Sa biyahe paalis ng bar ay tahimik si Brandon. Hindi siya nagsasalita. Tanging ang galit niyang mga mata lang ang nagsasabi ng nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Rason din iyon para maging tikom ang bibig ko buong biyahe. Ayokong pati sa akin ay magalit siya. Aware naman ako na may parteng mali ako sa nangyari. Una, sana ay hindi na kami nanatili roon. Hindi ko na sana inisip pang mag-stay nang matagal at umalis din kaagad matapos ang natamong pang-aasar kay Brandon. Masyado akong naging insensitive. Kaya ngayon ay literal nang nagalit si Brandon. Hindi lang pang-aakusa at masasakit na salita ang natanggap niya sa mga katrabaho ko, pati na rin ang dalawang beses na sapak galing kay Janno. Napahinga ako nang malalim. Tila may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo

