"I'm warning you, it hurts so much." Ang katagang iyon galing kay Kuya ang nagpapapigtas ng konsensya ko. Alam ko naman iyon, ngayon pa nga lang ay nasasaktan na ako. At hindi ko rin naman talaga kayang malayo kay Brandon. Kinabukasan, inabala ko ang sarili sa trabaho. Tahimik lang ako sa pagkakaupo ko habang nakatutok sa screen ng computer. Pasado alas kwatro na ng hapon. Kaunting oras na lang ay mag-uuwian na. Panay pa ang tingin ko sa orasan mula sa computer. Kasabay nito ay ang paglanghap ko ng hangin, tila ba pilit pinupuno ang dibdib kong naghihingalo. Wala pa man ay para na akong mahihimatay. Kanina ko pa ito pinaghandaan, na kung sakali man nga na magkita kami mamaya ni Brandon ay mag-uusap kami. Pero ngayon pa lang ay nawawala na ako sa sarili, excited ako pero napapangunahan

