Chapter 55

2338 Words

"Ang baby ko..." bulong ko habang patuloy sa mahinang pag-iyak. Kalaunan nang maramdaman kong dahan-dahan akong umaangat sa ere. Binuhat ako ng lalaking iyon sa paraang bridal style, kung saan pa ay punung-puno ng pag-iingat ang bawat galaw. Ramdam ko ang pagyakap niya sa katawan ko, rason para mapasandal ako sa kaniyang dibdib. Sa tindi ng emosyon ko ay hindi ko na nagawang magmulat para tingnan ito, tila ba lahat ay baliwala sa akin. Wala akong pakialam kung sa paglabas namin ng kwarto ay humandusay kami bigla dahil dinig ko pa rin ang patuloy na pagpapalitan ng bala. Hindi ko alam kung sino ang mga nandito para sagipin ako ngunit pati iyon ay hindi ko na inisip pa. Lahat yata sa akin ay masakit ngayon, ang katawan ko, ang puso ko, na pati ang utak ko ay hindi na rin makapag-function

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD