad na pinigil ko sya, "Abe, I need your help."
(What is it?)
Huminga ako ng malalim, "Magkita tayo."
Saglit na hindi ito nakaimik, (Paano si Hammer?)
Iyon nga ang malaking problema ko. Hindi ako nakakaalis kapag nakabuntot si Hammer.
"Iyon ang problema ko.."
Narinig ko ang tawa nya kaya napaasik ako.
(Tila hulog na hulog na sa patibong mo si Hammer..)
Napahigpit ang hawak ko sa phone dahil sa sinabi nya.
"Tulungan mo nalang ako na makaalis ng hindi nalalaman ni Hammer."
Saglit na natahimik sya.
(Alright. Magkita tayo sa hospital. Doon ay hindi manghihinala si Hammer.)
Tumango ako, "Sige... Salamat."
Narinig ko ang tuwa sa boses nya, "Ngayon ka lang naging banayad magsalita. Tila nagbabago ka na."
Hindi ko na sya sinagot at binaba ko na ang tawag.. Hindi ko alam kung ano na ang lagay ng puso ko. Pero pakiramdam ko ay meron talaga akong sakit. Hindi ko gusto ito kaya oras na makumpirma ko ay magpapaopera ako.
Lumabas ako ng banyo at lumapit sa kama kung saan ay natutulog si Hammer.. Tinignan ko sya at ngayon ko lamang sya nakitang payapa na natutulog. Minsan ay ako ang palaging tulog at hindi ko alam kung anong ginagawa nya habang tulog ako.
Tumalikod ako para sana pumunta sa veranda at magpahangin pero napahinto ako ng magsalita si Hammer.
"Babe...I love you.."
Napalingon ako rito at nakita ko na nagsasalita sya nang tulog. Tuluyan akong tumalikod at lumabas nang kwarto. Pumunta ako sa veranda at malamig na simoy na hangin ang bumulaga sa akin at kadiliman ng langit. Pero kita ang liwanag mula sa mga ilaw sa iba't-ibang gusali at bahay.
Hindi sumagi sa isip na ganito ang dadanasin ko ng buhay ko. Akala ko ay wala na akong sakit na mararamdaman dahil nga sanay na ako sa lahat ng idinulot ni Papa pero hindi pa pala doon nagtatapos ang lahat.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Hammer oras na malaman nyang may sakit ako. Alam ko at ramdam ko na minamahal na nya ako. Pero hindi ko alam kung paano ko susuklian iyon. Hindi ko alam kung ano na itong nararamdaman ko sa kanya. Natatakot ako na baka oras na malaman ko ang sagot ay iwan naman nya ako.
Humawak ako sa harang ng veranda at huminga ng malalim. Sa loob ng dalawang pong taon na iharang ko ang pader sa aking sarili para walang ibang makakita nang nararamdaman ko pero ngayon ko lamang napansin na unti-unti ko nang binubuksan kay Hammer ang harang at pinapapasok sya.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Nabigla ako at natigilan nang yumakap sa akin si Hammer mula sa likod. Nilingon ko sya at nakita kong pipikit-pikit ang mata nya tila ba inaantok pa.
"Nagpapahangin lang ako. Bumalik ka na sa pagkakatulog mo."
Tinignan ko sya nang hindi sya umimik. Unti-unti akong napangiti nang makitang nakatulog sya. Tumingin muli ako sa tanawin at humawak sa mga braso ni Hammer.
Kung babaguhin ba ang puso ay magbabago din kaya ang nararamdaman?
"Hmm.. Babe, let's sleep."
Lumingon muli ako kay Hammer at tumango ako. Inalis ko ang kamay nya sa bewang ko kaya napadilat sya at napaayos ng tayo.
"Tara.."
Inaya ko na sya at inakbayan nya ako habang papasok kami sa loob. Sinara ko ang pinto ng veranda at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Anong iniisip mo?"
Napatingin ako sa kanya nang magtanong sya. Umiling ako at sumampa ako sa kama at nahiga. Sumunod sya at tumabi sa akin bago ako yakapin.
"Kung may tinatago ka sa akin ay sabihin mo na. Ayoko nang sekreto, babe."
Natigilan ako at tumingin sa kanya. Pero siniksik nya lamang ang mukha sa leeg ko. Napatitig ako sa kisame habang iniisip ang sinabi nya. Inabot ko ang kumot at kinumot sa amin. Pumikit ako at hindi ko mapigilan na pumatak ang luha ko sa kaliwang mata kung saan ay hindi makikita ni Hammer.
-
Hammer
Nagising ako para malaman lang na wala si Soul sa tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon at agad na bumaba ako ng kama.
"Babe? Babe!"
Tinignan ko ang banyo pero wala sya doon. Agad na tinignan ko ang walking closet at wala rin sya. Mabilis na lumabas ako ng kwarto at hindi na ako mapakali ng hindi ko sya makita sa living room.
"Babe! Where are you?!"
Tinungo ko ang kusina at wala din sya doon. Napasabunot ako ng buhok at nag-isip. Agad na tinungo ko ang living room at lumapit sa television. Pinindot ko ang remote para buhayin ang t.v at agad na nilagay ko sa cctv. Pinanood ko ang record at nakita ko na alas singko palang ng umaga nang lumabas sya. Alas nuebe na ngayon.
Agad na nagmadali akong bumalik sa kwarto at nagbihis. Hindi ko alam ang dumadaloy na nginig sa katawan ko habang para akong hindi mapakali sa kakaisip kung saan ko sya unang hahanapin.
Binuksan ko ang pinto ng condo pero pagbukas ay bumungad si Soul habang suot ang jacket nito at hood sa ulo.
"God! Saan ka nanggaling?!" hindi ko mapigilan na pagtaasan sya ng boses dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa kakaisip na baka tinakasan nya ako.
"I'm sorry.. Naglakad-lakad lang ako."
Pumasok sya kaya agad na sinara ko ang pinto at sinundan sya.
"Naglakad? Hindi mo man lang ako ginising para samahan ka? Kanina pa kita hinahanap!"
Napahinto ako nang huminto sya at humarap sa akin. Ngumiti sya at nabigla ako nang lumapit sya at niyakap ako.
"I'm sorry, hindi kita ginising dahil alam ko na kulang ka pa sa tulog mula sa palaging pagbabantay sa akin habang natutulog."
Napalunok ako at napahinga ng malalim bago ko sya yakapin pabalik at halikan ang ulo nya.
"Don't do that again, okay?"
Naramdaman ko ang pagtango nya at bumitaw sya nang yakap. May tinaas syang supot ng plastick.
"Nakita ko ito sa nadaanan ko. Kainin natin habang mainit pa."
"What's that?"
"Lugaw. May kasamang lumpiang prito, kwek-kwek, at puto."
"Marunong akong magluto nya'n. Sana sinabi mo nang pinagluto kita."
Kinuha ko ang dala nyang supot at hinawakan ko sya sa bewang. Hinapit ko sya at hinalikan sa labi. Ngumiti ako dahil tuluyan na akong nakahinga ng maluwag dahil totoong naririto sya sa tabi ko. Hinawakan ko sya sa kamay at hinila patungo sa kusina.
"Sayang ito kung itatapon lang. Wag ka nang magluto at pagsaluhan nalang natin ito."
"Okay."
Nilapag ko sa table ang plastick at kumuha ako ng soup bowl para doon sa lugaw.
"Hammer, labas tayo."
Napatigil ako at hindi ko mapigilan na mapangiti nang sya pa ang mag-aya na lumabas kami. Humarap ako sa kanya at lumapit.
"Sure, why not. Saan mo gustong magpunta?"
"Ang totoo ay hindi pa ako nakakakita ng mga pasyalan o ibang lugar na puno ng saya."
Tumingin ako sa kanya at naupo sa tabi nya. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya dahil hindi ko sya muling mabasa. Pero hindi gaya ng dati na malamig, ngayon ay kita ko ang ngiti sa labi nya habang parang may lungkot sa mga mata nya.
"Dadalhin kita sa Jara."
Umiling sya, "Ayoko sa lugar na pagmamay-ari nyo. Gusto kong magpunta sa ampunan ng mga bata."
Napaisip ako, "Okay. Merong ampunan sila Lola at Tita Maqui. Angel's foundation."
Ngumiti sya, "Sige, doon nalang."
Hinawakan ko ang kamay nya at dinala ko sa labi ko bago halikan.
"Kahit ano pa ang gusto mo ay ibibigay ko. Gusto ko na makita parati ang ngiti mong iyan."
"Salamat, Hammer."
Ngumiti ako at pinisil ang pisngi nya.
I'll do everything for you, babe. And for my wish I want you to stay with me forever.
-
Lulan na kami ng sasakyan patungo sa Angel's foundation. Tinignan ko si Soul na nakatingin sa daan habang tila malalim ang iniisip nya.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Alam ko na may tinatago sa akin si Soul. Hindi man nya sabihin ay halata sa kinikilos nya.
Nang makarating kami sa Angel's foundation ay pinasok ko sa loob ang sasakyan dahil nakabukas ang gate. Dahil sa suporta nila Lola sa Angel's foundation kaya mas lumaki at gumanda ang lugar para sa mga bata.
Minsan na akong nasama noon rito nang magbigay si Lola ng donation. Kasama din noon si Lolo, Tito Gab, Tita Maqu, Dad and Mom. At syempre sila Greyson na walang palya sa pagsama sa parents nya tuwing pupunta nang Angel's foundation. Guro si Maqui ng mga batang nasa Angel's foundation noon kaya wala ring choice ang mokong. Kinuwento sa akin ni Mom noon na dito rin minsan namalagi sila Tito Louie at Tita Cathy.
Bumaba ako at lumapit kay Soul na tinignan ang lugar.
"Maganda at malaki ang ampunan na ito."
"Yeah. Tara."
Naglakad kami at nakita namin si Sister Devorah. Napatingin ito sa amin mula sa pakikipag-usap sa isang babaeng nakatalikod sa gawi namin.
"Oh, Hijo, mabuti't nadalaw ka.."
Tumango ako kay Sister at nagmano kahit ilang ako. Ganun din ang ginawa ni Soul at napatingin sya sa babae.
"K-Kei.."
Napakuno't noo ako at napatingin sa babaeng tinitignan nya. Nakita ko na napamaang ang babae at nakatingin din kay Soul.
"Sonata."
"I-Ikaw nga.."
Napamaang si Sonata at nabigla ako ng bigla syang umiyak. Ambang aaluin ko sya nang bigla silang magyakapan ng babae.
"Kei.."
Tinignan ko lamang sila at pumamulsa ako. Tumingin ako kay Sister at sinenyasan ako nito kaya tinignan ko muna si Soul bago ako sumunod kay Sister Devorah.
"Nobya mo ba ang dalagang kausap ni Miss Kei, Hijo."
"Yeah."
Nakatingin ako mula sa ilang pagitang layo namin ni Soul. Kita ko ang masaya nyang pakikipag-usap sa babaeng hindi ko alam ang ugnayan nya rito.
"Tila natagpuan na ni Miss Kei ang kaibigan nya."
Tumingin ako kay Sister at nakatingin rin sa sa dalawa.
"What do you mean, Sister?"
"Dati nang pumupunta si Kei sa ibang ampunan para hanapin ang kaibigan nya. Nagkahiwalay sila dahil umalis sya noon sa lugar kung saan sila nagkakilala ng kaibigan nya. Nais nya lang daw noon na libutin ang labas dahil matagal na panahon daw syang kinulong noon ng kanyang ama sa isang bahay. Pero nang babalik na sya ay hindi na nya matandaan ang lugar. Hanggang may nakakita sa kanya at inampon sya. Mula noon ay pinangako nya na hahanapin nya ang kaibigan. At may nakapagsabi daw na pinaampon daw ang kaibigan nya."
"Matagal nyo na bang kakilala ang babaeng iyon?"
"Ngayon lang din, Hijo. Tila ang Angel's Foundation pa ang naging tulay para magtagpo sila."
Tumingin ako sa babae at nakangiti ito kay Soul. Napatingin ito sa akin at tumingin sya kay Soul na parang may sinasabi. Nang lumingon si Soul ay ngumiti ako kaya ngumiti sya at muling kinausap ang babae.
"Hijo, maaari mo ba akong tulungan na buhatin ito?"
Napatingin ako kay Sister at nakita ko ang ilang kahon na nasa harap ng entrance ng orphanage.
"Sure, Sister."
Tumingin muna ako kay Soul at nang makitang naglakad ito palapit kaya lumapit na ako sa mga kahon at binuhat ang dalawang kahon na puno pala nang laman ng school supplies.
"Pasensya na, Hijo. Wala kasi ang ilang lalakeng trabahador at inutusan ko."
"Ayos lang, Sister."
Pinasok ko sa loob ang mga kahon at binaba sa loob ng isang room tila silid-aralan ng mga bata rito.
Lumabas muli ako para balikan pa ang iba.
"Hammer!"
Tumingin ako kay Soul at lumapit sya sa akin habang hatak ang babae.
"Hammer, ipapakilala ko sa'yo si Kei. Sya ang matagal ko nang kaibigan na hindi ko na nakita. Kei, sya si Hammer, boyfriend ko."
Lihim na napangiti ako dahil ngayon lang inamin ni Soul na boyfriend nya ako.
"Hi. I'm Kei."
Naglahad ng kamay ang babae na masasabi ko na maganda at sexy. Tumango ako at kinuha ko pa ang kahon. Napangiwi ako ng kurutin ni Soul ang pang-upo ko.
"Makipag-shakehands ka kay Kei." bulong nya.
Umayos ako ng tayo habang nakasampa sa kanang balikat ko ang isang box.
"Tsk." inasikan ko sya pero ngumiti sya at tinignan ako na may babala. Tinanggap ko ang kamay ng babae at tumango rito. Ngumiti ito at pinisil ang kamay ko kaya ngumisi ako.
-
Sonata
"Sonata, saan ka na nakatira ngayon? Sa dati pa ba? May umampon daw sa'yo?"
Nakaupo kami ni Kei rito sa isang bench habang si Hammer ay nagbubuhat ng kahon. Hindi ko mapigilan ang saya ko dahil nakita ko na si Kei. Hindi ko inaasahan ito. Para bang muli kong nakasama si Mama dahil sa kanya.
Natigilan ako sa tanong nya. Hindi ko alam kung dapat bang sabihin ko na nakikitira lang ako kay Hammer. Pero kesa naman na sabihin ko na sa hideout.
Umiling ako, "Sa pad ni Hammer ako ngayon nananatili. Tsaka walang umaapon sa akin, baka niloloko ka lang nang nagsabi sa'yo."
Tumango sya at napangiti, "Hindi ko akalain na magkakaboyfriend ka. Ilap ka kaya sa ibang bata noon."
Namula ako at napakamot ng ulo. Ngayon lang kami muli nagkausap ni Kei kaya may nararamdaman akong hiya. Pakiramdam ko rin ay nanumbalik sa isip ko ang mga panahong naglalaro pa kami.
"Mahabang kwento kung paano kami naging kami ni Hammer."
"Tila suplado din sya. Ilang taon na ba sya?"
Napaisip ako, "Hmm.. 26." iyon ang nabasa ko sa profile ni Hammer noon.
"Ah, C.R lang ako, Sonata."
"Samahan na kita." pero pinigilan nya ako sa pagtayo.
"Ayos lang, saglit lang ako."
Tumango ako kaya ngumiti sya at lumakad na paalis sa kinauupuan namin. Marami nang nagbago kay Kei. Halos hindi ko sya nakilala pero tanda ko parin ang mga mata at ilang bahagi ng mukha. At masasabi ko na lumaki syang maganda at tila magandang pamilya ang nakakuha sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tumingala sa langit. Nagpapasalamat ako at ngayon kami nagpunta rito. Tila nababalutan ng mga anghel ang lugar na ito at dulot ay saya.
Ngayon na nagkita na kami ni Kei ay unti-unti kong natagpuan ang sarili ko na unti-unting lumiwanag at ang dating malamig kong puso ay nagkaroon ng saya.
Napahagod ang mga kamay ko sa pantalon ko at tumayo ako dahil tila natagalan si Kei. Naglakad ako sa daang tinahak nya. Nakita ko si Sister na kausap ni Hammer kanina.
"Sister.."
Napahinto ito sa paglalakad at napalingon sa akin.
"Oh, Hija."
Agad na lumapit ako at nahiyang ngumiti rito.
"Saan po ang C.R dito?"
Ngumiti ito at tinuro ang C.R na malapit lang pala.
"Deretsohin mo lang iyan at makikita mo na sa dulo ang C.R."
Tumango ako at tumingin muli rito.
"Salamat po."
Naglakad na ako at tinahak ang daan. Napahinto ako ng makita si Hammer na galing sa gawing iyon.
"Let's go.." aya nya.
"Huh? Pero pupuntahan ko lang sandali si Kei."
Hinawakan nya ang kamay ko, "Wag na.. Let's go."
Nagpumiglas ako pero agad nya akong nahatak. Lumingon ako sa gawing daan ng banyo pero hindi pa lumalabas si Kei.
Nang makasakay kami sa kotse ay agad na pinaharurot ni Hammer ang sasakyan. Naiinis ako dahil hindi pa kami nagtatagal doon at hindi ko man lang nahingi ang number ni Kei.
"Babe--"
"Anong problema mo? Bakit ba bigla kang nag-aaya?" galit kong tanong habang malamig na nakatingin sa labas ng bintana.
"Sinugod si Lola sa hospital."
Natigilan ako at napalingon sa kanya. Nakatingin sya sa daan habang kita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Bigla akong nakonsensya at nahiya.
"I'm sorry."
Tumingin sya sa akin at ngumiti, "It's alright. Kasalanan ko dahil hindi ko agad na-explain sa'yo bago kita inaya."
Napabuntong-hininga ako.
"Here."
Napatingin ako sa nilahad nya. Cellphone nya.
"Search her to my Esteban apps. Malalaman mo ang number ng kaibigan mo kapag nilagay mo ang pangalan nya."
Kinuha ko ito at napatingin sa kanya dahil hindi ko akalain nababasa nya ang iniisip ko.
"Paano mo nalaman..?"
"Halata sa'yo. Ayaw mo pang umalis dahil sa kaibigan mo."
Bigla akong nakonsensya sa trinato ko sa kanya.
"Salamat."
Binuksan ko ang phone nya at hinanap ang sinasabi nyang apps. Nang makita ko ang theme na gun at word na Esteban ay pinindot ko ito. Namangha ako dahil kaya pala madali lang sa kanila na malaman ang isang information sa isang tao ay dahil dito.
Tinype ko ang pangalan ni Kei at lumabas ay marami. Pero dahil may larawan kaya napangiti ako ng makita ang mukha ni Kei. Pinindot ko ito at namangha ako ng biglang kumunekta sa kotse ang apps.
"Kei Lim, 24. Chinese citizen. 5'6 height. Fair skin, slim, 34 cup A. Brown eyes."
Lalo akong namangha ng may magsalita habang parang may formation ng isang computer akong nakikita sa salamin ng kotse.
"Good job, Sexy."
"Sexy?" napakuno't noo ako habang nakatingin kay Hammer na ngumisi.
"You're welcome, Boss." sagot ng babaeng machine.
"Contact her for my girlfriend." sabi ni Hammer sa nagsasalita sa apps na si Sexy.
Nakita ko na nagbago ang formation ng screen at nakita ko na kumocontact na ito. Nabigla ako ng makita si Kei sa screen habang hawak ang phone nya at nakaharap sa screen ang mukha nya.
"K-Kei."
(Yes? Who's this?)
Nagtaka na tumingin ako kay Hammer. Tumango sya at sinenyasan ako na mamaya nya ipapaliwanag.
"K-Kei, si Sonata ito."
(Oh, Sonata.. Bakit bigla kang nawala?)
Napangiti ako ng malungkot dahil alam ko na nalulungkot rin sya. Pero seryoso lang ang mukha nya sa screen.
"May nangyari lang emergency kaya agad kaming umalis."
(Ganun ba..)
Tumingin ako kay Hammer bago ako magsalita muli.
"Kei, kelan tayo muli magkikita?"
Nakita ko ang pagngiti nya, (Ikaw. Pwede ring ako ang dumalaw sa'yo. Saan ba nakatira ang boyfriend mo?)
"Sa ****** condominium."
(Sige, pupuntahan nalang kita doon.)
Ngumiti ako, "Sige."
(Bye, Sonata.)
"Bye, Kei."
Napangiti ako na pinatay na ang tawag sa screen ng phone.
"Sexy, close the apps." sabi ni Hammer.
"Shoutdown!"
Biglang nawala na ang formation sa screen ng kotse. Hindi parin ako makapaniwala na ganito kaastig ang apps ng mga Esteban.
"Happy?"
Tumingin ako kay Hammer at napangiti..
"Salamat.. Hindi ko akalain na ganito kayo.... kagaling. Tsaka bakit hindi alam ni Kei na ako ang kausap nya?"
Ngumisi sya, "Actually, bilang mafia si Dad at ang buong angkan na lalake sa amin. Pinagtraining kaming lahat at tinuro kung paano makokontrol ang apps na ginagawa ng mga I.T namin. Hindi lang iyan ang malawak na information na nagawa ng mga expert I.T mafia member. Kaya wag ka nang magtaka kung makakita ka pa ng iba. Tsaka tungkol sa tanong mo, yung kaibigan mo lang talaga ang makikita mo habang kausap, dahil ginawa ang apps na iyan para malaman din kung anong ginagawa ng kausap mo habang kausap mo sya."
"Kaya pala.." napahinga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana.
"Anong kaya pala?" tanong nya.
"Kaya pala binigay sa akin ni Papa ang misyon. Dahil alam nya na hindi kayo madaling matatalo lalo na si James Esteban. Kaya may posibilidad din na kamatay lamang ang kahinatnanan ko kung nagpatuloy ako sa pagtangka sa buhay ng Lolo mo."
Napakuyom ako ng kamay at hindi ko mapigilan na malungkot dahil sa kabila nang lahat ng pagmamahal na binuhos ko kay Papa ay tila nga hindi ako nito mahal. Ngayon ko lang napagtanto na sinusuong ako ng sarili kong ama sa kamatayan. Kung totoo ko nga ba syang ama?
"Tingin mo ba ay tunay mo syang ama?"
Umiling ako, "Hindi ko alam."
"Wag kang mag-alala, ako nang bahala doon. Ang mahalaga ay manatili ka lamang sa tabi ko at poprotektahan kita."
Ngumiti ako ng tipid at sinandal ko ang ulo ko sa bintana.
-
Esteban Hospital...
Hawak-kamay kaming naglakad ni Hammer sa loob ng hospital habang tinutungo ang room kung saan dinala ang Lola nya. Pagdating doon ay binuksan ni Hammer ang pinto. Napahinto ako dahil kinakabahan ako na makita muli si James Esteban.
"Why?"
Napatingin ako kay Hammer na napahinto at nakalingon sa akin.
"Ikaw nalang ang pumasok. Maghihintay nalang ako rito."
Ngumiti sya at hinatak ako kaya napahakbang ako papasok.
"Narito na tayo, at wag kang mag-alala dahil hindi alam ni Lolo ang tungkol sa'yo."
Napahinga ako ng malalim at walang magawa kundi ang humakbang. Pagpasok namin ay tumingin ako sa mga tao sa loob. Napatingin sa amin ang parents ni Hammer. Nakita ko pa ang iba na hindi ko pa kilala. Nandito din si James Esteban na nakatitig lamang sa asawa nyang nakahiga sa hospital bed at rila wala pang malay.
"Hammer, Hija." bati ng Mom ni Hammer.
Lumapit kami sa mga ito at humalik si Hammer sa mom nya habang nag-bro hug sila ng dad nya. Hindi ko alam ang gagawin dahil hindi ako sanay na mapalibutan ng mga Esteban.
Nabigla ako ng ibeso ako ng Mom ni Hammer. Ngumiti sya at hinaplos ang mukha ko.
"Mabuti't sumama ka sa anak ko. Hindi mo pa nakikilala ang Lolo't lola nya, 'di ba?"
Nahiyang ngumiti ako at tumango ako rito.
"Heto nga pala ang Tito't Tita ni Hammer." inakay ako nito palapit sa mga nakaupong tita't tito ni Hammer. Tumingin ako kay Hammer at ngumiti sya at tumango sa akin.
Lumapit kami sa apat na tao. Inaamin ko na nakakaintimidate sila.
"Heto si Gab at Maqui. Kapatid ng asawa ko si Gab."
Tumango ako sa mga ito at ngumiti naman sa akin ang babaeng si Maqui na kaedaran siguro ng Mom ni Hammer.
"Heto naman si Grace na kapatid din ng asawa ko at ni Gab, at ang asawa nyang si Atreo."
Tumingin naman ako sa dalawang mag-asawa. Ngumiti sa akin ang mga ito at nahihiya akong tumingin sa mata nung Grace dahil ang ganda nya.
"Guys, heto si Sonata, girlfriend ng anak ko." pakilala sa akin ng Mom ni Hammer.
"She's pretty and cool.." sabi nung Grace kaya napatingin ako sa suot kong blue and white stripe long sleeve habang nakapargan sa pants ko.
"Baka sumunod na si Hammer kay Jace at Greyson." sabi nung Maqui.
"Naku, sana nga.." tumingin sa akin ang Mom ni Hammer at humawak sa braso ko at ngumiti sa akin.
Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko ng maunawaan ko ang pinapahiwatig nito. Natawa ang Mom at mga tita ni Hammer habang ang Tito nito ay ngumisi lang.
Tumingin ako kay Hammer at nakita ko ito na yumakap sa Lola nya tila nagising na. Tila pala nakatulog lang ito kaya akala ko ay wala pa itong malay.
Tawang-tawa ang matanda tila ba may sinasabi si Hammer rito na kinatawa nito.
"Ganyan si Hammer sa Lola at Lolo nya. Lola's boy kasi sya kaya malambing sya sa Lola nya." sabi ng Mom ni Hammer.
Lihim na napangiti naman ako habang nakatingin kay Hammer na kita ko kung gaano nya kamahal ang Lola nya.
Pagkatapos ng dalaw namin sa Lola nya at magpahinga muli ito ay naisipan ni Hammer na umalis muna kami at babalik nalang muli bukas.
"Sure ka ba na hindi ka mag-stay sa Lola mo?" tanong ko.
"Yeah.. I don't want you to go home alone. At maiintindihan naman ni Lola iyon dahil sya rin ang nagsabi na wag kitang pababayaan."
Natigilan naman ako. Napatingin ako sa kamay nya nang hawakan nya ang mga kamay ko na nasa kandungan ko.
"Gusto ni Lola na makita akong ikasal."
"Ano?"
Natawa sya sa reaksyon ko at binitawan na ang kamay ko at pinahawak muli sa manibela.
"Hindi naman kita pipilitin agad.. Sinasabi ko lang sa'yo para may idea ka sa mangyayari."
Napaiwas ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana.
"Hindi pa nga natin lubusang kilala ang isa't-isa. Tsaka sandali palang naging tayo."
"It's not a problem, Babe. Hindi naman magbabago ang relasyon natin kapag kinasal na tayo. Ganun parin naman."
Hindi ko na sya sinagot dahil baka may masabi pa ako. Hindi na rin sya nagsalita tila nahulaan ang nais ko. Agad din kaming nakarating sa pad.
"Hindi pa natin nasusulit ang nais mong pamamasyal. May gusto ka bang puntahan?" tanong nya habang palakad na kami papunta sa elevator.
"Nakalimutan mo ba na pupunta si Kei rito."
Tinignan ko sya ng makapasok kami ng elevator.
"I forgot."
Inilingan ko sya at tumayo nalang ako sa harap nya habang nakatingin sa numero ng elevator.
Ilang saglit lang ay agad na kaming nakarating sa floor ng pad nya. Nauna akong lumabas at napatingin ako kay Hammer ng akbayan nya ako.
"Magluluto ako. Anong gusto mong kainin?"
Napaisip naman ako. Kung pupunta si Kei ngayon ay dapat nga pala na may pagkain man lang kami na mai-offer sa kanya.
"Mga pasta ba ay kaya mong lutuin? Tsaka burger na rin."
Tumango sya, "Yes but you need to help me."
"Okay."
Ngumiti sya at tumingin na kami sa daan. Pero napakuno't noo ako ng may babaeng nakatayo sa harap ng pinto ng pad ni Hammer. Nang makilala ko ang suot nito ay napangiti ako at nagkatinginan kami ni Hammer. Agad na lumapit ako kay Kei at napaangat ito nang tingin ng huminto ako sa harap nya.
"Kei, narito ka na pala."
Ngumiti sya, "Akala ko ay nandito na kayo pero ngayon palang pala." aniya.
"Kanina ka pa ba naghihintay rito?" nag-alala ako dahil baka kanina pa sya nakatayo rito.
Umiling sya at ngumiti, "Ngayon-ngayon lang din." sabi nya at tumingin kay Hammer kaya tumingin ako kay Hammer na nakapamulsa at tila hinihintay lang kami matapos mag-usap.
"Pumasok na tayo." aya ni Hammer at lumapit sya sa pinto kaya tumabi kami ni Kei.
Tumingin ako kay Kei at napatingin sya sa akin bago ngumiti. Napangiti ako dahil hindi pala mauudlot ang pag-uusap namin.
Pumasok na kami sa loob at pinaupo ko sya sa sofa.
"Maghahanda ako ng makakain, Babe, dito nalang kayo."
Tumingin ako kay Hammer ng sabihin nya iyon. Dapat sana ay tutulungan ko sya mag prepare ng food pero dahil nandito na si Kei ay alangan naman na paghintay namin ito mag-isa.
"Sige.." tumango ako sa nais ni Hammer kaya tumalikod na sya.
"Marunong pala syang magluto?" tanong ni Kei.
"Oo." naupo ako sa tabi nya pero may pagitan.
"Marunong rin ako. Gusto mo ay tulungan ko na sya?"
"Wag na, nakakahiya sa'yo, bisita ka."
Ngumiti sya at nilapag ang bag nya sa sofa. Tumayo sya.
"It's okay, Sonata. Ginagawa ko na rin ito noon."
Tumayo ako at napatingin kay Kei na naglakad kung saan ang kusina. Sumunod ako habang iniisip ang sinabi nya.
Pagpasok ko ay napatingin sa amin si Hammer.
"Tutulungan na kita." sabi ni Kei.
"No thanks." sabi ni Hammer.
"Marunong din magluto si Kei, Hammer, tutulungan na rin kita."
Tumingin sya sa akin at ngumiti sya bago tumango. Inaya ko na si Kei at nilabas namin ang kailangan.
Tinignan ko sila habang ginagayak ang sangkap ng lulutuin nila. Wala akong alam sa pagluluto kaya nakatingin lang ako at kinukuha ang kailangan nila.
"Babe, hugasan mo itong lettuce."
Lumapit ako kay Hammer at kinuha ang lettuce. Lumapit ako sa faucet at napatingin ako kay Hammer na pumunta sa likod ko.
"Alam mo ba kung paano huhugasan?" bulong nyang tanong.
"Hindi."
"Okay, I teach you."
Kinuha nya ang isang bugkos ng lettuce at tinapat sa faucet kung saan lumalabas na ang tubig. Isa-isa nyang nilanggas ang dahon habang baliktaran na hinuhugasan.
"Kaya ko na."
Natawa sya kaya siniko ko sya at kinuha ko sa kanya ang lettuce.
"Yung niluluto mo." sabi ko kaya umalis na sya sa likod ko.
Pinagpatuloy kong hugasan ang lettuce at nakakalibang din palang gawin ito.
"Ay! Sorry."
Napalingon ako kay Kei at napahinto ako ng matapunan nya si Hammer ng sauce.
"Tsk." asik ni Hammer.
"I'm sorry." pinunasan ni Kei ang dibdib ni Hammer. Humarap akong muli sa hinuhugasan ko at hindi ko maintindihan pero bigla akong nainis kay Kei.
© MinieMendz