Chapter 34

2268 Words

Sa ganap na alas siete ng gabi ay magkakasama naman kami ng mga katrabaho ko sa labas, hindi kalayuan sa dalampasigan. Malapit lang din sa Hotel kung saan ay may malaking puno sa likod namin bilang silong namin. Madilim ang kalangitan, pero ganoon na lamang magliwanag ang buwan na siyang nagre-reflect sa karagatan ng Isla Mercedes. Mahina at banayad ang mga alon na humahampas sa dalampasigan, kasabay ng tunog nito ay ang mga huni ng ibon. Maliban sa ingay ng paligid ay umaalingawngaw din ang malalakas na tawanan sa banda namin. Nakapabilog kami habang nakaupo, samantala ay mayroong bonfire sa harapan namin na nagsisilbi ring init dahil nga malamig ang simoy ng hangin. Tapos na kaming kumain at ito nga ang sumunod na ganap. Wala sa sarili nang yakapin ko ang dalawang tuhod ko at saka pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD