WARNING: malalang SPG. "Tangina mo, Brandon!" singhal ni Kuya Leo, kapagkuwan ay walang habas na sinuntok si Brandon sa kaniyang panga. Hindi iyon inasahan ni Brandon dahilan para ilang beses siyang napaatras sa pagkakatayo nito. Kaagad niyang hinawakan ang panga at gulat na tiningnan si Leo na ngayon ay akala mong tigre na lalapa ng buhay. "Ano 'to?!" muli niyang sigaw. "Nagpo-propose ka nang hindi ko alam? Nagplano ka nang hindi man lang kumukonsulta sa akin?!" Wala sa sarili nang mapakamot si Brandon sa kaniyang batok, tila nahihiya sa ginawa. Ganoon pa man ay nananatili ang paninindigan niya, hindi pa rin natatakot sa galit ni Kuya. O kahit ang masindak man lang. Mas nakakatakot pa nga ang pagkakatiim bagang niya. "Biglaan lang kasi 'to, naisipan ko lang kaninang umaga na mag-prop

