Sonata
Ilang araw rin ang minalagi namin sa villa at masasabi ko na naging malinaw sa akin ang lahat. Hindi ko man maintindihan ang nararamdaman ko kay Hammer pero alam ko na masaya pala syang kasama.
Pinagkakatiwalaan ko ang sinabi nya na dapat ay umakto syang hindi alam ang pagkatao ko. At tutulungan nya ako na malaman ang dahilan ni Papa kung bakit nito pinagagawa sa akin ang bagay na maaaring makadulot ng panganib sa buhay ko.
Bumukas ang pinto ng banyo kaya napatingin ako doon. Lumabas si Hammer na bagong ligo habang nakatapis ng roba.
Kakagising ko lang at suot ko lamang ang puting long sleeve ni Hammer habang nakapanty ako. As usual, kakatapos lang namin sa s*x at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong inaangkin ni Hammer. Minsan napapaisip ako kung meron kayang epekto sa akin ang ginagawa namin. Basta't magtabi lang kami ay umiiral ang pangangalabit nya.
"Good morning, babe." bati nya at hinalikan ako sa labi bago sya ngumiti.
"Ngayon na tayo babalik, 'di ba?"
Tumango sya at umayos ng tayo bago tumalikod sa akin habang nagpupunas ng buhok.
"Yeah. Bakit, ayaw mo pa ba? Pwede naman.."
Tumayo ako at lumapit sa bag kong dala nya na ang laman ay mga damit ko.
"Kailangan na nga nating makabalik dahil baka makahalata na si Papa."
Nang makuha ko ang pamalit ko ay umayos ako ng tayo. Napaidtad naman ako ng bigla syang yumakap sa akin mula sa likod.
"Parang ayoko pang umalis." bulong nya at inamoy ang leeg ko.
"Umamin ka nga.. Katawan ko lang ba ang habol mo sa akin?" malamig kong tanong.
Agad syang napabitaw ng yakap at hinarap ako.
"No! Bakit mo sinasabi iyan? Oo, inaamin ko na gustong-gusto kitang palaging inangkin pero dahil iyon ang sinasabi ng katawan ko. Pero syempre mahal na mahal kita, Babe."
"Okay. Pagpahingahin mo man lang kasi ako. Halos wala na akong tulog sa araw-araw mula ng dalhin mo ako rito. Tsaka..."
"Tsaka?" pilyong tanong nya..
"Tsaka hindi mo man lang kasi inaalis nyang ano mo.."
Ngumisi sya at hinapit ako sa bewang habang hinahaplos ang bewang ko na pataas-baba.
"Anong ano?"
Umirap ako dahil gusto pa nya na sabihin ko.
"Basta."
Kumawala ako sa kanya kaya natawa sya. Naglakad na ako patungong banyo at pumasok. Ni-lock ko ang pinto at napahinga ako ng malalim. Napatingin ako sa salamin at kita ko mula sa salamin ang pagpula ng mga pisngi ko. Umiling ako at nilapag sa lababo ang mga damit ko.
Sinimulan ko nang maligo at habang nasa ilalim ng tubig ay hindi ko mapigilan na isipin at sariwain ang bawat sakit na dinulot sa akin ni Papa. Ayokong maniwala kay Hammer na pinapahamak ako ni Papa kaya nya binigay sa akin ang misyon na pataying si James Esteban. Pero may parte sa akin ang napapaisip sa sinabi ni Hammer.
Huminga ako ng malalim at pinatay ang shower. Saglit na natulala ako sa kawalan at huminga ako ng malalim bago lumabas ng shower ng matapos akong maligo.
Nagpunas ako ng katawan at sinuot ang damit ko. Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si Hammer na nakabihis na habang hinihintay ako sa kama.
Tumingin sya sa akin kaya lumapit ako sa bag ko.
"Kumain muna tayo bago umalis. Nakapaghanda na si Mayordoma." Aniya.
Tumayo ako ng tuwid ng makuha ko ang suklay. Tumango ako at lumapit sa kanya. Naupo ako sa hita nya at hinayaan sya na punasan ang buhok ko.
"Hammer, pagbalik natin ay babalik muna ako kela Papa."
Napatigil sya sa pagpunas at tinignan ako..
"Hindi ka muna babalik.. May pupuntahan muna tayo."
Napakuno't noo ako, "Saan?"
Ngumiti sya, "Basta. Importante kasi dahil tiyak na may magtatampo sa akin."
Tinignan ko sya at napakuno't noo lalo ako sa kanya.
"Sino naman?"
Ngumisi sya at humawak sa bewang ko bago ipatong ang baba sa balikat ko.
"Very special woman to me."
Umiwas ako ng tingin at tumayo pero napaupo muli ako ng hatakin nya ako at niyakap.
"Are you jealous, Babe?"
"No." malamig kong sabi at pilit na umaalis sa yakap nya.
"Really? Bakit parang papatayin mo ako sa tingin mo?"
Tumingin ako sa kanya at nang makawala ako ay sinapak ko sya na kinangisi nya. Tumayo ako at sinipa ko ang pagkalalake nya dahil sa inis.
"Umuwi na tayo." hinagis ko sa kanya ang towel at lumapit ako sa bag ko bago lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ay napatayo ang dalawang tauhan ni Hammer ng makita ako.
"Babe!" tawag ni Hammer.
Huminto ako sa paglalakad at nilingon sya. Nakangiwi sya nang agad na nakalapit sa akin.
"Wag ka nang magselos. Hindi ordinaryong babaeng ang tinutukoy ko. Kundi ang Mom ko."
Napamaang ako at biglang nakonsensya.. Binitawan ko ang bag ko at hinawakan ko sya sa mukha.
"I'm sorry." sabi ko at nakita ko ang dugo sa gilid ng labi nya.
Ngumiti sya at tinuro ang labi nya, "Ang lakas mong manapak kapag nagseselos. Dumugo ang labi ko."
"Sorry. Ikaw kasi.. Hindi mo agad dineretso ang tinutukoy mo."
Hinalikan nya ako saglit sa labi kaya ngumiti sya lalo.
"Don't worry, ngayon ay alam ko na kung paano ka magselos."
Tinignan ko sya ng matalim, "Hindi ako nagseselos."
Ngumisi sya, "Don't deny it, babe.. At next time wag mong patatamaan ang alaga ko dahil importante sa buhay natin 'to."
Kumuno't noo ako, "Bakit naman importante pati sa buhay ko?"
Narinig ko ang tikhim ng dalawa nyang tauhan kaya tinignan ko ang mga ito. Mga nakangisi ito habang nakaiwas ng tingin at sumisipol-sipol na.
"Babe, hindi ko alam kung nagmamaang-maang ka lang o totoong hindi mo alam."
Sinamaan ko sya ng tingin at ambang tutuhurin ko muli ang pagkalalake nya ng agad nyang takpan.
"Babe, ito nga ang nagpapatirik ng mga mata mo tapos tutuhudin mo pa." bulong nya.
Nag-init ang pisngi ko at inis na tinignan ko sya dahil baka narinig ng mga tauhan nya.
"Tara na nga.." inis kong sabi at tinalikuran ko sya.
"Sandali. Kumain muna tayo." pinigil nya ako at kinuha sa akin ang bag ko bago ihagis kela Theo, "Pakilagay sa kotse." utos nito sa dalawa at hinatak na ako.
Pagdating sa dinning area ay nandoon na sila Mayordoma at ilang kasambahay. Naupo kami ni Hammer at pinagsilibihan kami ng mga ito na hindi naman kailangan. Kaso tila ganun ang nakagawian nila kaya wala na rin akong magagawa kundi hayaan sila na paglagay ako ng pagkain.
"Senyorito, nawa'y makadalaw muli kayo ni Senyorita rito. Nabubuhay lamang ang villa na ito kapag may mga may-aring dumadalaw." sabi ni Mayordoma.
"Sure, Mayordoma. We visit again here.." bumaling sa akin si Hammer, "Right, babe?"
Tumango ako kahit na hindi sigurado. Hindi ko naisip agad pero tumango ako dahil gusto ko muling bumalik rito. Dito ay para bang bumalik ako sa dating ako. Pero sa pagbabalik sa pampanga ay kailangan ko nang alamin kung ano ba ang dapat kong malaman.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna kami sa mga tao rito. Tila mamimiss ko rin sila kahit na ilang araw lamang akong namalagi.
"Senyorita."
Lumingon ako mula sa paglalakad. Palapit na kami ni Hammer sa kotse ng tawagin ako ni Mayordoma.
"Bakit po?"
"Heto.. Sana'y mas uminit pa ang pagsasamahan nyo ng senyorito."
Tumango ako kahit na naguguluhan sa binigay nya. Natawa si Hammer kaya napatingin ako rito.
"Mayordoma, hindi na kailangan nya'n."
Hindi ko maunawaan ang sinasabi at tingin nila. Tila ba may hindi ako alam sa senyasan nila.
"Basta.. Kailangan nyo parin iyan para sa susunod ay tatlo na kayong bumalik rito."
Ngumiti si Hammer at tinapik ang balikat ni Mayordoma.
"Okay. Thanks for your secret tea, Mayordoma.."
Ngumiti si Mayordoma at may binulong kay Hammer. Napakuno't noo ako ng lalong ngumiti si Hammer at napatingin sila sa akin.
"What?" naiinis ako kapag ganyang may nililihim sa akin na hindi ko mahulaan kung ano.
"Nothing, Babe."
Hindi ko nalang pinansin pa ang kinikilos nila at tumalikod na ako. Matapos mag habilin ni Hammer ay pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse sa front seat kaya sumakay ako.
Sa kabilang kotse ang dalawa nyang tauhan. Sumakay na rin si Hammer kaya tumingin ako sa labas ng bintana. Lihim na napangiti ako ng makita ang pagkaway nila Mayordoma.
"Let's go."
Tumingin ako kay Hammer at tumango rito. Ngumiti sya at pinaandar na ang sasakyan. Tinignan ko ang daan para kapag bumalik kami rito ay alam ko na.
"Sabi ni Mayordoma ay inumin mo iyan kapag nasa pad lang tayo."
Tumingin ako sa boteng binigay sa akin ni Mayordoma.
"Ito ba yung palaging pinapainom sa akin ni Mayordoma mula nang dumating tayo sa villa?"
"Yeah.. Mabuti iyan sa kalusugan kaya wag mong kakaligtaan."
Kapag iniinom ko ito ay masarap sa pakiramdam at gumagaang ang pakiramdam ko. Pero tuwing iniinom ko rin ito at kapag sinasabayan ni Hammer ng pangangalabit ay hindi ko mapigilan na magpaangkin sa kanya.
Masyadong kakaiba ang epekto nito pero nagustuhan ko naman dahil pakiramdam ko lahat ng bigat ng loob ko na dinadala noon pa man ay unti-unting gumagaan.
Tumingin lamang ako sa labas ng bintana at hindi ko alam kung ilang oras ba ang byahe bago kami makarating sa pampanga.
-
Hammer
Napatingin ako kay Soul na nakatulog na pala. Tinabi ko muna ang sasakyan at hininto. Binaba ko ang sinasandalan nya para makahiga sya ng maayos. Napangiti ako dahil hawak-hawak nya nang mabuti ang bote.
Hindi ko mapigilan na mapailing dahil lamang sa pinapainom ni Mayordoma na tea ay napakadali kong naangkin ng paulit-ulit si Soul.
Sa kanya lang ako sobrang tinamaan na hindi gaya sa mga babaeng nakasex ko ay isang beses ko lamang sila pinagbibigyan. Pero si Soul ay make love ang nangyayari sa amin. Dahil habang inaangkin ko ay hindi ako tumitigil hangga't hindi ko sya nadadala sa akin.
I love this girl. Wala sa panahon kung kelan lang kami nagkakilala. Basta kakaiba ang epekto nya sa akin na halos ayokong mawala sya sa paningin ko.
Inabot ko ang kumot sa backseat at pinatong sa kanya para hindi sya lamigin. Hinalikan ko sya sa labi at napangiti habang pinagmamasdan ang mala-anghel nyang mukha.
Umayos ako ng upo at binaba ko ang bintana nang makita si Frank na lumapit.
"Problem, Boss?" tanong nya.
"Nothing. Let's go."
Tumingin ito kay Soul at napatango sya bago bumalik sa sasakyan nila. Pinaandar ko na muli ang kotse at tinawagan ko si Mom.
(Baby Hammer!)
Tsk.
"Mom, don't call me baby, please."
Humagikgik sya kaya napailing nalang ako at napangiti.
(Bakit ba? Porket malalaki na kayo ay ayaw nyo nang magpatawag na 'baby'? Pati yung dalawang kakambal mo. Nagtatampo na ako sa inyo.)
"Mom, nandyan naman si Downy at Del. Sila nalang ang babyhin nyo tutal mga bata pa sila."
(Hmp! Bahala ka. Basta baby ko kayong lahat.)
Napailing ako dahil kung kelan tumanda si Mommy ay tsaka nagiging tampuhin.
"Anyway, Mom, papunta na kami d'yan."
(What?!)
Napatingin ako kay Soul at hininaan ko ng kaunti ang volume ng sound sa speaker ng kotse.
"Yes, Mom. Kasama ko ang girlfriend ko. Kaya wag kayong masyadong pahalatang excited kayo."
(Naku, bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi mo sinabi na ngayon kayo pupunta. Hindi pa ako nakakapaghanda.)
"It's alright, Mom. Sasaglit lang--"
(No!) agad nya akong pinutol, (Anong saglit lang? Mag stay kayo rito kahit isang araw.)
Napailing ako, "Mom, hindi pwede, hindi ko pa nasasabi kay Soul--"
(Basta. Sige na, maghahanda na ako ng kakainin nyo at tutulugan nya. Bilisan nyo, ha?)
Sasagot pa sana ako nang binabaan na ako ni Mommy. Napailing nalang muli ako at natawa dahil halatang sobrang excited si Mom.
Tumingin ako saglit kay Soul at napangiti ako. Ngayon lang ako magdadala nang babae sa bahay kaya ganyan ang reaksyon ni Mom.
-
Ilang oras din ang naging byahe nang makarating na kami sa bahay. Bumusina ako kaya unti-unting bumukas ang gate.
"Nasaan tayo?" napatingin ako kay Soul na nagising.
"Bahay namin." sabi ko at pinasok ang sasakyan.
"A-Ano?"
Lihim na napangiti ako dahil ramdam ko sa tono nya ang kaba.
"Hammer, hindi mo naman kailangan na dalhin ako rito, umalis na tayo."
Hininto ko na ang sasakyan nang makapasok kami. Pinatay ko na ang makina at tinignan sya na hindi mapakali.
"Bakit naman? Gusto kitang ipakilala sa pamilya ko bilang girlfriend ko."
"Pero--"
Napatigil sya sa pagsasalita nang may kumatok sa bintana.
"Wait." pinigil ko sya nang ambang bubuksan ang bintana. Bumaba ako nang kotse at umikot. Nakita ko si Nana.
"Kuya."
Hinawakan ko ito sa ulo at ginulo ang buhok na kinainis nito. Tumawa ako at pinagbuksan si Soul.
"Come here." aya ko kay Soul.
Bumaba sya kaya nang makababa ay sinara ko ang pinto. Hinawakan ko sya sa kamay at napatingin kami kay Nana.
"What's your name?" tanong ni Nana habang kinikilatis si Soul.
"Soul."
"Age?"
"Tsk. Stop asking her here, Nana. Let's go, babe."
Inakay ko na si Soul pero napangiwi ako at napahinto. Napahawak ako sa binti ko ng sipain ni Nana iyon.
"Hmp!" umirap ito at nagdadabog na naglakad papasok.
"s**t!"
Maliit lang si Nana pero parang tubo ang paa sa lakas ng sipa. Napatingin ako kay Soul na natawa.
"She's cool." aniya.
Tumayo ako nang tuwid at binitawan ko ang kamay nya bago ko sya hawakan sa bewang at hinapit.
"Don't call her like that. Baka mas lalong magkaroon nang lakas ng loob ang pandak na iyon."
Pinisil ko ang baba nya kaya hinawi nya ang kamay ko.
"Oo na."
Ngumiti ako, "Good. At reminder lang, be your self kapag kaharap mo na sila."
"Huh? Bakit naman? Paano kung malaman nila na ako ang dahilan--"
Pinigil ko ang labi nya sa pamamagitan ng daliri ko. s**t. Nakakatakam na halikan ang labi nya.
"Hindi nila malalaman iyon dahil kasama na sa angkan namin ang palaging habulin disgrasya. At kaakibat na rin ng buhay namin ang maraming kaaway. At kung malaman man nila ay hindi ka naman nila agad huhusgahan."
Kita ko na napaisip sya pero hinalikan ko na sya sa labi dahil natatakam talaga ako.
"Wag ka nang mag-isip pa, Babe. Let's go." sabi ko nang saglit na bitawan ko ang labi nya. Tumango sya kaya ngumiti ako at kinagat ko pa ang labi nya bago bitawan.
Inakay ko na sya at pagpasok namin ay nakita ko agad ang mga kasambahay na nakahilera bago yumuko.
"Welcome back, Senyorito."
Hindi ko na pinansin ang mga ito at inaya ko na si Soul kung nasaan ang pamilya ko. Sa living room ay nandoon nga sila at naghihintay. Agad na napatingin sila sa amin. Huling-huli si Nana na nagkwekwento pa kela Mom about kay Soul.
"Ahem." tikhim ni Mom at tumayo mula sa pagkakaupo.
"Baka gusto mong ipakilala sa amin ang nobya mo, Anak."
Inaya ko na kasing maupo si Soul habang nakahawak parin ako sa bewang nya.
"Tsk. Kilala nyo na sya, Mom."
Sinamaang ako ng tingin ni Mom, Nana, Kristen. Pwera kay Kyrstal na nakangiti. Si Dad ay nakaupo lang at tinitignan si Soul. Habang ang dalawang bunso naming kapatid na si Downy at Del ay busy sa paglalaro.
"Okay. She's Sonata Winson, my girl."
Napatingin ako kay Soul na pinagmasdan ang pamilya ko habang wala syang reaksyon pero kita sa kamay nyang magkahawak na kinakabahan sya.
Hinawakan ko ang kamay nya at inakbayan ko sya kaya napatingin sya sa akin.
"Hija, saan kayo nagkakilala nang anak ko?" tanong ni Mom.
"Sa hospital." maikling tugon ni Soul.
"Hospital? Hindi sa bar?" tanong ni Kristen.
"She's my nurse in Esteban Hospital, Mom, Kristen." sabi ko.
Napamaang sila at nagkatinginan. Tumango si Mom at napangiti na tila nakahinga nang maluwag.
"Very good. Ilang taon ka na, Hija?"
"Twenty four."
"Two years lang pala ang tanda sa'yo nang anak ko.."
"Eh, ang parents mo?" tanong ni Kristen.
Hindi agad nakasagot si Soul kaya ako na ang sumagot.
"Meron syang Ama at ang Mama nya ay wala na. Isang assassin ang ama nya."
"Hammer.." bulong ni Soul.
Tinignan ko sya at tumango ako, "Don't worry, it's not a big deal to them." sabi ko.
"Wow! Assassin? Edi, assassin ka rin, Ate?" tanong ni Kristen na mangha.
Alanganin na tumango si Soul kaya lalong natuwa si Kristen.
"Wow! Astig. Good choice, Kuya. Akala namin ay babaeng club lang sya na gaya ng mga nakikilala mong mga patay na patay sa'yo pero hindi pala." sabi pa ni Kristen.
"Sapat na ang nalaman namin. Tara na, may hinanda akong pagkain at magsikain muna tayo." aya ni Mom.
Tumingin sa akin si Soul at tipid syang ngumiti tila pinipigilan nya ang pagngiti. Ngumiti ako at pinisil ang kamay nya.
-
Sonata
Kinabahan ako dahil hindi din kasi maganda na malaman nila na isang akong anak ng assassin. Pero tila balewala lang sa kanila iyon at mangha pa ang kapatid nyang babae na may kahawig na isa pang babae na katabi nito at tahimik lang habang nakangiti na tinitignan ako.
Kinakabahan ako bigla dahil sa presensya ng Dad nya. Nakakatakot ang awra ni James Esteban pero nakakatakot rin ang awra nitong dad ni Hammer tila ba sa pananahimik nya ay pinagmamasdan ako tila ba may gagawin akong inaabangan nya.
Tumayo na ako nang akayin ako patayo ni Hammer para sumunod sa pamilya nya. Pero nabigla ako nang yumakap sa binti ko ang isang cute na batang babae na tila three years old lang.
"Downy, come here." ani ni Hammer at binuhat ang kapatid nya. Ang weird nang pangalan.
Sumunod ako kay Hammer habang hawak nya ang kamay ko at buhat ang kapatid nya na nakatingin sa akin. Ngumiti ako pero napasiksik ang mukha nito sa leeg ng kuya nya habang kagat ang daliri nito.
Napakalaki ng bahay o mas tamang sabihin nang mansyon. May elevator pa akong nakita sa gilid. Masasabi na sobrang yaman ng pamilya nila at maraming lahi. Kaya siguro ganito kalaki ang bahay. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni Hammer ay walo silang magkakapatid.
Sa isang malaking room ay bumungad ang mahabang lamesa at maraming upuan. White ang kulay nang pader na may pagkacream. At ganun din ang tiles nang semento na kulay puti.
Nakaupo na sila at kami nalang ang hinihintay. Pinaghila ako ni Hammer nang upuan kaya naupo ako. Binigay nya sa Mom nya si Downy at lumapit sya sa akin bago naupo sa tabi ko.
"Hija, sana magustuhan mo ang niluto ko. Alam ko na naging mahaba ang byahe nyo kaya tiyak na gutom ka na. Pagpasensyahan mo na rin ang kaunting putahe sa hapag."
Tumango ako. Gusto kong maubo sa sinasabi nyang kaunti. May sampong putahe nga ang nakahain nang mabilang ko. Konti pala ito para sa kanya. Sabagay, sa dami nila ay baka kaunti lang ito para sa kanya.
"Ito kasing si Hammer. Kung kelan nasa byahe na kayo tsaka sinabing papunta na kayo rito. Kaya iyan lang ang nakayanang lutuin ngayon."
Natawa si Hammer, "Mom, ayos lang ito, tsaka ang dami na rin nito."
"Tama ho ang anak nyo, Misis Esteban."
Napangiti ito, "Wag mo na akong tawaging Misis Esteban. Mom nalang."
Tumingin ako kay Hammer at tumango sya habang nakangiti. Tumango ako kahit na hindi na ako komportable rito.
"Kumain na tayo." anunsyo ni Mr. Jam Philip Esteban na seryoso sa paghiwa nang ulam sa plato nya.
"Kj mo, Daddy. Kumain ka d'yan, wag mo kaming pansinin."
Nakita ko na napahinto si Mr. Jam at napailing sa asawa.
"Mom, nagseselos si Dad kasi hindi nyo sya pinapansin." sabi nung Nana.
Napatingin ako kay Hammer na pinaglagyan ako ng pagkain sa plato.
"Ano pang gusto mong kainin?" tanong nya.
"Ayos na muna ako rito."
Tumango sya at kumuha sya nang kanya. Sumubo ako at nilasahan ang ulam. Tumango ako dahil masarap.
"Hammer, dito na kayo matulog."
Nabilaukan ata ako sa sinabi ng Mom ni Hammer. Humawak ako sa hita ni Hammer at pinisil para bigyan sya nang senyas.
"Mom, hindi pwede, dahil bukas ay papasok na kami sa hospital."
"Problema ba iyon? Pwede naman kayong umabsent. Papatawag ko sa Dad mo si Lolo para sabihing aabsent pa kayo nang isang araw."
Sinuntok ko ang hita nya kaya hinawakan nya ang kamay ko.
"Mom, unfair sa ibang employee iyon at sa board member. Hindi porket Director ako ay pwede na akong umabsent."
"Asus! Kelan ka pa naging concern sa sasabihin nang iba, Kuya?" sabi ni Kristen.
"Tsk. Shut up, Kristen."
"Wife, don't force them. And Hammer is right. He's the director of the hospital. Dapat lang na nandoon sya para walang masabi ang iba." sabi ni Mr. Jam.
Nakahinga ako nang maluwag na sumang-ayon na ang Mom ni Hammer. Kaya pagkatapos kumain at ilang pag-uusap ay lumisan na kami sa bahay.
"Sorry sa mga tanong nila Mom at sa kakulitan nila." aniya habang nagmamaneho.
"Ayos lang.. Masaya nga ang pamilya nyo."
Inaamin ko na habang nasa pamamahay ako ng magulang nya ay nakaramdam ako ng inggit dahil kompleto at masaya ang pamilya nila. Hindi ko naranasan iyon mula nang mamatay si Mama. Kaya meron sa puso ko na inggit sa nakita ko sa pamilya ni Hammer.
Napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.
"Magiging pamilya mo rin sila balang-araw." aniya.
"Hindi ka nakakasiguro d'yan." sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.
"Sigurado ako, Babe. Dahil alam ko na sa akin ka rin babagsak."
Napailing ako at natawa dahil dakilang mapang-akin talaga ang bawat binibitawan nya.
"Masyado kang possessive.."
"Dapat lang. Ayoko nang naaagawan."
Napangiti nalang ako at hindi na sya sinagot. Pagdating sa condominium building ay hininto na nya sa space nya ang kotse nya. Nauna na akong bumaba at hinintay ko si Hammer.
Pero agad na nanlaki ang mata ko at napalingon ng may humagis na kantana sa akin. Pero sinadyang daplisan kaya sa kotse ni Hammer tumama ang kantana na bumaon kaya nag-ingay ang kotse nya.
Nakita ko ang isang tao na nakamotor at binantaan pa ako nito habang animo'y ginigilitan ang leeg nya.
"Follow that guy!" utos ni Hammer kay Theo at Frank.
Agad na nakalapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat.
"Ayos ka lang, Babe?"
"Oo. Sundan natin dahil malaki ang hinala ko na isa syang assassin."
Agad na binuksan ko ang pinto nang sasakyan nya kaya tumango sya. Sinundan namin ang nakamotor na naghagis sa akin ng kantana. Mabilis ang takbo nito habang nauuna sila Theo na habulin ang nakamotor. Napakuyom ako ng kamay dahil isang senyales na may nais magpapatay sa akin sa organization.
Sa isang eskinita pumasok ang motor kaya hininto ni Hammer ang sasakyan. Agad na bumaba ako at tumakbo.
"Soul, Catch!" sinalo ko ang baril na hinagis ni Hammer habang sabay na kaming tumatakbo.
Mabilis din sa pagtakbo sila Theo. At humiwalay ang dalawa. Dineretso namin ang eskinita at tinitignan ang bawat nadadaanan namin baka kasi biglang sumulpot ang taong iyon.
Napatingin ako sa itaas at agad na pinaputukan ko ang tingin ko ay isang babae na nakahelmet. Alam ko na babae dahil hugis babae sya.
"Aakyat ako." sabi ko kay Hammer at sinuksok sa pantalon ko ang baril.
"No, ako na." pigil nya.
"Kaya ko, wag mo akong pigilan. Kailangan kong malaman kung sino ang nais na patayin ako sa organization."
"Hindi mo sya agad mahahabol kung ikaw ang aakyat. Abangan mo nalang sya sa baba."
Wala na akong nagawa nang mabilis na umakyat si Hammer sa isang pader at umakyat sa bubong. Naglakad ako habang sinusundan ang tunog ng yapak ni Hammer sa yero.
Nang makarinig ako nang pagtalon ay agad na tumakbo ako at nakita ko ang babae. Agad na pinaputukan ko ito pero nakaiwas sya.
Agad na tumakbo ako palapit rito at sinipa ko sya sa mukha na kinabagsak nya. Dinaganan ko sya at hinawakan ang helmet. Pero sinapak ako nito kaya napaalis ako sa ibabaw nya. Nakita ko na may hawak syang kantana at ambang isasaksak nya sa mukha ko ay agad na pinigilan ko ang kamay nya.
"Sino ka?" mariin kong tanong.
Imbes na sagutin ako ay mas lumapit pa ang kantana nya sa mukha ko. Bigla syang napatigil at agad na umalis sa ibabaw ko. Pinatamaan sya ni Hammer sa balikat at bago pa makalapit sila Hammer ay tumakbo muli ito.
"Habulin nyo!" utos ni Hammer sa dalawa.
"Wag na. Alam kong mahahanap ko agad ang babaeng iyon sa organization."
Napakuyom ako ng kamay dahil sa galit. Meron na akong naiisip na maaaring sya ang babaeng iyon. Matindi ang inis sa akin nito kaya alam ko na siya.
© MinieMendz