"Now, tell me, what's the problem?" Dinig kong pagtatanong ni Brandon na siyang naroon sa gilid ko. Saglit ko siyang nilingon, bilang sagot naman ay umiling lang ako. Ngumiti rin ako bago inabala ulit ang sarili sa kinakaing isang tub ng chocolate ice cream. Napangalahatian ko na iyon, ibig sabihin ay kanina pa siya naghihintay sa sagot ko. Narito kami ngayon sa isang convenience store. Sinabi ko kay Brandon na nagugutom ako kaya ako umiiyak kanina, which is totoo naman dahil hindi ako kumain ng break time. Pero ayaw niyang paniwalaan. Akala niya siguro na kapag nakakain na ako ngayon ay sasabihin ko na, pero buo ang loob ko na huwag na lang banggitin sa kaniya. Maliit lang kasi na bagay. Ayoko nang palakihiin pa. Ayoko na ring mamroblema pa siya sa ganoong walang kwentang bagay. "Just

