Chapter 42

2383 Words

Kaagad kong tinakpan ng kumot ang katawan, huli na para ma-realize na nakasuot na ako ng damit. Nananatiling gulat ang reaksyon ko, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari ngayon. Galit na galit si Kuya, kitang-kita ko ang nagbabagang apoy sa parehong mata niya habang mariing nakatitig kay Brandon. Samantalang tahimik naman si Ate Venice sa likod niya, nakatanaw lang sa amin. Nang magpang-abot pa ang tingin namin ay malungkot lang siyang ngumiti na para bang maging siya na asawa ni Kuya Leo ay wala nang magagawa pa. Mariin akong napalunok bago ulit nilingon si Brandon. Wala itong saplot pang-itaas pero sigurado ako na may suot na siyang boxer shorts. Siguro ay nagising siya kaninang madaling araw para bihisan ako at ganoon din siya. Hindi ko namalayang alas nuebe na pala ng umaga at paa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD