Chapter 17

2330 Words

"May I see your room?" Ang baritonong boses na iyon ni Brandon ang lumalabas sa speaker ng cellphone ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya sa screen. Anong oras na ngunit heto at ayaw yata niyang tapusin ang pag-uusap namin. Madali rin siyang umuwi kaninang hapon. At heto nga at magdamag na yata kaming magkausap sa videocall. "Bakit?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ko malaman kung para saan. Natawa naman ito. "I just want to take a look... kung tama ba ang pagkakarinig ko kanina sa Mommy mo." "Ano 'yon?" Hindi ko maintindihan. Alin ba roon sa pinag-usapan namin ni Mommy? "Na maraming mukha ng lalaki ang nakapaskil diyan sa dingding ng kwarto mo." Nakita ko ang pagseseryoso ng mukha ni Brandon. Kahit halata ang antok sa mga mata niya ay hindi niya iyon ipinapakita sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD