Palagi kong naitatanong sa sarili— bakit? Sa dami ng tao sa mundo, bakit kaya ako pa iyong napili para parusahan ng ganito? Paulit-ulit kong tanong; may nagawa ba akong mali? Masama ba akong tao? Ganoon ba ako makasalanan para iparanas ang mga ganitong bagay? Sobra pa sa masakit. Durog na durog na iyong puso ko. Tuyung-tuyo na rin ang katawan ko sa paulit-ulit kong pag-iyak. Nagmahal lang naman ako 'di ba? May mali ba roon? Kasalanan ba iyon? Alin ba ang tama sa mali? Alin ba sa nagawa ko ang mali na pwede ko pang itama? Mayroon pa ba? O baka lahat na ng ginagawa ko ngayon ay purong kamalian na? Wala na kasi akong maintindihan. Kahit anong pilit kong pag-intindi sa nangyayari, bandang huli ay masasaktan lang ako. Pinipilit ko naman na maging okay, pero paano ba gayong paulit-ulit di

