KABANATA 4

4291 Words
Sonata Mga ilang araw rin na pagpapagaling ay tuluyan akong naka-recover. Pero bakas pa rin ang pasa pero at least ngayon ay maayos na akong nakakagalaw. Hindi ako pumasok sa hospital dahil binigyan ako ni Hammer ng leave. "Magbihis ka lalabas tayo." pautos niyang sabi habang nasa harapan ng pintuan ng condo ko. "Wala ako sa mood na lumabas. Sige.." isasara ko na sana ang pinto ng pigilan niya. Nanlilisik ang mga mata ko na tinignan siya na basta-basta na lang pumasok. Napahinga ako ng malalim dahil wala rin akong magagawa. Kailangan ko nga palang paamuhin ito. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nagtitimpi. "Sa Rockwell." aniya. Tumango ako at nagtungo sa kwarto ko. Sinearch ko ang Rockwell at sikat na bar daw ito na pagmamay-ari ng mga Esteban. Napaisip ako at napangisi. Tumingin ako sa pinto at ngumiti ako kung paano ko mas mahahawakan sa leeg si Hammer. Ngayon ko napagtanto ang nais ni Abe na gawin ko. Nagpalit ako ng suot at pagkatapos ay lumabas na. Napatingin sa akin si Hammer at tinignan ang suot ko. Napamaang siya at napatayo. Simpleng black cube dress ang suot ko pero alam kong maaakit siya. "Why?" tanong ko. Napailing siya at napabuga ng hangin, "I don't think I can let you wear that dress. It's so sexy." aniya. "It's just a simple dress. 'Wag mong sabihin na gusto mo pa akong magpalit?" Lumapit siya at huminto sa harap ko. Tinignan ko siya habang nakatingala ako rito. napahawak siya sa labi habang nakahalukipkip ang isang braso. Pinagmasdan niya pa ako at tumango-tango. "Alright. Let's go." Napahinga ako ng malalim at nauna nang maglakad sa kanya. Pero napahinto ako at napalingon agad sa kanya habang napahawak ako sa buhok ko ng alisin niya ang tali sa buhok ko. "It's better." Ngumisi siya at nakapamulsa na naunang maglakad. Matalim na tinignan ko ang likod nito pero agad na inalis ko iyong tingin ko ng medyo lingunin niya ako. "Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan? Let's go." aniya. Naglakad na siyang muli kaya sumunod na ako. Pagdating sa elevator ay napatingin ako sa kamay niya na humawak sa kamay ko. Hinawi ko ang kamay niya at pumasok ako. Napangisi siya na napailing na pumasok na rin. Lihim na napairap ako at nanatili lamang tahimik. "You look great." aniya habang nakapamulsa. Hindi ko siya inimikan. Nang bumukas na ang elevator ay nauna na siyang maglakad kaya sumunod ako. Napansin kong napapatingin ang mga babae sa lobby kay Hammer. "Omg! Ang gwapo niya." "Doctor daw 'yan." "May girlfriend na kaya siya?" Napailing ako sa mga babaeng ito. Rinig na rinig ang mga pinagsasabi. Pero tila bingi naman nitong si Hammer. Paglabas namin ay nakaabang na ang kotse ni Hammer habang nakaabang doon ang guard ng condominium. "Good evening, Sir." bati ng guard. Pinagbuksan ako ni Hammer ng pinto at lumingon siya sa akin. Kaya humakbang ako at sumakay. Nang makasakay ako ay agad niyang sinara ang pinto at umikot. Tumingin ako sa loob ng kotse niya na convertible sports car na yellow. "Seatbelt." aniya ng makasakay siya. Kaya nagsuot ako ng seatbelt ng paandarin na niya ang kotse. Tumingin lang ako sa labas ng bintana pero napatingin ako sa kamay ko ng hawakan ni Hammer ito. Napakuno't noo ako na tinignan siya na nakatutok ang tingin sa daan. "Pagdating natin doon ay 'wag kang hihiwalay sa tabi ko." paalalahanan niya. Inagaw ko ang kamay ko pero matalim na tinignan ko siya ng hawakan muli niya ang isang kamay ko at dinala sa kandungan niya. "Bitawan mo nga ang kamay ko." Saglit na binalingan niya ako at ngumisi siya na lalo kong kinainis. "Bakit may masama ba?" pilyong tanong pa niya. Hindi ako makapaniwala na tinignan siya habang nagtitimpi ako sa kanya. "Wag ka nang makipagtalo, gusto ko lang hawakan ang kamay mo ng ganito." dagdag pa niya. "Tsk." Inis na tumingin na lang ako sa bintana habang hindi ko mabawi ang kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak. Nilingon ko siya at napangiti siya kaya napailing ako. Nang makarating kami sa Rockwell ay pinarada niya ang sasakyan. Agad na inagaw ko ang kamay ko sa kanya na mabuti't binitawan na niya. Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang lumapit. Nagkatinginan kami at hinawakan niya ako sa baba habang nakatitig siya sa akin ng mabuti. "Wag kang lalayo sa akin, maliwanag? Wag kang titingin sa ibang lalake." aniya. "Ewan ko sa'yo." sabi ko na lang at inalis ang seatbelt ko. Bubuksan ko sana ang pinto ng pigilan niya ako. Mariin niyang hinawakan muli ang baba ko habang nakatingin sa akin ng seryoso. "Wag mong balewalain ang sinabi ko. Sundin mo ang sinasabi ko kundi hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Lihim na napairap ako at tumango. "Good." binitawan na niya ang baba ko at ngumiti na bumaba siya. Napakuyom ako ng kamay habang masamang sinusundan ito ng tingin ng umikot ito sa side ko. Napahinga ako ng malalim at bumaba ng pagbuksan niya ako ng pinto. Nang makababa ako ay napatingin ako sa kanya ng pumulupot ang braso niya sa baywang ko. "Ano ba. Bitawan mo nga ako." mariin kong sabi. Tumingin siya sa akin at mas hinapit ako bago niya ako ngisihan habang nakatingin sa akin. "I want to hold you like this." aniya. Inis na umiwas ako ng tingin at nagpatangay ako ng akayin na niya ako. Naalibadbaran ako sa paghawak niya pero hindi ako makapalag dahil makakaagaw iyon ng atensyon na ayoko sa lahat. Nang makapasok kami ng bar ay binati si Hammer ng mga nakakakilala sa kanya ngunit wala siyang tugon. Isang violin ang tumutugtog na maganda sa pandinig. Hindi din masyadong masakit sa mata ang ilaw at ayos lang. May kanya-kanyang katuwaan na ginagawa ang iba sa mga nakikita nilang kakilala. "Yow, Bro!" Napatingin ako sa sumigaw at nakita ko ang kahawig ni Hammer na maputi. Base sa pagkakaalam ko ay ito yung Edward na playboy. Halata naman dahil may dalawang babae na katabi ito habang nakalingkis sa kanya. Meron rin mga lalake na nakangiti na tumingin kay Hammer. "Musta, Hammer. Long time no see." nakangiting sabi ng lalakeng naka-formal suit tila galing pa sa opisina. "I'm okay.. What's up!" Binitawan ako ni Hammer at nakipag-apir sa tila kaibigan nila ng kakambal niya. Meron pang isa na alam ko na kakambal pa nila na may-ari ng Jara. Tumingin ako sa paligid ng may maramdaman akong kakaiba. Parang may nakatingin sa gawi ko. "Soul." Napatingin ako kay Hammer na muling humawak sa baywang ko. "He's my brother, Edward." pakilala niya sa tinuro niya. Tumango lang ako sa kapatid niya na ngumisi habang kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. "And our friend; Cedric, Daniel, and Ady." "Hi, Miss Soul." Tumayo ang mga ito at naglahad ng kamay sa akin upang makipagkamay pero tinignan ko lang ang mga kamay nila. Natawa sila na binawi ang kamay at naupo muli. "Good girl." bulong ni Hammer. Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Akala siguro nito ginawa ko iyon dahil sa banta niya. Tsk. Pinaupo niya ako sa pang dalawahang sofa na bakante.. At tumabi siya sa akin. "Tila meron kang hindi sinasabi, Bro." sabi nung Edward. "I tell you later, Ed." ngising sabi ni Hammer na kinangisi rin nila Edward. "Babe, let's dance." aya nung isang blonde hair na girl na isa sa mga babae ni Edward. "Later, babe." Gusto kong masuka sa pa-sweet nitong sabi at hinalikan sa noo ang babae na kinakilig naman nito. Tumingin na lang ako sa paligid dahil meron talaga akong nararamdaman. Pero napatingin muli ako sa harapan ng ilahad ni Hammer ang drinks. "Ladies drink. It's not hard." aniya kaya kinuha ko. "Bro, let's talk." Napatingin kami ni Hammer kay Edward. Tumayo si Edward kaya tumingin sa akin si Hammer. "Stay here.." Tumango lang ako kaya tumayo siya para sundan si Edward. Sumimsim ako at napatingin sa suot kong heels. Medyo masakit na agad ang paa ko dahil hindi naman ako madalas magsuot nito. "Hi, Miss Soul." Napatingin ako sa Ady na inagaw ang pansin ko. "Anong relasyon mo kay Hammer?" tanong nito. "Kapitbahay." tugon ko na kinatinginan nila bago sila natawa. "Really? Kapitbahay lang?" tanong ni Daniel na hindi makapaniwala. Hindi na ako sumagot at tumingin lang ako sa nagsasayawan. "You know what, alam namin na minsan may babae si Hammer pero palagi lang naman sa bar niya nakukuha. Pero ikaw ay dinala ka pa rito tapos magkapitbahay lang kayo? Unbelievable." sabi ni Cedric. "Yeah, you are right, Ced. At kilala ko si Hammer, hindi ito magalang magsalita sa babae at mahilig din itong maglaro ng damdamin ng iba. Pero parang may kakaiba sa paraan na pagtrato niya sa 'yo." sabi nung Ady. "You know, you're annoying. Don't talk to me." malamig na sabi ko. Imbes na ma-offend ay nag-apiran pa sila at natawa. "Now we know how different you are from other women." sabi nila. Umiling na lang ako at bagot na tumingin sa paligid. - Hammer "Bro, she's your new target?" tanong ni Ed habang nasa taas kami at tumingin ako sa baba lalo na kay Soul na halata sa mukha nito ang pagkairita kela Cedric. "No." tugon ko at inalog ang baso ng alak na hawak ko. "What? Are you serious, Bro?" natawang paniniguro niya. "You know when I'm serious or not, Ed." sabi ko at sumimsim ng alak. Hinawakan niya ang balikat ko at pinisil. "C'mon, Bro, kelan ka pa nag-drugs? Ang gaya mong mapaglaro ng ibang tao at gustong paglaruan ang mahihina ay magseseryoso sa babae? Tsaka parang hindi mo naman tipo ang gaya ni Soul." Sumandal ako sa bakal na harang at tinignan si Edward. "That's why I'm here, Ed. Gusto kong malaman kung bakit sumasakit ang dibdib ko kapag malapit siya?" Natawa siya, "Doctor ka pero sa akin ka talaga kumunsulta." Sinuntok ko siya sa braso na kinangisi niya at sinapak naman ang dibdib ko. "Well all I can say is she is like you. When I saw her I thought I was looking at you. Baka gaya ko ay pareho lang din ang nakikita mo sa kanya." Nakiba't-balikat ako at muling tumingin sa gawi nila Soul. Napansin ko ang pagtingin nito sa paligid. "Bro, oo nga pala. Kumusta ang role play niyo ni Jace?" "Tapos na.. Kaya na ni Jace iyon." "'Yun pa pala ang isang iyon. Masyadong patay na patay sa isang babae.. Hindi niyo ako gayahin, maraming girls, masaya pa at walang sakit sa ulo.." Inilingan ko siya at sumimsim ako ng alak. Tumingin ako sa kanya. "Anyway, I know hindi lang dahil nakikita ko ang sarili ko kay Soul, kundi gusto ko siya." tinapik ko ang balikat niya, "Nand'yan na ang magpapasakit ng ulo mo." "Ed!" Ngumisi ako ng mamutla siya kaya umalis ako. Nakasalubong ko si Alex. "Hi, Hammer boy." Kumapit sa braso ko ito at ambang hahalikan ako sa pisngi ay agad na tinulak ko ang noo nito at inalis ang kamay nito. "Tsk." Ngumuso ito, "Ang sungit mo! Hmp!" "Wag ako ang inisin mo, ayun si Edward." Tumingin siya kay Edward at agad na nilapitan ang kapatid ko. Tatakas sana si Edward pero agad itong nalapitan ni Alex. "s**t! Bro, I kill you!" Ngumisi ako at iniwan ko na sila para balikan si Soul. Pagbaba ko ay tinungo ko ang table namin pero napakuno't noo ako na lumapit. "Bro, mabuti narito ka na.." sabi ni Ady habang nakangiti at tinapik ang balikat ng lalakeng katabi niya, "Leon is here.." Huminto ako at tumingin kay Leon. Tumingin ito sa akin at ngumiti bago tumayo. Ngumiti ito at hinawakan ako sa kanang balikat. "Hammer.." aniya. Hinawakan ko rin siya sa balikat at pinisil. Ngumisi ako na kinangisi niya. "Leon, long time no see. Kelan ka pa nakabalik?" "Yesterday." tugon niya at naupo na siya kaya lumapit ako kay Soul at naupo sa tabi nito, "Kumusta na? Balita ko doctor ka na sa hospital ng Lolo mo?" "Yeah.. How about you? Akala ko ba mag-stay ka sa japan?" "Oo nga, Leon. Nagulat kami na narito ka na pala." singit ni Cedric habang sumisimsim ng alak. "Well nakatanggap ako ng lead na baka narito ang kapatid ko. Kaya agad na bumalik ako para mahanap na siya." Leon has one sister but I don't know his sister face. Nagkakilala lang kami nila Leon ng high school kami. Kaya alam rin namin na matagal na niyang hinahanap ang kapatid niya na limang taon palang daw ito ng mawala. "Anyway, who's this beautiful lady beside you, Hammer?" tanong ni Leon habang nakatingin na kay Soul. Tumingin ako kay Soul na wala sa grupo ang atensyon. Panay ang linga niya kaya humawak ang kamay ko sa baywang niya to get her attention.. Finally. Napatingin na siya sa akin. "She's Soul Kingston, Leon." pakilala ko. "Oh.. And then?" ngumisi si Leon na may panunuksong tingin. "Well she's my.." "Girlfriend." pagtatapos ni Soul sa sasabihin ko. "Whooo! What the f**k, Hammer! Tagal ng nasa table namin si Soul hindi mo man lang sinabi na girlfriend mo pala siya. Tsaka sabi mo Soul magkapitbahay lang kayo. Ano ba talaga?" ani ng tatlong ugok na si Cedric, Daniel, at Ady. Pero hindi ko pinansin ang tatlo dahil hindi ako makapaniwala na tumingin kay Soul. "Ikaw ang nagsabi n'yan." bulong ko kay Soul at lihim na napangiti ako. "So, she's your girlfriend, Hammer?" tanong ni Leon kaya tumingin ako rito. "Yes.." ngumisi ako na kinangisi nito. "Not fling?" pagtatama niya. "What are you talking about?" wika ko. "Well we all know that you are a heart breaker cold Doctor. Lahat ng naka-s*x mo ay lumuluha kapag natapos ka na sa kanila.." Matalim na tinignan ko si Leon dahil ibulgar ba naman ang ginagawa ko noon. Tumingin ako kay Soul na biglang tumayo kaya agad na hinawakan ko siya sa kamay. "Where are you going?" tanong ko. "Powder room." aniya at umalis na kaya tinignan ko si Leon ng masama. "f**k you, Leon! How dare you to say that in front of her!" inis kong sabi rito. Nakiba't-balikat ito, "Anong pinagkaiba ng sinabi ko ngayon sa dati ko nang sinasabi sa mga babaeng lumalapit sa 'yo? Dati naman ay wala kang reaksyon?" "Tsk." Sumandal ako sa kinauupuan ko at tumingin sa tinahak na daan ni Soul. "Bro, are you in love with her?" Napatingin ako kay Ady dahil sa tanong niya. "In love? What are you talking about? She's my girlfriend that's all." Kinuha ko ang iniinom kong alak kanina at deretsong nilagok ko iyon. Napahinga ako ng malalim. "Really? So, it's okay if you share her to me?" Napatingin ako kay Leon. Masamang tinignan ko siya ng magpanting ang tenga ko. "You want to die, Leon?" tanong ko. "Ang labo mo, Bro. Hindi mo mahal pero todo bakod ka. Ano bang nangyayari sa isang Heartless Doctor natin?" sabi ni Daniel. Hindi na ako nagsalita. Umiling si Leon at tumayo. Hindi ko pinansin ito dahil hindi ko nagustuhan ang biro nito. "Bro, are you sure wala kang nararamdaman kay Soul?" tanong ni Cedric. "Stop asking, Ced. I'm not in the mood to answer all your question." I don't know what is Love. Basta alam ko gusto kong akin lang si Soul. Tumingin ako sa wrist watch ko dahil five minutes na ring wala si Soul. Kaya nilapag ko sa lamesa ang baso at tumayo ako. "Where are you going, Hammer?" tanong ng tatlo. Hindi ko na sinagot ang mga ito at nakapamulsa na tinahak ko ang daan patungo sa girl's bathroom. Pero napahinto ako ng makita si Leon at Soul. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang lumapit ang mukha ni Leon kay Soul. Agad na inilang hakbang ko sila at malakas na hinatak ko si Soul habang nakatingin ako kay Leon ng matalim. "What's the meaning of this? Leon, hindi ko akalain na manunulot ka ng hindi sa 'yo." "What? I'm just helping her--" Sinapak ko siya kaya napaupo siya, "I don't want to see your face, Leon! You are not my friend. Pinuputol ko na ang pagkakaibigan natin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay hinatak ko na si Soul. "Ano ba? Bitawan mo ako." Nagpupumiglas si Soul pero hindi ko pa rin siya binibitawan. Hinawi ko ang mga humaharang sa daan namin at walang akong pakialam sa reaksyon nila. Paglabas namin ng bar ay hinatak ko siya palapit sa kotse. Tinulak ko siya papasok at malakas na sinara ko ang pinto. Agad na sumakay rin ako. "How dare you to do that!" Tinignan ko siya at pinaandar ko na ang sasakyan. "Stop asking me! It's your fault!" galit kong sabi. - Sonata Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nitong si Hammer. Pero nakakakaba ang nararamdaman kong awra niya ngayon. Hindi ko na lang siya pinansin at inisip ko ang kaibigan niyang si Leon. I don't know but he's so familiar to me.. Para bang matagal ko nang nakilala. Napuwing ang mata ko kanina dahil nabangga ako ng babaeng naglalakad habang nagpapahid ng foundation sa mukha. Kaya ang alikabok ng foundation ang nakapuwing sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit nagwawala itong si Hammer. Ang sarap niyang patayin. Pagdating sa condo ay agad na akong bumaba. Napatingin ako sa paligid dahil kanina ko pa nararamdaman na merong nakasunod sa amin. Pero nawala ako sa pagtingin sa paligid ng bigla akong hatakin ni Hammer ng mahawakan niya ako sa braso. Ang higpit ng hawak niya kaya hindi ko maalis ang kamay niya. "Ano bang problema mo?" Pinagtitinginan kami ng mga taong nakakakita sa ginagawang paghatak sa akin ni Hammer. Nabigla ako ng malakas niya akong itulak papasok ng elevator. Pumasok siyang at lumapit sa akin. Tinignan ko sya ng matalim pero napahawak ako sa braso niya ng hawakan niya ang leeg ko ng mariin. "Ikaw ang nagsabi na girlfriend kita pero nagagawa mo agad na makipaglandian sa kaibigan ko." mariin niyang sabi. Hindi ako makahinga kaya sinubukan ko siyang itulak. Nang magawa ko ay agad na lumabas ako ng elevator ng bumukas ito. Nilingon ko pa si Hammer at mabilis na naglakad ako ng makita ko ang pagsunod nito. Pagtapat sa condo unit ko ay kinuha ko ang susi pero agad na nabitawan ko ito ng malakas na iharap ako ni Hammer sa kanya at isandal sa pinto. "Ayoko sa lahat ng niloloko ako." aniya at nanlaki ang mata ko ng sakupin niya ang labi ko. Humawak ako sa dibdib niya at pilit ko siyang tinutulak. Hinawakan niya ako ng mariin sa batok at sa isang kamay kaya ginamit ko ang paa ko at sinipa ang pagkalalake niya. "Bullshit!" daing niya kaya agad na pinulot ko ang susi at muling binuksan ang pinto. Pero napadaing ako ng pigilan niya at buhatin ako habang nakahawak siya sa baywang ko. Dinala niya ako sa pad niya pero agad ko siyang siniko sa mukha kaya medyo lumuwag ang hawak niya. Ginamit ko iyong pagkakataong iyon para makawala. Sinipa ko siya sa mukha kaya bumagsak siya sa sahig. Napahawak ako sa leeg ko dahil pakiramdam ko ay ramdam ko pa rin ang pagkasakal niya. Hahakbang na sana ako paalis ng bigla akong matalisod ng sipain niya ang paa ko. "Ipapakita ko sa 'yo kung sino ang kinakalaban mo, Soul." Binuhat niya ako at sinampa sa balikat niya. s**t. Hindi niya dapat malaman na may baril ako. Kaya kinuha ko ang dala niyang baril na nakasuksok sa pantalon niya. "Ibaba mo ako." sabi ko habang nakatutok ang baril niya sa likod niya. Napahinto siya at binaba ako, "Give back my gun. That gun is not a toy, Soul." Utos niya ng seryoso. Umatras ako, "Hindi ko ibibigay ito hanggang hindi ka umaalis sa harap ng pinto." banta ko. Tinignan niya muna ako bago siya umalis sa harap ng pinto. Kaya lumakad ako habang nakatutok sa kanya ang baril niya. Nang makalapit ako sa pinto ay agad na lumabas ako. Patalikod na lumakad ako dahil sumunod siya. Kaya nakatutok pa rin sa kanya ang baril. Nang makalabas ako ay binitawan ko ang baril niya at sinara ang pinto. Agad na pumunta ako sa condo ko at pumasok. Ni-lock ko ang pinto. Inalis ko ang baril sa hita ko pati ang suksukan nito. Tinago ko sa halaman. Napabuntonghininga ako at naupo sa sofa. Napahawak ako sa leeg ko dahil ramdam ko pa rin ang kamay niya. May sa demonyo pala ang Hammer na iyon. Nagagawang manakit ng babae. Tsk. Tumayo na ako para magpalit ng suot pero napahinto ako dahil may naamoy ako na parang usok. Napatakip ako ng bibig at hinanap ang switch ng ilaw. Pero napaubo ako sa lakas ng amoy ng usok. Unti-unti akong napapikit at nag-blurred na ang paningin ko pero kita ko na may isang lalake na humawak sa akin. Nanghihina ako pero pakiramdam ko ay humahawak sa akin. "Hmm.." "That's right. Moan for me.." Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Parang gumigising ang isip ko pero hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi init at pagkamanhid. Unti-unti akong dumilat pero malabo ang nakikita ko. Napaungol ako sa sakit ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kung bakit hinahanap ng katawan ko ang binibigay ng estrangherong na ito na sarap. Napakuyom ako ng mga kamay habang nanginginig ako at hindi ko mapigilan na hawakan ang katawan nito habang gumagalaw ito sa ibabaw ko. "You are mine.. You'll never stop me." bulong ng lalake at napahalinghing ako ng sakupin nito ang labi ko. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin. Parang kusang sumusunod ang katawan ko sa lalakeng ito. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng magdilim muli ang paningin ko. "Soul.." Unti-unti akong napadilat at malabo ang nakikita ko. Pero habang tumatagal ay lalong lumilinaw. Napakuno't noo ako ng makita ko si Abe. Napaupo ako pero napangiwi ako sa sakit ng katawan ko at p********e ko. "Ayos ka lang, Soul?" Tinignan ko si Abe. Inisip ko ang nagyari. Ang alam ko ay tinakasan ko si Hammer at nagpunta ako condo ko. Pero hanggang doon lang ang naalala ko. Napasabunot ako sa buhok ko dahil gusto kong maalala ang isang bahagi ng eksena ngunit hindi ko maalala. "Soul. Hey, ayos ka lang." "Anong nangyari?" tanong ko at hindi nagpahalata kay Abe na meron akong iniisip na hindi ko naman maalala. "Wala.. Ginigising kita dahil tulog ka pa.. Ano bang nangyayari sa 'yo?" Napatingin ako sa suot ko pero ito pa rin ang suot ko kagabi. Hinawi ko si Abe at bumangon ako sa kama. Lihim na napangiwi ako at napahawak sa table dahil nanghihina ang mga paa ko at masakit ang p********e ko. Gusto kong maiyak dahil hindi ako pwedeng magkamali. Agad na nagtungo ako sa banyo at tinignan ko ang sarili ko. Bakas ang sakal ni Hammer sa leeg ko. Hinubad ko ang dress ko at panty ko. At tuluyan akong napaluha ng makita ang dugo sa panty ko. Napahawak ako sa lababo at inisip kung sino ang nag-droga sa akin para mawala sa sarili. At kung sino ang namantala sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko. Napahinto ako. Si Abe kaya? Pero wala akong ebidensya. Alam ko na sinara ko ang pinto kaya paanong makakapasok si Abe. Napaiyak ako habang diring-diri sa sarili ko. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Dapat ay ginagawa ko ang misyon ko pero bakit tila ako ang napaglalaruan. "Soul, are you okay?!" "Leave me alone, Abe!" sigaw ko at hinawi ang mga gamit sa lababo. Nanghihina na napaupo ako at hindi ko mapigilan na mapahagulgol na ngayon ko lamang nilabas. Tuwing sasaktan ako ni Papa ay hindi ako umiyak o humagulgol pero ngayon ay hindi ko mapigilan dahil hindi ko alam kung sino ang lumapastangan sa katawan ko. Napasandal ako sa pader at napayakap sa sarili ko. Napadukdok ako sa tuhod ko habang inaalala ang maaari kong maalala. Pero kahit anong gawin ko ay wala. Lumipas ang ilang oras na pag-iyak hanggang sa tulala akong naglinis ng katawan. Nagbihis ako at agad na lumabas ng kwarto. Pupuntahan ko ang cctv ng condo na ito at kapag nakita ko kung sino ang pumasok ay hindi ko mapipigilan ang sarili ko kundi ang patayin ito. Pagbukas ko ng pinto ng condo ko ay napaidtad pa ako ng bumungad si Hammer. Nakangiti ito hindi katulad kagabi na galit na galit. "Mabuti't lumabas ka rin. Do you remember anything?" Napakuno't noo ako at bigla kong naisip na siya kaya ang gumalaw sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hahatakin ko sana paalis sa pagkakahawak niya ngunit mahigpit niya iyong hinawakan at hinalikan ang kamay ko. "I'm sorry for hurting you last night. Hindi ko lang mapigilan na gawin iyon dahil akala ko niloloko mo ako." "Pumasok ka ba ng unit ko?" malamig kong tanong. "No, why?" Napaisip ako. Kung hindi si Hammer ay sino ang pumasok ng room ko? "May dapat ka bang sabihin sa akin, Soul?" Napatingin ako kay Hammer na hinawakan ako sa baba. Nakangiti pa rin siya na nakakapanibago. Madalas ay malamig o nakangisi siya pero ngayon ay lubos ang ngiti niya. Umiling ako at inagaw ko ang kamay ko sa kanya. Nilagpasan ko siya para magtungo sa department ng condominium. Pero napahinto ako at napatingin kay Hammer ng pigilan ako nito. Lumapit sya sa akin at tinignan niya ako ng mabuti. "Don't provoke me again, understand? You don't know what I can do. Kapag nakita kitang lumandi muli sa iba ay patay ka sa akin." banta niya pero nakangiti siya. Inagaw ko ang braso ko at tinignan ko siya nang tumalikod na siya para bumalik sa condo unit niya. Pero bago siya tumalikod ay kita ko ang pagngiti pa rin niya. Hindi ko siya mabasa at inaamin ko na mas nakakatakot ang mga taong madalang ngumiti pero ngayon ay nakakangiti ng matagal tila ba merong nangyari na hindi ko alam. © MinieMendz
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD