"Brayleigh," pagbuntong hininga ko sa pangalan nito. She's my ray of hope. A bright star on a cloud day— Brayleigh Ortiz. Napangiti ako nang malingunan ko siya. Matapos kong kunin ang tinimpla kong gatas ay deretso ko itong dinaluhan. Marahan akong naupo sa gilid niya at muli siyang hinainan ng paborito niyang spaghetti. Doon ay dumoble ang pagkakabungisngis niya. She's five years old, katatapos lang ng birthday niya kahapon. Kaya itong spaghetti na nilalantakan niya ngayon ay sinadya kong itabi para sa kaniya. Sa edad niya ring limang taon ay kaya na niyang i-handle ang sarili nang mag-isa, madalang na lang kung tawagin ako nito para humingi ng tulong. Madalas pa nga ay talagang hindi na ako nito tinatawag. Katulad ngayon na hindi na niya kailangan pang magpasubo sa akin, na sa bawat

