"So, marunong kang mag-tattoo?" bulalas ko kay Brandon habang maiging pinagmamasdan ang isang needle na naroon sa kaniyang drawer. Nandito kami sa kwarto, sa penthouse pa rin. Kanina pa kami natapos kumain. Nakaligo na rin siya. Samantalang sa paghihintay ko sa kaniya ay natagpuan ko itong ilang kagamitan sa pagta-tattoo. Kaagad kong nilingon si Brandon nang maramdaman ang presensya niya sa likuran ko. Basa pa ang buhok nito na siyang pinupunasan niya ng maliit na bimpo. Nakatapis lang din ang pang-ibabang katawan niya ng kulay puting tuwalya. Wala sa sarili nang umawang ang labi ko, kapagkuwan ay napakurap-kurap. Tanaw na tanaw ko ang mamasa-masa niyang dibdib, pati ang kaniyang abs hanggang sa V line nito na parang ang sarap hawakan. "Yeah," namamaos na sagot ni Brandon dahilan para

