Chapter 36

2262 Words

Pupungas-pungas ako nang magising ako kinabukasan. Naalimpungatan lang ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko, partikular ang bagay na nasa gitna ng mga hita ko. Nanunuot iyon hanggang sa kaibuturan ko. Mariin akong napangiwi. Maging ang ulo ko ay masakit din, kumikirot at parang binibiyak ito sa dalawa. Sinapo ko iyon, hinilot din para ibsan ang sakit ngunit hindi man lang nabawasan. Dahan-dahan akong nagmulat. Naroon pa rin ako sa unit ni Brandon, pero si Brandon ay wala na sa tabi ko. Kung nasaan siya ay hindi ko alam. Hindi na ako nag-abala pang hanapin siya at baka nasa labas lang ito. Hirap akong umahon mula sa pagkakahiga sa kama. Napansin kong bukod sa suot kong panty ay nakasuot na rin ako ng damit— iyong white button down shirt ni Brandon kagabi. Saglit akong natigilan at b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD