Alam niyo 'yung nakakahiya? Iyong nasa penthouse na kami no'ng una, pero sa kotse pa namin ginawa! Oo, ngayon lang ako nahiya! Ngayon lang ako tinablan ng kahihiyan sa katawan! Aba, malay ko ba! Malay ko ba na gaganunin ako ni Brandon? Like, hindi ako nakapaghanda. Hindi ako ready. Nang maalala ulit ang nangyari kanina ay muli na namang uminit ang pisngi ko. Para akong napapaso at ramdam na ramdam ko pa rin ang init sa buong katawan ko. Bumabalatay iyon hanggang sa kaugat-ugatan at balun-balunan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa namin iyon ni Brandon. Parang panaginip lang kasi iyon sa utak ko at ayokong paniwalaan dahil mababaliw ako. Pero hindi! Totoo iyon, totoo! Wala sa sarili nang napahawak ako sa magkabilaan kong pisngi, kalaunan nang sapuin ko ang mukha at parang kiti-

