Hindi ko alam kung ilang oras akong walang malay. Nagising na lang ako nang kumirot ang ulo ko, unti-unti ay nagdilat ako ng mata. May kadiliman man din ang lugar kung nasaan ako ay madali kong nalaman na nasa isang kwarto ako. Kaagad akong nagpalinga-linga, maliit lang iyon na kwarto na para bang dating bodega. Mula pa sa nakabukas na pinto ay sumisilip doon ang mumunting ilaw para magsilbing liwanag sa loob nito. Gumalaw ako ngunit mabilis ding napadaing nang matantong nakatali sa likod ko ang dalawang kamay ko. Mariin akong napapikit, ginalaw ko rin ang mga paa ko pero ganoon na lamang ang pagngiwi ko nang pati iyon ay nakagapos din. Dumilat ako. Nakaupo ako sa isang silya kung kaya ay para akong uod nang pilitin kong gumalaw. Ilang pag-inda ang nagawa ko, nang mawalan ng lakas ay na

