Sonata
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko ng magkamalay ako. Nanlalabo ang mga mata ko at nanghihina ang katawan ko. Pumikit muli ako at sa pagdilat ko muli ay unti-unti nang luminaw hanggang mapagtanto ko na hindi pamilyar ang kinahihigaan ko.
Babangon sana ako mula sa pagkakadapa pero napahiga muli ako dahil ang sakit ng likod ko at wala pa akong lakas.
Napahawak ako sa unan at huminga ng malalim. Ang huling naalala ko ay ang ginawang pagparusa sa akin ni Papa at umuwi ako rito ngunit nawalan na ako ng ulirat ng nasa condo na ako. Pero paanong wala naman ako sa condo ko?
Nasaan ako?
Kahit na nanghihina at masakit ang katawan ko ay pinilit kong bumangon. Napaupo ako at napahawak sa balikat ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang gray at itim na theme ng kulay na kwarto. At panlalake siya.
Malaki rin ang kamang kinahihigaan ko at mamamahalin ang lahat ng gamit. Napatingin ako sa suot ko at napamaang ako ng makita na iba ang suot ko. Malaking t-shirt na gray at boxer short.
Kanino ito?
Hindi ko na inisip kung sino ang nagdala sa akin rito at bumaba na ako ng higaan. Nanghihina ang mga paa ko pero pinilit kong makalakad habang iniinda ang sakit ng katawan ko at hilo ko.
Napatingin ako sa salaming pinto ng bigla itong bumukas ng makalapit ako. Actually kalahati ng room ay puro salamin ang dingding.
Lumabas ako ng kwarto at napatingin sa malawak na living room. Naglakad ako hanggang sa napatingin ako sa malaking portrait ni Hammer habang may tumutulong tubig sa frame at may ilaw pa. Naked din ang pang itaas niya habang seryoso siya sa larawan at nakasandal sa isang dingding.
Tsk. He have abs and muscle. He like showing it.
Ngayon ay alam ko na kung nasaan ako. Pero kailangan ko ng makaalis dahil tiyak na tatanungin niya ako kung saan ko nakuha ang mga sugat ko.
"Where are you going?"
Napahinto ako sa paghakbang para umalis ng marinig ko ang boses niya. Napahinga ako ng malalim at walang emosyon ko siyang hinarap.
"I'm sorry for the trouble but I have to go. Thank you." pagkasabi ko no'n ay tumalikod na ako at naglakad.
"Nah. Just stay and I want to talk to you."
Napahinto ako at nilingon siya, "Wala akong gana na makausap ka ngayon."
Nagpupunas siya ng basang buhok habang suot lamang ang isang black sport pants. Pabagsak na naupo siya sa sofa at tinapik ang inuupuan niyang upuan.
"Come. Here." mariin niyang utos.
Napaasik ako at inilingan siya bago ko siya talikuran.
"Do you want me to investigate you? Tawagan ko lang ang private investigator ko at agad ko ring malalaman ngayon ang lahat ng nangyari sa 'yo."
Kumuyom ako ng kamay at mariing pumikit. Hinarap ko siya at tinignan.
"Bakit hindi mo gawin? Wala kang karapatan na malaman kung anong nangyari sa akin.."
"I have because I saved you."
Natawa ako, "Sinong may sabi na iligtas mo ako? Wala akong sinabi na iligtas mo ako. Ikaw mismo ang nagkusa kaya wala akong dapat na bayaran sa 'yong utang na loob. Tsaka nagpasalamat na ako kaya ayos na iyon."
Nag-unat siya ng braso bago humawak ang mga kamay niya sa likod ng ulo niya habang nakasandal siya sa sofa.
"Such a bad mouth, Woman. You ask me to help you when you are unconscious?"
Napakuno't noo ako, "I don't say that."
Ngumisi siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kaya tinignan ko ang sarili ko at parang naka-t-shirt lang ako dahil maikli ang boxer kaya kita ang legs ko.
"'Wag mong bawiin ang sinabi mo. I have evidence."
Tumingin ako sa kanya at bagot ko siyang tinignan.
"I don't want to fight with you. I have to go."
Tumalikod na talaga ako dahil nangangati akong patayin ng tuluyan ang aroganteng Esteban na ito.
"What about your dad?"
Napahinto ako sa sinabi niya. Bigla akong natigilan ng banggitin niya si Papa. May nasabi ba ako habang walang malay?
"What are you talking about?"
Narinig ko ang yapak niya hanggang maramdaman ko siya sa likod ko. Napatingin ako sa mga kamay niya ng humawak siya sa baywang ko.
"I know everything.. And if you don't want to see your dad's dead body just follow all I want." bulong niya.
Bigla akong kinabahan dahil mukhang alam na niya ang lahat pati ang trabaho namin.
Hinawi niya ang buhok ko at nilagay sa kabilang side. Napalayo ako ng mukha ng maramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.
"Kill me!" sabi ko at pumikit ako.
Anong saysay pa ng misyon ko kung nalaman niya lahat dahil sa kagagawan ko? Tiyak na mapapahamak na si Papa.
Napadilat ako ng bigla akong pangkuin ni Hammer. Tinignan ko siya at ngumisi siya.
"Nah.. I don't want to kill you first. I want you to stay with me always."
Napakuno't noo ako dahil bakit ba kakaiba ang mga sinasabi niya.
"Bakit naman ako mananatili sa 'yo? Alam mo na ang lahat tungkol sa papa ko kaya patayin mo na ako."
Inupo niya ako sa sofa at nabigla ako ng ilapit niya ang sarili at mukha sa akin. Tumingin siya sa mga mata ko at nagtaka ako sa simpatyang tingin niya.
"Tell me who did this to you?" tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at napahinga ng malalim.
"Wala ito." sabi ko habang nagtataka kung bakit hindi niya alam kung sino ang may gawa ng mga sugat ko.
Ano ba kasi ang mga nalalaman na niya?
"Tell me! Who's that bastard?"
Nagulat naman ako sa bigla niyang pagsigaw kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi ko kilala at bakit ba dapat mo pang malaman?"
Napatiim-bagang siya at umayos siya ng tayo bago sipain ang sofa na kinauupuan ko.
"I want to kill them for hurting you."
Napamaang ako pero agad na napailing dahil hindi ko siya maintindihan.
"Hindi mo naman kailangan gawin 'yan dahil hindi ako nanghihingi ng tulong sa 'yo."
Tumayo na ako habang nakahawak sa balikat ko.
"Hindi ko ginagawa ito dahil kailangan mo, kundi gusto ko."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Napakuno't noo ako habang nakatingin na rin siya sa akin.
"Okay, thank you, but no need to do that."
Hinawakan niya ako sa braso kaya napahinto ako sa ambang pag-alis.
"Stay here. Baka balikan ka nila kung babalik ka sa condo mo. At nagluto ako."
Tinignan ko siya dahil naguguluhan ako sa kinikilos niya. Inakay na niya ako patungo sa kitchen at pinaghila pa ako ng upuan kaya naupo ako.
Tinignan ko siya na pinaglagay ako ng kanin at ulam sa plato. Naaalibadbaran ako sa hubad niyang katawan pang itaas pero tila sanay siyang naka-gano'n.
Nang matapos siya ay naupo siya sa kabilang upuan sa tapat ko. Tinignan niya ako at sinenyasan na kumain na.
Kaya kinuha ko ang kutsara at marahang pinagalaw ang kamay ko dahil masakit pa kapag nagagalaw.
"You need to stay with me until I found them. Hindi tayo nakakasiguro na hindi ka nila babalikan kaya dapat na dumito ka muna at 'wag aalis sa tabi ko."
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Hindi na, kaya ko ang sarili ko.. At hindi na mauulit ito." sabi ko kaya napatingin siya sa akin ng maisubo ang kinakain niya.
"Look at you, halos mamatay ka na pero sinasabi mo na kaya mo ang sarili mo? At paano ka nakakasiguro na hindi na mauulit?"
Inis na binaba ko sa lamesa ang kutsara at tumayo ako.
"Wag mo na nga pakialam ang buhay ko. Bakit ka ba namamakialam?"
Napatingin siya sa plato niya at nagpatuloy sa pagkain.
"Sit down, Soul. Respect me." utos niya na kinatawa ko ng pagak.
"Aalis na ako at 'wag mo na akong pakialaman."
Inusog ko ang upuan at umalis sa tapat ng lamesa. Pagtalikod ko ay narinig ko ang padabog niyang pagbaba ng kubyertos sa lamesa kaya napalingon ako.
Tumayo siya at seryoso akong tinignan. Inaamin ko na medyo kinabahan ako sa tingin niya.
"Papakialaman ko kung anong gusto ko. Maupo ka rito at kumain dahil hindi ka p'wedeng lumabas." mariin niyang sabi.
Napailing ako at tuluyan ko siyang tinalikuran. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaalis ng kusina ng mabigla ako ng iharap niya ako sa kanya.
Napahawak ako sa braso niya ng hawak niya ang batok ko at baywang. Mariin siyang nakatingin sa akin habang nagtatagis ang bagang niya.
"Susunod ka sa sinasabi ko, maliwanag?" aniya.
"Bitawan mo ako. Masakit."
Napakariin ng hawak niya sa batok ko tila ba mababali ang leeg ko. Binitawan niya ako at huminga siya ng malalim bago ako talikuran para bumalik sa lamesa. Hinawakan niya ang inuupuan ko kanina at tumingin siya sa akin.
"Maupo ka na at ayokong tinatalikuran ako habang kumakain."
Gusto ko siyang patayin dahil hindi ko alam ang tumatakbo sa isip nyay. Pero hindi pa sa ngayon dahil kailangan na Lolo niya muna ang mapatay ko bago siya.
Lumapit ako at naupo muli. Hinawi niya ang buhok ko at nilagay lahat sa likod. Tinignan ko siya na umalis na sa tabi ko at lumapit sa upuan niya. Napakuyom ako ng kamay sa ilalim ng lamesa habang masamang nakatingin sa likod niya. Pero binaling ko na lang sa plato ang tingin ko at napabuntonghininga ng makaupo na siya.
Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ko mapapatay si James Esteban. Maganda sa pagkamatay niya ay hindi niya nalalaman.
-
Frank
Nag-doorbell ako sa pintuan ni Boss. Matagal bago ako pinagbuksan. Yumuko ako bilang paggalang kay Boss Hammer.
"Boss, heto na ang pinapakuha niyo."
Binuksan niya ang pinto ng maluwang kaya pumasok ako bago isara ang pinto. Sumunod ako sa kanya at naupo siya sa sofa bago humalukipkip.
Nilapag ko sa lamesang nasa harap niya ang envelope bago ako naupo sa katapat na upuan niya. Kinuha niya ang envelope at binuksan para kunin ang laman.
"Iyan ang kuha ng x-ray niya na pinakuha niyo sa akin sa hospital."
Nakita ko na napakuno't noo si Boss habang pinagmamasdan ang x-ray ng babae.
"Bukod sa latay ay bakit meron pa siyang ibang tama. Pero sa dami ay hindi ko makita kung kelan pa ang mga ito." aniya tila ba sinasabi niya lang sa sarili.
"Sabi ni Doctor Pariñas ay tila merong history si Miss Kingston na tila naoperahan na siya dati." sabi ko.
Nakita ko na napaisip si Boss. Tila ba gusto niyang malaman ang iba pang nangyari noon sa babae.
"Boss, bakit hindi niyo ipaimbestiga si Miss Kingston?"
Napatingin sa akin si Boss at napahilot siya sa noo.
"Call, Theo. Gusto kong--"
Nakarinig kami ng kalabog kaya napatingin ako kay Boss na agarang napatayo at mabilis na tumakbo. Napatayo ako habang napamaang. Sa kusina siya nagpunta kaya nagtungo ako doon.
"s**t. I told you to stay here."
Nabasag ni Miss Kingston ang plato at agad na tinignan ni Boss ang katawan nito.
"Dumulas lang sa kamay ko ang plato ko. Hindi ko sinasadya." walang emosyon nitong sabi.
Masasabi ko na para siyang si Boss kung titignan pero pakiramdam ko ay may something sa kanya na hindi dapat lapitan ni Boss.
"Are you hurt?" tanong ni Boss.
Umiling ang babae at napatingin sa akin, "I'm okay. Sino siya?"
Lumingon si Boss sa akin, "He's Frank, my bodyguard."
Sinenyasan ako ni Boss na umalis na kaya yumuko ako at bago ako umalis ay tinignan ko ang babae na hinarap si Boss.
"Pinaiimbestigahan mo ako?" rinig kong tanong nito.
Tsk. Sabi na ay may dahilan ang pag agaw atensyon nito kay Boss.
Paglabas ko ng condo unit ni Boss ay nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan ko si Theo.
(Yes, Dude?)
"Kilala mo ba ang chicks ni Boss?"
(Soul Kingston. Bakit?)
Umiling ako at sumakay ng elevator, "Pakiramdam ko may tinatago si Ms. Kingston at ayaw niya na malaman ni Boss."
Matagal na hindi nakasagot si Theo. Paglabas ko ng elevator ay may nakasalubong ako na papasok sa elevator.
(Frank, 'wag mo na nating pangunahan si Boss. Hangga't hindi niya inuutos na imbestigahan si Ms. Kingston ay hindi tayo maaaring kumilos.)
Huminto ako, "Pero paano kung hindi dapat pagkatiwalaan ni Boss si Ms. Kingston?"
(Wala tayong magagawa kundi ang mantyagan na lang ito.)
Napahinga ako ng malalim at binaba ang tawag. Lumingon ako sa elevator ng magsara ito pero bago iyon ay tinignan ko ang lalakeng nakasakay. Tumango ito kaya nagtataka ako dahil kilala ko ba ito?
Umiling ako at naglakad na. Baka naman nasosobrahan na ako sa panghihinala.
-
Sonata
Tumingin ako kay Hammer na pinupulot ang mga bubog sa sahig. Hindi ko alam kung ano na ang alam ni Hammer sa akin. Pero sa narinig kong sinabi ng tauhan niya ay tila hindi pa niya ako pinapaimbestigahan.
"Magpahinga ka na sa kwarto ko. Ako na ang bahala rito."
Umiling ako at tumalikod na. Paglabas ko ng kitchen ay saktong tumunog ang message tone ko.
Abe:
Where are you? I have something to tell you.
Tumingin ako sa kusina at mabilis akong naglakad habang nakahawak ako sa balikat ko dahil sumasakit pa ang katawan ko kapag gumagalaw.
Lumabas ako ng condo ni Hammer at nagtungo sa condo ko. Pagpasok ko ay nakita ko si Abe na nakatayo sa harap ng veranda.
Huminga ako ng malalim at lumapit rito. Humarap siya sa akin ng marinig ang yapak ko.
"Ayos ka na ba?" tanong niya.
Tinignan ko siya at tumango ako, "Anong sasabihin mo?" tanong ko rin.
Pumamulsa siya at sumandal sa pader, "Nakasalubong ko ang tauhan ni Hammer. Tila nanghihinala ito sa 'yo."
Tumango ako, "Yeah. Gano'n din ang kutob ko."
"Soul, you need to be more careful next time.. Mabuti na lang at wala pang nalalaman si Hammer."
Napaisip ako, "Hindi ko sure kung hanggang saan nalalaman ni Hammer. Pero may alam siya tungkol kay Papa, " Tumingin ako kay Abe, "Alam na ata niya kung sino si Papa.."
Umiling siya at ngumiti, "Wala siyang alam."
Napakuno't noo ako, "Paano mo nasabi?"
Natawa siya at humalukipkip ang mga braso niya.
"Pinuntahan kita kahapon rito para alamin kung ayos ka lang ba pero wala ka rito kaya aalis sana ako para hanapin ka ngunit ng makasalubong ko si Hammer na pabalik sa condo niya ay nalaman ko na nasa pangangalaga ka niya. Nais sana kitang kunin ngunit ayaw niya akong papasukin.. Hanggang sa magtanong siya about sa Papa mo.."
"Anong sinabi mo?"
Ngumiti sya, "Sinabi ko na patay na ang papa mo. Gaya ng nasa profile mo."
Nakahinga ako ng maluwag dahil iyon pala ang nalalaman ni Hammer.
"But Soul, you need to be close to him."
Nagtaka ako sa sinabi niya, "Bakit? Plano kong umalis na nang condo para mag-isip ng ibang paraan paano mas makakalapit kay James Esteban."
Umiling siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako magkabilang balikat at tinignan ng mabuti.
"Oras na ipaimbestiga ka niya ay tiyak na malalaman niya agad ang tunay mong pagkatao. Ang mga Esteban ay hindi basta-basta.. Madali sa kanila na paimbestigahan ang tunay na ikaw. At kapag nalaman ni Hammer ang totoo mong motibo ay baka manganib ka, pati ang Papa mo. Kaya dapat na utuin mo siya at dapat na palagi mong pigilan siya na 'wag kang paimbestigahan, " Binitawan niya ang mga balikat ko at tumalikod sa akin, "Soul, base sa nakikita ko ay tila tipo ka ni Hammer.. Kung pasusunurin mo siya sa 'yo ay baka mabilis kang makalapit kay James Esteban sa pamamagitan niya."
Napaisip ako sa sinabi niya. Ang ilang sandali nga lang na makausap si Hammer ay nakakairita na, ang pakisamahan pa kaya ito.
"Pero hindi kita pinipilit.. 'Wag mo nang isipin ang sinabi ko."
"Gagawin ko."
Napaharap siya at napamaang pero agad ring nakabawi at tinignan ako ng mabuti.
"Sure ka?"
Tumango ako at tinalikuran siya, "Kung iyon ang mabilis na paraan ay gagawin ko. Tutal ay hindi rin ako sigurado sa susunod ko sanang pinaplano kaya ang suggest mo ang susubukan ko."
"Soul, 'wag kang mahuhulog sa kanya.. Dahil baka mas mapahamak ka.."
Hinarap ko siya, "Anong pag-iisip 'yan, Abe? Tingin mo meron pang importante bukod sa misyon ko? At hinding-hindi ako mahuhulog sa walang puso na Esteban na iyon. Ang kaaway ni Papa ay kaaway ko rin. At ayokong biguin si Papa.. Kailangan kong maipakita na dapat siyang matuwa rin sa akin. Baka kapag napatay ko si James Esteban ay baka bumalik ang dati niyang pakikitungo sa akin."
Napahinga siya ng malalim at tumango.
-
Hammer
Matapos kong nilinis ang bubog ay pinuntahan ko si Soul sa kwarto. Pagpasok ko ay napakuno't noo ako dahil wala siya doon. Tinungo ko ang banyo at walking closet pero wala siya.
"Soul!" tawag ko at agad na lumabas ako ng kwarto.
Tumungo ako ng living room at binuhay ko ang 100 inch flat screen t.v. at bumungad sa t.v ang palabas pero pinindot ko ang yellow button at lumabas ang cctv ko sa labas ng condo.
Nakita kong lumabas si Soul at galing sa kabila na condo niya. Aalis na sana ako pero napahinto ako at napatingin muli sa t.v. Napakuyom ako ng kamay ng makita na lumabas rin si Sato.
Nakita ko na may tila sinasabi si Sato kay Soul. At humigpit ang hawak ko sa remote ng yakapin ni Sato si Soul.
Binalibag ko sa sofa ang remote at nagtungo ako sa pinto para lumabas. Pero saktong paglabas ko ay nasa harapan ko na si Soul.
"Bakit?"
Hinawi ko siya at lumabas pa ako bago ko tinignan kung nasaan si Sato. Nang makita kong pasakay na ito sa elevator ay tumingin ako kay Soul.
"I saw you!" galit kong sabi sa kanya.
"Ano?"
Mariing napakuyom ang mga kamay ko habang nanlilisik ang mga mata ko na tinignan siya.
Pero natigilan ako at napamaang ng yakapin niya ako.
"Thank you, Hammer."
Humawak ako sa likod niya at hinaplos ko ang buhok niya.
"Thank you sa pagligtas sa buhay ko." sabi pa niya.
Huminga ako ng malalim at napapikit. Bumitaw siya at tinignan ako. Tinignan ko siya at lumunok ako habang napatingin ako sa labi niya.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya upang halikan siya pero napatigil ako ng agad siyang tumalikod.
"Tara sa loob.. Gusto ko ng magpahinga."
Nauna siyang pumasok kaya napasuntok ako sa pader at napangisi bago napailing.
"Tsk. She's so hard to touch."
Pumasok na rin ako at napatingin ako sa kanya na napahinto habang nakatingin sa t.v.. Lumapit ako sa kanya at tumingin rin sa t.v.
"May cctv ka pala sa labas."
Tumango ako at tinignan siya, "Yeah. Kaya nakita ko kayo ni Doctor Sato."
Tumingin siya sa akin at humarap, "Kaya ba mukha kang galit?"
Napahinga ako ng malalim at pinangko siya. Tinignan ko siya ng mabuti.
"From now on ayokong makikitang niyayakap ka ni Sato o higit pa doon."
Tinignan niya ako at napahinga siya ng malalim bago tumango. Ngumiti ako at dinala ko na siya sa kwarto.
Marahan ko siyang hiniga sa kama ko at kinumutan. Pumikit siya kaya umayos ako ng tayo. Napangiti ako at dinukwang ko siya para halikan sa noo.
Nang makita kong tila nakaidlip na siya ay lumabas na ako ng room. Nagtungo ako sa bar counter at kumuha ng alak. Dinala ko sa living room at naupo ako sa sofa.
I know this is so fast but I want her. Everytime I talk to her and see her I can't stop admiring her. She's cold but I like that.
Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit parati ito kumakabog. Napangisi ako dahil sariling puso ko ay hindi ko alam ang nagyayari rito.
Sumimsim ako ng alak at napaisip. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng maalala ko ng yakapin niya ako.
"She's something.." bulalas ko at napailing ako habang nakangiti.
Nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa table at nakita ko na si Theo ang tumatawag. Sinagot ko habang sumisimsim ako ng alak.
(Boss, pasensya na sa abala.)
"Go ahead. What is it?"
(Boss, nasabi ni Frank na may iba siyang napapansin kay Miss Kingston. Gusto niyo na ipaimbestigahan ko siya?)
"Don't do that. Kapag inutusan ko kayo ay doon lang kayo kikilos. 'Wag niyo ng paimbestigahan si Soul. Dahil malalaman ko rin ang tunay na siya kapag tumagal na mas makilala ko siya. Walang tinatago sa akin si Soul kaya no need to investigate her."
(But Boss..)
Pinatay ko na ang tawag at hinagis ko ang phone sa lamesa. Tumayo ako habang dala ang baso na may lamang alak. Nagtungo ako sa veranda at tumingin sa tanawin.
I don't want to know her yet. Gusto kong makilala ko siya sa sarili kong paraan. Yung unti-unti ko siyang makikilala. She's sad and I know that when I look to her cold eyes. I want her and no one can stop me.
Nilagok ko ang alak at pumasok muli ako sa loob. Binaba ko sa lamesa ang baso at kinuha ko muli ang phone ko. Napaisip ako at tinawagan ko si Doctor Pariñas.
(Hello? This is the secretary of Doctor Pariñas.)
"Tell him to meet me in Barks Coffee shop."
(Director..)
Binaba ko na ang tawag at tumungo ako sa kwarto.
She's sleeping peacefully.
Tumungo ako sa walking closet at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na ako. Lumapit ako kay Soul at hinaplos ko ang mukha niya.
Nang makuntento na ako ay umalis na ako. Sa coffee shop malapit sa hospital kami nagkita ni Doctor Pariñas. Nakita ko na ito agad habang sumisimsim ng cafe.
"Good day, Sir. Welcome to Barks Cafe."
Hindi ko pinansin ang waitres at lumapit ako kay Doctor Pariñas. Tumayo ito at medyo yumuko.
"Bakit niyo ako pinapatawag, Director?"
Naupo ako at sinenyasan ko siyang maupo muli. Lumapit ang waiter para kunin ang order ko.
"Black coffee." order ko.
"Okay, Sir."
Nang umalis na ito ay tumingin ako kay Doctor Pariñas ng seryoso.
"Tell me about her x-ray."
"Sino?" nagtaka pa siya pero natawa na siya pagkaraan ng malaman kung sino ang tinutukoy ko. Nilapag niya ang iniinom niyang kape bago magsalita, "Si Nurse Soul.."
"Yeah.. I saw mutiple injury to her body."
Tumango siya, "Base sa pagsusuri ko ay may mga dati na siyang mga sugat sa katawan na naghilom pero dahil tila paulit-ulit ang pinsala kaya nakikita pa rin ang dati niyang mga sugat. Base sa nakita kong mga buto niya ay naoperahan na siya dati. At nang makita ko ang mga tinamo niya ay hindi ako makapaniwala na dadanais ng katulad niya ang ganoong mga latay. Tila matagal ng dumadanas ng ganoong uri ng sugat si Nurse Soul."
Napakuyom ako ng kamay dahil kung hindi lang ang mga sugat niya ang unang beses na nangyari, ibig sabihin ay paulit-ulit.
Tumayo na ako, "Aalis na kayo, Director?"
"I have to go."
Umalis na ako sa table at hindi na pinansin ang pagtawag ng waitres. Sumakay ako ng kotse at napahawak ako sa labi ko habang nagdadalawang-isip.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila Theo.
(Yes, Boss?)
"Come to my pad. I have something to tell you."
(Alright, Boss. Copy.)
Binaba ko na ang tawag at pinasibat ko na ang sasakyan paalis. Bumalik ako sa condo at pagbalik ko ay tinignan ko agad si Soul.
Nakita ko na napabaling-baling ang ulo nito kaya agad na niyugyog ko siya para gisingin.
"Soul. Wake up. Soul!"
Napaupo ito at napatingin sa akin na pawis na pawis ang noo. Nakita ko ang pagkatulala niya habang pumatak ang luha niya.
"Are you alright?"
Umiling siya at aalis sana siya sa kama ng pigilan ko siya.
"Where are you going?"
"Babalik na ako sa condo ko. Pasensya na sa istorbo."
"Tsk. Stay here. I told you that you need to stay. Kung babalik ka ay sino ang magbabantay sa 'yo? Mabuting dito ka na lang."
Tinignan niya ako, "Pero ayos na ako. Sanay na ako."
Tinignan ko siya ng mabuti at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Tell me.. Sabihin mo kung kailan mo pa nararanasan ito."
Natigilan siya at umiling, "Ayokong pag-usapan."
Napahinga ako ng malalim, "If you don't want to tell me then I have ways to find out."
Napatingin siya sa akin at napaiyak. Inalis niya ang mga kamay ko sa balikat.
"Paano kung sabihin ko sa 'yo na wala naman talagang bumubugbog sa akin? Maniniwala ka?"
Natawa ako ng pagak, "You can't fool me. Alam ko na meron. So Tell me!"
Hinawakan ko siya sa mga braso at tinignan ng mabuti.
"Paano mo ipapaliwanag ang latay sa likod at pasa mo sa mukha mo? Alangan naman na ikaw ang gumawa sa sarili mo?"
Tinignan niya ako ng matalim, "Ako nga."
Napamaang ako at nabitawan ko siya. Napailing ako bago natawa.
"Don't lie to me."
Pero seryoso lamang siya, "Hindi ko naman kailangan na sabihin sa 'yo. Alam kong hindi ka maniniwala."
Umalis siya sa kama at aalis sana siya ng pigilan ko siya sa kamay.
"Okay, naniniwala na ako. Pero bakit mo sinasaktan ang sarili mo?"
Humarap siya sa akin at nagkatinginan kami. Gaya ko ay hindi ko mabasa ang iniisip niya. Kaya pakiramdam ko ay magkatulad kami.
"Dahil gusto kong saktan ang sarili ko dahil kailanman ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa pagkamatay ng parents ko."
Napaiyak siyang muli kaya hinapit ko siya at niyakap. Hinaplos ko ang buhok niya at likod.
"I'm sorry. No need to tell me.. At least alam ko na ngayon kung bakit mo ginagawa iyon."
Humikbi siya kaya napahinga ako ng malalim. I can't resist her. Ito ang unang beses na ayokong makakita ng babaeng umiiyak. Napapikit ako habang kumakabog ang dibdib ko. Humigpit ang yakap ko sa kanya at mas bumilis naman ang t***k ng dibdib ko. Agad na binitawan ko siya at tinignan ko siya. Napatalikod ako sa kanya at napahawak sa dibdib ko.
"Anong problema?"
"Nothing. Magpahinga ka muli at ipagluluto kita ng makakain."
Pagkasabi ko no'n ay agad na lumabas ako. Huminga ako ng malalim at napatingin sa dibdib ko. Sinilip ko pa sa suot na t-shirt dahil bakit kapag yakap ko siya ay kumakabog. Ngayon ay unti-unting nawala.
"Boss, anong tinitignan niyo?"
Napatingin ako kay Theo at Frank na naguguluhan na nakatingin sa akin. Umayos ako at tinignan ko sila ng seryoso.
"Wala. Anong ginagawa niyo rito?"
Nagkatinginan sila, "Boss, pinatawag niyo kami, 'di ba?"
Naalala ko nga pero lumakad ako at sinenyasan sila na umalis.
"Wala akong sinabi. Makakaalis na kayo." sabi ko at tumungo sa kusina.
"Weird." rinig kong sabi ng dalawa.
Hindi ko na sila pinansin at agad na kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. I think I need to consult to my brother, Ed.
© MinieMendz