Hindi nagtagal nang makita kong huminto ang kotse ni Brandon sa tapat ng Black Alley. Dinaanan namin 'to kanina sa A&D parking lot. Matapos niyang magtanggal ng seatbelt ay ura-urada rin siyang bumaba. Marahil para maabutan ang pagbaba ko, o 'di kaya ay para pagbuksan ako ng pinto. Dali-dali ko ring tinanggal ang seatbelt ko. Kasunod naman nang paghubad ko sa suot kong sweatshirt at saka iyon saglit na itinago sa back's seat. Sakto naman nang bumukas ang pinto sa gilid ko. Maagap akong lumabas at hinarap si Brandon kung saan ay kulang na lang na lumuwa ang dalawa niyang mata. Laglag ang panga niya habang hindi makapaniwalang pinagmamasdan ang suot ko. Isang beses niyang nilingon ang kinauupuan ko kanina at malamang na iniisip niya kung saan ko inilagay iyong sweatshirt ko. Balak niya si

