"Mag-usap tayo," matigas kong pahayag na gaano man ako hinihingal sa kaninang pag-akyat ay umakto akong normal lang. Tangkang isasarado pa ni Brandon ang pinto sa harap ko ay kaagad ko iyong napigilan. Iniharang ko ang isang kamay sa pagitan nito. Nang makita niya iyon ay mabilis din siyang napahinto. Katulad noong hapon na nakipaghiwalay siya sa akin ay ganoon pa rin ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Malamig at parang hindi ako kilala. Seryoso ang mga mata niyang tinitingnan ako na para rin bang isa akong out of the world species. Siguro nga ay ang pangit ko na ngayon sa paningin niya. Nakakasuka nga marahil ang itsura ko. Maiitim na eyebags at malalamlam na mga mata. Dala ng ilang beses akong nagbiyahe ay aware akong gulu-gulo na ang buhok ko. Wala na rin sa ayos ang damit ko. Nas

