Kinaumagahan nang magising ako. Umaga na base sa nakikita kong liwanag mula sa malaking glass window ng unit. Kaagad kong nilingon ang orasan at natantong alas singko na ng umaga. Wala sa huwisyo nang manlaki ang mga mata ko. Dala ng adrenaline rush ay napaahon ako sa pagkakahiga ko dahilan para malaglag ang kumot na nagtatabon sa dibdib ko. Mabilis ko rin naman iyong kinuha para takpan ulit ang dibdib, rason naman para lumitaw ang isang braso sa bandang tiyan ko. Tinalunton ko ang kahabaan ng braso na iyon at nakita si Brandon sa tabi ko. Kagaya ko ay wala rin siyang suot pang itaas, kaya litaw na litaw ang kaniyang braso. Nakatagilid siya ng higa kaya pati ang likod niya ay natatanaw ko. Pansin ko ang may kalakihang tattoo niya roon, dragon tribal tattoo. Itim na itim iyon at literal

