KABANATA 6

3787 Words
Sonata Hindi ko alam kung saan ako dinala ni Hammer. Pero masasabi ko na tahimik at maganda ang lugar. Naapakan ko ang mga tuyot na dahon dito sa tapat ng mga puno. Actually ang linis ang villa na ito at ilan lang ang nahuhulog na dahon. Ang dami ring puno at malamig ang lilim. Naupo ako sa isang bench na nasa tabi ng puno. Tumingin ako sa paligid at hindi ko mapigilan na mapaisip sa lahat ng nangyayari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung sino ang taong pinaglalaruan ako. Hanggang ngayon ay wala akong magawa para gawin ang misyon ko dahil hindi ko naman alam kung saan ako dinala ni Hammer. Hindi din naman ako makakaalis dahil kalat ang tao nya. At hindi ko rin matawagan si Abe dahil hindi ko makita ang phone ko. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay punong-puno na ang isip ko sa lahat. Inis na inis pa ako sa pakialamerong si Hammer na hindi ko alam bakit pinapakialaman ang buhay ko. "Lot of thoughts?" Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Hammer na may dalang baso na inumin. Hindi ko sya pinansin at tumingin lang ako sa kawalan. "Kung ako sa'yo ay wag kang masyadong ma-stress. Just enjoy this day. This villa is a lot of fun activities." "Sino bang may sabi na gusto kong mag enjoy? Ikaw lang naman ang nagdala sa akin rito ng walang pahintulot ko." sabi ko. Tumingin ako sa kanya na nakaupo sa kabilang bench habang nakabukaka at sinamaan ko sya ng tingin dahil batuhin ba naman ako ng maliit na bato. Ngumisi sya, "Kung sasabihin ko bang isasama kita rito, sasama ka?" Umiwas ako ng tingin at tumayo. Naglakad ako para umalis dahil habang kausap ko ang siraulong iyon ay mas lalo lamang akong naiirita. "What?!" sigaw ko at nagpumiglas ng bigla nya akong hawakan sa kamay at hinila, "Let me go!" Lumingon sya at ngumiti, "No, until we arrive to the farm." Napahinga ako ng malalim at hinawakan ko ang kamay nya bago kagatin. Napadaing sya at lumuwag ang hawak nya kaya sinamantala ko iyon at tumakbo ako. "Damn it! You are dead to me, Woman!" hiyaw nya. Ngumisi ako at binilisan ang takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero tumakbo lang ako ng tumakbo para takasan sya. Pero nanlaki bigla ang mga mata ko at napahiyaw ako ng unti-unting lumubog ang mga paa ko ng maapakan ko ang kumunoy. Pinilit kong makahawak sa lupa pero mas lalo akong hinihigop. Napatingin ako kay Hammer na huminto. "H-Help me.." sabi ko. "Now you want my help?" ngumisi sya. Sinamaan ko sya ng tingin. Napailing sya at lumuhod ang isang tuhod nya bago ako hawakan sa kamay. Napakapit ako sa braso nya at nang medyo maahon nya ako ay napakapit ako sa leeg nya. Ang bilis ng paghinga ko dahil konti nalang at tuluyan na akong lulubog. Nakapikit ako sa sobrang takot. Hindi kailanman ako nasubok ng ganun. Nakakaba dahil pakiramdam ko ay katapusan ko na. "You are safe now." Napadilat ako at napatingin kay Hammer na nahigaan ko. Hindi ko pinahalatang nanginginig ang mga kamay ko at bumangon ako. Napaupo ako at napatingin sa kumunoy na unti-unting bumalik sa dati. "Kung sumusunod ka lang sana sa akin hindi ka mapapahamak." Pinangko nya ako kaya napapikit ako at hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko dahil hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Napahawak ako sa dibdib ko at napakapit ako sa damit ni Hammer dahil para akong hindi makahinga. "Hey, are you okay?" "I-I can't breath." sabi ko habang nahihirapan akong huminga. "s**t!" Hindi ko na alam ang nangyari ng tuluyan akong mawalan ng malay. Hindi ko alam ang sunod na nangyari at kung ilang oras ba ako nakatulog pero paggising ko ay nasa isang malinis na kwarto ko at nakahiga sa puting-puting kama. Maganda ang design ng kwarto na ancient greek style. Marahan akong bumangon at napatingin ako kay Hammer na nakatayo sa tapat ng bintana habang tila may iniisip. Napalingon sya ng marinig ang pagbangon ko. Naalala ko na kamuntikan na akong makain ng lupa at biglang sumakit ang dibdib ko at hindi makahinga. "How's your feeling? May masakit ka bang nararamdaman?" tanong nya at huminto sa gilid ko. Mabagal na umiling ako, "Anong nangyari?" Tinignan nya ako ng mabuti kaya nagtaka na tinignan ko sya. Naupo sya kaya napausog ako pero napahinto ako ng hawakan nya ang kamay ko. "You.." Tinignan ko sya habang hinihintay ang iduduktong nya. "Anong ako?" Napahinga sya ng malalim at umiling. Hinalikan nya ang kamay ko kaya balak ko sanang batakin ngunit pinigil nya. "You should stop fighting to me. From now on don't move and don't stress your self, okay?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Sa naramdaman ko ngayon ay bago lamang sa akin ang pagsakit ng dibdib ko. Kaya hindi ko alam kung bakit nangyayari iyon. "What do you mean? Can you explain to me what are you talking about?" Umusog pa sya ng kaunti palapit at hinawakan ako sa balikat at pinahiga. Babangon sana ako ng pigilan nya ako. "I said don't." mariin nyang banta kaya natigilan ako. Huminga sya ng malalim at hinawi ang buhok ko at tinitigan ako ng mabuti, "Dahil narito ka sa villa ay ako ang masusunod. Gusto ko ay sumunod ka dahil baka hindi ako makapagtimpi at.." "At ano?" tanong ko. Tinignan nya ako at napatingin sya sa katawan ko kaya gamit ang paa ko ay sinipa ko sya na kinabagsak nya sa sahig. Natawa ako dahil ngayon ko lamang sya nakitang helpless sa sitwasyon nya. "Don't look at me like that." sabi ko. Bumangon sya at agad na napaatras ako ng lumapit sya. "Patay ka sa aking babae ka.." Tinignan ko sya ng subukan nya akong kilitiin. Natigilan sya at sinubukan muli pero useless dahil wala akong kiliti. Kaya gamit ang isang binti ko ay sinakal ko ang leeg nya at sinabunutan sya. "s**t! Stop it, Soul!" sigaw nya. "You deserve this, Asshole!" Bigla akong napatigil at napatingin sa kamay nya ng dakmain nya ang dibdib ko. Binitawan ko ang leeg nya at sinampal ko sya. "Pervert!" Kinuha ko ang kumot at tinakip sa dibdib ko. Kinikilabutan ako ng mahawakan nya ang dibdib ko. Bumangon sya at nilingon ako bago ngumisi. "Cup 34 B." Matalim na tinignan ko sya, "Argh! Pervert! Asshole!" Inalis ko ang kumot at lumapit ako sa kanya. Sasapakin ko sana sya ng bigla nya akong mahawakan sa braso. Napangiwi ako ng ilagay nya sa likod ko ang braso ko. Gagamitin ko sana ang isang braso ko para sikuhin sya ng mahawakan nya rin ito at ilagay sa likod ko. Napadaing ako ng idapa nya ako sa kama at nagpumiglas ako ng itali nya ang mga kamay ko. "Argh! Pakawalan mo ako, Hay*p ka!" Napamaang ako ng hampasin nya ang pang-upo ko. "Stop saying bad words. It's not good, Woman." "Pakialam mo! Pakawalan mo ako, manyak ka! Demonyo! Gag---" Napatigil ako ng bigla nya akong tinihaya. Nagkatitigan kami ng lumapit ang katawan nya sa akin. Napatikom ako ng bibig pero napabuka ako ng mariin nyang hawakan ang panga ko. "Hmp!" Nagpupumiglas ako pero napapangiwi ako dahil nadadaganan ko ang kamay ko na nakapilipit sa likod. Kaya ginamit ko ang paa ko para itulak sya pero nanlaki ang mga mata ko ng pagpartehin nya ang mga binti ko at pumagitna sya. Nagpumiglas ako sa halik at tinignan ko sya ng masama. "Umalis ka sa ibabaw ko!" "Why? Do you feel anything?" pang-aasar pa nya at nag-init ata ang mukha ko dahil naramdaman ko ang kakaibang bagay na dinidikit nya sa akin. Ngumisi sya at tinignan ang mukha ko, "Namumula ka." sabi pa nya. Umiwas ako ng tingin at nagpumilit na magpumiglas. "Do you want me to show it to you?" "I-I don't want!" galit kong sabi habang naiilang ako sa ginagawa nyang pagpapadama sa akin. "Really? Okay, can I kiss you, my girlfriend?" Umiwas ako ng mukha at inis na pilit ko syang tinutulak gamit ng mga paa ko pero hindi ko magawa. Napasinghap ako at napakuyom ng kamay ng halikan nya ang leeg ko. "Stop!" sabi ko. "Let me bite you." bulong nya at napasinghap ako ng kagatin nya ang leeg ko ng mariin. Napapikit ako at napasinghap ng dilaan pa nya pagkatapos. "Stop it!" sigaw ko ng bumaba pa ang mga pagkakagat nya pati sa collarbone ko at pababa pa. "I can't stop.." aniya kaya napaiyak ako ng maalala ang misteryosong lalakeng hindi ko kilala na gumalaw sa katawan ko. "S-Stop please." Tumigil si Hammer at hinawakan ako sa mukha kaya napatingin ako sa kanya habang pumapatak ang luha ko. Napahinga sya ng malalim at pinagdikit ang noo namin. "Why are you afraid?" tanong nya. Hindi ako sumagot at pumikit ako. Naramdaman ko ang kamay nya sa likod ko at naramdaman ko ang pag-alis nya ng tali sa kamay ko. Napahawak ako sa balikat nya para itulak sya pero hinawakan ako ni Hammer sa mukha at hinalikan. Binayo ko sya at pilit na pinipigil sya sa pagsakop sa labi ko pero ayaw akong bitawan at hinawakan ang mga kamay ko ng mariin bago ipako sa ulunan ko. Napakuyom ako ng kamay habang para akong nanghihina sa klase ng paghalik ni Hammer. Napatingin ako sa kanya ng medyo huminto sya. Bumitaw sya at tinignan ako ng mabuti. "Akin ka lang, Soul. Ngayon lamang ako nabaliw sa isang babae.. Kaya hindi kita hahayaang makaalis pa sa akin. Kahit tumakas o magtago ka pa ay kaya kitang hanapin at ibalik sa akin, sa piling ko. Kahit pa gamitan kita ng dahas.." Pagkatapos nyang sabihin iyon at umalis sya sa ibabaw ko at bumaba ng kama. Natulala ako lalo na nang makalabas sya ng kwarto. Naupo ako at umiling. Hindi ko alam ang pinagsasabi nya. Technique nya siguro iyon para pahintuin ako. Hindi ako madadala sa mga banta nya. Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at may pumasok na isang medyo matandang babae. "Senyorita, heto ang pagkain nyong pinahanda ni Senyorito. Masustasya ito gaya ng hiling ng senyorito." Umayos ako ng upo at tinignan ito na nilapag ang tray sa side table. Tumingin ito sa akin. "Hindi ako aalis hanggang hindi nyo nakakain, Senyorita." sabi nya. "Ayos lang po, wag nyo na po akong bantayan." Hindi ito sumagot at tumalikod ito bago naglakad palapit sa bintana. Hinawi nya ang kurtina kaya nakita kong gabi na pala. "Matagal na ba kayong magkasintahan ng senyorito?" tanong nito. "Hindi ko ho sya kasintahan." Tsk. Ano kaya ang pinagsasabi ng siraulong iyon? "Hindi ka nya dadalhin rito kung hindi ka mahalaga. At hindi ka alalahanin ni Senyorito kung wala lang." "Hindi ho basehan iyon. Sapilitan lang ho nya akong dinala rito. At hindi ko po sinabi sa kanya na alalahanin nya ako." "Malamig ang puso mo, Hija." humarap sya sa akin at lumapit ng kaunti, "Kung hindi ka sinagip ng dalawang beses ng senyorito ay tingin mo nasaan ka ngayon?" Natigilan ako sa sinabi nito. Napahinga ito ng malalim. "Minsan ay hindi lahat ng gusto mo ay tama. Hindi lahat ng gusto mong ipakita ay maganda. At minsan hindi lahat ng gusto mo lang maramdaman ay iyon lang ang dapat. Minsan kailangan mo ring buksan ang isip at puso mo sa iba. Hindi ko man lubusang alam ang nararamdaman ng senyorito sa'yo pero alam ko na hindi magkakaroon ng pakialam ang isang Esteban sa isang tao kung hindi ito mahalaga sa kanila." Naiwan na naman akong walang masabi sa sinasabi nila. May dapat ba talaga akong gawin sa sarili ko para makita ko ang tunay na kaligayahan na hinihiling ko noon pa mula sa Papa ko. Napatingin ako sa pagkaing nakahanda. At isang ginising monggo na may ampalaya at isda. May kasama pang mukhang matamis na mangga at saging. At inumin. Napahinga ako ng malalim ng biglang kumalam ang sikmura ko. Umusog ako at inabot ang tray. Nilapag ko ito sa harap ko dahil natatayo naman ang tray. Inumpisahan ko nang kumain habang hindi maalis sa akin ang isipin ang sinabi ng matanda. - Hammer Napatingin ako saglit kay Mayordoma Dory na namamahala ng Villa Estebaña. Yumuko ito habang ako ay nakaupo sa isang recliner habang nakatingin sa laptop ko. Narito ako sa isang room na punong-puno ng mga libro. Ito ang ginagamit na room minsan ni Lolo kapag narito sila ni Lola kapag may mahalaga syang sasabihin sa kanyang tauhan. "Kumakain na ho sya, Senyorito." Napatigil ako sa pagtingin sa laptop at tumingin ako muli kay Mayordoma Dory. "Mabuti't hindi sya nagmatigas?" tanong ko. "Nung una ay ayaw pa nya lalo't kaharap ako pero nang umalis ako at silipin sya ay kumakain na sya." Tumango-tango ako at lihim na napangiti. Mabuti naman at kumain sya. Akala ko ay magmamatigas pa sya. "Senyorito, tila napupuno ng lamig ang puso ng dalaga. Tila ba meron syang harang na ginawa nya para hindi sya mabasa ng iba." "You're right, Mayordoma. That's why I like her but I want to melt her cold heart and become a normal heart." Napatingin ako sa laptop ko ng lumabas ang pag-sisiyasat ko sa nangyari kay Soul. A normal symptoms. Nakahinga ako ng maluwag at hinubad ang salamin. I thought she have a heart problem, but thanks it's nothing serious. But she needs a proper check-up. I forgot to bring my medical things. "Senyorito, mahal nyo ang girlfriend nyo?" Napatingin ako kay Mayordoma dahil sa sinabi nya. "What are you talking about?" umiwas ako ng tingin at kinuha ko ang sigarilyo ko. "Hindi kailanman mapagkakaila kapag ang isang lalake ay nag-alala sa isang babae ay tiyak akong may kasamang pagtingin doon. Hindi nyo makukuha ang nais nyong tugon sa isang babae kung kayo ay hindi nyo masabi ang tunay nyong nararamdaman." "What the!" Yumuko ito, "Sige, maiwan ko na kayo, Senyorito." Tsk. Naiwan akong napaisip sa sinabi nito. Tumayo ako at naupo sa table habang binubuga ang usok ng sigarilyo. I should tell her? But f**k! I never used to say that thing. "Seniorita!" Agad na napatayo ako at tinapon ko ang sigarilyo sa sahig bago apakan ito. Agad na napatakbo ako palabas at tinungo kung nasaan ang ingay. Pagtingin ko kela Soul at Mayordoma ay napatingin ang mga ito sa akin. Lumapit ako habang nakatingin kay Soul. "What's the problem here?" tanong ko. "Nagulat lang ako ng makita kong bumaba si Senyorita, pasensya na, Senyorito." paumanhin ni Mayordoma kaya tumingin ako rito. "Okay, you can rest now, Mayordoma." utos ko kaya tumango ito at umalis. Hinarap ko si Soul na papanik sana pero agad ko syang hinawakan sa braso at hinarap sa akin. "Tsk. What's your problem?" irita nyang tanong. "Bakit ka bumangon? Sinabi ko ba na bumangon ka, ha?!" "Ano naman kung bumangon ako?" Napatiim-bagang ako, "f**k! Paano kapag nahimatay ka, ha? Wala dito ang mga gamit ko, bullshit!" Inagaw nya ang braso nya sa pagkakahawak ko. "Bakit ka ba nagagalit? Ano naman kung mahimatay ako? Bakit ba big deal sa'yo--" "Because I love you!" Napatigil sya at hindi makapaniwalang tinignan ako. Tinignan ko sya ng seryoso pero napakuno't noo ako ng tumawa sya habang napapailing. I think I need to record this. Nilabas ko ang phone ko at vinideo ang tawa nya. Agad syang huminto. "Wag mo akong kuhanan!" Binulsa ko ang phone ko at tinignan ko sya ng seryoso. "So what's your reply about my confess?" "I think you need to rest also." umiling-iling sya at tinalikuran ako. "I need you to say 'I love you, Too.' to me." utos ko. Lumingon sya at muling lumapit sa akin bago ako tinignan ng matalim. "I don't love you. In your dream. Ikaw ata ang may sakit. Patingin mo na yang utak mo, okay?" Tumalikod sya kaya, "Okay, hindi mo ako mahal pero akin ka parin. Hindi tuloy ako makapaghintay na lumobo ang populasyon ng mga Esteban." - Sonata Nilingon ko si Hammer dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Ngumisi sya at tinignan ang katawan ko kaya tinalikuran ko na sya. "Once is good but twice? I can assure that you can't safe now. I never used condom to my girl I love." Napahinto ako at nilingon ko sya pero tumalikod na sya. Bumalik ako sa kwarto habang iniisip ang sinabi nya. Napakagat ako ng daliri ko habang pabalik-balik ng lakad sa kwarto. Napasabunot ako sa buhok ko at napaupo. Bakit kinakabahan ako sa sinabi nya? Hindi ako makatulog dahil paulit-ulit na umeecho ang boses ni Hammer. Bumangon ako at napatingin ako sa pinto ng bumukas. "Magandang umaga, Senyorita." Umaga na pala. Hindi man lang ako nakatulog. Nahiga muli ako dahil para akong nanlalata ng makaramdam ng antok. "Senyorita, nasa hapagkainan na ang senyorito. Hinihintay kayo dahil sabay kayong kakain." Tama! Kailangan ko syang ma-kompronta. Bumangon ako agad at maglalakad na sana ako palabas ng pigilan ako ni Mayordoma Dory. "Paumanhin, Senyorita, pero hindi ka man lang ba magpapalit ng suot at maghihilamos?" Napatingin ako sa suot ko at tinignan ko sya. Ayos naman ang suot ko. May nilahad sya na dress na kulay puti. Umiling ako pero ni-lock nya ang pinto bago humarang sa pinto. "Hindi gusto ni Senyorito na nakakaasiwang paningin kapag umaga." Nanggigigil ang ngipin ko at napakuyom ako ng kamay dahil nakakainis na talaga ang lalakeng iyon. Ngayon lamang ako nawala sa sarili ko at sobra-sobra ang pagkainis na pinapakita ko. Kinuha ko ang dress at pumasok ako ng banyo. Ginawa ko ang routine ko at pakatapos ay sinuot ang dress. Naasiwa ako dahil masyadong pang good girl suotin nito. Pero hindi ko na pinansin at lumabas na ako. Nakita kong naayos na ang kama at yumuko si Mayordoma bago buksan ang pinto. Lumabas ako at bumaba. Tinungo ko ang tingin kong way sa dinning area. At pagpasok ko sa isang malaking room ay nakita ko si Hammer na nakaupo habang may katawagan. Napatingin ito sa akin at sinenyasan ako na maupo sa tabi nya. Lumapit ako at tinignan ko sya ng seryoso. "Ano yung condom na sinasabi mo?" tanong ko. "What the f**k!" (Hammer, ano yung narinig ko?) "Mom, I'm sorry. I need to hung up now.." Nagmamadali nyang binaba ang tawag at tumingin sa akin. "Ano ulit yung sinabi mo?" nakangiti nyang tanong. "Ano yung condom?" Tinignan nya ako ng mabuti at maya-maya pa ay bigla syang natawa. Napailing sya habang napahawak sa tiyan nya tila hindi nya mapigilan ang tawa. Sa inis ko ay sinipa ko ang binti nya na kinatigil nya. Tumalikod na ako at aalis na sana nang mapahinto ako sa sinabi nya. "Condom.. Are you sure you don't know that?" Naramdaman ko sya sa likod ko at napatingin ako sa kamay nya ng humawak sya sa braso ko habang hinahaplos. Inalis ko ang kamay nya at hinarap ko sya at medyo dumistansya sa kanya. "Itatanong ko ba kung alam ko?" Ngumisi sya at humalukipkip habang tinitignan nya ako. "Well para sa kaalaman mo ang condom ay isang bagay na proteksyon ng mga lalake." Napakuno't noo ako at inisip ang sinabi nya. Sabi nya ay hindi sya gumamit ng condom sa babaeng mahal nya. Edi hindi sya gumamit ng proteksyon sa babaeng mahal nya? Napatingin ako sa kanya ng matawa sya habang napapailing. "Soul.. Soul.. Mas lalo kang nagiging interesado habang tumatagal." sabi nya. Inirapan ko sya at hindi sinagot. Hindi ko parin makuha ang paliwanag nya about condom. Wala kasi ang phone ko kaya hindi ko tuloy ma-research. "Don't think that again. Let's eat. You need to eat more." Napatingin ako bigla sa kanya ng hapitin nya ako sa bewang. Tinignan nya ako ng malalim at ngumiti sya. "You are so beautiful to this dress." hinawakan nya ang manggas ng dress na suot ko. Nagpumiglas ako pero matalim na tinignan ko sya ng ayaw nya akong bitawan. Hinila nya ang upuan at pinaupo ako sa upuan na katabi nya. Naupo na rin sya at pumitik sya. Napatingin ako sa mga taong lumabas at nakita ko na hindi lang pala si Mayordoma ang kasambahay rito. May anim na kasambahay na lumabas at nilagay ang iba pang putahe. Pinaglagay din ako sa plato at pagkatapos ay lumayo sila habang nakatayo. "Let's eat." ani ni Hammer. Napahinga ako ng malalim at hinawakan ang kubyertos. Sumubo ako ng ulam at marahang nginuya. "After this we need to go in farm. I show you my two horse." "I don't want.." "Wala kang karapatan na umayaw dahil sasama ka parin. Kung ayaw mo ay gusto mong magkulong tayo sa kwarto." Napatikhim sila Mayordoma kaya matalim na tinignan ko sya. Ngumisi sya at tinignan ako habang dinidilaan nya ang labi. Ang manyak talaga nitong lalakeng ito. Bakit ba napasubo pa akong mapalapit rito? Tila isang maling hakbang ang ginawa ko. Wala rin akong magawa dahil pagkatapos kumain at magpababa ng kinain ay agad nya akong hinatak. Naglalakad kami patungong farm na sinasabi nya. At nang makarating ay nakita ko ang maayos na kulungan ng mga kabayo. Nakatayo lang ako habang sya ay hinahaplos ang itim at puting kabayo habang kausap ang tila katiwala ng alaga nya. Tumingin ako sa paligid at naisip ko na ganito ang hinahanap kong katahimikan. Mula nang magpunta ako rito ay pakiramdam ko ang tahimik ng loob ko. Nakalimutan ko ang inuutos ni Papa. Nawala ako sa mga taong nakakakilala sa akin. "Soul, come here." Napatingin ako sa kanya habang hawak ang tali ng isang itim na kabayo habang ang puti ay hawak ng katiwala. Nilabas nila ang kabayo sa maluwag na lugar. Napangisi ako ng sumakay ng kabayo si Hammer. Kaya agad na lumapit ako sa isang kabayong puti. Inagaw ko ang tali sa katiwala at sumakay ako. I know how to ride the horse. Nag-train ako noon dahil kailangan nga lahat ay alam ko. Tumingin ako kay Hammer, "Let's have a game. If you win I let you to own me but if I win you need to let me go and don't ever near to me. Hanggang doon sa punong iyon ang finish line. Let's go!" Nakita ko na nagulat sya kaya ngumisi ako at pinatakbo na ang kabayo. "s**t! Soul, the horse--" Hindi ko na sya pinansin at mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. "Soul, stop! The horse is not ready for race!" sigaw nya. "You can't fool me!" sigaw ko at napangiti ako dahil malapit na ako sa finish line. Pero nabigla ako ng biglang lumiko ang kabayo. Hindi ko sya ma-kontrol kaya napahigpit ang hawak ko sa tali. "Ayaw huminto ng kabayo!" sigaw ko. s**t. Ambang tatalon nalang sana ako pero napapikit ako ng may humatak sa akin. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko at napayakap ako sa nakapitan ko. Nang medyo bumagal ang takbo ay napadilat ako at napatingin kay Hammer. "Hard headed girl." aniya na galit. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD