"Venice," puno ng pagbabanta ang boses na iyon ni Brandon. Nilingon ko ito sa gilid ko. Naroon siya sa driver's seat at abala sa pagmamaneho kahit pa na katawagan nito si Ate Venice. Lumarga na kami sa ganap na alas nuebe ng gabi para umuwi, para rin kahit papaano ay may oras pa kaming makapagpahinga mamayang madaling araw. Nauna na ring umuwi ang mga katrabaho ko, roon pa rin sila sa sinakyan naming bus. Hindi na nila ako hinanap, kaya nalaman ko na alam na nilang kay Brandon ako sasabay umuwi. Marahil ay nasabi na rin ni Sir JC sa iba pa naming TL at manager. Hindi ko lang alam ang mga naging opinyon nila. Hindi rin ako sigurado kung paanong pakikitungo ang gagawin nila sa akin bukas. Marami ang dismayado sa akin, kaya rin ay inihahanda ko na ang sarili. Mayamaya ay narinig ko ang pa

