Sonata
Napakapit ako sa hawakan ng kabayo habang nakasakay sa unahan at nasa likod ko si Hammer.. Napahigpit ang kapit ko dahil ramdam ko ang katahimikan ni Hammer. May karapatan naman syang magalit sa akin. Napilay kasi ang alaga nyang kabayo na puti nang sumadsad ito sa lupa sa biglang pagsagip sa akin ni Hammer.
Huminto ang kabayong sinasakyan namin ng narito kami sa parteng tanaw ang kabundukan. Bumaba sya ng kabayo at tinignan ko sya na lumapit sa parteng ilog. Bumaba rin ako at huminga ng malalim bago tumabi sa kinatatayuan nya.
"I'm sorry. And thank you for saving me."
Natawa sya kaya napatingin ako sa kanya. Ngumisi sya at tumingin sa akin.
"Ngayon ka lang nagsalita ng malumanay."
Umirap ako at tumingin sa bundok. Nung bata pa ako ay kaya kong makisalamuha sa mga kaedaran ko noon pero mula nang mamatay si Mama ay pinagbawalan na ako ni Papa at ginawa ako ni Papa na unti-unting maging manhid. Hanggang makasanay ko na wag dumepende sa iba at makipaglapit dahil sabi ni Papa ay wala daw mapagkakatiwalaang tao sa mundo.
Naupo ako at humawak sa mga binti ko. Napansin ko ang pag-upo nya rin habang nakasandal ang mga kamay sa tuhod nya.
"I understand you, Soul."
Napatingin ako sa kanya at napamaang dahil sa sinabi nya.
"Nang una kitang makita ay nakita ko na agad ang sarili ko sa'yo. All people they thought that I am cold hearted, but I admit I am cold to others, but not to my family and friends. Iyon lang ang gusto kong ipakita sa iba para hindi ako maisahan. Kapag ganun ako ay pakiramdam ko ay walang makakasakit sa akin.."
Natigilan ako sa sinabi nya. Kagaya nya ay ganun ang iniisip ko. Na kaya ako malamig sa iba ay dahil ayokong makita ng iba na mahina ako at may makakasakit sa akin. Pero kahit na kagano pa ako kalakas tignan sa physical ay kaya naman saktan ng sarili kong ama ang kalooban ko.
"But I'm hurting right now.." napatingin muli ako sa kanya at nakatingin na sya sa akin ng malalim, "I'm hurting because the girl I love is not inlove with me."
Napaiwas ako ng tingin ng biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"But I have patient to you. I'm waiting until you realize that I am the only guy for you."
Natawa ako at umiling, "Hindi mo ako mahal dahil nasasaktan lang ang ego mo dahil baka ako palang ang babaeng tumanggi sa'yo."
"No, don't estimate my feelings." napatingin ako sa kanya ng hawakan nya ang baba ko at ipatingin nya ako sa kanya, "My heart is so possessive to you. My heart wants only you."
Tumitig sya sa akin at hindi ko maintindihan ang puso ko kung bakit bumibilis ito habang para akong nanlalambot sa titig nya. Lumapit ang mukha nya at natulala ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi nya sa akin.
Napahawak ako sa balikat nya at napakapit ako sa suot nyang leather jacket dahil para akong nanghihina sa halik nya. Lumalalim ang paghalik nya at natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumugon sa halik nya.
Naramdaman ko ang damo ng mapahiga ako. Napayakap ako kay Hammer dahil para bang nawala ang atensyon namin sa paligid at ang tanging nangibabaw ang palitan namin ng halik.
Bumitaw si Hammer kaya unti-unti akong napadilat ng hindi ko namalayan na nakapikit na pala ako at dalang-dala sa halik nya. Habol ang hininga namin at napatingin ako sa kanya ng titigan nya ako habang nakangiti.
"I promise that I'll never leave you. I love you so much."
Napaiwas ako dahil ayoko sa lahat ang pinapangako na hindi ako iiwan. Lahat ng taong dating mahalaga sa akin ay iniwan ako. Si Mama at ang kaisa-isang kaibigan kong babae na hindi ko alam kung bakit biglang nawala ng walang paalam.
"I don't want to hear your promise." sabi ko.
"Why?"
Tumingin ako sa kanya pero tinulak ko sya para maalis sa ibabaw ko. Pero napabalik ako sa pagkakahiga ng ihiga nya ako muli at tinignan ng mabuti.
"Tell me why?"
"Because I know no one can stay beside me forever."
Ngumiti sya at hinaplos ang mukha ko, "My dad tell to me that once I found the girl I love don't ever let her go. Don't leave her to other girls. Sabi pa nga ni Dad na kapag alam ko sa sarili ko na ang babaeng makakakuha ng atensyon ko ay dapat daw gumawa ako ng paraan para markahan na ito at hindi makawala."
"Anong paraan?" tanong ko.
Ngumisi sya at hinaplos ang labi ko habang nakatitig sa aking mga mata ang mga mapang-akit nyang mga mata.
"Sorry I don't want to tell you now. Tsaka na kapag nagtagumpay ako. Sa ngayon ay gusto kong halikan ka.." habang sinasabi nya iyon ay nakatitig na sya sa labi ko at hinawakan ako sa mukha bago nya muling sakupin ang labi ko.
Kinakabahan ako habang hinahalikan nya. Halos hindi magbitaw ang aming labi sa sobrang pagkahayok nya sa labi ko. Dalang-dala ako at halos mapaso ako sa bawat paghaplos ng kamay nya sa katawan ko. Madali para sa kanya na haplusin ang hita ko dahil nakadress lamang ako. Napakapit ako sa jacket nya at napabitaw ng halik ng halos hindi ko na makayanan.
Napapikit ako at hingal na hingal ngunit ibang init at kiliti ang nararamdaman ko ng bumaba ang halik nya sa leeg ko. Mariin akong napapikit dahil ramdam ko ang pagbaba nya sa strap ng dress ko. Hindi ko alam kung dapat bang paganahin ko ang kakaibang nararamdaman ko ngayon kay Hammer pero sa pagkakataong ngayon ay ayaw sumunod sa akin ng isip ko.
"H-Hammer." sambit ko ng bumaba ang halik nya sa dibdib ko habang unti-unti nyang binaba ang dress ko.
Napadilat ako at napatingin sa kanya na hinubad ang jacket habang nagkatingan kami tila nagkakaunawaan. Nang maalis ang saplot sa pang-itaas nya ay muli nyang sinakop ang labi ko at niyakap ako.
Napahawak ako sa buhok at likod nya habang nalulunod sa mapangahas nyang halik. Bumitaw sya at hinila ako ng kaunti. Napatingin ako sa damit nyang sinapin sa likod ko at napatingin ako sa kanya ng muli nya akong ihiga.
Napaiwas ako ng tingin ng baklasin nya ang pantalon nya. Napatingin ako sa kanya ng pagpartehin nya ang mga binti ko at dumagan sa akin. Napahawak ako sa balikat nya at napalunok dahil may kakaiba akong maramdaman na dumidikit sa hita ko.
"H-Hammer.."
"Sshhh.. After this I want you to remember that I own you. You are my girlfriend, my property, and the girl I love. I love you so much."
Napatitig ako sa kanya at kita ko na seryoso sya. Napapikit ako at pakiramdam ko ay bigla akong nanghina sa binitawan nyang salita. Pakiramdam ko ay meron sa loob ko na naglambot. Tumango ako at dumilat. Ngumiti sya at muli akong hinalikan.
Napaidtad ako at napayakap sa kanya nang hawiin nya ang panty ko at naramdaman ko ang unti-unti nyang pagpasok. Napabuka kami ng bibig at muli nyang sinakop ang labi ko habang tuluyan na syang nakapasok sa loob ko.
Napabitaw ako sa halik at pinahinto sya sa mabagal na paggalaw ng maalala na narito kami sa labas kung saan merong maaaring makakita. Pero tila nabasa nya ang iniisip ko.
"Don't worry. This place is for me."
Ngumiti sya at muling sinakop ang labi ko. Napapikit ako at hinayaan sya na unti-unti tinutupok ang init ng pag-iisa ng aming katawan. Hindi ko alam pero parang pamilyar na ang bawat paggalaw nya. Para bang kilala na sya ng katawan ko. Pero hindi ko na naisip iyon dahil para akong hibang na hibang.
-
Napakapit ako sa leeg nya habang nakangiti sa kanya habang narito na kami sa tubig. Malinis ang ilog at malamig ang panahon.
"I want you to call me babe, okay?" sabi nya kaya tumango ako. Ngumiti sya, "Call me now."
"Babe." sabi ko kaya lalo syang napangiti.
"Very good, babe."
Dinala nya ako sa parteng malalim at hinalikan muli ako kaya tumugon ako. Bumitaw din kami agad at ngumiti ako ng ngumiti sya.
"From now on sa akin ka lang susunod. Ako lang ang paniniwalaan mo."
Tinignan ko sya at tumango ako. Hinalikan nya ako sa noo at niyakap.
"I tell you about myself." sabi nya.
"Hmm?" yun lang ang naging tugon ko at pumikit.
"I have loving parents and seven siblings. Kinagisnan na nang buong angkan namin ang mundo ng mafia. Wala pa akong nagiging girlfriend kundi fling lang. May nakama na rin ako pero don't worry wala akong nabuntis sa kanila. Noon palang ay gusto ko na ang pagiging doctor dahil gusto kong matulungan si Lolo sa nais nya at syempre mapangalagaan ang gusto nya. Pero kahit alam ko lahat about sa pagdodoctor ay tanging sa puso lamang ang nais kong gamutin. Ewan ko kung bakit pero gusto kong malaman at makita ng dalawang mata ko ang kakaibang klase ng mga puso ng tao."
"Lahat ng tao ay parehas lang ng puso.." sabi ko.
"No, I don't believe to the same heart. Alam ko na may natatangging puso at gusto ko na makadiscover kung kanino sa magiging pasyente ko ang may ganun."
Napailing ako dahil isang kalokohan lang ang sinasabi nya.
"You don't believe me?" tanong nya. Pinisil nya ang pang-upo ko kaya tumingin ako sa kanya.
"No."
Ngumiti sya at niyakap ang bewang ko, "Sabi ko nga."
Ngumiti ako at hinawakan ang mukha nya, "Nilalamig na ako. Bumalik na tayo."
Tumango sya at umahon na kami. Sinuot ko ang pinaghubaran ko at pinilipit ko ang buhok ko. Napahaplos ako sa braso ko dahil nakaramdam ako ng lamig.
Napatingin ako sa kanya ng ipatong nya sa balikat ko ang jacket nya. Pagkatapos ay hinawakan nya ako sa kamay at hinila palapit sa kabayo nya.
Sumakay muli kami at bumalik sa bahay.
"Oh, bakit kayo mga basa?" tanong ni Mayordoma.
"Mayordoma, sa amin nalang iyon, paghanda nyo lang kami ng mainit na makakain at pakidala sa kwarto ko." sabi ni Hammer at hinatak na ako.
"Doon ang room ko." turo ko sa room ko dahil hinihila nya ako sa ibang room.
Ngumiti sya at lumapit ang bibig nya sa tenga ko.
"Pwede namang doon ka na sa room ko. Para mas may quality time tayo sa isa't-isa."
Hinila na muli nya ako at pumasok kami sa isang room. Mas malaki ito at panlalake. Tumingin ako sa room habang si Hammer ay lumapit sa isang closet. Lumapit ako sa bintana at tanaw rito ang malawak na lupain.
Napalingon ako ng yakapin ako ni Hammer mula sa likod at halikan ako sa pisngi.
"Let's shower first."
"Sige, ikaw na muna."
"Nah.. Sabay na tayo." pagpilit nya at pinangko ako.
Ganito ba dapat ang magkarelasyon? Nahihiya pa ako pero mapilit si Hammer na sabay kaming maligo.
"Hammer, ang kamay mo." banta ko dahil gumagapang na naman kung saan.
"Gusto ko lang sambahin ang pagmamay-ari ko." bulong nya at hinalikan ang leeg ko habang pumipisil ang mga kamay nya sa dibdib ko.
"Tama na.. Lamog na ang katawan ko." inalis ko ang kamay nya at kinuha ko ang sabon.
"Okay." inagaw nya sa akin ang sabon at sya ang nagsabon ng katawan ko. Hinampas ko ang kamay nya dahil sumisimple pa sya.
Natawa sya at nang matapos nya akong sabunan ay nagbanlaw na ako habang sya ay nagsasabon sa sarili nya. Aalis na sana ako ng pigilan nya ako at napakapit ako sa braso nya ng sakupin nya ang labi ko.
"Paisa nalang, babe." bulong nya at niyakap ako ng mahigpit habang hawak ang isang hita ko.
Napapikit ako at hindi ko na sya napigilan pa ng unti-unti ko syang maramdaman sa loob ko. Muli nya akong hinalikan habang inaangkin ako. Halos manlambot ako sa ginagawa sa akin ni Hammer. Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol namin sa banyo pero paglabas namin ay nandoon na si Mayordoma at may tinging tila may nalalaman sa ginawa namin sa loob.
Naupo ako sa kama habang si Hammer ay ngising-ngisi na nagpupunas ng buhok. Nakabihis na kami pareho bago pa kami lumabas ng banyo.
"Sige na, iwan nyo na kami, Mayordoma." utos nya kay Mayordoma na yumuko bago umalis.
Naupo rin si Hammer sa kama at nagtungo sa likod ko. Kinuha nya sa side table ang tray at nilapag sa tabi namin.
"Let's eat."
Kinuha nya ang kubyertos kaya napatingin ako sa kanya.
"Hammer, may dapat kang malaman sa pagkatao ko."
"Open your mouth, babe." imbes na pansinin ang sinabi ko ay inuma sa akin ang kutsarang may lamang pagkain.
"Kailangan mong malaman--"
"No need. Kilala na kita kahapon pa." aniya.
Natigilan ako at napalunok sa sinabi nya.
"Ibig sabihin ay kaya ginagawa mo ito ay dahil ginagantihan mo lang ako dahil sa nalaman mo sa akin?"
Tinignan nya ako ng mabuti at umiling sya.
"Revenge is so cheap. I'll never think of that, Babe. Ang mahalaga ay akin ka at hindi mababago iyon kung si Soul o Sonata ba ang tunay mong pangalan."
Napalunok ako at bigla ay naisip ko si Papa. Ang misyong pinagagawa nya sa akin. Nalaman na ni Hammer ang lahat at nabigo ko si Papa. Nakalimutan ko ang goal ko at nagpadala ako sa hindi ko maintindihan na nararamdaman ko.
Napatayo ako at hindi ko alam ang gagawin kundi ang maisip na tumakbo.
"Soul!"
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Hammer at tumakbo ako. Nakita ko sila Mayordoma at tauhan ni Hammer pero hindi ko sila pinansin at mabilis akong tumakbo palabas.
"Soul, stop it!"
Hindi ko alam kung saan ba ako parte tumatakbo dahil nang dalhin naman ako ni Hammer rito ay nakachopper kami kaya hindi ko pa napag-aaralan ang daan palabas. Pero may nakita ako na way na tila kalsadang hindi sementado kaya iyon ang tinahak ko. Pero habang patakbo ako ng patakbo ay napansin ko na hindi pala ito daan dahil patungo ito sa kagubatan.
Narinig ko ang yapak nila Hammer kaya agad na naghanap ako ng tataguan. Sa isang puno ako nagtago. Huminga ako ng malalim ng makaramdam ng pagod.
Bigla akong natigilan at napatingin sa paa ko. Napadaing ako at sinipa ko ang ahas na kumagat sa binti ko. Bigla akong napaalis sa puno at napahawak sa binti ko. Napaupo ako at tinignan ang kagat ng ahas sa binti ko.
"Babe!"
Tumingin ako kay Hammer na tumakbo palapit sa akin. Napatingin sya sa binti ko na may kagat ng ahas.
"s**t!" aniya at tumingin sa paligid. Napatingin sya sa t-shirt nyang puti at sinira nya ang dulo nito. Tinali nya ang binti ko para pigilan ang pag-akyat ng kamandag sa binti ko.
Pinangko nya ako. Tinignan ko si Hammer na mabilis akong tinatakbo. Unti-unting akong napapikit at nawalan ng malay.
-
Hammer
"Ihanda nyo ang gamit ko sa pag-alis sa kamandag, Mayordoma." utos ko.
"Masusunod, Senyorito."
Mabilis na inakyat ko si Soul sa taas at sa kwarto ko. Wala na syang malay nang ihiga ko sya sa kama. Napahinga ako ng malalim at tinignan ang kagat sa kanya ng ahas.
Dati ay natutunan ko kung paano mag-alis ang kamandag na dulot ng kagat ng ahas.. Natutunan ko iyon sa dating tauhan ng farm namin. Dahil nais kong subukan ang tinuro nito kaya nagpakagat ako noon sa ahas. Halos mag histerikal si Mom nang gawin ko iyon.
Pero mabuti nalang at ginawa ko iyon dahil may alam na ako. At magagamot ko si Soul. Isang mabagsik na cobra ang kumagat sa kanya.
"Senyorito, heto na.."
Agad na kinuha ko kay Mayordoma ang lalagyan ng gamit ko.
"Kumuha kayo ng maligamgam na tubig at bimpo, Mayordoma."
Kinuha ko ang mga gagamitin ko at sinimulang alisin sa pamamagitan ng pagpapalabas ng dugo ni Soul sa parteng nakagat. Nang makuha ko ang kamandag at makitang wala na ay agad na nilinis ko ang sugat at tinapalan ng halamang gamot para maalis agad ang langis ng kagat ng ahas. Nilagay ko ng benda ang paa nya at tinignan ko si Soul.
Naupo ako sa tabi nito at hinawi ko ang buhok nya na tumabon sa mukha nya.. Dumating si Mayordoma na dala ang maliit na palanggana na laman ang maligamgam na tubig at bimpo.
"Maaari nyo na kaming iwan." utos ko.
Nang umalis at sumara ang pinto ay pinunasan ko ang pawisang mukha ni Soul habang tinitignan ito.
"Kahit anong mangyari ay hindi na kita hahayaan pang umalis. Akin ka lang, Sonata Winson."
Tumayo ako at tinawagan si Dad. Ilang ring lang ay agad na sumagot ito.
"Dad.."
(Kuya!)
Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko ng marinig ang matinis na boses nila Nana at Kristen.
"Tsk. Where's Dad? Bakit hawak nyo ang phone nya?"
(Yes, Son? Pasensyahan mo na ang mga kapatid mo at kanina pa ako nilalambing ng mga dalaga ko.)
Ngumiti ako at napailing, "Dad, may favor sana ako."
(Sure.. Ano ba 'yon, Anak?)
Tumingin ako kay Soul na mahimbing na natutulog.. Huminga ako ng malalim at lumayo. Tumanaw ako sa bintana.
"Dad, kayo nalang ang magpaliwanag kay Lolo kung bakit ako mawawala ng ilang araw. Alam kong nagtataka na rin ang ibang board member ng hospital at doctors sa bigla kong pagkawala."
(Sure, no problem, Son. I know you want a little time to your girlfriend.)
Natawa ako, "How did you know that I'm with my girlfriend?"
(Kanino pa, edi sa Mom mo.)
Natawa ako at napailing. Nasabi na ata ni Mom sa buong pamilya ang nangyayari sa akin.
"Si Mom talaga." nasabi ko nalang.
(Anyway, Son, dalhin mo rito ang girlfriend mo pagkauwi nyo agad. Ako ang kinukulit ng Mom mo na gustong makilala ang girlfriend mo.)
Napahimas ako sa batok at napangiti. Hindi ako agad makasagot dahil tiyak na mahihirapan ako na dalhin si Soul.
"Okay, Dad."
(Good---Hi Kuya! Maganda ba girlfriend mo?)
Biglang sumingit si Kristen at tiyak akong napapailing si Dad.
Tumingin ako kay Soul at napatitig rito.
"Yes. A very angelic beauty.."
(What, Kuya?)
Ngumiti ako, "Oo, maganda sya at balingkinitan."
(I knew it! Let me guess, pareho lang sya sa mga babaeng nakukuha mo sa bar, right?)
"No."
(Really?)
"Yes. Because she's different for me. Dahil sya lang ang babaeng hindi nagkakagusto sa akin."
Narinig ko ang tawa ni Kristen na parang bakera. Napailing ako.
"Sige na, pakamusta mo nalang kela Mom at Krystal. Bye."
(Okay. Bye-bye, Kuya!)
Binaba ko na ang tawag at lumapit ako kay Soul. Tinignan ko ang binti nya at hinaplos.
"Hindi ka sana napapahamak kung hindi ka tumatakbo palayo sa akin." sabi ko.
Nahiga ako sa tabi nya at niyakap ko sya. Bigla syang gumalaw at tumalikod sa akin kaya agad na hinapit ko sya sa tiyan at nilusot ko ang isang kamay ko sa leeg nya at niyakap ko sya.
-
Sonata
Unti-unti akong napadilat at napahawak ako sa noo ko habang inaalala ang nangyari. Naalala ko na nakagat ako ng ahas mula sa pagtatago ko mula kela Hammer. Napatingin ako sa binti ko at nakita ko na may nakatapal na sa kagat ng ahas.
Sinong gumamot sa akin?
Tumingin ako sa paligid at napansin ko na narito ako sa room ni Hammer. Napatingin ako sa mga braso na nakayakap sa katawan ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Hammer na nakapikit tila natutulog.
Hinawakan ko ang braso nya at marahang inalis. Nang maalis ko ay babangon sana ako ngunit napasinghap ako ng muli akong mapahiga at yakapin ni Hammer. Isama pa ang isang binti nya na yumakap sa mga binti ko.
"Hindi ka maaaring tumakas muli. Dito ka lang." aniya.
Inis na nilingon ko sya pero ngumiti lang sya habang nakapikit. Dumilat sya at tinignan ako. Napahiga ang ulo ko sa braso nya ng bigla nyang iangat ang ulo at nilapit sa akin.
"Sabihin mo sa akin bakit ganun nalang ang kagustuhan mong wag magalit sa'yo ang ama mo?"
"Wala ka na doon. Bitawan mo nga ako."
"No. Answer me." sabi nya.
Pilit kong tinutulak ang dibdib nya para makawala sa bisig nya pero ayaw talaga akong bitawan ng Hammer na 'to.
"I love you so much. Please stop questioning my feelings to you."
Napatigil ako, "Alam mo ang pagkatao ko at hindi ako maniniwala sa'yo na hindi ka gumaganti. Kaya mo sinasabi iyan para magantihan ako."
Hinawakan ko ang kamay nya dahil pilit nya akong pinapaharap sa mukha nya.
"Babe, hindi kailanman ako nagsabi ng sweet words sa ibang babae. Ikaw nga lang ang sinabihan ko."
"Ano ba, Hammer!" pilit ko syang tinutulak sa balikat ng halikan nya ang leeg ko. Napadaing ako ng gigil nyang kagatin ang balat ko, "Aray! Stop!"
Bumaling pa sya sa kabilang side at kinagat din ang balat ko doon. Napapikit ako at napaiyak.
"Bakit ka umiiyak?"
Dumilat ako at tinulak sya pero niyakap nya lang ang ulo ko.
"Gusto kong makagawa ng bagay na magiging proud sa akin si Papa. Pero dahil alam mo na ay tiyak na magagalit sa akin si Papa o worst ay baka itakwil na talaga nya ako at hindi na pansinin."
"Yun lang ba? Okay, edi wag nating ipahalata na alam ko na."
Lumuwag ang yakap nya sa ulo ko kaya tumingin ako sa kanya. Tumingin sya sa akin at pinunasan ang luha ko.
"Pero bakit pinagagawa sa'yo ng ama mo iyon? Bakit ka niya itatakwil kung hindi mo magawa ang pinagagawa nya?"
Umiling ako at ayokong sabihin. Napahinga sya ng malalim.
"Okay, basta wag ka na muling tatakbo sa akin.. Ipalabas nalang natin na wala akong alam."
"Pero kailangan kong mapatay ang Lolo mo."
Natawa sya at napailing. Matalim na tinignan ko sya kaya tumigil sya sa pagtawa.
"Seriously? Iyon talaga ang inutos sa'yo?"
Nainis naman ako sa tono nya na parang minamaliit ang kakayahan kong mapatay ang Lolo nya.
"Bakit hindi?"
Umalis sya sa ibabaw ko at nahiga bago inunan ang mga braso nya.
"Tila nais ng ama mo na ipahamak ka talaga.."
Kumuno't ang noo ko at naupo ako bago ko sya tignan.
"Bakit mo nasabi?"
Tumingin sya sa akin at ngumiti sya.
"Dahil wala pang nakakapatay kay Lolo. Malakas ang pakiramdam ni Lolo kapag alam nyang may baril na nakatutok sa kanya o kutsilyo. At sya ang tinaguriang the lord of mafia. Ibig sabihin ay magawa mo nga syang mapatamaan pero hindi ibig sabihin no'n ay mapapatay mo na sya. At oras na ikaw naman ang balingan ni Lolo ay tiyak na kamatayan ang kabalik no'n."
"Imposible! Mamamatay sya kung matamaan sya sa ulo o puso."
"Nung may nagtangka sa buhay nya sa harap ng hospital. Alam mo ba na naramdaman agad nya na may baril na nakatutok sa kanya at nalaman agad nya kung nasaan ang sniper."
Napamaang ako at naalala ko nga iyon dahil ako ang sniper. Kaya dumaplis ang pagtira ko ay dahil nagulat ako ng makitang tila nakatingin sa lens ko si James Esteban. Yun pala ay totoong nakikita nya ako.
"At alam ko na ikaw iyon, Soul."
Tumingin ako kay Hammer at umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nakatingin sya tila ba hindi nya gusto.
"Ako nga iyon." pag-aamin ko.
"Soul, kung ano man ang dahilan ng ama mo para lang itaya nito ang buhay mo ay bakit hindi mo nalang alamin kung bakit nga ba nya nais na mapatay si Lolo?"
"Dahil sa organization."
"Dahil sa organization o may iba pa?"
Napatingin muli ako kay Hammer dahil sa sinabi nya.
"Anong iba pa?"
Bumangon sya at sumandal sa head board ng kama.
"Kaya alamin mo kesa gawin ang pinagagawa nya sa'yo."
Napaisip ako sa sinabi nya. Maaari bang may ibang dahilan sa likod ng ginagawa ni Papa sa akin?
Napaubo ako at napatingin kay Hammer na nagsindi ng sigarilyo. Napahawak ako sa dibdib ko.
"I-I can't breath." bulalas ko.
Napatakip ako ng ilong at tumingin sa sigarilyo nya. Agad nyang pinatay sa ashtray at hinawakan ako.
"Sorry.. May hika ka ba?" tanong nya.
Umiling ako, "Wala. Makakatakbo ba ako kung may hika ako."
Napahaplos ako sa dibdib ko at iniisip kung bakit dumadalas na ang paghirap ko sa paghinga.
"Hindi ka parin ba makahinga?" tanong nya.
Tumingin ako kay Hammer, "Medyo.."
Nabigla naman ako na hawakan nya ang mukha ko at nanlaki ang mata ko ng halikan nya ako.
"Open your mouth, Babe."
Hindi ko maintindihan kung anong meron sya at napasunod ako. Binuka ko ang bibig ko at ramdam ko ang pagbibigay nya ng hangin sa akin.
Napakapit ako sa balikat nya ng hapitin nya ako. Napapikit ako at lumunok habang unti-unting gumiginhawa ang paghinga ko sa binibigay nyang hangin.
Nang bumuti na ang paghinga ko ay kumalas ako sa labi nya. Nagkatinginan kami at ngumiti sya.
"I'm sorry. Hindi na ako maninigarilyo para hindi makaapekto sa'yo." sabi nya.
Umiwas ako ng tingin, "Hindi mo naman kailangan na gawin iyon."
"So gusto mo na palagi kitang binibigyan ng hangin?" pilyong tanong nya.
Tinulak ko sya kaya natawa sya. Niyakap nya ang bewang ko at tinignan ako.
"Still I want to stop my hobbit for you."
Mula sa pagkakaalam ko sa pagkatao nya at makilala sya ay napansin ko na merong nagbago kay Hammer. Bumilis ang pintig ng puso ko at para hindi nya mahalata ay umalis ako sa pagkakaupo sa hita nya.
"Hey, where are you going?" pinigil nya ako sa bewang.
"Gusto ko nang maiinom."
"Okay. Stay here. Ako na ang kukuha."
Naupo ako sa kama at tumingin sa kanya na bumaba ng kama. Ngumiti sya sa akin at nabigla ako ng nakawan pa nya ako ng halik. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya ng pilyo at naglakad na palabas.
Napailing ako at hindi ko mapigilan na mapangiti bago napahawak sa dibdib ko kung saan unti-unting kumalma ang pintig ng puso ko.
© MinieMendz