Kung hindi ko ba siya nakita kanina sa itaas ay wala siyang balak na umuwi? Dito lang ba siya hanggang sa tumila ang ulan? O hanggang sa mag-umaga? Late na rin pala para batiin ko pa siya at hindi rin ako sigurado kung tama bang binati ko pa siya ng ‘happy birthday’ gayong nakikita ko naman na hindi siya masaya. Pareho naman kaming hindi masaya. Sa sinabi ko pang iyon ay hindi siya nagsalita. Natulala na lang ito sa mukha ko, naninimbang ang mga mata. Marahil ay naguguluhan dahil matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa, sa lahat ng masasakit na dinanas namin— kung makapagsalita ako ay parang wala lang. Actually, hindi ko rin alam paano nangyari. Kahit sa sarili ko ay hindi ko malaman kung papaanong nakaharap ko si Manong Guard nang hindi natatakot. Lalo pa si Brandon na a

