SPG. Hindi pa man ako nakakabawi sa hanging nawala sa akin ay kaagad din akong binuhat ni Brandon mula sa sink. Ang dalawang hita ko ay ipinulupot niya sa kaniyang baywang habang akap naman niya ang katawan ko bilang suporta. Dala ng panghihina ay hindi na ako nakaimik pa o nagreklamo, bagkus ay madali ko ring inilingkis ang mga braso sa balikat niya para suporta na hindi ako tuluyang mahulog. Gaano man din nawawala pa sa ulirat ay nagagawa kong suklian ang maliliit na halik ni Brandon sa akin. Pareho kaming tahimik na habang ginagawa iyon ay naglalakad siya. Naramdaman ko ang pagbukas nito ng pinto at deretsong lumabas ng banyo. Sa mismong kwarto niya ay medyo madilim dahil tanging lampshade na lang ang natirang nakabukas na ilaw at nagsisilbing liwanag sa apat na sulok ng kwarto. Hum

