Narrator's POV
"I need to go."
Sumakay si Sonata sa kanyang motor at sinuot ang helmet. Hindi na pinigilan ni Hammer ang dalaga dahil kita nya ang kaseryosohan nito at desidido na ito.
Humaharurot ang motor nito paalis sa harap ng condominium.
"Boss, hindi ba natin susundan si Miss?" tanong ni Frank.
"Let's go."
Mabilis na sumakay si Hammer sa kotse nya at inaya nya na sumakay rin ang dalawa sa kanya. Mabilis na pinatakbo nya ang sasakyan.
Kahit na hindi nya maabutan si Sonata ay alam naman nya kung saan ang kampong pupuntahan nito.
Habang si Sonata ay agad na nakarating sa hide-out. Bakas ang awra na madilim at mabibigat ang yapak na naglakad sya hanggang makapasok sya sa hide-out.
Nakita nya ang grupo nya at napatingin sya kay Arya na nakaupo at nasa harap ng isang lamesa habang humihigop ito ng tsaa. Mabilis na lumapit sya rito at malakas na binagsak nya ang kamay sa lamesa dahilan kung kaya nanginig ang lamesa at maalog ang mga nakapatong doon.
"Kung akala mo hindi ko malalaman na ikaw ang nagtangka sa aking buhay, nagkakamali ka."
Ngumisi ito at binaba ang tasa sa platito bago ito tumayo at tinignan sya.
"Gaano ka kasigurado na ako ang nagtatangka sa buhay mo? May pruweba ka ba?"
Matalim ang tingin ni Sonata rito bago nya ito hawakan sa balikat at hinawi nya ang suot nitong jacket sa kaliwang parte ng balikat nito. Napatingin sya sa balikat nito pero napamaang sya ng wala itong tama.
Napatingin sya kay Arya ng hawiin nito ang kamay nya. Naupo muli ito at tinignan sya.
"Hindi na ako magtataka kung may nagtatangka sa buhay mo. Wala ka namang silbi sa organization kaya alam mo na siguro na kapag walang silbi ay dapat pinapatahimik na."
Napakuyom ang mga kamay ni Sonata habang nanginginig sya sa galit. Tinignan nya ang grupo at mga nakatingin ito na parang balewala ang gulong dinadala nya.
"Oras lang na malaman ko na isa sa inyo ang nagtatangka sa buhay ko ay hindi ko palalagpasin."
Tumalikod sya dahil nabigo sya sa hinala nya. Pero sisiguraduhin nya na hahanapin nya ang salarin.
"Sinong tinakot mo?"
Napatigil sya ng magsalita si Arya.
"Wala kang boses sa organization na ito, Soul. Hanggang ngayon ay hindi mo pa nagagawa ang misyon mo. Tila nag-eenjoy ka na makipaglapit sa apo ni James Esteban."
Napadiin lalo ang kuyom ng kamay nya at hinarap nya si Arya. Huminga sya ng malalim at humakbang para magpatuloy sa pag-alis.
"Sabagay, mahina ka kaya hindi na ako magtataka kung mahulog ka sa isang Esteban." dagdag nito.
"Aist. Girls are so loud." sabi ni Nic na nakahiga sa sofa.
"Shut up, Nic." sabi ni Arya.
"Walang mangyayari sa pagbabangayan nyo. Kung dinadaan nyo nalang sa laban para exciting."
Ngumisi si Nic at pumamulsa habang tinitignan ang dalawa. Matagal-tagal na rin na hindi na sya nag-eenjoy sa ginagawa. Gusto nya na makakita ng mga babaeng nagpapatayan.
Humalukipkip si Arya at nginisihan si Sonata.
"Call."
Tumalikod si Sonata dahil wala sya sa mood na patulan ang gusto ng mga ito.
"Duwag ka talaga, Soul."
Napatigil sya at para bang tinamaan sya sa sinabi ni Arya. Ayaw nya na tinatawag syang duwag. Hindi sya duwag.
"Hindi ako duwag. Ayoko lang na patulan ang nais nyo dahil wala akong sa mood."
Tumawa si Nic, "Kung gano'n ay tama si Arya. Duwag ka nga. Hay, boring!" sabi nito at nahiga muli sa sofa.
Napuno na si Sonata at hindi man sya handa ay kailangan nyang labanan si Arya para malaman ng mga ito ay hindi sya mahina gaya ng mga sinasabi ng mga ito.
Sa underground room ay nandoon ang isang boxing ring. Umakyat si Sonata at Arya. Hinubad ni Sonata ang jacket nya kaya tanging black sando at pantalon ang suot nya.
Si Arya naman ay confident na nakatayo at nakaharap kay Sonata habang nakapamewang. Umakyat sa stage si Nic at hawak ang isang baril.
"Hindi titigil ang laban hangga't wala ni isa sa inyo ang sumusuko. No rules, gawin nyo ang nais nyong gawin."
Lalong ngumisi si Arya habang si Sonata ay seryoso at malamig lamang na nakatingin rito. Nang paputukin na ni Nic ang baril ay agad na sumugod si Arya. Agad na dumepensa si Sonata at nagpalitan sila ng suntok ni Arya. Napaatras sya sa lakas ni Arya. Ngumisi ito at sinipa sya sa tiyan dahilan para mapasandal sya sa lubid at mapaupo.
Nanginig sya at napahawak sa tiyan nya. Humawak sya sa lubid at bumangon pero para syang nahilo ng may matigas na bagay na hinampas ni Arya sa ulo nya. Napaupo sya at napahawak sa ulo nya.
Tinayo sya ni Arya at hinawakan sa braso. Ngumisi ito habang nakatingin sa kanyang mga mata.
"Nanonood si Boss.. Ang Papa mo.. Gusto mo bang malaman ang nalalaman ko? Hindi ka nya mahal bilang anak. Dahil isa lang ang anak nya."
Napamaang sya pero malakas na sinipa nito ang mga paa nya kaya napahiga sya. Nagangiwi sya sa sakit at napahawak sa likod nya.
"Easy." sabi nito.
Nanginginig sya sa galit at napakuyom ng kamay. Kinuha nya ang baril nya at pinaputukan ito sa binti na kinadaing nito. Bumangon sya at hilong napahawak sa lubid ng makatayo sya. Galit na sinugod sya ni Arya at hawak nito ang kantana nito.
Napapikit sya dahil ang bilis ng galaw nito kaya akala nya ay tatamaan na sya pero nakarinig sya ng putok ng baril. Napadilat sya at kadiliman ang bumungad sa kanya. May bumuhat sa kanya at dahil sa bigla nyang panghihina ay hindi sya nakapalag. Nakarinig sya ng mga kalabog at ingay galing sa grupong assassin habang tila may nilalabanan ang mga ito.
-
Sonata
"S-Sino ka?" tanong ko sa may buhat sa akin.
"Wala kang permiso ko para lumaban ka ng ganun. Ginagalit mo talaga ako, Babe."
Napamaang sya at napapikit sya habang kumikisot ang mukha nya dahil pinipigilan nya ang umiyak.
"Mahina nga ako... Alam ko naman na wala akong laban kay Arya pero pinilit ko. Ngayon mas lalo lang nilang iisipin na mahina ako."
"It's better to be weak than strong, babe. Dahil hindi lahat ng pagiging matapang ay maganda."
Napakapit ako sa suot nyang jacket at napaiyak. Gusto kong ipakita kela Arya na hindi ako mahina. Pero sa pinakita ko kanina ay nalaman nila na mahina talaga ako dahil agad akong bumagsak sa simpleng sipa lang.
Napadilat ako at napatingin kay Hammer.. Sinuotan nya ako ng helmet ko at inupo sa unahan ng motor ko.
"Ako na.." aniya at sumakay rin sya bago isuot ang isa pang helmet.
Hinayaan ko na sya dahil nahihilo din ako. Natulala ako habang nakatingin lang sa daan. Iniisip ko ang sinabi ni Arya. Hindi daw ako mahal ni Papa. At isa lang daw ang anak nito. Hindi ko maintindihan pero dahil din doon kaya ako lalong nawalan ng gana na lumaban. Parang dinurog ang puso ko ng saksak ng kantana habang iniisip ang sinabi ni Arya.
-
Hammer
Inuntog ko ang helmet ni Soul dahil tila sya makakatulog.
"Wag kang matulog dahil baka mamumo ang dugo sa ulo mo. Patay ka sa akin kapag tinulugan mo ako." banta ko.
"Hmm.." tumango ito.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang tinitignan ito. Kinuha ko ang isang kamay nya at hinawakan ng mahigpit.
"Don't cry." sabi ko.
Tumango lang muli ito kaya nanlisik ang mga mata ko. Mabilis na pinaharurot ko ang motor hanggang sa makarating kami sa pad. Binuhat ko sya at tinignan ko ang mukha nya habang tila malalim ang iniisip nya habang nakatingin sa kawalan.
Pagdating sa pad ay agad na tinungo ko ang kwarto at hiniga sya sa kama.
"Kukunin ko lang ang panlinis ng sugat."
Lumabas ako ng kwarto at napatingin kela Theo na yumuko sa akin.
"Boss, hindi na namin pinuruhan dahil alam namin na hindi pa iyon ang plano nyo." sabi ni Theo.
"Hayaan nyo sila ngayon. Ang mahalaga ay hindi nila kayo nakilala."
Tumango ang mga ito kaya tinungo ko ang lalagyan ng gamit ko at kinuha ko. Pumasok muli ako ng kwarto at lumapit kay Soul.
"Hammer, anong nalaman mo sa pagkatao ko?"
Naupo ako sa tabi nito at sinimulan kong suriin ang lagay nito. Mabuti't minor injury lang ang tinamo ng ulo nya.
"Kakaunti palang.. May masakit ka bang nararamdaman sa ulo mo?" tugon at pagkaraa'y tanong ko habang tinitignan ang mga mata nya.
"Wala.."
Nang makitang ayos lang sya ay sinuri ko ang blood pressure nya at nakita kong mataas. Tinignan ko sya at hinalikan ko ang noo nya ng mariin.
"Wag kang mag-alala pa.. Akong bahala sa'yo."
Tinignan ko sya at tumango sya habang nakapikit.
"Relax.. Gusto kong isipin mo na hindi nangyari ang kanina.. Kalimutan mo ang lahat."
"How can I forget?" dumilat sya at tumingin sa akin, "Tingin ko ay hindi ako anak ni Papa." napaluha sya at muling napapikit.
Napahinga ako ng malalim at inalis ang pang blood pressure. Ginamot ko ang mga sugat nya at nang matapos ay tinignan ko sya. Nakatulog na sya habang bakas ang luha. Pinunasan ko ang luha nya at hinalikan ko sya sa labi.
"Whether you are his true daughter or not, I still here to snatch you from him. At oras na malaman ko ang katotohanan ay ako mismo ang papatay sa kanya para sa'yo."
Tumayo na ako at kinumutan sya. Tinignan ko pa sya bago ko naisipan na lumabas. Tumingin ako kela Theo na napatingin sa akin.
"Theo, alamin mo ang background ni Larry Winson. At Frank, hanapin mo ang babaeng tumatarget sa mahal ko. Wag kayong magpapakita sa akin hangga't wala kayong dalang infomation."
Sumaludo ang mga ito, "Yes, Boss. Mauna na kami."
Tumango ako kaya agad na silang umalis. Lumapit ako sa glass wall at pumamulsa na tumingin sa tanawin.
Sa pagkakataong ito ay tiyak na iisipin ng grupong assassin na isang traydor si Soul. At tiyak akong alam ni Larry Winson na kaming mga Esteban ang nasa likod ng pagligtas kay Soul.
Hindi na tiyak nila titigilan si Soul hangga't hindi ito napapatahimik. Alam ko na kapag isa kang assassin ay walang dapat na makaalam ng kanilang grupo. Kaya hangga't maaari ay kailangan nilang patahimikin ang nag-ingay. Pero hindi nila magagawa iyon hangga't nasa poder ko si Soul. Wala silang magagawa kundi ang labanan ako. Kung kaya nila.
-
Leon
"Sir Leon, may isang tao pong nais kayong makausap. Sya daw po si Mr. Martin Hidalgo." sabi ng secretary kong si Kobe.
Napakuyom ako ng kamay at inikot ko ang swivel chair ko para humarap kay Kobe. Pero hindi ko inaasahan na narito na pala ang taong hindi ko inaasahang pupunta rito.
Sinenyasan ko ng tingin si Kobe na lumabas at tumango ito bago umalis. Nagkatinginan kami sa mata ng taong kinamumuhian ko.
"Anong sadya mo at nagpunta ka rito?" malamig kong tanong rito.
Tinignan ako nito bago ito naglakad palapit pero sinenyasan ko sya na wag lalapit.
"Leon anak, gusto--"
"Anak?" natawa ako dahil ang lakas ng loob nitong tawagin akong anak, "Wag na wag mo akong tatawaging anak!"
Tumayo ako habang nakakuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa lamesa. Masama ko syang tinignan.
"Anak, ano bang kasalanan ko at ganito mo ako kinamumuhian?"
"Nagtanong ka pa? Nang mawala si Mama at si Lala ay wala ka man lang nagawa! Isa ka pa namang magaling na membro ng mafia pero hindi mo sila nagawang iligtas."
"Nang mga panahon na iyon ay kailangan kong gawin ang misyon ko para kay Lord. Hindi ko rin pwedeng isaalang-alang ang kaligtasan mo noon kaya hindi ko alam ang gagawin para matagpuan sila Laureen at ang kapatid mo noon."
Nanginginig ang kamay ko habang gigil na gigil akong nakatingin sa kanya.
"Mas inuna nyo pa kasi ang misyon nyo kesa sa buhay ni Mama at Lala! Wala man lang kayong nagawa para iligtas si Mama! At wala ka ring nagawa para hanapin si Lala! Isa kang mahina! Umalis ka sa harap ko!"
"Anak--"
Tinalikuran ko sya at napahilot ako sa noo ko.
Nang matagpuan namin si Mama noon sa kamay ng isang assassin ay sobrang sakit sa akin ang nangyari ng makita ko si Mama na wala ng buhay matapos itong saksakin ng isang lalake na kaaway ni Papa. Isang lalakeng malaki ang pagkagusto kay Mama kaya nagawa nitong kidnapin si Mama at Lala at itago ng matagal. Naging mahirap hanapin noon sila Mama dahil paiba-iba ng pangalan ang lalake at meron din si Mama noong amnesia na kagagawan ng lalake kaya hindi nito nagawang makatakas sa lalake at hanapin kami. Pero sa huli ay naalala ako ni Mama pero huli na dahil kinapos na ito nang hininga bago pa nya masabi ang nais nyang sabihin.
Nakatakas ang lalake at ngayon ay hindi ko parin ito matagpuan. Si Lala ay hindi ko alam kung nasaan na. Tiyak akong hawak ng lalake iyon.
Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin kay Papa. Para bang mas importante sa kanya ang lahat ng inuutos ng Lolo ni Hammer. Gusto kong magalit sa mga Esteban dahil sa kanila kaya nasakripisyo ang pamilya namin. Pero kung hindi din dahil kay James Esteban ay baka wala na ako ngayon.
Gusto kong saktan si Papa dahil bakit hindi parin nya mahanap ang lalake at si Lala. Kung gusto nyang patawarin ko sya ay hanapin nya rin sana si Lala. Ang kapatid kong nag-iisang humahanga sa kakayanan ko.
Lala.. Nasaan ka na?
-
Sonata
Tumingin ako kay Hammer na hinihilot ang mga paa ko. Pagkagising ko ay nakita ko sya na nakatitig sa akin. Agad na tinanong nya ako kung may nararamdaman akong masakit. Sinabi ko na wala maliban sa paa ko kaya ayan hinihilot nya.
"Ayos na ako, wag mo nang hinilutin 'yan." sabi ko.
"Sure ka?"
Tumango ako kaya marahan nyang binitawan ang mga paa ko at gumapang sya palapit sa akin hanggang magpantay ang mukha namin.
"Akala ko ay hindi ka na magigising sa tagal mong nakatulog." aniya at hinalikan ang labi ko.
Humawak ako sa bewang nya at tinignan ko sya nang bitawan nya ang labi ko.
"Salamat, Hammer."
Kahit na hindi ako madalas magsabi no'n ay nagawa ko ngayon. Dahil niligtas nya muli ako.
Ngumiti sya at hinaplos ang gilid ng labi kong may sugat dahil sa pagkakasuntok ni Arya.
"Sa susunod ay ayokong bigla-bigla kang susugod. Hindi na kita hahayaang gawin muli iyon, maliwanag?"
Napahinga ako ng malalim at muli kong naisip ang nangyari.
"Hindi ko kasi akalain na mayroon sa grupo ko na nais akong patayin. Alam ko na kung hindi si Arya iyon ay tiyak akong kumuha sya ng papatay sa akin. Matagal nang mainit ang dugo sa akin ni Arya kaya malakas ang loob ko na sya ang nagpapapatay sa akin."
"Wag mo nang isipin iyon. Basta sundin mo lang ang sinasabi ko. Wag ka na rin pupunta doon dahil tiyak na ikaw ang pag-iinitan nila."
Naisip ko nga iyon. Dahil tiyak na naisip na nila Arya na pumanig na ako sa kaaway kaya tiyak na hindi na nila ako tinuturing na kakampi.
"Let's eat." aya nya.
"Huh? Hindi ka pa kumakain?"
Ngumiti sya at umiling, "Hinintay kita."
Umalis sya sa ibabaw ko at bumaba ng kama. Napahawak ako sa leeg nya ng pangkuin nya ako.
Sana ay kumain na sya. Anong oras na? Hating-gabi na ata pero hindi pa sya kumakain.
Pagdating sa kusina ay tinulak nya ang upuan gamit ang paa at naupo sya bago nya akong iupo sa kandungan nya.
"Pwede naman ako sa isa pang silya." sabi ko.
Medyo naiilang parin ako sa mga kilos nya na halos lagi nang nakadikit sa akin.
"Pwede ka naman din sa mga hita ko. Gusto kitang pagsilbihan kaya maupo ka nalang d'yan."
Napailing ako at tumingin sa pagkaing nakahain. Hindi ako marunong magluto kaya nakakamangha na sa katulad ni Hammer ay marunong sya.
"Bukas ay papasok na ako sa hospital. Sumama ka sa akin ng matignan kita nang mabuti."
"Sasama ako pero hindi para magpacheck-up. Papasok rin ako as nurse."
Sinubuan nya ako at napaasik sya, "Baka naman dahil gusto mong makita si Doctor Abe?" mariin nyang tanong.
Naalala ko nga pala si Abe. Sya lang ang maaari kong tanungin tungkol sa nalalaman ni Arya. Baka alam din nya iyon.
"Ganun na nga."
Nagtaka ako ng malakas nyang ibaba sa lamesa ang kutsara. Tinignan ko sya na namumula sa galit.
"Hindi ko gusto na lumalapit ka pa sa ibang lalake, babe. Lalo na kay Doctor Abe. Hindi ka lalapit sa kanya kung hindi ako kasama."
"Parang hindi naman makatarungan ang nais mo. Hindi na ba ako pwedeng makipag-usap sa kakilala?"
"Hindi." mariin nyang sabi.
Napailing ako at tatayo sana ako pero napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ako sa bewang ng mahigpit.
"Seloso akong tao at ayokong makita kang dumidikit kung kanino man. Lalo na sa lalake. I'm possessive to what's mine. Remember that, babe."
Hindi na ako nagsalita dahil kita ko ang babala sa tingin nya. Muli nya akong sinubuan at nang matapos kaming kumain ay tinignan ko ang likod nya habang iniinom ang bigay ni Mayordoma na tsaa. Hinuhugasan nya ang pinagkainan namin habang nakaupo lang ako rito at hinihintay syang matapos gaya ng nais nya.